Chereads / Cheese and Sweets (BL) / Chapter 15 - 15

Chapter 15 - 15

MAY nakahanda ng damit sa papag. Napakomento tuloy si Theo. "Love na love talaga tayo ni Ate Su."

"Bungarera nga lang," aniyang nag-umpisa nang magbihis. Panloob at shorts ang inuna niya at nang isusunod na ang pang-itaas ay saka naman natigilan. Napatitig doon. Kamiseta iyon na may disenyong kalahating puso pero dalawang letra lang naroon. L at O. Kulang ng V at E para sana mabuo ang salitang LOVE. Napailing siya.

"Oy, Soto!"

Wala siyang imik na luminga. Tapos na ito. Pinupunasan na nito ng tuwalya ang buhok.

Nang walang tugon mula sa kanya ay napahinto ito sa ginagawa. "Anong problema?" Lumapit na ito sa kanya. Napatingin pa sa hawak niya.

"Wala. Nakakapanghinayang lang, as a couple, minsan din kaming nagsuot ng ganito. Ang saya ng pinagsamahan namin. Ang hirap lang isipin na hindi ko na puwedeng gawin sa kanya ang dati kong ginagawa. 'Yong break lang muna, nauwi na talaga sa wala na tayo. Unfair lang kasi! Hindi lahat ng gusto natin ay manatili sa atin." Nagusot ang t-shirt sa higpit ng pagkakahawak niya. Bitter pa rin pala siya kapag naalala ang dating sila ni Clare.

"Akin na."

"Ha? Bakit? Anong gagawin mo?" Nagsal-itan pa ang tingin niya kay Theo at sa damit.

Inagaw nito iyon sa kanya at pagkatapos ihinagis kung saan. "Alam mo, kung lagi mong babalik-balikan ang nakaraan hindi ka talaga makakalimot niyan."

Totoo naman. Sang-ayon siya sa sinabi nito pero bago pa siya muling makahanap ng sasabihin ay ipinihit siya nito paharap.

"Makinig ka sa akin, Soto."

Naging attentive naman siya. Gusto niyang malaman ang lalabas sa bibig ni Theo. "Kung gusto mong maka-move on, itatapon mo lahat ng puwedeng magpaalala o kaya naman ibaling mo ang atensiyon sa ibang bagay, maghanap ka ng bago. Kapag nabigo, hanap ulit. Napakarami diyan, hindi ka mauubusan." Ang daldal nito.

"Salamat."

Bigla naman siya nitong niyakap "Walang anuman." Tinapik-tapik siya nito sa likod. Natawa tuloy siya pero nahinto rin dahil naging pababa ang galaw ng kamay ni Theo. Pamilyar ang eksena. Mauulit na naman ba? At kung ito ang paraan nito para i-comfort siya hindi siya kokontra. Hinimas siya nito roon.

"This ass is beautiful!" Napasinghap siya. Alam niya kung anong tinutukoy nito. Nag-uumpisa na ring magising ang nanahimik niyang sandata. Muli, kagaya ng dati napapaungol siya tuwing pipisilin doon. Naramdaman na rin niya ang kaumbukan ni Theo. Pareho na sila ng mga sandaling iyon. Pero ewan niya, para bang natauhan itong mabilis na dumistansiya.

"I'm sorry. First time itong mangyari. A, hindi second time na kasi kanina noong naliligo tayo--- a, hindi third time talaga kaya huwag ka sanang magagalit," anitong natataranta na ikinamangha niya. Namula rin ang pisngi nito. And that's pretty cute!

Pinigil niyang huwag matawa. Aasarin niya ito, nasisiguro niya. Humakbang nga siya palapit dito, umatras naman ito.

"Third time, huh."

"E, kasi naman attractive ka lalo na 'yang puwet mo---" Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. Napangisi na siya.

"Kaya pala." Naaaliw niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Pero ang magaling, mabilis itong nakasampa sa papag. Umupo roon. Kumuha ng unan at sumubsob doon.

