"Some criminals are obsessed with showing their crimes. They tend to create orchestrated crimes to show their superiority. A detective knows how to decode their acts."
---
"Ito po ba ang buong note na binigay sa inyo?" tanong ni Kaeden sa kausap niya sa salas. Nasa edad bente siyete ito at base sa kanyang all gray formal attire, isa itong empleyado sa isang estado o pribadong kompanya. Nagkatinginan ang binata at si Josephine na nasa kanyang tabi na nakikinig sa sinasabi ng lalake. Binabasa niya ang isang papel na kung saan nangagaling ang problema ng kausap. Inuna niyang tinignang maigi ang papel. Sulat kamay. Ang papel ay parang napunit sa isang notebook, ngunit dahil malinis ito, mas naging solido sa isip ng binata na ang sumulat nito ay hindi nagbibiro. Kitang-kita na perfectionist ang may gawa ng sulat dahil malinis ang pagkakasulat sa mga letra at mababasa mo sa unang tingin ang sinulat niya.
"When two needles points at the west,
Blood shall flow and heads will roll,
Scream be heard, the night sky no glow,
The banquet is beginning, life be sacrificed,
He who hath understanding,
Soon resist and together with death he dine,
All they follow for the will of their known god,
Flail your courage in the sky,
Pave the dark with thy faith,
As the needles be stopped,
Hell, come forth, no one will live."
"Oo, yan nga. Ang nakapagtataka kung bakit ako lumapit dito sa iyo ay dahil bago naibigay sa akin ang sulat na iyan, dalawa sa kasambahay naming ang namatay. Ayon sa autopsy ng mga pulis, may dalawang bite marks sa leeg ng mga namatay. Sabi ng reports, may blood loss. Ang mas nakagigimbal pa dito ay kung paano sila natagpuan ng pulis. The bodies were dismembered." patuloy ng binata. Nasa kanyang mata ang takot at tila ayaw balikan ang pangyayaring iyon.
"Pero Mr. Montefalco, why me? Trabaho ito ng mga pulis. I just recently finished my training sa kurso ko. Pwede ko kayong irecommend kay Inspector Basil to tackle this case." malungkot nitong pagtanggi sa hinihinging pabor ng kausap.
"Si Inspector Basil mismo ang nagrekomenda sa akin sa iyo. Kaibigan ng pamilya ko ang mga Del Valle. Lagi kang ibinibida sa amin ni Basil sa mga kasong nahawakan na niya."
Napakunot naman ang noo ng binata sa narinig. Napatingin siya kay Josephine, para kumpirmahin kung maging siya ay may kinalaman dito. Napailing lang ang dalaga at sinenyas na wala siyang ideya tungkol dito. Saglit na nag-excuse si Kaeden sa kausap at pinuntahan ang telepono malapit sa flower vase sa kaliwang bahagi ng sala. Agad niyang idi-nial ang numero ng mismong opisina ng Inspector.
"Oh, Kaeden, napatawag ka?" tila naglalarong saya sa tono ng Inspector nang sinagot ang tawag niya.
"Inspector, what's this? Uncle, hindi magandang biro ito!" may halong inis sa tono namang reklamo ng binata.
"Busy kami sa buong departamento. May hinahanap kaming bank robbers na kasali sa isang naganap na bank heist kahapon. Lahat kami ay binigyan ng order na i-prioritize ang kaso dahil napakalaking halaga ang nawawala. Ikaw lang ang naisip kong pwedeng maging proxy ko."
"Pero trabaho ito ng pulis. Shouldn't you be recommending a private eye for this?"
"Kaya mo na 'yan! Your Dad would be proud! Sige, we have to go somewhere. Duty!" pabirong sagot ng Inspector bago niya binabaan ng telepono ang binata. Napabuntong hininga na lamang si Kaeden at bumalik sa kaniya ng upuan at hinarap ang kanyang unang kliyente.
"Mr. Montefalco, if you'll excuse me. Tatanggapin ko ang kasong ito, in lieu of my Dad, and Inspector Basil's proxy for the time being." paliwanag niya sa lalake.
"That is much appreciated. Pero, do you have any thoughts dito sa nangyayari? Do you think may bampira talaga na gumawa niyan?"
"Obviously hindi, Mr. Montefalco. Hindi ako naniniwalang bampira ang may gawa nito. There's a more scientific, logical and rational explanation. Kung nagbibiro ang gumawa nito, he or she could have just sent you these notes. Pero hindi. Gumawa ito ng paraan para matakot ang taong nakatanggap ng mensahe niya."
