Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 24 - 24

Chapter 24 - 24

KAKAGISING lang ni Theo. Napakusot pa siya ng mata bago sumilip sa suot na relo at nang makitang alas kuwatro na roon ay saka lang bumangon. Sa tulong ng liwanag ng lampshade nahagip ng paningin ang nagkalat na rose petals. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang punit ng pakete ng condom pati ang expose na puwetan ng nakadapang si Soto. Gusto sana niyang hawakan ang katambukang iyon pero ang gigil ay dagliang pinigil. Sa huli, hinayaan na lang niya. Naglakad na siya sa papuntang banyo. Doon na siya naghubo para maligo.

Mga beinte minutos din ang tinagal niya bago lumabas. Paglinga niya sa kama nakaayos na ng higa ang kasintahan. Suot pa rin nito ang damit na dahilan kung bakit nakakadama na naman siya ng pag-iinit. Ipinilig niya ang ulo. Hindi puwede. Ayaw niya muna itong isturbuhin. Lalabas muna siya. Magpapahangin.

Sa bridal shop niya napagdesiyunang magtungo. Naabutan niyang nasa labas na ang may-ari niyon. Hinihila na nito ang roll up doors ng tindahan. Mabuti at naging maagap siya.

"Madam, may naiwan pala kami..." pagkalapit ay sabi niya. Nilinga siya nito at napangiti pa nang makilala siya

"Mr. Alcanza..."

"Theo na lang po, Madam."

"Sige, sige, Theo. Tuloy ka sa loob. May itinabi ako sa paper bag... doon sa mesa. Check mo na lang." Itinuro pa nito ang sinasabi na mabilis naman niyang nakita. Siniguro rin naman muna niya ang laman niyon bago tuluyang kinuha.

"Thank you, Madam. Naabala ka pa tuloy."

Ngumiti ang babae. "No, problem! Ikumusta mo ako kina Mr. and Mrs. Takano, ha." Naibaba na nito ang pinto at nag-uumpisa na ring i-padlock.

"Sige ho," aniya at nagpaalam ng aalis.

"And bring your bride again next time," pahabol nito.

Napabilis tuloy ang mga hakbang niya. Gusto na niyang makabalik ng hotel ora mismo. Para makita si Soto---ang kanyang bride na iniwan niya saglit pero heto at kaagad na nami-miss.

Marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto. Maliwanag na ang buong silid. Naabutan niya roon ang gising na at nakasuot ng bathrobe na si Soto. Nagtitipa ito ng kung ano sa selpon. Hindi pa siya nakakalapit naaamoy na niya rito ang pinagsamang green tea and lime scent. Iyon ang shower gel na ginamit niya kanina.

"Ang bango naman!"

Mabilis nitong nailapag sa kama ang hawak-hawak saka parang maiiyak na lumapit sa kanya at yumakap.

"Nandito ka na. Ang dami kong text sa 'yo. Akala ko... akala ko hindi ka na babalik."

Nabitiwan na niya ang dalang paperbag. Narinig na rin niya ang sunud-sunod na pagtunog ng message tone. Dumating na marahil ang text messages nitong nabanggit. Hinugot niya ang selpon sa bulsa.

Bebe ko, asan ka?

Uuwi na lang ako.

Magreply ka.

Hoy, Alcanza! Nagagalit na ako.

Kasi naman, e...

Theo, ayokong mag-isa. Balikan mo ako dito.

Pagkabasa niyon ibinulsa na niya ang selpon at napapangiting yumakap na rin kay Soto. "Kinuha ko lang itong damit mo sa tindahan ni Madam Becky." Sininghot-singhot pa niya ang buhok ng boyfriend. Ang bango-bango talaga.

"Alam mo, muntik na akong tumawag sa baba... umaalis ka na lang kasi nang hindi man lang nagpapaalam." Tumingala na ito sa kanya pero nakayakap pa rin. Napalunok siya. Dumako ang tingin niya sa labi nito. Nakaramdam siya ng pagkauhaw. Hindi. Mali. Sinaway niya ang sarili. Kalibugan na naman kasi ang pumapasok sa isip niya. Kailangan niyang kumalma. Nakatatlo na siya kanina. Kapag sumobra pa baka magalit na ito sa kanya.

"Hoy, Theodore Alcanza! Nangako ka kaya."

"Alam ko, alam ko... kaya magbihis ka muna."

"Bakit? Aalis na ba tayo?" Kumukurap-kurap ito. Napangisi siya.

"Ayaw mo pa ba?" ang malokong tanong niya. Pinababa pa niya ang kamay sa puwetan nito. Humimas-himas doon. Pumisil.

