Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 22 - 22

Chapter 22 - 22

NANG magyaya na ng lunch si Theo ay saka lang sila umalis ng eskuwelahang iyon. Siya na ang kumuha ng iniwan nilang ID nang mapansin itong nakatutok sa selpon. Nag-umpisa na silang maglakad. Scroll ito pa rin ito nang scroll. Naging attentive tuloy siya. Mabagal lang naman ang mga hakbang pero hindi niya maiwasang bantayan. Inaalalayan pa nga niya minsan kasi baka matalisod. Mga ilang sandali pa ang lumipas, huminto ito at luminga sa kanya.

"Try natin diyan?" Napanguso pa ito sa natapatang kainan. Maliit lang iyon pero nahulaan na niya agad na lechon ang specialty base na rin sa pangalang Lechon Omega.

"Ikaw?" Ipapaubaya niya rito ang desisyon dahil mukhang planado naman nito ang lahat.

"Talaga? Sure 'yan?" Naniniguro pa itong umakbay sa kanya. Tumango naman siya pero nagsalita rin.

"Oo nga, sure na sure... pero ayoko muna sa matitigas ngayon," aniyang sinundan ng piping hiling na sana makuha nito ang ibig niyang sabihin. Dama na niya kasi ang pananakit ng panga. Nangangalay lang naman iyon kanina. Biglang nag-init ang pakiramdam niya nang maalala ang sanhi niyon.

"Okay, okay. Ang sabi naman kasi sa review, masasarap daw ang luto, marami ring pagpipilian." Tumawa pa ito. Ngayon lang niya napagtanto kung para saan ang pagkalikot nito sa selpon.

"Sige na nga, try na natin!" pagpayag niya.

Medyo malamig sa loob ng kainan. Marami-rami rin ang taong nakapila sa counter. Pay as you order ang nakalagay roon. Gumawi na nga siya sa kanan para makipila rin. Si Theo sa kaliwa. Halos magkasabay lang naman sila. Binayaran niya ang sariling order. May gulay ang napili niyang combo meal at ayon sa pagkakarinig niya, lechon paksiw naman ang pinili ng katipan. Wala pang limang minuto pagkatapos makahanap ng mauupuan, dumating na rin ang order nila. May tig-isang basong tubig ng kasama iyon. Dito niya napansing hindi mahilig ang binata sa ibang inumin maliban sa kape. Kahit may katabi silang fridge na transparent ang pinto at maraming inuming naka-display hindi man lang ito nangahas magbukas doon. Siya naman, tinamad nang tumayo kaya nagkasya na lang din sa kung ano lang nandiyan.

"Nakatingin ka na naman sa akin..."

Nagitla siya. Nahuli siya nito. Pahamak talaga minsan ang mata niya. Ewan ba kasi niya sa sarili at kasama naman niya pero ito pa rin ang laman isipan niya. Gusto niyang ipagtapat ang tungkol doon. Ang kaso kinakabahan siya sa magiging resulta. Baka kung ano na naman ang maisip nitong ipagawa sa kanya. Ayaw niya muna. Hindi pa siya nakaka-move on sa kung paano niya ito chinupa. Napalunok siya pagkuwa'y napangiwi. Ang sakit ng lalamunan niya. Talagang napuruhan siya nito kanina. Nasagad siya roon nang husto at hindi man lang sumagi sa kanya ang gumanti. Nawalan talaga siya ng pagkakataon. Hindi naman kalakihan ang pagkalalaki nito pero kasi may kahabaan. Makinis pa iyon at hindi maugat. Muli siyang napalunok. Pinagpapawisan siya. Kailangan niya talagang pag-isipan lahat ng ikikilos at sasabihin niya pero biglang dumukwang ang magaling. Inilapit ang mukha nito sa kanya o mas tamang sabihing malapit iyon sa tainga niya.

"Ititigil mo ba ang pagtitig mo o hahalikan kita... dito mismo?"

Napangisi pa ito bago bumalik ang atensiyon sa pagkain. Noon na siya napaiwas ng tingin. Pero ang mainit na nararamdaman niya ay ayaw mawala. Tumayo siya. Gusto niya ng malamig na inumin. Iyong sobrang lamig para kumalma siya at hindi mapunta kung saan-saan ang isip niya.