Umayos sa pagkaka-upo si Brando sa sofa. Tumingin siya ng diretso kay Kaeden na muling tinitignan ang sulat.
"I need this joke to stop. Mamaya baka kami naman ang kunin ng taong iyan. Kung kaya niyang pumatay ng kasambahay, kaya niya rin kaming patayin." turan ni Brando, at napatingin sa bintana, na para bang nagbabadyang may mamamatay na muli sa kanyang pamilya. Napaisip naman si Kaeden na maaari itong isang family grudge. In most cases, crimes committed to rich people are because of family conflicts or any business that gone wrong.
"Wala ba kayong family conflicts o hindi kaya past aggravations to any family or commoners?"
"Totally none. My father has been an honest governor and congressman to all people.My mother is a kind as any mother could be to their children. Wala akong mai-magine na gagawa nito."
May naiisip na si Kaeden na ibig sabihin ng nakasulat sa papel. Hindi pa siya sigurado kung ito na nga ang bagay na iyon. Kailangan niyang i-decode ang mensahe. Kung magagawa niya ito, mas magiging malinaw kung ano ang susunod na mangyayari sa susunod.
"So anong balak mo?" tanong ulit ni Brando.
Huminga si Kaeden ng malalim. Nakapagdesisyon na siya. Kailangan niyang puntahan ang mismong bahay ng mga Montefalco para alamin kung paano nagsimula ang lahat, at kung darating muli ang nagbigay ng sulat na iyon, pagkakataon na iyon para hulihin siya.
---
Dahil wala si Inspector Basil, nagkaroon ng kasunduan sina Kaeden at Josephine. Sila ang pupunta sa bahay ng mga Montefalco para imbestigahan ang nasabing 'vampire-like case' na nangyari sa dalawa nilang kasambahay. Nasa may salas sila nang dumating ang isang kasambahay at dinalhan sila ng chocolate coffee. Naunang uminom si Josephine habang tumitingin sa mga paintings ng bahay. Tumayo naman si Kaeden para tignan ito ng malapitan.
"Nice! This one is Dora Maar au Chat! Iito namang kabila ay ang Les Demoiselles d'Avignon!" papuri ni Kaeden sa mga paintings. Ilan lamang ito sa mga nakita niyang magagandang paintings sa loob ng mansion.
"Mahilig ka rin pala sa mga drawings, Mr. Boa Vista." tawag ng isang may katandaang boses. Lumingon ang binata sa tumawag sa kaniya. Matangkad, may kaunting mpupting buhok at nasa edad sesenta na ito. Nasa kaniyang tindig ang imahe ng isang mayaman at respetadong tao.
"Ako nga pala si Congressman Vealmont Montefalco, kapatid ng ama ni Brando, ang kliyente mo." pagpapatuloy ng lalake.
"Ah, Congressman, nice to meet you. Nandito ako bilang case proxy ni Inspector Basil. We're here to investigate the case. Naniniwala din akong hindi nagtatapos dito ang ginawa ng nagsulat ng note na iniwan sa inyo. Anyone could be a target." sagot ni Kaeden, at sinamano ang kaharap.
"Nagpapaniwala ba kayo sa isang haka-haka ng isipan at gawa lang ng tao? Mr. Boa Vista, vampires do only happen in movies!"
"Congressman, I was talking about who and what happened, not about what was the source. Let's see what it is in real. Sa ngayon wala pa akong ebidensya but sooner or later, there's gonna be a leading evidence to prove my subtle deduction."
May galit na umalis ang pulitiko sa salas at iniwan silang dalawa. Matapos umalis ang pulitiko ay tsaka lamang nakapagsalita si Josephine.
"Wala akong naintindihan sa nakasulat sa papel na iyan maliban sa first line. Two needles point at the west, blood shall flow and heads will roll. Ibig sahin niyan, sa oras na alas nuebe, may mamamatay."
Tumango si Kaeden sa dalaga. Maging siya ay ito pa lamang ang kanyang naiintindihan sa sulat na iyon. Nilibot nilang magkasama ang bawat sulok ng bahay. Napaka-unique ng design ng mansion. Tila naghalo-halong cultures ang inspiration ng design. May mga gothic carvings, gargoyle design at statue, mga paintings ng batikang pintor, ilang mga original antiquities ng Italya at marami pang iba. Hindi nila napansin ang oras na lumipas. Si Brando naman ay nasa kaniyang kwarto at nagbabasa ng libro. Nakiusap siya kay Kaeden na mag-libot sa bahay para malaman kung may posibilidad ba na tao ang gumawa ng bagay na iyon sa kanila.
