" The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes. " - Arthur Conan Doyle
---
Kaunting bagay na lamang ang kulang pa sa kaniyang imbestigasyon at lohika. Kailangan niya ng testimonya ng mga tao sa na sangkot sa krimen. Maaaring may koneksyon ang anumang nangyari noon sa krimen.
Pinakiusapan niya si Basil na papuntahin sa Billiard Room ang mga kasambahay. Gagawa siya ng first hand interrogation sa mga ito. Mayroong isang bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan. Ito ang bagay na magbibigay ng buong detalye at patunay na ang taong nasa kaniyang listahan ay ang siyang pumatay sa mga tao sa mansion.
Una niyang tinanong si Maricar Tejada, ang anak ng napatay na hardinero ng mansion. Siya rin ang pinakamatagal na kasambahay nila Brando.
"Ms. Tejada, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mayroon akong gustong malaman tungkol dito sa mansion. Alam kong mayroon kang nalalaman tungkol dito dahil ikaw ang pinakamatagal na kasambahay dito." Diretso ni Kaeden sa kasambahay, na nakaharap sa kanila sa upuan sa tabi ng billard table. Sa tabi ni Kaeden ay taimtim na nakikinig sina Josephine at Basil.
Tumingin si Maricar kay Basil kung nararapat ba niyang sagutin ang katanungan ni Kaeden sa kaniya.
Tumango si Basil at sumenyas na sagutin niya ang tanong ng binata.
"May alam ba ang itay mo tungkol sa nangyayari ditong kababalaghan?" patuloy ni Kaeden.
Nag-aalangan si Maricar na sagutin siya, na para bang hindi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan ang kausap niya. Naramdaman ito ni Kaeden sa kaniya kaya sinubukan nitong paniwalain siya sa pinakamadaling paraan.
"Ms. Tejada, hindi ako kaaway o anuman. Pinapunta ako dito ni Sir Brando mo para imbestigahan ang nangyayari. At anumang maibibigay mong impormasyon ay maaaring magbigay liwanag sa pagkamatay ng ama mo."
Napagaan naman ang loob ni Maricar sa narinig. Nakita rin niya na tila malakas ang tiwala ng kapulisan sa kaniya. Matapos huminga ng malalim ay sumagot ang dalaga.
"May isang bagay na nalaman ang itay tungkol sa ginagawa ng congressman nung mga nakaraang
taon." Mahina nitong sagot, na tila ba nababagabag ang loob kung tama ba ang pagsagit niya at pagsabi sa katotohanang nalalaman niya tungkol sa pulitiko. Nagkatinginan sina Basil at Kaeden sa narinig na sagot.
"Ginagawa ng Congressman?"
"Nagkwento si itay sa akin minsan. Pinaguusapan daw ng Congressman at isang babae na ibibigay daw
nila ang bata para sa kagustuhan ng kinikilala nilang dios."
Nabigla ang lahat sa narinig. Hindi naman makapaniwala si Josephine na mayroon pa ring naniniwala sa mga ganitong grupo at ideolohiya.
"Ibibigay nila ang bata? Sa paanong paraan?"
"Hindi ko alam. Pero ang sabi sa akin ni itay, may isang anak daw ang Congressman sa isang babae. Ito rin daw ang kausap niya ng araw na iyon. Isang araw, nakita ko ang babaeng yun na umiiyak at nagmamakaawa sa congressman na huwag ibigay ang bata pero hindi siya pinakinggan at ipinagpatuloy lang ang ginagawa."
Huminga ng malalim si Kaeden ng malalim at nagpasalamat sa katulong at nginitian ito.Sinenyasan niya si Basil at lumabas sila sa silid. Hiningi nito sa Inspector ang libro ng kulto na nahanapan ng Forensics. Mabilis namang ibinigay sa kaniya ito, at nagtaka ang Inspector kung ano ang kailangan niya sa libro at kailangan ito ng binata.
May binuklat si Kaeden na isang pahina kung saan may larawan ng isang anghel. Sa ibaba ay pitong simbolo na nakaguhit sa ibaba ng anghel. Binasa niya ang nakasulat sa pahinang iyon.
