"Forgiveness is a virtue that anger clouds. Forget anger."
---
Isang dalawang oras ang nakalipas bago nakarating sina Basil at ilang mga pulis. Sinalubong sila nina Kaeden dala ang mga balita at nasaksihan tungkol sa bagay na iyon. Nasimulan na rin na inspeksyunin ang bangkay, iyon na lamang ang hinihintay ni Kaeden upang maliwanagan siya tungkol sa kaso. Inimbestigahan ni Basil ang bawat isa sa kanila.
"Kaeden, naimbestigahan na namin ang sinasabi mong napansin mo sa biktima..." wika ni Basil nang magsarilinan sila ni Kaeden sa isang kwarto kasama ang mga pulis.
"Inspector, ano ang dilaw na iyon na nakita ko sa biktima?"
"Akala namin ng una ay isa itong asukal o juice lang, ngunit ng ilagay naming sa test ay lumalabas na isa itong tetrodotoxin powder. Napag-alaman din namin na walang alcohol content sa katawan ni Simeon sa oras na namatay siya. He was completely not drunk."
"Ang mga kasama ng biktima...alam niyo po ba ang kanilang statements?"
"Oo, nakuhanan naming silang lahat, at walang makitang dahilan para pagdudahan sila. Matibay ang kanilang alibi. Natutulog silang lahat sa kanilang mga kwarto. Walang sinumang nakagawa ng krimen sa oras na yon. Kung meron mang nagsisinungaling, wala kaming pruweba na isa sa kanila ang gumagawa niyon at maaring siya rin ang pumatay sa biktima.
"Kung gayon, kailangan kong hanapin ang iba pang magkokonekta sa kasong ito..."
"Gaya ng ano, Kaeden?"
"Ang bagay na ginamit ng killer para patayin ang biktima...at kung saan nakakuha ng tetrodotoxin ang killer gayong malayo ito sa mismong siyudad...maaaring home made ito pero...paano niya iyon nagawa...?"
Madaling nanahimik si Basil sa tinuran ni Kaeden. Ang akala nilang simpleng paglunod lamang ay nauwi sa isang pagpatay. Tumayo si Kaeden at akmang lalabas ng bahay nang tinanong siya ni Basil kung saan siya pupunta. Nagpaalam siyang magpapalipas ng oras sa labas habang iniisip ang tungkol sa kasong iyon.
Mahirap para kay Kaeden ang ganitong kaso sapagkat hindi niya napansin ang pagpatay, ganoon ding wala siyang masyadong nalalaman sa maaaring pinuntahan ng biktima. Kailangan niyang mag-all-around search sa crime scene para maikonekta lamang ang lahat na ebidensyang meron sila.
Habang nagpapahangin sa labas, may mga mangingisdang nag-uusap habang naglalakad pauwi. Nang madaanan nila si Kaeden ay narinig niya ang pag-uusap ng mga mangingisdang iyon.
"Alam mo, siguro akala nung magnanakaw maibebenta niya ang mga isdang iyon..." wika ng isa.
"Ninakaw nila yung mga blowfish na nahuli natin?"
"Oo pare, hindi naman maibebenta iyon dahil hindi rin kinakain iyon dito sa atin..." sagot niyang muli at tinawanan na lamang ang pangyayari.
Mula nang marinig ni Kaeden ito ay nagliwanag ang kaniyang pagtataka sa toxin. Ang kailangan niya na lamang kompirmahin ay kung totoo ang hinala niya sa sinabing iyon ng isa sa mga witness. Tumakbo siya sa pabalik sa resort at dumiretso sa likurang bahagi niyon, kung saan tumingin siya sa mga bintana at humanap ng maaaring naiwan ng killer na magpapatunay na siya nga ang pumatay. Inisa isa niya ang mga bintana hanggang sa may makita siyang tila maliit na hibla ng nylon sa isang bintana. Kinuha ito ni Kaeden kasabay ng kaniyang pagngiti.
"Alam ko na kung paano napatay ng killer ang biktima na walang kahirap-hirap...! Ang pumatay kay ginoong Simeon ay walang iba kundi ang taong iyon!"
---
Unang hinanap ni Kaeden ang mga ebidensya na magpapatunay sa paraan ng pagpatay bago ang magbibigay ng patunay sa kung sino ang killer. Una niyang binigyang kasagutan ay kung paano nagkaroon ng tetrodotoxin ang killer na siya niyang ginamit sa pagpatay sa biktima.
"Ang isang tetrodotoxin ay nagpaparalisa o kaya nitong patigasin ang katawan ng tao para mamanhid ito. Kung ginamit ito ng killer sa kaniya, maaaring kahit nakita niya ang killer na papalapit sa kaniya upang patayin siya ay wala na siyang nagawa. Ngunit paano mailalagay iyon ng killer sa biktima na hindi niya napapansing toxin ito? Hindi kaya..." sabi ni Kaeden sa kaniyang isipan. Palaisipan parin sa kaniya ang cause of death, kung drowning ang cause of death nga nito, ano pa ang dahilan upang pukpokin siya ng killer sa ulo kung patay na siya?
