Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 13 - Mysterious Key Locked Room Murder Case: Solution

Chapter 13 - Mysterious Key Locked Room Murder Case: Solution

"Love knows no bounds."

---

Unang tinipon ni Basil ang lahat ng witness sa loob ng Lounge. Doon ay naroon ang ilang mga pulis kasama niya, at si Kaeden na hawak ang mga ebidensyang magpapatunay kung sino ang salarin. Kanina lamang ay dumaan siya sa puntod ng kaniyang gurong si Andres, upang ipaalam ang tila napakasaklap na pangyayari sa buhay ng kaniyang pamilya. Paulit-ulit na tinatanong ni Kaeden sa sarili kung bakit sa ganoong paraan mangyayari ang lahat upang matuklasan at maghilom ang mga sugat ng nakaraan.

"Bakit niyo kami tinawagan lahat...?" tanong ni Rave, ang pangalawang anak ni Andres.

"Tinipon ko kayo ditong lahat dahil alam kong ito lamang ang oras na alam kong kailangan nang hulihin sa inyo ang tunay na pumaslang kina Andres at Margarette Vergara..." sagot ni Basil.

Nagtaka ang lahat. Ang ilan sa kanila ay humahanap din ng kasagutan. Ngunit ang matigas na puso ni Jezima ay naroon parin at handing pakinggan ang lahat para pasalamatan ang pumatay sa Margarette na iyon.

"K-Kung gayon, alam niyo na kung sino ang killer?" wika ni Silvano. Tumango lamang si Basil at binigay ang pagkakataon para kay Kaeden.

"Bago ko sabihin kung sino ang killer, nais ko munang bigyang linaw ang locked room murder na naganap...kung paanong nawala ang killer mataos mapatay si Sir Andres..." sagot ni Kaeden. Nagkaroon naman ng interes si Hilda sa tinurang iyon ni Kaeden. Nais niyang makamtan ang hustisya para sa kaniyang abuelo.

Pinapunta silang lahat ni Kaeden sa kwarto ni Andres at doon niya sinimulang ipakita ang paraan ng killer.

"Nang una ay napansin kong may apat na librong pabaligtad ang pagkalagay dito sa bookshelf. Nakadikit ang bookshelf sa dingding hindi ba? Susubukan kong baliktarin at ilagay sa tama ang mga librong ito..." wika niya habang kinuha ang mga librong iyon at iniayos sa bookshelf. Naramdaman nila ang tila paggalaw ng bookshelf at tumagilid ito. Doon ay nabuksan ang isang parte ng kwarto, isang Secret Entrance!

"I-imposible!" na-wika nina Rave at Jezima. Hindi sila makapaniwalang may secret entrance ang kwarto ng kanilang ama!

Tinignang mabuti nina Ander at Rave ang entrance na iyon. Nang kanilang Makita ay walang iba kundi ang kwartong katabi nito. Ang guest hall, isang malawak na kwarto kung saan maaarig mag-usapusap ang mga may-ari ng bahay at ang kaniyang mga bisita.

"Walang ibang taong pwedeng nakapasok dito kundi ang nag-iisa lamang..." wika ni Kaeden at itinuro ang nag-iisang salarin...walang iba kundi si Marco!

"Marco Alegre...walang iba kundi ikaw!"

Lahat na naroon ay nabigla at kahit isa ay walang imik na tumingin sa kaniya.

"I-ikaw...?" tanging tanong ni Ander sa kaniya.

"Paanong ako!? Bakit ko papatayin si Sir?" panlalaban naman ni Marco sa sinabi ng binata.

"Mayroon kaming nakitang signature fabric sa katawan ni Margarette sa autopsy. Sadly, when we checked Sir Andres' clothes, we found out na merong burnt samples ng parehong signature fabric. Alam mo bang tuwing nagpapaputok ka ng baril, may tendency na ang pagsabog ng baril ay kumalat? One of which...nakita naming ang fabric na iyon sa katawan ng dalawang biktimang pinatay mo...!"