"Aray! Pinupuntirya na naman nito!"

"Sorry, sorry. Hipan ko na lang." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mabilis niya itong pinadapa sa kama. Hinawi pa niya ang laylayan ng roba para lang malaya niyang makita ang nakatago roon.

"Theo, huwag nga. Masakit pa talaga."

"Hayaan mo, mapapawi ang lahat ng iyan sa gagawin ko." Hinalik-halikan niya roon. Napahagikhik si Soto. Napalitan din ng ungol nang dilaan na niya iyon. Mabango rin sa banda roon. Bigla siyang natakam. Natutukso siya. Ayaw lang niyang puwersahin ang kasintahan.

"Oh, Theo..."

Lihim siyang napamura. Umayos siya ng sarili. Tumayo at binuksan ang siper ng pantalon. Lalaruin na lang niya ang bahaging kanina pa tigas na tigas. Pero hindi siya kuntento sa ganoon. Kinailangan niyang ilapit. Ikiskis.

"Kahit ito lang... saglit lang talaga," kumbinsi pa niya sa sarili.

Narinig niya ang paghahabol ng hininga ng kasintahang napapaangat na ng puwetan. Nakakaakit talaga. Hindi na niya kinakaya. Kinapa na niya ang bulsa ng kanyang pantalon. May hinahanap siya roon. Pero wala. Natawa tuloy siya. Tatlo lang nga pala ang nabili niyang condom dahil isang klase ng pampadulas ang isa pa at nirekomenda lang iyon sa Pleasure Store na nadaanan nila. Mukhang hindi na siya puwedeng humirit. Kunsabagay, may trabaho pa sila kinabukasan.

"Next na lang... next time." Bubulong pa siya at muling kumiskis. Paulit-ulit. Napapaungol. Napapapikit. Hindi na nga niya napigil. Sumabog na ang katas. Napakasarap!

"Wife, punta tayo ulit dito... I mean, kahit sa tindahan lang ni Madam Becky. Naaliw yata sa 'yo at gusto kang makita ulit." Nag-uumpisa nang magbihis si Soto nang sabihin niya iyon. Hinintay pa nga niya itong magtanong pero hindi nangyari kaya nagpatuloy siya. Humilata pa sa kama.

"Kaibigan ni Uncle ang may-ari doon kaya kilala rin ako." Nagpapaliwanag talaga siya. Baka kasi nagtataka na ito. Na hindi siya mahilig gumala pero heto lumalabas na marami siyang kakilala. Mabuti nang malinaw. "Dito... ganoon din. Close friend ni Uncle ang manager," aniyang sinundan ng tawa. Sa isiping wala talaga siyang kawala sa nagpalaki sa kanya. Huli na bago niya nabawi ang reservation. Baka nga nakarating na sa kaalaman ng tiyuhin niyang tumatawag agad kapag may nabalitaan.

"Hmmm...dahil sa mga sinabi mo, hindi ka na tuloy mysterious, bebe ko." Sinilip na siya nito o mas tamang sabihing nasa ibabaw na niya ang bagong bihis na si Soto. Nakatitig sa kanya. Nakangiti.

"Wife..." Napalunok siya. Tinawag na naman siya nitong bebe ko. At iyon lang talaga ang pinagtuunan niya ng pansin. Hindi ba nito alam na naaakit siya?

"Maganda ka pala sa ganito. Minsan... payagan mo akong umibabaw." Sinundan iyon ng malawak na pagkakangiti. Nanlaki pa ang mata niya nang maintindihan iyon.

"That's too much, Sorito Ibañez!" pagkasabi ay mabilis siyang nakatakas dito. Tatawa-tawa lang naman ang nobyo. Heto na nga ang sinasabi. Gagantihan siya nito kagaya ng dati. Hindi. Hindi niya ito papayagan. Bumalik siya kung saan ito nakatayo. Hindi siya magpapatalo.

"Wife, isa pang tawa... papasukin ulit kita."

Nagtakip na ito ng bibig. Tumahimik. Pero bigla naman siyang nakokonsensiya. "Halika na nga, labas na tayo." Inakbayan na niya ang nobyo.

Iginiya palabas.

May mga nakasabayan silang sumakay sa elevator. Hindi naman siksikan pero napunta sila sa likuran. Pasimple pa nga niyang hinawakan ang kamay ni Soto. Pinisil. Pagsulyap nito sa kanya, kinindatan niya. Namula lang pisngi nito pero walang imik na umiwas agad ng tingin.

Dumiretso siya sa reception area para ibilin ang naiwan nilang wedding dress.

"Kayo na ho ang bahalang magtabi. Babalikan ko na lang sa susunod."