"The Seal of Samael, only to be seen and is said to be opened once a young girl is sacrificed, mostly preferred are infants. The head priest will slash the infant's throat by the knife of cleanliness and the blood must be poured upon the seal. The father of the sacrificed infant must drink the last cup of blood and promise to disown his daughter even after death."
"That's just disgusting!" sagot ni Josephine nang matapos marinig ang binasang pahina ni Kaeden. Maging si Basil ay hindi makapaniwalang may mga edukadong tao ang naniniwala sa mga katutubong paniniwala, lalo na't isa itong bagay na hindi makatarungan at makatao.
"Mga taong naniniwala sa isang anghel na nais kang pumatay ng tao para makita o makausap siya? Kalokohan."
Ngayon ay mas lalong nabubuo ang mga piyesa ng lohika sa isip ni Kaeden. Ngayong nahanap na niya ang positibong maaaring maging motibo, kailangan niyang hanapin ang ebidensya.
"Circumstantial evidence won't solve the whole case. Hard evidence will pierce the barrier of doubt."
Naalala niya ito sa notebook ng kaniyang ama habang iniisip ang nangyayari.
"Inspector, may pabor sana akong gustong hilingin sa inyo."
"Ano 'yun?"
Lumingon-lingon muna ang binata bago niya ito ibinulong kay Basil. Tumango tango naman ito habang pinapakinggang mabuti ang dapat niyang gawin.
"Jo, the real culprit is going to move again. Kailangan nating tapusin ang kabaliwan niya. This time, we need to catch him on the act." Baling naman nito sa dalaga. Nakita ni Josephine ang seryosong ekspresyon sa mukha ng binata. Alam niyang ito na ang oras para bigyang liwanag ang mga nangyaring krimen.
---
Hinintay nila na lumalim ang gabi. Hinanda din ni Kaeden at Basil ang kailangan para magawa ang naisip na paraan para malaman at mahuli sa akto ang killer. Gaya ng napag-usapan nila ni Kaeden, agad na hinintay ni Josephine ang pagkakataon. Kasama si Brando, Laarni at Maricar, sinamahan niya ang tatlo na naglakad mula sa study room papunta sa lounge. Mula sa estruktura ng mansion, nasa taas ang Study Room, Billiard Room at Ball Room, habang sa ibaba naman ang Lounge, Kitchen, Conservatory at Entrance. Nasa ibaba na sila nang bigang napasigaw si Maricar.
"A-Anong nakita mo?" tanong ni Josephine sa takot na kasambahay.
Itinuro ni Maricar ang bintana sa malapit, sa mismong lugar kung saan nakita din ni Laarni ang nakahawak ng patalim at naka-kapa. Nang ibaling nina Brando, Laarni at Josephine ang kanilang mata sa bintana, wala na ang kinatakutan ng kasambahay na nakita niya.
"M-may nakita ako. Nakaitim siya at nakahawak ng patalim!" sigaw ni Maricar. Batid parin sa mukha nito ang takot.
"Ano!? Yun din ang lalakeng nagpakita kay Laarni!" sagot ni Brando dito, at niyakap ang kasintahan sa narinig.
"Sa likod niyo!" halos mauutal na wika ng katulong at itinuro ang bintana sa likuran ng lahat. Lumingon ang lahat at nakita nilang lahat ang isang tao sa labas, nakaitim at nakahawak ng patalim.
"Th-that's him! That's the one who's trying to kill us!" sigaw naman ni Laarni at napayakap kay Brando.
"Oh my god! Let's get out here!" untag ni Brando sa lahat. Mabilis na sumunod sina Josephine at Maricar sa kaniya, ngunit napigil sila sa mahina at tig-iisang palakpak mula sa malapit. Nang bumaling sila kung kanino ito galing, walang iba kundi kay Kaeden. Lumabas ang binata mula sa madilim na sulok ng mansion.
"Paano mo alam ang bagay na iyon? Nang oras na mangyari ang pagpapakita ng may hawak ng patalim, ang ilan sa atin ay nasa dining room, ang ilan sa kusina at ang ilan ay sa kanilang sariling kwarto. If the place was pitch-dark, how could you actually know it was a he? Oo, ang pumatay sa limang kasambahay, sa ama ni Maricar, kina Congressman Vealmont at Ma'am Lilian ay walang iba kundi ikaw!" paliwanag ng binata at itinuro ang salarin. Bawat mata ay tumingin sa pinatutungkulan niya.