"P-pero walang motibo si Marco na patayin ang papa!" pagtatanggol ni Jezima.

"Nang una ay wala rin akong naisip. Ngunit binasa ko ang records niya at nalaman kong mayroon siyang kapatid na nagpakamatay. Ang nasabing dahilan ay dahil nadismaya raw ito sa kaniyang mga gawa at paintings, na nagtulak sa kaniyang kamatayan...ngunit sa tingin ko ay hindi. Alam kong..." hindi naituloy ni Kaeden sapagkat sumabat bigla si Marco habang sinuntok ang lamesa gamit ng kaniyang kamay.

"Tama ka...! Ang matandang iyon ang dahilan kung bakit namatay ang aking kapatid. Kinopya ni Andres ang Woman of Innocence ng aking kapatid, at ginawa niya itong kanya. Dahil sa nawalan ng pag-asa ang aking kapatid dahil alam niyang muling gagawin iyon ni Andres, nagpakamatay siya, habang ako'y hawak ang kaniyang huling sulat sa akin...!"

Halos hindi makapaniwala ang lahat sa naririnig nila kay Marco.

"Si Margarette, ano ang motibo mo sa pagpatay sa kaniya...?" tanong ni Basil. Alam niyang wala nang magagawa si Marco kaya't umamin na sa kaniyang kasalanan. Ebidensya na ang magtatakda ng kaniyang hatol.

"Alam kong balak niyang patayin si Ander para masolo ang mana kasama yang si Silvano. Balak nilang patayin si Ander para makuha ng buo ang mana...!"

"Sinasabi ko na nga ba...!" sabat ni Jezima at hinarap si Silvano. Walang imik na ibinaba ni Silvano ang tingin sa kaniyang mga kapatid.

"Pero bago mangyari iyon ay una kong pinatay si Margarette...hindi ko nais na mawala pa sa akin ang aking nawawalang kapatid..."

"Kapatid...? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rave kay Marco.

"Si Ander. Alam kong siya ang nawawala kong kapatid. Siya ay inampon lamang ni Andres...ngunit alam kong siya ay isang Alegre...anak siya ng aking ina...nagkahiwalay lamang kami noon..."

Nang masabi ito ni Marco ay agad na sinampal ni Kaeden sa kaniya ang mga papeles. Mula sa sahig ay kumalat ito. Agad na kinuha ni Jezima ang ilan at binasa ito. Siya mismo'y nagulat sa kaniyang natuklasan.

"Isa kang hangal, Marco. Alam mo bang nagkamali ka...? Si Margarette ang tunay mong kapatid at hindi si Ander! Kung babasahin mo ang lahat ng mga dokumentong iyan, makikita mong si Margarette ang tunay na De Faisol...at isang Alegre! Siya ang tunay mong kapatid...dahil si Ander ay mula sa ibang pamilya...! Pinatay mo ang tunay mong kapatid, Marco!"

Parang bombang patuloy na sumabog sa pandinig ni Marco ang narinig. Hindi niya kayang sukatin ang kaniyang pagkakamali. Pinatay niya ang kaniyang sariling kapatid!!!

Sa kaniyang paghiyaw ay tila isang baliw na tumututol sa naririnig at linapitan ang bintana.

"Hindi...hindi..." wika niya. Tumingin si Marco kay Basil na nag-iwan ng isang kakaibang ngiti. Bago pa man siya mahuli ng mga pulis ay binuksan ni Marco ang bintana at tumalon mula roon. Dahil mataas ang kinaroroonan nila, sa kaniyang pagbagsak ay ang kaniyang kamatayan.

Mula sa kwarto ay minasdan ng lahat ang walang buhay na si Marco. Ang dugo ay kumalat sa kaniyang nabasag na bungo mula sa pagkabagsak. Ang ilaw ng araw mula sa kahoy na humaharang dito ay pilit na inaaninag ang walang buhay na criminal.

"Case...closed..." mahinang wika ni Inspector Basil at inakbayan ang tahimik na si Kaeden.