SA halip na sa elevator ay sa fire exit niya dinala ni Theo. Binitiwan lang niya nang makapasok sila sa isang pinto roon. Nakatalikod siya rito. Maliban sa nakasulat na pulang tintang numero 7 sa puting pader sa gilid ng pinto ay may hagdanan pababa at paakyat ang unang makikita. Maririnig ang pagsagap nila ng hangin ng mga sandaling iyon.
"Soto, nandito lang ako." Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya.
"Isang taon din kami. Alam mo?" Pilit niyang hinahagilap ang tamang mga salita. "Naging kami sa loob nang isang taon pero hindi ko alam na aabot sa ganito." May luha na sa mga matang humarap siya kay Theo. "Sorry, nagsinungaling ako."
"Hindi." Umiling si Theo. "Nag-iingat ka lang naman, e. Hayaan mo tulad nga ng sabi ko, nandito lang ako. Halika nga rito." Marahan nitong pinapahid ang luha niya. Nakatitig siya rito. Ang mama niya ang naalala sa ginagawa nito.
"Halika rito, iyaking anak ko. Hayaan mong ang mama ang pumunas ng mga luha mo." Sa ganoong mga kataga siya napapatahan ng ina. Mula sa alaalang iyon ay napayakap siya kay Theo.
"Thank you."
Hinaplos siya nito sa likod. Naging pababa ang galaw ng kamay nito. Papunta iyon sa bahagi ng puwetan niya. Pinipisil nito iyon na naghahatid ng kakaibang sensasyon. Dinadama nito ang pisngi roon. Nangilabot siya. Nakukuryente.
"T-Theo, ano 'tong ginagawa mo?"
"Shhh... Saglit, hayaan mo lang ako." Idiniin nito ang sarili sa kanya. Sininghot siya sa leeg. "Ang bango mo talaga," at pagkatapos dinalaan. Naitakip niya sa bibig ang hawak na basahan.
"Okay ka ba sa ganito?"
Hindi niya iyon sinagot. Nagpatuloy rin naman ito sa ginagawa. Pinagsal-itan nitong pisilin iyon. Tila may hinahanap at sa pagkakataong iyon ipinasok na nito ang kamay sa loob ng pantalon. Mainit. Napasagap siya ng hangin.
Satisfying! Hindi. Kulang pa. Gusto pa niya ng higit doon. Gusto niyang magsalita. Gawin mo 'to. Gusto ko 'yan. Sige pa. Pero bago pa man niya nasabi ay nakarinig na sila ng mga yabag. Noon siya nito itinulak. Tila ba natauhan.
"Sorry."
Hindi siya nagsalita. Dinampot na niya ang ibang puwedeng dalhin kasama ng basahang hawak pa rin. Dali-dali siyang umakyat. Walang lingon-lingon.
"BAKIT diyan ka galing? Ano 'yong pinapalinis ko sa inyo ni Theodore, tapos na ba?"
Isang hakbang na lang sana pero dahil sa naulinigan ay napayukod siya. Makikinig lang muna siya roon.
"Soto! Kinakausap kita. Gusto mo yata ng parusa. Tandaan mong may kasalanan ka pa."
"Sorry ho."
"Dalhin mo sa table ko ang lahat ng koleksiyon mo at nang masunog ko."
"Huwag naman boss. Sayang. Iuuwi ko na lang lahat sa bahay, please."
Napangiti siya sa naging tugon ni Soto. Inaalala talaga nito ang mga iyon. Ibang klase, sa isip-isip niya.
"O, siya. Dahil mabait ka at pumayag sa gusto ni Miss Clare, sige pagbibigyan kita."
Ewan niya pero bigla niyang nakuyom ang kamao. Isa lang ang sigurado, may kinalaman ang manager sa hiwalayang Clare at Soto. Pero ang ipinagtataka niya, hindi nito pinatalsik ang dalawa. Mukhang mabait ang boss nila ngayon.
Tumunog ang elevator kaya alam niyang nakaalis na si Sir Tim. Doon na siya tumayo at humakbang palapit kay Soto na napatda lang sa kinatatayuan.