"Laarni Saturno, ikaw ang serial killer." patuloy niya.
"Laarni!?" tawag ni Brando nang malamang siya ang itinuro ni Kaeden. Nabigla naman ang dalaga sa pagturo sa kaniya ni Kaeden.
"A-anong sinasabi mo!? I was here all along when those happened!" giit nito. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa Ball Room ang iba pang kapamilya nina Brando at nabagabag sa kanilang narinig. Hindi nila aakalaing si Laarni ang serial killer. Ngunit bawat isa sa kanila ay umaasang nagkakamali lamang si Kaeden. Huling lumabas si Basil, na hawak ang impormasyong maaaring magdiin sa salarin.
"Kaeden, what is the meaning of this?" tanong ni Brando sa binata na parang ayaw maniwala sa sinabi nito.
"Let me explain it from the top. Noong una, ang iba ay nasa lounge, ako sa kusina, ikaw sa iyong kwarto, si Josephine sa may dining room at ang iba ay naghihintay sa ibang parte ng mansion. Tinawagan ka ni Ms. Laarni at sinabi niyang may nakita siyang lalakeng nakahawak ng patalim. Tinanong mo ba kung nasaan siya ng mga oras na iyon?"
"Oo, sinabi niyang nasa labas siya, at nakakita siya ng lalakeng nakapatalim. After that tinawagan na kita at sinabing nasa labas siya."
"Exactly! Kung nasa labas siya nang mga oras na iyon, how could she say na lalake ang nakapatalim na iyon. Our experiment with Josephine and Ms. Maricar says it all. Makikita mo ba at malalaman kung lalake nga ang nakapatalim kung napakadilim ng nakita mong iyon? Simple lang ang ibig kong sabihin, you can't tell whether the thing you saw was male or female. Hindi kaya dahil alam mong lalake ito dahil kasabwat mo rin ito?"
Mas lalong nagulat si Laarni sa napapakinggan. Nagbabadya ito na lalo pang mas nabubuksan ang kahiwagaang ginawa nito.
"Kung kasabwat niya iyon, who could that person be?" tanong ng isang kapamilya ni Brando. Ang isa pang tiyuhin niya.
"Ang kasabwat niya ay ang ama ni Ms. Maricar." malungkot na sagot ng binata.
"What!? Ano naman ang kinalaman ni Mang Berting sa nangyari!? To think he was also killed!" giit ni Brando para ipagtanggol ang kasintahan.
"Nang tumawag ka at pumaroon ako sa labas, kinuha ni Mang Berting ang pagkakataon para pumasok sa kusina at sinabihang magtago ang mga katulong. He then sets up the dummies, placed blood and heparin on the dummy para magmukhang parang pinaslang sila. Bumalik ako sa kusina at iyon nga ang nakita ko. Akmang lalapitan ko sana ito pero sumigaw ang katulong at itinuro si Mang Berting na patay sa kaniyang kwarto. At that time, the killer killed the five maids in the kitchen."
"But how could you explain that? Kung si Mang Berting ang nag-set up ng dummies, how can he be also a victim?" naguluhang tanong ni Basil.
"That is where our next mystery lies again. In this murder, there are three killers. Pinatay ng second killer si Mang Berting right after the first murders."
"Si Congressman.?" tanong ni Basil.
Tumango ang binata sa nasabi ng Inspector. Ang kanina ay karimlan sa isipan ni Basil ay unti-unting nabibigyan ng liwanag.
"Siya rin ang nag-ayos ng murder scene para hindi mabistong hindi sa pagkasakal namatay ang mga katulong. I'll explain how Congressman and Ma'am Lilian died after that. Ang ikatlong killer ay naglagay ng ilang bagay bagay sa pagkain."
"Bagay?" tanong ni Brando.
May dinukot sa bulsa si Kaeden. Ipinakita niya iyon sa kanila.
