Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 23 - 23

Chapter 23 - 23

NAPAYAKAP siya sa sarili pagkapasok nila ng tindahang iyon. Napakalamig. Nakakangatal ng labi. Nakakanginig ng kalamnan. Pero nang maging abala ang paningin sa iba't ibang laruang naroon ay napalitan iyon ng pag-iinit. May nai-imagine na kasi siyang eksena lalo na nang dumako ang tingin niya sa vibrator na kahugis ng mikropono. Masarap siguro iyon gamitin sa nipples ni Theo.

"Gusto mo ba 'yan?" ang tanong nitong ikinagulat man pero maagap naman niyang tinanguan. Inabot pa nito iyon. Tinignan na tila ba pinag-aaralan. Pangiti-ngiti rin ang binata. Kinakabahan tuloy siya.

"P-Pero masyadong malaki. Baka magtaka si Ate kapag nakita 'yan."

"Oo nga pala, dapat doon tayo sa hindi madaling makita pero puwedeng dalhin anytime, anywhere," pagsang-ayon nito bago ibinalik ang item sa pinagkuhanan. Matapos niyon, nakangiti siyang binalingan. "Ano sa palagay mo, wife?" Napalunok siya. Hindi dahil wala siyang maisip i-suggest kundi dahil hindi niya kinakaya ang kislap sa mga mata ni Theo. Nae-excite man ito o sinusubukan siya ay hindi tiyak. Sasabihin niya ba rito ang totoo na hindi pa niya nasubukan ang alinman sa mga iyon?

"I-Ikaw... ikaw na ang bahala." Pagkasabi lang niyon. Lumapit na ito sa lalaking bantay sa kaha at pagbalik nito may dala-dala ng maliit na supot.

"Tara! Sa iba naman tayo." Hinawakan na siya nito sa kamay. Hindi siya nangahas magtanong. Hindi. Ayaw niyang alamin kung anong nabili nito.

Isang parke ang sumunod nilang pinuntahan. Naghanap lang sila ng malilim na puwesto saka naupo. Nang magutom noon lang nila naisipang lantakan ang take out na dala. Pagkatapos niyon, balik na naman sa paglakad-lakad. Nahinto lang nang tumapat sila sa isang bridal shop.

"Wife..." Inakbayan siya nito. "Parang gusto kitang makitang magsuot ng ganyan." Itinuro pa ang tinutukoy. Napaawang tuloy siya. Paano ba naman, wedding gown ang isa sa mga naka-display roon. Sobra pang haba. Iniisip pa lang niya nabibigatan na siya. Pero teka nga, nakakahalata na siya sa mga trip nito. Gusto na niyang magreklamo.

"Huwag mong sabihing gusto mo ring i-try diyan?"

Napabungisngis si Theo. "Kung pagbibigyan mo ako." Sinilip pa siya nito. "Please, kahit ngayon lang... kahit isang beses lang." Napipilan siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Hinila na lang niya ito papasok doon. Bahala na.

Isang may edad na babae ang naabutan nilang abala sa harap ng sewing machine.

"Hello, Madam! May gusto po sana akong ipasukat sa kasama ko."

Napaangat ito ng tingin. Napahinto rin sa ginagawa. "Kayo pala 'yan, Mr. Alcanza." Tumayo na ito at magiliw na lumapit kay Theo.

Ibinaling niya naman ang tingin sa ibang direksiyon. Isinantabi muna niya ang pagtataka. Hinayaan muna niya ang nobyo sa kung anumang pinaplano nito. Nanatili lang siya sa isang tabi. Namalayan na lang niyang limang damit pangkasal ang ibinalandra ng babae sa harapan niya.

"Okay na ba ang mga ito?" sabi pang matamis ang pagkakangiti.

"Thank you, thank you. Ako na pong bahala."

Bumalik na nga ang babae sa puwesto nito. Noon din siya nilapitan ni Theo at iginiya sa isa mga nakahilerang puting gown. "Try this one."

