"All events in a murder can be scientifically and logically explained."
---
Pinabalik nina Kaeden at Josephine ang mga kasamahan sa kani-kanilang kwarto. Humingi ang binata ng House Map ng mansion kay Brando. Maaaring narito ang kasagutan sa kung sino ang may gawa ng lahat ng pagpatay. Ipinaayos naman ni Brando sa kasambahay ang dining room at binalutan ng malinis na dining mattress ang bangkay ng congressman at ni Lillian. Sinigurado ni Josephine na walang magagalaw sa crime scene. Sa tagal nilang kasama ang Inspector, halos naitatak na din sa kanila ang working procedures ng mga pulis.
" Ang dining room ay nasa First Floor, west chamber. Ang kusina ay nasa First floor East Chamber. Maglalakad ka pa para makapunta mula sa kusina hanggang sa dining room. Nakita ni Ms. Laarni ang sinasabi niyang lalakeng nakapatalim sa First floor entrance. Ibig sabihin, nung tinakbo ko ang entrance mula sa kusina, that could have only be 2 minutes is summation. Bumalik ako sa kusina, tapos nakita ng katulong ang ama niyang namatay sa mansion hall. Ang mansion hall ay nasa kabilang bahagi pa ng mansion, kaya kailangang takbuhin o lakarin pa ito bago marating." paliwanag ni Kaeden kay Josephine na nakaupo sa isang sulok ng Mansion Lounge. Taimtim itong nakinig sa imbestigasyon ng binata habang hinihintay ang pagdating ng mga pulis at ng ambulansya.
"A-anong mong sabihin? May nakikita ka bang anomaly sa nangyayari?" tanong ng dalaga, na may pagtataka sa nais sabihin ng kaibigan.
"Ibig sabihin, napaka-imposibleng patayin ng isang tao ang limang kasambahay within two minutes lang. Ganun din na imposibleng patayin ng killer ang ama ng kasambahay, ang congressman at ang asawa nito ng ganoon kabilis. There's something wrong here, Jo."
"Teka, have you checked kung may poison sa kinain nila?" naalala ni Josephine na tanungin. Siguradong may halong lason ang kinain ng magasawa. Hindi sila pwedeng mamatay lamang dahil kumain sila.
"Wala akong naamoy na almond odor sa kanila. Wala din akong nakitang sign ng blackened eyelids, para makumpirmang nalason sila."
Naalala ni Josephine ang mga pagkaing inihain ng kasambahay. Sa totoo lang, wala siyang nakikitang dahilan kung paano mamamatay ang mag-asawa sa mga pagkaing iyon. Kung wala ngang lason ang mga pagkain, paano sila mamamatay dito?
"Nakapagtataka. Paano namatay sina Congressman exactly? How would they die with the sharksfin, steak, whale soup tsaka mushroom-steak fillet?" tanong ng dalaga. Halos mga masasarap na pagkain ang mga ito. Hindi naman siguro pwedeng mamatay ang isang tao sa sobrang sarap ng pagkain na kinain nila, sabi nito sa kaniyang isipan.
May kislap ng ideya ang dumapo sa isipan ni Kaeden sa nasabi ng dalaga. Kailangan niya itong kumpirmahin.
"Tara sa kusina. May gusto akong kumpirmahin." anyaya niya sa kasama.
"Dito nalang ako. Hintayin ko sina Inspector." sagot ni Josephine at minasdan ang binata na umalis sa Mansion Lounge at dumiretso sa kusina. Ilang minuto din ang nakalipas nang marinig niya ang siren ng ambulansya at ng pulis na unti-unting lumalakas at papalapit sa mansion.
---
Malinis ang kusina. Hindi nga nagsisinungaling si Vealmont. Preserved ang crime scene. Pati ang mga bangkay ng katulong ay naiyos na rin at ayon pa sa proper protocol. Ginala niya ang kaniyang mga mata sa kusina. Tiningnan niya ang beam ng kusina at kung saan naitali ang taling pinagbigtian sa mga kasambahay.
"The rope was tied from the beam near the ceiling. Hindi kasiya ang dalawang minuto para patayin ang limang tao. Ang maaari mo lang gawin within two minutes ay ang itali sila. Kung hindi pa sila patay nang maitali sila, maaabutan ko pa iyon." wika ni Kaeden sa sarili. May nakita siyang maliit na hibla ng nylon sa sahig at kaunting pulang likido.