"Ayos ka lang ba? Sorry kanina."
Luminga ito sa kanya. Nakangiti at nag-thumbs up. "Okay lang iyon. Naiintindihan ko namang baguhan ka pa lang."
Baguhan? Napaawang pa ang bibig niya hanggang sa maintindihan iyon. Nagmadali tuloy siyang pumasok sa utility room. Nagpapalipas muna siya roon.
"Ilibre kitang lunch mamaya. Wait mo 'ko ha," narinig niyang pahabol nito.
NANG sumapit ang tanghalian sinadya niyang magpahuli. Naging abala kasi siya sa selpon dahil sa kaka-browse ng porn. May pinag-aaralan siya at doon halos naubos ang oras niya. Pagbaba niya, wala na tuloy siyang naabutang ulam sa karinderya. Wala siyang choice kundi magkasya sa cup noodles na order.
"Nagbaon ba si Soto? Wala pa kasi siya," nang susuklian na siya ng magandang tindera ay usisa nito sa kanya.
Natigil pa siya sa pag-ihip ng sabaw. Nag-hang din ang kaliwang kamay gamit niyang tagatanggap ng sukli. Naalala niya ang sinabi nito. Sabay dapat sila. Kung ganoon, hindi pa ito kumakain. Nakonsensiya naman siya. Baka hinihintay lang siya nito. Nagkasalisi lang sila.
Mabilis niyang tinapos ang kinakain. Hahanapin niya ito. Pero pagtayo niya ay saka niya ito namataan sa kabilang kanto. Nagsisindi ito ng yosi.
Mayamaya ay nakita niya itong kumaway kaya naman nilapitan na niya.
"Kumain ka na ba?"
Nahinto ito sa paghithit. "Hindi pa, ang tagal mo e!"
Gusto niyang mag-sorry pero hindi na lang niya sinabi. "Dahil late ako, ikaw na lang ililibre ko."
"Mabuti pa nga. Nakakagutom kaya 'yong ginawa natin kanina," mahina nitong sabi.
"Sabi mo baguhan ako," susog naman niya kahit hindi siya sigurado kung pareho ba ang nasa isip nila. At nang bigla itong tumawa ay noon na siya nag-assume.
"Aha! Alam ko na. Diyan tayo kumain." Itinuro pa nito ang kainang pulang bubuyog saka siya hinila patawid sa gawi roon. Hindi na siya nakaangal pa.
"Welcome to Jolli... Mr. Al---" bati ng guwardiya na hindi natuloy dahil sinenyasan niyang huwag maingay.
Kilala siya roon pero ayaw niyang magpahalata. Malaki ang pasasalamat niya kasi hanggang makaupo sila at dumating na ang order ay hindi nangahas mag-usisa ng kasama niyang si Soto.
"Magsabi ka lang kung gusto mong extra rice." Siya na ang nagbukas ng topic kasunod ng kagat sa cheeseburger na napili.
"Huwag kang mag-alala hindi ako ganoon kalakas kumain nito. Makakatipid ka sa akin."
Nahinto siya sa pagnguya pero hindi naman ito kinontra. Tumingin sa kinakamay nitong fried chicken. Sinundan niya ng tingin ang pagsawsaw nito sa gravy papunta sa pagsubo niyon.
"Sigurado kang iyan lang ang kakainin mo?" Itinuro pa nito ang hawak niya saka tumingin sa mga mata niya. "Oi!"
Natauhan siya. "Ha? A, oo, puwede na 'to." Ngumiti pa siya bilang pangungumbinsi.
"Sabi mo 'yan ha."
"Oo nga," pagkasabi niya niyon ay saka lang ito nagpatuloy sa kinakain. Siya naman tumingin na lang sa ibang direksiyon. Wala itong kaalam-alam na hindi talaga siya mapakali. Iniisip niya pa rin ang komento nito kanina. Na baguhan siya. A, habang tumatagal sumasama ang loob niya.
"Gago! Huwag mong maliitin ang first time ko."
"Ha?"
"Wala."