Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 17 - 17

Chapter 17 - 17

HINDI siya agad nakakilos. Nakatikom lang ang bibig niya. But Theo trying his best. Pinisil nito ang bahagi ng puwetan niya kaya naman napanganga siya. Noon nito malayang nasakop ang dako roon. Naghahanap. Sumipsipsip. At namalayan na lang niyang sumasabay na siya. Hindi. Hihigitan niya. Kumapit siya sa batok nito. Idiniin niya ang sarili para iparating na gusto niya ang nangyayari.

"Soto..." Habol ang hiningang kumawala ang binata. Napatitig ito sa kanya at pagkatapos biglang nanubig ang mga mata. Naalarma naman siya.

"Bakit? Not satisfied?"

"I'm happy."

Napangiti siya. Mukhang sa pagkakatong iyon ay nagkaroon ito ng puwang sa puso niya. Ang maganda pa nito masaya siya sa napagtanto. At kapag inalagaan iyon, alam niyang malaki ang chance na mahulog siya kay Theo. Nangasim ang sikmura niya sa naiisip. Tinampal-tampal pa niya ang sariling pisngi na nag-uumpisa nang mag-init.

"Soto, okay ka lang?" Sinilip siya nito. Hinuli pa nito ang kamay niya upang pigilin siya. "Huwag, baka mamaga 'yan! Ano bang nangyayari? Sabihin mo, Soto?"

"Kasalanan mo 'to! Magmula nang umamin ka, distracted na lahat ng sa akin. Hindi na 'to babalik sa dati. Ano nang gagawin ko ngayon?"

Hinalikan siya nito sa noo. "Don't worry. I will take care of you. I will always love you."

"Alam mo? Ang corny mo." Hinampas-hampas pa niya ito sa dibdib pero tumawa lang ang loko.

"Oh, that cute side... ayokong makita 'yan ng iba."

"Hindi ako ganito kay Clare." Napatakip siya ng bibig nang ma-realize ang sinabi niya. Tama. Hindi siya nag-iinarte ng ganoon sa dating nobyo. Siya itong pa-cool. Kontrolado niya ang bawat diskarte. Pero teka, ibig bang sabihin pagdating kay Theo handa siyang maging submissive? Nangilabot siya. No way!

"Ang swerte ko naman pala kung sakali."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tumingkayad siya. Kinuwelyuhan ito. Kailangan nilang magkalinawan. Ngayon na ngayon din. "Hoy, Theo bibigyan kita ng chance na i-date ako pero ako ang top."

"That depends." Ngumisi pa si Theo. Naaasar siya. Hindi siya papayag na hindi masunod ang gusto. That's the fact.

"Hindi mo nga akong kayang buhatin--- ah!"

"Sinong may sabi?" Binuhat nga siya nito na parang bagong-kasal. Heto at hindi niya magawang umangal. Nagtakip na lang siya ng mukha. Nahihiya siya sa kaartehan niya.

"Soto, huwag mo akong tinutukso. Sige ka, baka hindi lang halik ang magawa ko."

Hindi siya umimik. Hindi niya rin inalis ang kamay niyang ipinantakip sa mukha. Naghihintay lang siya sa kung anong susunod nitong gagawin. Hanggang sa maramdaman niyang lumapat ang likod niya sa malambot na bagay. Nasa kama na sila. Hindi siya binigo ng expectations niya.

"Soto, gagawin ko na..." paanas iyon. Nag-umpisa nang maglakbay ang kamay nito pababa. Nang matagpuan ang hinahanap, hinimas iyon nang buong pag-iingat. Napakislot siya nang dumako iyon sa loob ng shorts niya.

"Tama ba? Ganito ba? Magsabi ka kapag hindi ka komportable."

Hindi siya sumagot. Napaangat lang ang puwetan niya nang gawin nito ang taas-baba. Pinipigil niyang gumawa ng ingay. Sa pagtanggal niya ng takip sa mukha saktong nakatitig sa kanya si Theo. Tila nag-aabang sa kung anong sasabihin niya. Napangiti pa nga siya pero napanganga rin nang muli siya nitong laruin sa bahaging iyon.

"Huwag diyan. Huwag diyan, please..."

"Sigurado ka?"