"Jo, punta muna ako sa kusina ng bahay na ito. Iyon nalang ang hindi pa natin nalilibot. Nakiusap na rin ako na huwag silang mangamba." wika ni Kaeden kay Josephine, na nagenjoy at napagod sa kakalibot sa malawak na mansion. Ito ang pinakaunang mansion na napuntahan niya na nagenjoy siya sa bawat sulok nito upang libutin.
"Bakit, may iba pa bang darating sa oras na ito? Mag-aalas nuebe na ah." tanong ng dalaga.
"Meron. May ilang family members ang darating para sa isang family dinner. Mukhang marami sila at kaya tayo nandito ay para imbestigahan sila bawat isa."
"Hmm, kaya pala kanina pa ako nagtataka bakit hindi tayo iniimbitahan sa dinner nila." pabirong wika ng dalaga, na para bang inuuna nito ang tungkol sa pagkain. Napakamot nalang ng ulo si Kaeden at nginitian ang dalaga sa sagot niya.
Pumanhik si Seth sa kusina. Naratnan niya ang mga katulong na nagluluto para sa family dinner. Nakisalo siya at tinulungan pa ang mga ito sa pagluluto.Matapos ang paghahanda ay naluto na rin sa wakas ang mga main courses. Desserts nalang ang hindi pa nila naihahanda. Nagtanong-tanong na rin siya mga katulong tungkol sa nangyari. Wala siyang napala dahil lahat sila ay naniniwalang bampira nga ang pumatay sa mga ito.
"Bampira man o hindi, parang parusa na rin sa kanila ang nangyari." wika ng isa sa mga katulong.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Kaeden. Nabuhayan siya ng pag-asa. Siguradong makakatulong ang sasabihin ng kasambahay na ito sa kaniya.
"Si----" hindi naituloy ng kasambahay ang sasabihin nang biglang mag-ring ang cellphone ni Kaeden.
"Excuse me." patuloy ng binata at sinagot ang tawag niya. Lumabas siya sandali sa kusina at isinara ang pintuan. Si Brando ang tumatawag.
"Hello, Sir Brando?"
"Si Laarni, ang fiancée ko, tinawagan niya ako kanina lang. sabi niya may nakita raw siyang naglalakad sa labas!"
Ikinagulat ito ni Kaeden. Nakarating na pala sa mansion ang ibang parte ng pamilya.
"Sir, nandito na po ba ang fiancée niyo!?"
"Oo! Pupuntahan ko na siya ngayon. Sundan mo ako sa labas!" sagot ni Brando, na nagmamadaling lumabas ng kwarto niya, habang hawak parin ang cellphone para kausapin si Kaeden.
"Sige sir, papunta na din ako diyan!"
Pagkababa ni Kaeden sa cellphone ay agad siyang tumakbo hanggang marating ang first floor. Napatingin siya sa pendulum ng bahay. Alas nuebe na. Dumiretso siya sa labas at dinatnan si Brando na yakap-yakap ang kaniyang fiancée.
"Laarni, anong nakita mo?" tanong ni Brando sa kanyang fiancée na balot sa takot habang nakayakap sa kaniya.
"H-he's hold a knife! H-he has this cape with him!" paliwanag ng dalaga, na inaalala ang saglitang nakitang tao sa labas ng mansion.
Napatingin si Brando kay Kaeden na tinitignan sila at nakikinig sa usapan. Halos napakabilis ng mga pangyayari para sa binata, ngunit may ideyang biglang nagliyab sa utak niya. Binigyan niya ng oras para magkausap ang dalawa. Pumanhik siya sa kusina para balikan ang pinaguusapan nila ng kasambahay. Pagkabukas niya ng pintuan ng kusina ay halos hindi siya makatayo sa nasaksihan.
Wala nang buhay ang lahat ng mga katulong sa kusina, nakabigti silang lahat at nakabuka ang bibig, senyales sa kanilang pagkasakal hanggang mamatay. Tinignan niya ang tali kung saan sila nakabigti. Nakatali ito sa chandelier mula sa kisame.
"I-Imposible..." nasambit niya sa sarili habang pinagmasdan ang mga nakasabit na bangkay ng mga kasambahay sa kisame, na tila ba dekorasyon ng silid na iyon. Tumingin siya sa orasan ng kaniyang cellphone. Dalawang minuto lang ang nakalipas nang bumaba siya para tignan ang nangyari sa fiancée ni Brando. Kasabay ng misteryong bumalot sa oras na iyon ay ang pagdating ng ulan, na tila ba sinasabing hindi lang ito ang sasapitin ng pamilya Montefalco.