Tumango ang magandang binibining bantay roon. "Okay, Sir. May ipinabibigay rin pala si Manager Kwin," anitong inilabas ang small size green box na mabilis niyang nahulaan dahil sa label niyon. Emerald's Hotel and Cakes. Inabot niya iyon at agad na nagpasalamat.

Noon na siya luminga pero walang Soto ang nakasunod sa kanya. Bumitiw ba ito sa pagkakahawak nang hindi niya namamalayan? Nagmadali siyang maglakad palabas. Nagpalinga-linga pa. Natigilan lang nang mula sa kabilang kanto pakanan ay mahagip itong may kausap. Labis-labis pa ang kalabog ng puso niya nang makilala kung sino iyon.

Anong ginagawa rito ni Miss Clare?

Gusto niya sanang lumapit pero nanatili lang siyang nakamasid. Mukhang nag-uusap lang naman ang dalawa. Hahayaan niya muna. Naglakad-lakad siya pero panaka-naka ang sulyap sa gawing iyon. May mangilan-ngilang nagdaraang naglalako ng kung anu-ano. Nakita niyang bumili si Soto sa isa mga iyon. Pero ang ikinagulat niya ay ang mapagtantong nakatingin din ang mga ito sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagngisi ni Clare pati ang sumunod nitong ginawa. Hinagkan nito sa pisngi si Soto.

"Shit!" Dito na niya iniwan sa dumaang paslit ang box ng cake. Matapos niyon dali-dali na siyang humakbang palapit sa dalawa. Saktong sinalubong naman siya ng nakangisi pa ring si Clare. Mas mababa ito kay Soto pero hindi iyon hadlang para hindi marinig ang mahinang sinabi nito.

"Oh, sorry! Sabi niya kasi kayo na, e. And yes, that kiss is the only way to congratulate... my ex." Tila sinadya nitong ipagdiinan iyon at pagkatapos sinundan pa. "Pero sa totoo lang, hindi na ako nagtaka. Abangers ka naman kasi talaga. Ang saya-saya mo siguro noong malaman mong break na kami." Malakas na ang pagkakasabi. Sinundan pa iyon ng tawa. Dito na siya bumuwelta.

"Tama ka..." aniyang sinulyapan ang tahimik na si Soto. Nakita rin niya kung paano namula ang pisngi nito. "At siya nga pala, salamat sa pag-iwan mo sa kanya, Miss---oh no, it's Mr. Matthew, right?" Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa nobyo kahit pansin niyang hindi na ito mapakali sa kinatatayuan. Nakayuko na kasi ito at nagkakamot na rin sa batok.

"Alam mo rin pala ang tungkol diyan." Humagalpak pa ng tawa si Clare. "Okay, okay. Wala na akong masabi. Babalik din naman siya sa akin," anitong nilagpasan na siya.

Wala siyang nagawa kundi magtiim ng bagang at lapitan na lang ang kasintahan. Inangat pa niya ang mukha nito. Pinakatitigan. Hinalikan din niya ito sa magkabilang pisngi, sa noo, sa labi. Natatakot siya. Gusto niyang masigurong sa kanya lang ito.

"T-Theo..." saway nito sa kanya. Itinulak siya nito na kahit alam niyang marahan ay hindi maiwasang masaktan. Nandito na naman ang dating pakiramdam noong malaman niyang magkakaroon na ng sariling pamilya ang tiyuhin. Ayaw niya nito. Ang bigat sa dibdib.

"Sorry."

Sunud-sunod ang pag-iling ni Soto. "Ako ang dapat na mag-sorry. Nang mapansin kong busy kang nakikipag-usap sa receptionist, dumistansiya ako. Hindi sana kami nagkasalubong ni Clare. Hindi ko naman talaga balak na kausapin siya... ang kaso nag-usisa siya. Kung bakit ako nandito at kung sinong kasama ko. Siyempre, sinabi ko ang totoo... na date natin ngayon."

Nagliwanag na ang lahat sa kanya. Nakangiti na siya. "Oh, Soto. I love you so much!" Niyakap pa niya ito sa sobrang saya. Sa isang iglap lang kasi napawi nito ang insecurities niya.

"May gusto ka pa bang puntahan?" pagkabitiw niya sa pagkakayakap ay tanong nito. Mabilis pa ang pagtango niya.

At ilang minuto pa, magkahawak-kamay na silang naglakad paalis doon. Hindi na nila malalaman na sa di-kalayuan ay naroon si Clare. Umiiling-iling.

"Sorry, hindi ko pala kaya. Ako dapat iyon, Soto. Ako dapat ang nakahawak sa 'yo."