Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 21 - 21

Chapter 21 - 21

LIBRARY. Doon siya sumunod na hinatak ni Theo. Malawak din sa loob. May mangilan-mangilan ding estudyante. Hindi nga lang kasing dami ng na-encounter nila sa Music Room. Maraming hanay ng librong tila ba nanunuksong lapitan niya at iyon nga ang ginawa niya. Pero dahil nga maraming pagpipilian kailangan pa niyang magtanong sa may edad ng librarian. Kung may available bang komiks at kung saan niya makikita. Ngitian pa siya nito bago itinuro ang pinakadulong bahagi.

Matapos magpasalamat, excited siyang tumungo roon. Pero kapag minamalas nga naman, may nahanap nga siya hindi naman niya abot. Ito minsan ang problema sa height niya. Isa hanggang dalawang inches lang yata ang itinangkad niya, ang bagal pa. Huminto na iyon sa 5'2 nang magdise-otso siya. Kailangan niya talagang magtawag ng tutulong sa kanya. Napalinga nga siya sa paligid at saktong nakita niya ang nakatalikod na bulto ni Theo. Abala ito sa pagbubuklat ng libro. Nag-alangan tuloy siyang lapitan. Nagkasya muna siya sa pagmamasid sa binata. Sinundan niya ng tingin ang bawat kilos nito. Sa pagbalik ng libro sa dating kinalalagyan, sa pagkuha ulit ng isa tapos magbubuklat pero ibabalik din kaagad. Mabuti pa nga ito at matangkad sa kanya nang ilang inches pero kapag nag-stretch siya ng kamay abot niya naman ang ulo nitong minsan na niyang nahawakan. Napalunok siya sa naiisip. Namalayan na lang niyang nakalapit na ito sa kanya.

"May napili ka na?"

"Meron sana kaso..." Itinuro niya ang tinutukoy na agad naman nitong tiningala. Nagitla pa siya nang bigla siya nitong iangat.

"Abot mo na ba?"

Doon lang siya napabalik sa wisyu at saka dumampot ng isa. "Oo, oo... puwede mo na akong ibaba."

Ibinaba nga siya nito. May naisip pa siyang kung ano para naman hindi masayang ang effort nito. Mabilis ang ginawa niyang pagpihit. Tumingkayad siya at pagkatapos hinalikan ang pisngi nito. "Thank you... bebe ko," at saka siya nakangiting tumakbo papalayo.

Napahawak naman sa pisngi ang nagulat na si Theo. "Bebe ko..." Napalunok siya sa pag-ulit niya ng salitang iyon. Nag-iinit ang pakiramdam niya. Hindi puwede 'to. Kailangan niyang kontrolin ang sarili. Ayaw niyang makagawa ng mga bagay na ikakagalit ni Soto. Ang kaso hindi iyon ang dinidikta ng pagkalalaki niya. Gusto niya itong pagsamantalahan. Hindi lang basta paghawak sa puwetan nitong malaman. Hindi na siya kuntento sa hawak at halik lang. Hindi na niya kaya. Hindi na niya kayang maghintay. Humakbang siya. Hinanap niya ito at saktong nakita niyang mag-isa malapit sa may entrada ng pintuan.

Makailang ulit siyang humugot nang malalim na buntonghininga saka walang sabi-sabing hinatak ito sa braso. Ilalayo niya ito roon. Gusto na niya itong masolo. Isang classroom na bakante ang nadaanan nila. Doon niya ito dinala. Matapos isara ang pinto saka niya kinabig para hagkan. Marahas. Malikot. Matunog. Sumipsipsip. Naghahanap. Kumakalkal.

"T-Theo?" hinahabol ang hiningang usal nito. Tinakpan pa nito ng braso ang bibig pero hinawi niya iyon.

"Ulitin mo 'yong sinabi mo. Tawagin mo akong bebe ko." Punung-puno iyon ng pagnanasa. Desperado na siya. Gusto niyang marinig ulit kahit isang beses.

"Bebe ko."

Ang sarap niyon sa tainga. Nanggigigil siya. May gusto siya ritong ipagawa. "Luhod!"

Sunud-sunuran naman ito sa kanya. Hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon. Dali-dali niyang hinubad ang pantalon at iginiya ang bahaging roon sa mukha ni Soto. "Isubo mo. Paligayahin mo." Saglit niyang nabasa ang paghanga sa mga mata nito. Pinamulahan din ng pisnging tumingala sa kanya bago parang sorbetes na dinilaan ang pagkalalaki niya.

"Tangina, Soto! Hindi ko akalaing talented ka rin pagdating sa ganito."

Para maiihi siya sa husay ng ginagawa nitong noon lang niya naranasan. Gusto rin naman niya kapag hinahawakan siya ng kasintahan pero iba pa rin pala kapag bibig na nito ang nagtratrabaho.

Malakas siyang napaungol nang ipasok na nito roon ang kabuuan niyon. Parang nabibilaukan pa ito pero wala na siyang pakialam doon. Sa paglabas-masok ay napahawak na siya sa ulo ni Soto. Mariin din siyang napapikit. Paminsan-minsan ay napapakagat ng labi. Inulit lang nito ang paglalabas-pasok. Maraming beses siyang napanganga. Ang husay nitong talaga!