Yumuko siya at kinuha ang maliit na hibla ng nylon. Ito ang nylon na ginamit din sa pagkabigti ng mga kasambahay. Iginala niyang muli ang kaniyang sarili sa kusina at naglakad lakad hanggang sa may makita siyang kakaiba sa sulok. Isang hibla ng buhok ito. Agad niyang pinulot ito at pinagmasdan. Kumuha siya ng lighter sa drawer ng kusina at sinindihan ang buhok. Nagtataka siya at hindi magkatulad ang amoy ng nasusunog na buhok sa karaniwang buhok kapag natapat sa apoy at nasusunog. The odor was simply different.
"Ang amoy na ito! This is definitely horsehair!"
Kinalma niya ang sarili at nagisip ng mabuti kung ano ang ibig sabihin nito. May isang bagay siyang nakakalimutan na maaaring magkonekta sa mga nangyayari.
"Kaeden, think! Ano ang koneksyon nito sa murder case!?"
Ibinalik nito ang tingin sa beam. Binalikan niya ang likido at inalam kung ano ito. Hindi ito ang inaasahan niya dahil hindi purong dugo ang likidong iyon. Dito ay nagtama ang ideyang kanina pa ay bumabagabag sa kaniyang isipan. Lahat ng clues na hawak niya sa kasalukuyan ay mayroon nang pinatutunguhan.
"Alam ko na kung anong nangyari. Ang pagkabigti ng limang kasambahay at ang pagkamatay ng hardinero, hindi imposible at pwede mo yung gawin sa dalawang minuto lang!"
---
Ipinaliwanag ni Kaeden at Josephine ang buong nangyari sa mansion kay Basil nang makarating ito. Halos hindi makapaniwala si Basil na umabot sa ganito ang nangyari. Nagsisisi siyang inuna niya ang paghuli sa mga magnanakaw kaysa sa mas importanteng kasong dapat niyang harapin. Una siyang humingi ng pasensya kay Brando sa nangyari. Mabilis din na nilagyan ng yellow tape ng mga forensic examiner ang dalawang crime scene, kumalap ng fingerprints, nilagay sa trace ang mga pagkain at inilagay sa police car at ambulansya ang mga bangkay. Kailangan nilang alamin ang cause of death ng mga ito.
"Mula sa initial report ng forensics, walang senyales na nawalan sila ng hininga. Hindi sila nasakal." paliwanag ni Basil kina Kaeden at Josephine na nakaupo sa sofa ng Mansion Lounge. Ang buong pamilya naman ay hinihingan ng statements nila sa Mansion Conservatory.
"That means tama nga ang nasa isip ko..." ani Kaeden.
"Anong initial investigation mo?" tanong ni Basil.
"Walang ligature marks na makikita sa mga bangkay. Kung meron, ito sana ang cause of death. Pero ayon sa nakikita ko, blunt force trauma ang COD. The wounds are blunt, ibig sabihin, pinalo sila ng malakas sa may temple area ng ulo."
"In that case, the victims would fall under subdural hematoma." dagdag ni Basil sa paliwanag ng binata.
Kumpirmado na ang kaniyang hinala tungkol sa nangyari. Ngunit may isa pang kailangan niyang mabigyan ng solusyon. Ang lalakeng nakapatalim. Hindi pa niya alam kung ano ang buong hitsura nito. Ang alam niya lang ay lalakeng nakapatalim ang nakita ni Laarni. Bakit sa labas pa ito magpapakita para takutin si Laarni kung pwede naman sa may bandang bintana ng silid nito kung nasaan siya ng mga oras na iyon? Ibig bang sabihin ay umalis ito at tsaka lamang nagpakita ang lalake? Si Brando, bakit pa niya tinawag sa kanya ang bagay na ito at hindi dumiretso sa labas para iligtas si Laarni kung sakali? Sinadya ba niya ito para malaman niya ang bagay na nangyari?
"Alam mo na ba kung ano ang nangyari kina Congressman at Ma'am Lillian?" baling naman ni Josephine sa kaibigan. Kanina pa siya nagtataka kung paanong namatay ang dalawa sa harap mismo ng buong pamilya. Kung hindi sila nilason, paano sila pinatay?
