"Unrequited love may cause one to be a murderer."
---
"Can't you be more enthusiastic sa party? This is our last party, at ayan ka na naman sa I am not interested effect mo. Ano na naman rason mo this time?", tanong ni Josephine kay Kaeden na busy sa pagbabasa ng isang libro. Galing pa sa school meeting ang dalaga at pinuntahan ang kaibigan sa kaniyang bahay para tanungin kung magpapa-enlist siya sa mga dadalo sa party na iyon.
Tumingin nang bahagya si Kaeden sa kaniya ng saglit, hanggang sa isinara niya ang binabasang libro at inilapag sa lamesa malapit sa kaniyang sofa.
"Sigurado na naman akong parehas na naman ang party na yan. Intermissions, mga estudyante na tutula sa harapan, mga professors na magbibigay ng mahabang speech, sayawan...hindi pa ba tayo nagsasawa sa ganyang tipo ng party?", sagot ni Kaeden. Hindi pa man siya tapos magpaliwanag ay matalim na ang tingin sa kaniya ng dalaga.
"Ang sabihin mo, kill joy ka. Ikaw lang naman kasi itong kilala kong halos lahat ayaw mong pumunta", kaunting tampo ni Josephine na tinalikuran siya. Hindi alam ni Kaeden kung isa na naman ito sa mga best actress acting ng kaibigan. Kilala niya na ito. Ngunit ayaw din niyang maging malungkot ang dalaga. Napabuntong-hininga na lamang siya at pumayag na sumama sa party.
"Ganyan dapat. Alam mo, maraming bagong activities na inihanda ang organizers, kaya yung mga sinasabi mo, siguradong wala na. We'd have a different party...I promise."
"Fine, fine. Tsaka ayaw kong umaaligid na naman sa iyo si Erwin."
Napangiti ang dalaga at itinago ang kaniyang excitement sa narinig. Tila unti-unting nagbabago ang binata dahil sa kaniya. Sa gitna ng mga nangyari sa nagdaan, tila mas nakikilala niya ang binata, at gayundin na napapalapit siya kay Kaeden.
"Oh, bakit, nagseselos ka ba sa kaniya? Type mo na pala ako ngayon?" pabiro niyang turan.
"Madonna, hindi po kita type. Ayaw ko lang sa Erwin na yun para sa iyo."
"Asus naman daw, kelan ka pa naging concerned?"
Tumayo sa Kaeden at tinalikuran ang dalaga.
"Parang gusto kong uminom ng Earl Grey. Diyan ka muna, magpapainit lang ako ng kape."
"Sus, palusot." ngiting wika ni Josephine sa kaniyang isipan habang minasdan ang papalayong kaibigan sa kusina.
---
Maayos ang pagkaka-organize sa school party. Patungkol ito sa nalalapit na nilang graduation. Naisipan ng mga organizers na sa closed gym nalang ganapin ang nasabing party kaysa maghire pa sila ng isang mamahaling hotel para i-host ito. Budget tightening ang tawag dito ni Kaeden. Ayaw na naman ng current president ng unibersidad na magrelerase ng malaking pondo para dito. Sa kanan ng gym ay napuno ang mga food stalls at sari-saring pakulo ng mga estudyante gaya ng 'marriage' booth at '10 pesos for hugs' booth. Marketing strategy na rin ito ng Fashion Club para makakuha ng pera para sa sarili nilang farewell party. Kinuha nila si Agatha, ang campus queen na siyang nagbibigay ng free hugs. Sige naman ang mga lalakeng nagkakagusto sa kaniya para pumila. Sa kaniyang kaliwa, puno naman ng mga nagbebenta ng personalized items, challenge booths at iba pang klase.
"Sigurado ka bang school party ito, o convention?" natatawang wika ni Kaeden kay Josephine, na isa sa mga tumulong i-organize ang nasabing party.
"Kaya nga sabi kong hindi siya kailangan in formal attire o party attire di ba? Ikaw kasi, sanay ka sa mga pang-mayayaman. Iba 'to."
Napailing na lamang si Kaeden at pinuntahan niya ang ilan sa mga food booths. Inenjoy naman ni Josephine ang samahan siya at ang pagfo-food trip kasama ang binata. Lumipas ang ilang musika bago nagsalita ang party host. Inuna nila na magsagawa ng ilang palaro bago naisipang magpatugtog ulit ng mga kanta.
Napangiti si Kaeden mag-isa, habang pinapanood si Josephine na masayang naglalaro ng kung anu-anong pakulo ng mga batchmates nila. Unti-unti niyang nasasabi sa sarili niya na dahil sa mga nangyari sa kanila ni Josephine, nagbabago siya. Ang mga dating ayaw niyang puntahan ay nagugustuhan na niyang puntahan. Mas nagiging kampante na siyang magiging mabuti ang lahat basta naroon ang dalaga para samahan siya.