"Sinew and whalebone. Gawing matalim ang huling parte ng whale bone at itiklop ito sa maliit na bagay at itali ito sa pamamagitan nitong sinew. Pagkatapos, ilagay ito sa steak o sa anumang pagkain na kainain natin kanina. Kapag nakain ito ng isang tao, tutunawin ng ating gastric juice sa katawan ang sinew, ibig sabihin, ang tiniklop na whalebone ay babalik at pwede nitong tusukin ang ating internal organs. We could end up dead sooner or later."
"What an impressive feat. Pero, how could you explain the explosion of the stomach?" tanong naman ni Josephine na namangha sa paraan ng killer sa kaniyang pagpatay.
"Easy, it's called Acidic Reflux. Sharksfin and whalebone can do that reflux. Ibig sabihin nito, explosion maybe possible to happen or not.Walang ibang makakagawa nito kundi ang taong sekretong pumunta sa kusina bago ang katulong. Ikaw yun, Ms. Laarni."
Tahimik ang lahat at nakatingin lamang kay Laarni. Ang bawat matang mapanghusga ay nakakasindak para sa kaniya. Hindi niya kayang matagalan ang mga matang tila idinidikta ang kaniyang kasalanan.
"Hindi! Hindi totoo yan!" pagtatanggi ni Laarni. Tinakpan nito ang kaniyang tainga at sinubukang hindi na pakinggan ang ipapaliwanag pa ni Kaeden.
"Ms. Laarni, mas mabuting sumuko ka nalang. Dala ni Inspector Basil ang ilang resulta ng Trace na magpapatunay na ikaw nga ang pumatay sa kanila." malungkot namang wika ni Kaeden sa kaniya. Mabilis na lumapit sa kaniya si Basil at iniharap sa kaniya ang isang police report.
"Natagpuan ng Trace ang lang bahagi ng cosmetic powder sa damit ng biktima. Maaring nailagay ito nang pinatay mo siya. Mayroon din kaming nakitang epithelial sa kaniya at match sa iyong DNA. Si Mang Berting naman ay nahanapan ng DNA mula sa mga ginamit niya para patayin ang mga kasambahay." paliwanag nito sa dalaga.
Napaluhod si Laarni dahil lahat na nang ebidensya ay nagtuturo sa kaniya. Walang magawa si Brando kundi ang tignan ang kasintahan na umiiyak sa harap niya.
"Dahil ayaw niya akong tanggapin." pag-iyak ng dalaga.
"Hindi kaya, ikaw ang anak ni Congressman at ang pinatay na bata para ialay kay Samael ay-"
"Oo, Kaeden. Ang kapatid ni Maricar, anak niMang Berting!"
Hindi makapagsalita si Maricar sa narinig at nais nitong umiyak pero pinipigilan niya.
"Ako ang tunay na anak ni Congressman at itinago ako ng isang kamiyembro ng kulto. Sinabi sa akin ni mama na siya ang ama ko, at nang sasabihin ko iyon, hindi niya ako tinanggap at sinabing ang maaari ko nalang daw gawin ay pakasalan si Brando, ang pinsan ko."
"Bakit mo iyon ginawa?"
"Kung ito lang ang paraan para mapasaya ko ang papa, hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon, kahit kasalanan pa sa mata ng iba."
"Pero sa paningin ni Congressman ay tama, tama sa paningin ng kulto niya Samael is ordering them to marry anyone."
"Oo..at dahil miyembro din ako, it's not a sin to marry Brando."
"No..no...noo!" sigaw ni Brando at tinakpan niya ang tainga nito para hindi pa nito marinig ang anumang sasabihin pa ni Laarni.
"At ang rason para patayin ang iyong ama at ang asawa niya ay dahil siya ang tunay mong ina hindi ba?" patuloy ni Kaeden.
"Oo. Hindi iyon kasalanan, pero naging kasalanan sa aking ina ang patayin ang aking nanay, ang nag-alaga sa akin dahil wala raw itong karapatan sa akin!"
Kinuyom ni Maricar ang kaniyang palad at biglang sinampal si Laarni.
"Nagkakamali ka! Ang iyong tunay na ina ay ang babaeng halos magmakaawa kay Congressman na huwag ipapatay ang kaniyang anak! Naawa sa iyo ang isang miyembro ng kulto at inalagaan ka, naging kabayaran nito ang pagsakripisyo sa kapatid ko! Hindi ka lang nagkasala sa mata ni Sir Brando kundi nagkasala ka rin sa pagpatay sa walang kaalam-alam na inang ang akala ay natagpuan ang kaniyang anak!"