"Malapit na ako... shit!" pagkasabi niyon ay narating na nga niya ang rurok.

Noon lang nito inalis ang pagkakasubo. Siya naman hinahabol ang hiningang nagtaas na ng pantalon. Pagkatapos itinayo niya ang nobyo para i-check kung okay lang ito. Namumula pa rin kasi ang pisngi nito. Nagpunas din ng labi.

"Ayos ka lang ba?" Hindi siya nito sinagot. Nakatitig lang ito sa kanya kaya naman may pag-aalala niyang tinulungan itong punasan ang ilan pang naroon sa gilid ng labi. "I'm so sorry. Sobra bang dami?"

"Ayoko na..." Nanlaki ng mata niya sa tugon nitong iyon. Samut-saring emosiyon na agad ang sumakop sa buong sistema niya.

"Ayaw mo na? Ng alin?" Inalog niya ang balikat ni Soto. Parang gusto na niyang umiyak. Biglang siyang nagsisisi at pinuwersa na ito sa gusto niya. Pero nang ngumiti ang nobyo ay bigla siyang nalito.

"I mean, ngayon lang nangalay nang ganito ang panga ko."

Nayakap niya ang kasintahan dahil sa nalaman. Sorry pa siya nang sorry. Hinihimas pa niya ito sa likod pero umabot lang iyon sa paborito niyang parte ng katawan ni Soto. Napadpad ang isip niya sa kung anong pakiramdam kapag naangkin na niya ang dakong iyon. Iiyak kaya si Soto? Anong reaksiyon kaya ang ipapakita nito habang pinapasok niya? Uungol kaya ito nang malakas?

"Bakit ang tigas na naman niyan?" Napadistansiya pa ang gulat na kasintahan. Natawa naman siya.

"Hindi. Hindi na." Nagtaas pa siya ng kanang kamay para makumbinsi ang minamahal na noon ay nakaupo na sa mesa.

"Saan pala ang next nating pupuntahan? Babalik pa ba tayo ng library?" Dinuyan-duyan nito ang paa. Napangiti tuloy siyang nilapitan ito. Hinapit din niya sa beywang tapos hinalikan sa noo.

"Hindi. Dito muna tayo sandali."

"Okay, pero dapat behave ka lang," pagpayag nitong agad kumawala sa kanya para umupo sa tamang upuan. Silya iyon na may sandalan at may patungan ng kamay.

Sumunod din siya rito. Hinimas muna niya ang katabi nitong upuan saka nagsalita, "Puwede mo bang ikuwento sa akin ang school experience mo?" Umupo na siya. Gusto niyang damhin ang pakiramdam ng pagiging isang estudyante. Actual at hindi virtual.

"Nasa library lang ako lagi. Inakala pa nga ng iba matalino ako," natatawang umpisa ni Soto. "Tapos sa classroom naman kung saan-saan lang ako umuupo." Nangalumbaba itong sumulyap sa kanya. "Kung naging kaklase kita baka naging sikat ka."

"Bakit naman?" Na-amaze siya bigla.

"E, kasi marunong ka nang tumugtog... maganda pa ang boses mo."

Inakbayan niya ito. Natutuwa siya sa papuring ibinibigay nito. "Alam mo, sariling compose ko lang ang kantang iyon tapos bumagay pa nang dagdagan mo... hindi kaya itinadhana talaga tayo?"

Natawa si Soto. "Gusto ko 'yang huling sinabi mo." Hinalikan pa siya nito sa pisngi. Ginaya naman niya. Tapos ito naman. Sa sunod niyang pagganti sa labi naman nito napunta ang labi niya.

"Sa canteen tayo?" pagyaya niya kasi saan pa sila dalhin ng paghaharutan nila. Tumayo na silang pareho. Naglakad na papalabas doon. Patungo na silang kantina pero hindi natuloy dahil sarado roon.

"Oh, Linggo nga pala ngayon. Ganoon din sa school ko dati. Dito nga lang ako nakakita ng mga estudyante kahit na weekends, e."

Napatango-tango na lang siya sa sinabing iyon ni Soto. Pinag-aralan din naman niya ang itsura ng aktuwal na eskuwelahan pero kapag kasama ang nobyo lagi at lagi niyang mare-realize na nangangapa pa rin siya---mas marami pa siyang dapat matutunan.

"Soto, maiba lang ako... bakit ka nga pala sa online class pumapasok?" Kakaupo lang nila sa mahabang bangkong nasa labas ng kantina nang usisain siya nito.

"Online teacher din kasi si Unlce... alam mo na, hindi rin siya masyado sa labas."

"Paano niya na-meet ang napangasawa niya?"

"Dating site."

Kung anu-ano na lang ang naging topic nila hanggang mapagpasiyahang tumayo na. Naglakad-lakad. Nag-uusap kung saan sila sunod pupunta.