Sunud-sunuran niyang kinuha ang isa roon at saka walang imik na pumasok sa fitting room. Hinubad niya ang t-shirt at pantalon saka pinag-aralan ang mahabang kasuotan. Nang malaman kung saan ang harap at likuran ay noon lang niya isinuot. Sakto iyon na para bang ginawa talaga para sa kanya. Nagtakip pa nga siya ng mukha nang makita ang sariling repleksiyon sa salaming naroon. "Ako ba 'to?" Hindi siya makapaniwalang mag-iiba ang itsura niya. Para na siyang babae.

"Soto? Kailangan mo ba ng tulong?"

Hindi siya sumagot. Napasandal lang siya sa gilid doon. Kahit hindi siya sigurado sa magiging reaksiyon ni Theo ay ayaw niyang lumabas. Ayaw niyang makita siya nito sa ganoong ayos. Inaatake siya ng hiya. Pero ang kurtinang nagsisilbing harang doon ay tuluyan na nitong hinawi.

"Okay ka lang ba diyan--- shit!"

Mabilis ang pagtakip ang ginawa niya sa sarili pero buong paghanga pa rin siya nitong pinasadahan ng tingin. Sunud-sunod pa ang paglunok bago dumukwang. Hinaplos muna siya nito sa pisngi at pagkatapos hinagkan siya nito sa labi. Hindi iyon lumalim. Hininto rin kasi nito.

"Shit! This is not the right place." Muli siya nitong hinaplos sa mukha saka siya hinila palabas ng fitting room.

"Madam, bibilhin ko na ito. Keep the change." Pagkalapag lang ng pera, hinila na naman siya nito. But this time, papalayo na sa lugar na iyon.

"Theo! Paano ang damit ko? Balikan natin... naiwan ko."

Hindi siya nito pinapansin. Para ngang pagkaladkad na ang ginagawa nito sa sobrang pagmamadali. Hindi rin naman siya makawala. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Binantayan na lang ang nilalakaran. Nakailang liko rin sila bago siya nito binitiwan. Hingal na hingal siya at bago pa man makabawi. Binuhat na siya nito kagaya nang unang beses kung paano siya nagpaubaya.

"Okay na ba iyong pina-reserve ko?" Narinig pa niyang sabi ng binata pero hindi siya nag-aksayang alamin kung para saan iyon. Itinago pa nga niya mukha.

"Yes, sir!"

"Sige, aakyat na kami." Tunog ng pagbukas at pagsara ng elevator ang narinig niya pero hindi man lang siya tumingin sa paligid. Nanatili siyang nakapikit. Naghihintay sa kung pakulong mayroon ang nobyo. Kahit na nahuhulaan na niya. Inilapag na nga siya nito.

"Puwede na... tayo na lang ang nandito."

Doon na siya nagmulat. Malamlam na liwanag ang makikita pero kagaya ng inaasahan, madali lang niyang nahulaang nasa hotel room sila. Mas malawak nga lang kaysa sa mga napuntahan na niya. Mas malambot din ang kama. Dinama niya iyon ng kamay hanggang may makapa siyang madulas na bagay. Hindi siya sigurado kung ano iyon. Basta nang ilapit niya sa ilong ay napakabango. Sa sobrang bango ay para siyang malalasing kaya naman inilayo niya agad iyon sa kanya.

"Soto..." Tumabi ang lalaki sa kanya. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa kamay. Paminsan-minsan ang pisil kaya naman napasulyap na siya rito.

"Theo..." Tumagilid siya ng higa. Paharap dito. Hindi nakaligtas sa kanya ang malalalim nitong paghinga. Pumisil din siya sa kamay. Dito na ito tumingin sa kanya. Walang sali-salita siyang nitong pinaibabawan. Hinawakan siya magkabilang kamay. Itinaas iyon sa ulunan. Kasunod niyon ang maingay na paghalik sa labi niya. Sumisipsip. Kumakalkal. Napaungol siya. Ang wild nito. Kakaiba. Ang ibabang bahagi roon ay sinasagi-sagi nito sa pamamagitan ng pagdiin. Kinikiskis din. Pareho pa silang may saplot pero hindi maitatangging nagugustuhan niya ang nangyayari.