"Hey!" Sumampa rin siya. Mang-aasar lang din naman lulubus-lubusin na niya. "Theo..." Kinalabit niya ito. Nang hindi siya nito pansinin siya na ang nag-angat sa mukha nito. Nang magtagumpay sunod niyang tinanggal ang unan at siya ang pumalit sa kandungan nito. Kitang-kita niya ang pagkagulat ni Theo. Siya rin naman ay nagulat dahil matigas pa rin ang bahagi roon. Nakaisip siya ng kung anu-anong kalokohan. Sinubukan niyang ikiskis ang puwetan sa hita nito. Sinasabayan ng pagkagat niya sa ibabang labi. Noon ito napalunok.

"Ang sexy nitong ginagawa mo. But are you sure, na hanggang dito lang ang kaya mo?" Napangiti pa ang isa ring pilyo.

"Wanna try?" Nakipaghamunan na siya.

"Yes." Hinapit pa siya nito sa baywang. "May idea ka na rin yata sa gustong iparating ng sponge cake na napili ko para sa 'yo.

"Wala pa," Ikiniskis pa rin niya ang sarili sa bahagi roon.

Napapisil ito sa baywang niya. "Ohh, this is good." Hinahabol pa nito ang hininga. Nagugustuhan na rin naman niya ang ginagawa.

"I like you. Please, payagan mo akong ligawan ka."

Napahinto siya. "Ha? Teka lang. Seryoso ka?" Napakurap-kurap siya. Bakit naman biglang nauwi sa love confessions? Ang akala niya nakikipaglaro lang ito sa kanya. Inaasar niya ito kaya inaasar din siya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Hinaplos na siya nito sa pisngi. "Para lang sabihin ko sa 'yo, ikaw talaga ang gusto kong i-date, hindi si Desiree. I like you ever since..."

Napatanga siya roon at walang nasabi kundi, "Ikain na lang natin 'yan kasi baka gutom ka lang." Hinawi pa niya ang kamay nito. Tumayo na siya.

Sapo niya ang dibdib nang makalabas doon. Nagpasalamat siyang abala ang kapatid sa paghahanda ng mesa. Walang magtatanong sa kanya. Dahil kung sakali man hindi niya alam ang isasagot. Hindi siya magaling magsinungaling. Hindi sa harap ng Ate Suzette niya kaya nagitla pa siya nang pagkaupo niya ay nag-usisa ito.

"O, wala kang pang-itaas. Hindi mo ba type ang hinanda ko kanina?"

Bago pa siya makasagot lumabas na rin si Theo. Humila ito ng upuang katabi niya. Kasabay nang pag-upo nito ay siya naman ang tumayo.

"A, kukuha lang ako ng t-shirt." Dali-dali pa siyang tumakbo papuntang kuwarto.

"Anong nangyari sa isang 'yon?"

"Ano kasi Ate Su, may nag-confess sa kanya. Hayun, hindi niya alam anong gagawin."

Dinig na dinig niya iyon. Ayaw man niyang aminin pero affected siya sa bagay na iyon. "Damn you, Theodore!" Nagpasiya siyang doon muna sa kuwarto. Magpapalipas muna siya ng oras. Pagkasuot ng t-shirt ay humiga siya saglit. Bumangon din para kunin ang selpon. Lilibangin muna niya siguro ang sarili sa online games.

Pero kung kailan naman mag-uumpisa na siya ay saka naman pumasok si Theo.

"Tapos na akong kumain. Kain ka na rin."

Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nagkunwari siyang abala sa kakadutdot pero makulit ang mokong, muli itong nagsalita.

"Nabusog ako pero hindi naman nabago ang feelings ko sa 'yo."

Hindi na niya kinaya. Binato na niya ito ng unan. "Ang ingay mo! Kapag ikaw narinig ni Ate, makikita mo."

Tumatawa itong dinampot ang nalaglag unan sa sahig. Ibinalik iyon sa papag. "Nga pala, bumili na ako ng kutson. Ang tigas kasi nitong higaan mo. Parang bato." Inaayos na nito ang dalawang tuwalya. Pinagkasya ang mga iyon sa iisang hanger. "Ganito tayo ka-close kanina."

Napaawang siya. Nag-init pa ang pisngi nang maintindihan ang sinabing iyon ni Theo. Agad siya kumaripas ng takbo na palabas. Hindi na talaga niya kinakaya! Sasabog na ang puso niya sa kaba.