Muling bumalik sa isipan niya ang dilaw na powder sa katawan ng biktima. Isang ideya ang lumabas sa kaniyang isipan. Maaaring hindi napansin ng biktima na nilalagay na niya sa kaniyang katawan ang lason. Bumalik siya sa loob ng resort upang kompirmahin ang kaniyang pagdududa tungkol dito. Si Amera ang nadatnan nito sa salas.
"Miss Amera, mahilig ba sa whitening powder o anumang powder ang biktimang si Simeon?" tanong niya.
"Aba, oo. Naalala kong bumibili siya ng mga mga mamahaling whitening powder. Isang bagong brand ang kakabili niya lang, ang Yellow Scent Powder, isa siyang pabango sa isang powder form."
Dito na nagkaroon ng liwanag ang lahat ng kaniyang hinala. Tama ang nasa kaniyang isipan. Ang buong kaso ay lutas na!
"Maraming salamat, Miss Amera. Nabigyang solusyon ang pagpatay na ito...kung maaari po bang tawagin ninyo lahat kasama na ang mga pulis sa kabilang resort?"
"I-ibig mong sabihin alam mo na kung sino ang pumatay?" gulat na sagot ng dalaga.
"Oo, at sa pagkakataong ito, hindi na siya makakapagtago sa kaniyang nagawang kasalanan."
---
Sa kabilang resort, hinintay muna ni Kaeden na handa muna ang lahat bago simulan ang kaniyang pagbubunyag sa buong detalye ng kaso. Inihanda niya na rin ang mga litrato at ebidensyang gagamitin niya laban sa criminal, kung sakaling ito man ay maghanap ng ebidensya sa bawat sinasabi niya.
"Ano ang ibig sabihin nito, Kaeden, alam mo na ba kung sino ang pumatay sa biktima?" masayang turan ni Basil. Hindi na niya kailangang magulat dahil alam niyang sa mga oras na nagtatawag ang bata ay alam niyang mayroon nang solusyon sa isang problema.
"Opo, Inspector. Una ko munang ipapaliwanag ang paraan ng pagpatay ng killer. Una, pinalitan ng killer ang gamit na Yellow Scent Powder ni Ginoong Simeon ng tetrodotoxin powder. Siyempre, dahil sa pareho ang pinaglagyan ng killer ng powder na iyon sa gamit niya ay hindi niya ito mahahalata. Naisipan ng biktima na gumamit muli nito, kayat ipinahid niya sa katawan ang powder, na hindi niya alam ay toxin na pala. Mabilis na namanhid ang kaniyang katawan hanggang sa ang diwa niya na lamang ang gising. Mula sa bintana ay pumasok ngayon ang killer at dinala siya sa swimming pool. Para makasiguradong mapatay niya ang biktima pinukpok niya ito ng martilyo, ngunit sa kasawiang palad ay mayroon pang kaunting hininga ang biktima sa ginawa ng killer, ngunit hindi na siya nakaligtas nang tinapon siya sa tubig, na sanhi ng kaniyang kamatayan."
"Yellow Scent Powder?" tanong ni Basil.
Si Amera ang sumagot sa tanong ng Inspector. Naipaliwanag na niya ito kanina lamang kay Kaeden.
"Paboritong powder iyon ni Simeon. Sa katunayan, dilaw ang kulay nito."
"Kung gayon, ang dilaw na powder na natagpuan ko sa biktima ay..."
"Opo, Inspector. Akala ng biktima ay whitening powder ito, ngunit lumabas sa inyong autopsy na tetrodotoxin powder ang nasa katawan ng biktima."
"Pero, sino naman ang may gawa non? Hindi ba't nakalagay pa iyon sa kaniyang drawer? Kung alam man ng killer ang tungkol sa bagay na iyon, kailangan pa niyang pumasok sa loob upang kunin iyon..." tanong naman ni Drigo.
Ngumiti si Kaeden. Agad namang nakuha ni Josephine na nakikinig sa dulo ang ibig sbaihin ng pag-ngiting iyon ng kaibigan. Nag-iba ang kaniyang tingin kay Drigo.
"Paano mo nalaman na nasa drawer niya iyon, kung lahat kami ay hindi alam ang kinaroroonan ng tunay na powder?" mabilis na tanong ni Kaeden. Nagulat si Drigo sa tanong at nanlaki ang mga mata nito. Alam niyang sa bandang iyon ay nahuli siya sa sariling dila!
"Oo, alam mo ang bagay na iyon dahil mula sa bintana ay kukunin mo sana ang powder, pero wala roon. Kaya't nagpasya kang hintayin na lumabas si Ginoong Simeon upang makapasok sa kwarto niya at hanapin ang powder para palitan ito."
"Pero, kailan naman nangyari iyon? Ang alam ko ay magkatabi lang ang kwarto namin ni Drigo, kaya't kung dadaan siya mula sa bintana, makikit ko siya doon..." pagtatanggol ni Arianne.