Pinadapa siya nito. Inilihis nito ang kamay sa loob ng suot niyang gown at hinaklit mula roon ang underwear niya. "Soto, gusto ko na... gusto ko nang maangkin ka." Kahit alam na niya nagitla pa rin siya lalo na nang may matigas na sumagi sa puwetan niya. Pero napalitan iyon ng mahihinang halinghing nang kumiskis na naman ito roon. Nakikiliti siya. Nasasarapan siya nang ulit-ulitin pa iyon. "Shit! Ipasok mo na lang kasi..."

Narinig pa niyang may pinunit ito bago ito muling kumiskis. "Sure ka ba?" Tumango pa siya. "Gagawin ko na ha..." hingi pa rin nito ng permiso.

Napakapit na nga siya sa bedsheet nang mag-umpisa na itong pumasok. Pero sobrang sakit niyon. Parang hinihiwa. "Saglit... saglit. Hindi ko pala kaya." Nag-umpisa na siyang humikbi. Huminto naman si Theo. Pero ang magaling inangat lang nito ang bahaging iyon. May binuhos doon na alam niyang malagkit.

"Kaunti na lang, Soto..." paanas nito bago muling umulos. Marahan. Nag-iingat. Paisa-isa lang hanggang dumulas na. May iba pa nga itong sinabi pero hindi na niya naintindihan. Naghahalo na kasi ang sarap at hapdi. Hinihimas na rin siya nito sa pisngi ng puwetan. Pumipisil. Hanggang dumako ang kamay nito sa pagitan ng hitang niyang makailang ulit yatang nilabasan kahit nag-umpisa pa lang. Bawat hugot at pagsagad ganoon din ang pagtaas-baba nito sa sandata roon. Naliliyo siya. Kuhang-kuha siya ni Theo.

"Ulitin mo 'yan, Theo... ganyan lang bebe ko." Makailang beses pa nga niyang nausal ang pangalan nito sa sobrang galing nitong bumayo. Ilang ulit ding nasubsob ang mukha niya sa kama sa bilis nito umarangkada. Pawis na pawis na siya. Namamaos na siya sa sobrang ingay niya.

"Soto, my love... tumingin ka dito."

Hindi niya ito pinansin pero inangat nito ang ulo niya. "Tumingin sa akin... please." Saktong nakanganga siya nang luminga. Hinihingal. Naglalaway.

Buhat doon narinig niya ang sunud-sunod nitong pagmumura. Lalo lang nitong binilisan ang pagbayo. Sinasagad siya. Ungol tuloy siya nang ungol. Pipikit. Kakagatin ang sariling labi. Muli siyang napasubsob sa kama nang daganan siya nito habang patuloy pa rin sa paglabas-masok.

"Shit, Soto! Mas masarap ka pala sa ganitong posisyon." Kinagat pa siya nito sa tainga. Dinilaan. "I love you, Soto. I love you."

Puro ungol lang ang naging tugon niya. Masyado siyang lumulutang sa kaligayahan at talagang hindi niya mahanap ang tamang salita. Napaungol na rin si Theo. Ramdam na niya ang panginginig nito. Habang paulit nitong sinasabing malapit na ito. Luminga siya rito. Gusto niyang masaksihan ang itsura nito pero ginawaran lang siya nito ng halik. Binabayo pa rin siya. Mas mabilis. Ayaw ring tigilan ang labi niya. Talagang kinakain siya. Masarap naman kasi talaga na habang binabaon naglalaplapan sila.

"Ah, Soto..." ang nasabi nito pagkatapos hinihingal na huminto. Umalis sa pagkakadapa sa kanya pero tumatawa.

"Shit, ang ganda mo talaga sa traje de boda!" Sinundan pa iyon ng pisil sa puwetan. Mukhang hihirit pa yata at hindi nga siya nagkamali nang muli itong magsalita.

"Isa pa nga!"