Bibilisan. Babagalan. Paulit-ulit. Taas-baba. Hindi siya mapakali. Nawawala na siya sa sarili. Gusto niyang may gawin din. Tinaas niya ang t-shirt ni Theo. Dumila siya sa dibdib nito. Marahan siyang kumakagat-kagat doon. Nang hindi makuntento, pinagapang naman niya ang kamay papunta rin sa kaumbukan doon. Gusto niyang makipagpaligsahan. Ginaya niya ang ginagawa nito. Tiningala pa niya ang lalaki upang makita ang reaksiyon nito. "Nagugustuhan mo rin ba?"

Yinuko siya nito. Malalagkit ang tinging tumango. "I love you..." sabi nitong sinundan na ng mga ungol.

Ilang taas-baba pa sabay na nilang narating ang sukdulan. Pinunasan nila ang isa't isa. Hingal na hingal na tumihaya. Nang muling magtama ang paningin ay pareho pa silang napangiti. Mayamaya dinalaw na siya ng antok.

Nang magising wala na naman sa tabi niya si Theo. Umalis na naman siguro. Iritable siyang bumangon. Parang gusto niyang magalit. Nawala lang ang inis nang abutan itong nasa kusina. Nagluluto roon. Hindi muna siya lumapit. Humalukipkip lang siya sa tabi at nagmasid. May nakasukbit pang tuwalya sa balikat nito. Doon ito nagpupunas ng pawis.

"Wife, come here," paglinga nito sa kanya ay sabi.

"Wife? Ako?" Itinuro niya ang sarili.

Nang hindi niya sinunod ay ito na ang gumiya sa kanya papalapit doon. "Tikman mo itong chicken adobo ko." Hinipan pa nito ang nasa kutsara at saka isinubo sa kanya.

Pinagsamang maalat, at maasim na may kaunting tamis ang nalasahan niya roon. Iba sa recipe ng ate niya. "Nilagyan mo bang asukal?"

"Yup! Ano? Okay ba? Type mo ba? This is my first try." Niyakap pa siya nito mula sa likuran. Para itong nasasabik sa papuri niya.

"Sigurado ka ba talagang ipaparanas mo sa 'kin lahat ng first time mo?" Umikot siya para magkaharap sila. Inabot pa niya ang batok nito para siguradong sa kanya lang ito nakatingin.

"Oo naman. Wala naman akong ibang gusto kundi ikaw."

"Pangako ba 'yan?" Idiniin niya ang sarili rito. Napalunok pa ito ng laway at sunud-sunod ang pagtango. Ganyan nga. "So, hindi ka na rin niyan aalis sa tabi ko nang walang paalam?"

"Sorry, hindi na mauulit." Ngumuso-nguso pa ito kaya naman dinampian niya iyon ng halik. Hanggang doon lang sana ang kaso gumanti rin ito. Pero bago pa man iyon mauwi sa kung saan nagyaya na siyang kumain.

"Lunch muna tayo."

"Oh, oo nga pala." Tumawa pa ang loko. At naghain na ito sa mesa.

"Wait lang, kukumustahin ko lang si Papa. Baka inabot din ng baha ang mga 'yon." Tinakbo niya ang selpon sa kuwarto at bumalik din naman agad siya. Pagkaupo sa hapag, kinontak na ang ama. Walang sumasagot kaya tinext na lang niya. Sakto namang pumasok ang message ng ate niya.

Kakatawag ko lang kay Papa. Baha rin sa kanila pero okay lang naman daw. BTW, baka hindi ako makauwi jan, mas mataas ang tubig sa labas. Dito muna ako matutulog sa clinic. Magbonding muna kayo ni Theodore. Love you.

Napabungisngis siya kaya naman napatingin sa kanya ang kumakain na si Theo. Para hindi ito magtanong ipinabasa niya iyon.

"See? May permiso na mula kay Ate Su. Paano ba 'yan? Mukhang kailangan mo nang maghanda."

Napaawang siya. Heto at parang mga naglalaro na naman sa tiyan niya dahilan para mangasim iyon. Napapadalas yata at si Theo pa talaga ang dahilan. Ano kayang magiging reaksiyon nito kapag sinabi niya ang tungkol doon. Ganito rin kaya ang nararamdaman nito?

"Soto! That face again?"

"Ha? Bakit? Anong problema sa mukha ko?" Kinapa pa niya iyon. Kumagat-labi naman si Theo.

Nag-iwas na siya ng tingin. Sumandok na siya ng kanin at ulam. Itutuon muna niya ang atensiyon doon.