"Hindi na iyon kailangan. Gumamit siya ng Black Vinyl Sheet, katulad ng mga maitim na plastic bag para sa basurahan, kung hahawakan niya ito upang takpan ang sarili, aakalain mong dahil masyadong madilim ang gabi kaya't wala ka nang makita...ang patunay dito ay ang katunayang nawawala kanina pa ang vinyl trash bin sa ibaba..."
Pumalakpak lamang si Drigo sa narinig. Alam niyang siya na ang tinuturo ni Kaeden bilang killer.
"Magaling, bata...hanga ako sa iyong pagpapaliwanag. Pero nakakalimutan mong wala ka pang ebidensya o patunay kung paano nagkaroon ng tetrodotoxin na siyang pumatay kay Simeon..."
Naging mas seryoso ang mukha ng binata sa narinig.
"Gusto mo ba talagang mapahiya pa, ginoong Drigo...? May narinig akong usapan sa mga mangingisda diyan sa malapit na nawawala daw ang ilan nilang nahuling blowfish. Sa katunayan ay hindi nila alam ang pakay ng nagnakaw, akala nila ay dahil sa pera o pagkain, ngunit alam mong ang blowfish ay mayroong tetrodotoxin sa katawan, na maaari mong gamitin para makagawa ng tetrodotoxin powder...hinalo mo ang toxin sa isang magkaparehong brand ng powder pagkatapos at siyang naging sanhi ng pagparalisa ng katawan ng biktima. Nang mga oras na iyon habang nagnanakaw ka ay hindi mo napansing may hibla ng nylon na nahulog mo nang dumaan ka sa iyong bintana para magkunwaring tulog...at kung iapapa-check namin ito...siguradong kahit kaunti ay mayroon kaming mahahanap na maaaring mag-uugnay sa iyo..."
Lumapit si Basil kay Drigo at binalaan na sumuko na lamang kung hindi ay mapipilitan silang hanapan siya ng iba pang ebidensyang lalong magdidiin sa kaniya. Napapikit na lamang si Drigo at lumuhod sa harap ng pulis. Unti-unting pumatak ang kaniyang luha kasabay ng kaniyang pag-amin.
"Hindi ko alam na marami pala akong naging pagkakamali sa aking plano. Oo, matapos kong patayin si Simeon ay akala ko, wala nang makakapagbunyag ng aking mga plano pati na ang mga pulis, pero nagkamali ako...ikaw nga ang anak ng naging tanyag na detective..."
"P-pero bakit mo pinatay si Simeon? Hindi ba't matalik kayong magkaibigan?" tanong ni Amera.
"Magkaibigan? Siya ang dahilan ng maraming kasakiman na naganap sa atin..."
"A-anong ibig mong sabihin?" wika ni Arianne.
"Tatlong taon na ang nakalilipas...nung buhay pa ang aking mga magulang, mayroon kaming malaking lupain sa probinsya. Nagkainteres dito si Simeon at balak na bilhin ang malawak na lupa sa malaking halaga, ngunit hindi pumayag ang aking mga magulang. Kompyansa akong maaaring dahil sa interes lamang ay nagawa ng aking kaisa-isang kaibigan ang bagay na iyon kaya't ipinagwalang bahala ko. Pagkatapos noon, pumunta ako ng France para mag-aral. Isang taon ang lumipas, nabalitaan ko na nagkasakit ng malubha ang aking kapatid at kulang ang perang ipinadadala ko sa aking side line bilang programmer doon sa France. Nagpasya ang aking mga magulang na ibenta kay Simeon ang lupain para ipanggamot sa kapatid ko. Nagpasalamat pa ako kay Simeon dahil sa kaniyang kabutihang pagbili sa lupain para maligtas lamang ang aking kapatid. Ngunit hindi nagtagal ay biglang namatay din ang aking mga magulang dahil sa karamdaman. Biglang nag-iba ang mundo ko nang malaman ko sa isang kaibigan ang totoong nangyari. Si Simeon din ang may dahilan kung bakit napunta sa banig ng karamdaman ang aking kapatid, para ibenta lamang ng aking mga magulang ang lupa...napakasama niya...akala ko ay upang tulungan ang aking pamilya kaya niya binili ang lupa...iyon pala ay upang makuha lang ang kaniyang inaasam...kaya't pinatay ko siya...alam kong masaya na ang aking kapatid at naipaghiganti ko siya sa kasamaang dala ni Simeon..." paliwanag ni Drigo.
"Kung sa tingin mo ay may maidudulot na mabuti ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagpatay, nagkakamali ka. Isa ka lamang sa mga taong naging gutom sa paghihiganti at kasakiman. Kung mananaig sa puso mo ang paghihiganti, malilimutan mo ang kabutihan. Maisip ko lamang ang pumatay para sa aking kapatid o pamilya, kinikilabutan na ako. Sana mapag-aralan mo rin ang pagpapatawad at bagong buhay...sa malamig na selda..." sagot ni Kaeden, habang sinenyasan si Inspector Basil upang arestuhin ang criminal. Hindi na inalalayan pa ni Basil si Drigo dahil kusa itong sumuko.
"Sa presinto ka nalang magpaliwanag..." wika nito.