Parang isang bomba ito sa pandinig ni Laarni. Hindi niya matanggap na ang pinatay niyang inaakalang ina ay hindi pala. Pumatay siya ng inosenteng tao!
"Tama ang sinasabi niya. Vealmont was indeed a devoted man of the cult. Nagmakaawa ang iyong ina na huwag kang patayin. Akala ng iyong ina ay mamamatay ka na pero kinuha ni Vealmont ang anak ni Berting at iyon ang ipinagpalit nito sa iyong pwesto. Hindi makatanggi si Berting dahil kung hindi niya ibibigay ang anak ay silang lahat na pamilya ang kapalit. Any father would do everything to save his family, sabi nga nila." wika naman ng isang tiyuhin ni Brando.
"Sumuko ka na Laarni. Police will be here soon." sabi ni Brando at pinatayo si Laarni habang nakayakap ito sa kaniya.
Pagkatayo ni Brando sa kaniya ay itinulak siya ni Laarni at tumakbo agad sa may bandang kusina. Agad siyang hinabol ng lahat hanggang sa marating ang lugar. Kumuha si Laarni ng isang kutsilyo at itinutok sa kanilang lahat.
"Kailangang mamatay kayong lahat! Ito ang kabayaran ng kasalanan ng pamilya Montefalco sa akin at sa aking ina!"
Mabilis siyang sinungaban ni Brando para agawin ang kutsilyo. Nagtagumpay ito at naitulak si Laarni sa isang sulok.
"Hindi kailanman mababayaran ng aming pamilya sa buhay na ito ang aming kasalanan sa iyo. At kung ang buhay ko ang kabayaran..." wika ni Brando at unti unting iniangat ang kutsilyo sa harap niya. Akma itong sasaksakin ang sarili.
"Huwag mong gawin yan Sir Brando!" sigaw ni Kaeden sa kaniya at akmang pipigilan ang gagawin ngunit mabilis ang paggalaw nito at sinaksak ang sarili. Maging si Basil na akmang aagawin ang kutsilyo ay hindi na naabutan pa ito.
"Nooo!!!!!" pag-iyak na sigaw ni Laarni at niyakap ang duguang kasintahan na unti unting bumagsak sa sahig. Lumuhod ito at niyakap ang nakahandusay na si Brando.
"K-Kaeden, s-salamat sa pagbibigay linaw sa l-lahat. L-laarni...I love you." Ito ang huling salita ni Brando bago ito nawalan ng malay. Napapikit lamang sina Kaeden habang naririnig ang tuluyang pag-iyak ni Laarni na umalingawngaw sa buong kusina. Ipinikit ni Kaeden ang kaniyang mga mata. Kinamumuhian niya ang nangyari.
"Sir Brando, hindi mo dapat ginawa iyon! Hindi dapat!" paulit-ulit niyang sigaw sa kaniyang sarili. Nilapitan agad ni Basil si Brando para pulsuhan. Nang makumpirmang hindi pa nawawala ang puls nito, mabilis niyang inutusan si Maricar na tumawag ng ambulansya at ng pulis. Agad na sumunod si Maricar.
"Hindi pa huli ang lahat, Laarni. Pagsisihan mo mga kasalanan mo. Walang nakakaalam, ngunit maaring sa pagbalik mo, ay mas tatanggapin ka ng mundo. Hindi kasalanan kailanman ang naising makasama mo ang iyong ama, pero kasalanan ang pumatay dahil sa isang bagay na hindi mo binigyan ng oras para maintindihan. Ms. Laarni Saturno, you are under arrest for the murder of Vealmont and Lilian Montefalco and Berting Tejada." paliwanag ni Basil at pinosasan si Laarni. Hindi na ito tumanggi at tumayo para hintayin ang mga pulis na aakay sa kaniya sa presinto. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya. Mabilis nilipat sa stretcher si Brando at inihatid sa hospital.
Ang buong mansion ay balot sa lungkot at pagtangis. Hindi nila aakalaing ang isang masayang pamilya ay nababalot pala ng madilim na nakaraan.
---