Umiling ang binata sa kaibigan. Maging siya ay wala pang paliwanag sa nangyari.
"I can't. Pero alam ko na kung paano nangyari ang 2 Minute Murders na iyon."
Nabuhayan naman ng loob si Basil sa narinig.
"Care to explain?" tanong niya, at handang makinig sa sasabihin ng binata.
"Nung una, nasa kusina ako at tinatanong ko ang isa sa mga kasambahay tungkol sa kung ano kaya ang dahilan ng kamatayan ng mga naunang kasambahay. Habang may sinasabi siya, may tumawag sa akin. Si Sir Brando. Sabi niya may nakita daw si Ms. Laarni na lalakeng nakahawak ng patalim. On the rush, tumakbo ako at lumabas sa kusina para puntahan kung nasaan sina Sir Brando at Ms. Laarni."
"So, that was the time of the murder, hindi ba?" tanong ni Basil, at may ilang detalye na isinulat ito sa kaniyang pocket notebook.
"Nung una, yan din ang nasa isip ko. Pero naisip kong may isa pa palang posibilidad. Walang pagpatay na nangyari sa oras na iyon. The killer sets up a 'murder like' scene. Gumamit siya ng horsehair at nylon para sa palabas niya. Ang horsehair ay karaniwang ginagamit para makagawa ng wig. That means ang nakita kong mga tao nang buksan ko ang pintuan ng kusina, are just designed dummies by doctors, hindi mo mapapansing dummies lang ito dahil kamukha ng mga ito ang tunay na tao."
"Kung hindi pa pala sila patay sa oras na iyon, nasaan sila?" tanong naman ni Josephine.
"That's the second mystery. Kaya ang ginawa ng killer ay inilabas niya ang una niyang pinatay, ang hardinero ng mansion. Napunta doon ang atensyon ng lahat habang ang killer naman ay nagtungo sa kusina para patayin ang tunay na mga kasambahay. Probably, the killer asked the maids to hide or stay in a place na hindi ko napansin. That was the time they were actually killed."
Muling napabilib si Basil sa kung paano naisip ng binata ang mga ito. Unti-unti niyang nakikita ang yumaong kaibigan sa kanyang anak. Kung buhay pa ito, siguradong matutuwa ang kaibigan dahil katulad niya, matalino rin ito at kayang panindigan ang kaniyang mga salita.
"May kutob akong nasa malapit lang ang salarin. Kailangan lang natin ang tamang ebidensya..." patuloy niya. Pumasok sa silid ang lead forensic investigator at ibinigay ang ilang reports kay Basil. Binuksan niya ito at binasa ang ilang detalye.
"May natagpuan ang forensics sa Conservatory. May natagpuan silang lumang libro. Base sa findings, libro ito ng isang kulto. Full of ceremonial activities and plans." paliwanag ni Basil sa magkaibigan.
"Cult? Ibig bang sabihin isa sa mga Montefalco ang miyembro ng isang kulto?" baling ni Kaeden sa narinig.
"It gets interesting. Yung pagkamatay nina Congressman Montefalco at Mrs. Montefalco, nakasulat sa libro. The exact cause of death. Batay sa libro, you must bathe in blood and conjure yourself to submission and accept a certain deity to have your enemies killed. Exact way kung paano namatay ang mag-asawa."
"Pero Inspector, both you and I don't believe in anything occult. Sigurado akong hindi demonyo o bampira ang pumapatay sa mansion na ito. There must be a more specific way of killing them to guise it like this way."
"Well, I don't know, Kaeden. Hindi kapani-paniwala, pero, paano mo papatayin ang isang tao gamit lang ang isang masarap na whale soup at steak?" matamlay na sagot ni Basil sa kaniya. Noon pa man ay iniiwasan niya ang tungkol sa mga bagay ng okultismo, sapagkat gaya ng nasabi ng binata, hindi siya naniniwala dito.
Muli ay may kislap na bumangon sa utak ni Kaeden. Isang ideyang lalong nagpaliwanag sa misteryong nagaganap. Tumatak sa kaniyang isipan ang nasabi ng Inspector.
"Whale Soup and Steak! Of course! Alam ko na kung sino ang bampira! Ang taong pumatay sa hardinero, sa mga kasambahay, at sa magasawa ay walang iba kundi ang taong iyon lamang!"