Binayaran na niya ang inuming napili. Pineapple juice iyon. Sa counter pa lang nilalagok na niya. Pero lalo yatang sumakit ang lalamunan niya. Ang init pa rin ng pakiramdam niya. Ano na ngayon ang gagawin niya? Itinapon na niya ang lata ng juice sa pinakamalapit doong basurahan. Lalabas muna siya. Hindi niya kayang bumalik sa table nila ni Theo na nagkakaganito siya.

"Bakit? Mainit ba sa loob?"

Muntik pa siyang mawala sa balanse nang paglinga ay naroon na sa harapan ang nobyo. Nakita siguro siya nitong nagpapaypay ng kamay. Mabuti at nakaisip agad siya ng palusot.

"Ha? Hindi. Gusto ko lang magyosi kaso wala akong dala."

"Okay, wait mo ako... bibili tayo." Bumalik ito agad sa loob at pagkalabas may bitbit ng styro. "Pinabalot ko na lang. Kainin na lang natin mamaya."

Wala na tuloy siyang nasabi. Para pa ngang nahaplos ang puso niya na hindi mawari. Pakiramdam niya lagi siya nitong iniintindi. Priority siya nito. Sa kanya lang ang atensiyon nito. Espesyal siya kagaya ng paborito nitong ensaymada.

"Alam mo... sa kakatitig mo sa akin, malapit ko nang isipin na gusto mo akong lapain."

Natauhan siyang napaiwas ng tingin. Dumistansiya rin. Nagpatiuna nang maglakad. Bago makalayo, narinig pa niya ang halakhak ni Theo. Talagang alaskador minsan ang pilyong nobyo. Pero saan nga ba siya papunta? Ano itong ginagawa niya? Bakit siya lumalayo? Date nila ngayon. Sa na-realize ay noon siya napapihit at patakbong bumalik.

Abot-abot pa ang kaba niya nang hindi ito matanaw kung saan niya iniwan kanina. Umuwi na ba ito? Paano kung hindi? Saan niya ito hahanapin? Naalala niya ang cellphone number nito. Tama. Tatawagan niya. Luminga-linga pa siya sa paligid habang nagda-dial. Cannot be reached. Sumubok siya ulit. Wala pa rin. Ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Wala ring ibang nagdaraan. Tila ba solong-solo niya ang mundo ng mga oras na iyon. Hindi naman sa hindi siya marunong umuwing mag-isa pero kasi kasama niya ito. Dapat sabay sila. Nag-umpisa siyang magtipa. Ite-text niya ito. Pero bago pa man niya ma-send may nagsalita na sa likuran niya.

"Hey!"

Napalinga siya. Naluluha na. "Theo..." Mabilis siya nitong nilapitan at kaagad ding niyakap.

"Bumili lang ako ng yosi mo. Hindi ako mawawala, promise." At ang yakap nito ay napalitan nang paghimas at pagpisil sa puwetan niya. Napalitan tuloy ng tawa ang pag-aalala niya. Napakahilig kasi talaga nitong pagdiskitahan ang bahaging iyon.

"Theo, umayos ka nga... baka may makakita sa atin." Naggalit-galitan siyang kumalas dito. Inagaw na niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kamay nito para pumunta sa isang tabi. Ang kaso wala siyang pangsindi kaya ibinulsa na lang iyon.

"May gusto ka pa bang puntahan?" baling niya rito nang mapansing itong nakatingala.

"To please me is sexy."

Napaawang siya. Na-curious siya at nagtaka. Hindi naman ito tumitingin sa kanya. Sa madaling salita, hindi para sa kanya ang sinasabi nito. Lumapit siya. Tumingala rin. Nahigit niya ang hininga nang mabasa roon ang pinagsasabi ni Theo. To please me is sexy. Isang adult toy store ang nasa harapan nila. Paano nito nalaman ang lugar na iyon? Kasama rin ba ito sa mga listahan nitong gustong puntahan? Napaatras siya. Hindi pa nga pala niya kilala ang nobyo. Iba ang mga gusto nito at hindi niya alam kung kakayanin niya.

"Soto..." maagap nitong pigil sa kanya. Hawak na siya nito sa braso. "Pasok tayo diyan?" Napatingala siya rito. Nakangiti ito. Masaya na naman si Theo. Nahirapan tuloy siyang tanggihan. Hindi siya makailing.

"S-Sure." Nagkandautal-utal pa siya. Napapayag siya. Wala na 'tong atrasan.