"Samahan mo ako!" masayang pagyaya ni Josephine sa kaniya. Hinawakan siya nito sa kanang kamay at hinila sa isang booth. Nagulat siya nang makita ang pangalan ng booth na iyon. MARRIAGE BOOTH.
"Are you serious? Ayoko nga."
Namula ang mga pisngi ni Josephine, ngunit kailangan niyang gawin ito. Gusto niyang bigyan ng ideya ang binata na may pagtingin siya dito.
"Okay, next! Kayo na ba?" tanong ng manager ng booth na iyon.
"O-Oo! So how does this game start?" sagot ni Josephine. Wala namang nagawa si Kaeden kundi sumunod. Napansin niyang medyo nahihiya ang dalaga. Ngumiti na lamang siya at sumunod sa nais ng kaibigan. Maya-maya pa ay lumabas ang isang estudyante na nakadamit pang-pari at sinimulan ang seremonya, gaya ng sa totoong kasalan.
"Do you take Kaeden as your loving husband, for better or for worse, in sickness and in health?" tanong ng pari kay Josephine. Nagkatinginan naman ang magkaibigan. Nginitian ng dalaga ang kaharap bago sumagot.
"Yes Father...I----" hindi natuloy ang sagot ng dalaga nang makarinig sila ng malakas na pagsigaw. Natigil ang musika at ang bawat isa ay nabaling ang tingin sa pinangalingan ng pagsigaw na iyon.
Mabilis na pinuntahan ni Kaeden ang booth kung saan nila narinig ang sigaw. Nadatnan nila si Paula na napaupo sa sahig, tutop ang bibig at tinuro ang dahilan ng kaniyang pagsigaw.
"Paula! Anong nangyari?" tanong niya.
"S-Si Roderick...!"
"H-hey...don't tell me he's dead!?" takot na turan ng isang lalakeng nasa kabilang bahagi ng booth.
Napukol ang tingin ng lahat sa walang buhay na si Roderick. Nakanganga ito. May kaunting bula sa kaniyang mga labi at ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang leeg. Sa sahig ay naroon din ang basag na wine glass na kanina ay hawak lang ni Roderick.
"Jo, call the police!" mabilis na tawag ni Kaeden sa kaibigan. Tumango ang dalaga at tinawagan ang numero ng pulis sa kaniyang cellphone. Agad din niyang binigyan ng text message sina Inspector Basil para sa kasong ito.
"P-Police? Bakit police?" tanong ng takot na lalake sa kaniyang tabi.
"Vince, he's dead." sagot niya.
Ang ibang mga estudyante naman ay hindi alam ang gagawin. Canceled na sigurado ang event dahil sa nangyari. Kaunting segundo pa ay nagsimulang maging maingay ang venue.
"Guys! We need to calm down. Darating dito ang mga pulis and we all need to stick here inside. Walang aalis!" sigaw niya. Alam niya ang procedure ng pag-iimbestiga. Hindi lang aksidente ang pagkamatay ng kaniyang classmate na si Roderick. Nilapitan ni Kaeden ang bangkay at naamoy niya ang malakas na almond smell.
"Poison..." mahinang tugon niya. Ibinaling niya ang tingin sa booth kung saan siya natagpuan ni Paula. Ito ay ang Mini-Bar booth. Sa booth na iyon, ang mga malapit sa kaniyang tao ay sina Paula, Vince at ang bartender, si Cris.
"Don't tell me, he's poisoned?" tanong ni Paula. Alam niyang kaya tinawag ni Kaeden ang Police Department ay dahil hindi ito kaso ng food o drinks poisoning. Naamoy niya din kanina ang almond smell sa biktima nang naroon siya malapitan sa bangkay.
"Yes. From the likes of it, may lamang lason ang ininom niya."
---
Lumipas ang kalahating oras bago nakarating ang mga pulis. Kasama ang mga forensics, si Inspector Basil ang siyang may hawak sa kaso.
"Alam mo napapansin ko, kung may namamatay, andito ka palagi." pagpapatawa ng imbestigador sa binata. Mapaklang ngiti ang isinagot ni Kaeden dito at kinamot nalang ang ulo.
"Officers, I want everyone to check the booths. Lahat ng booth i-check niyo. Pati mga students, tignan niyo kung may isa sa kanila na may hawak na lason. We're not going to let this slide." bilin niya sa mga tauhan. Inisa-isa ng mga forensics team para i-check up ang mga estudyante, kasama sina Josephine at Kaeden. Nilagyan naman ng dalawang pulis ng crime scene tape ang crime scene at kinunan ito ng litrato. Matapos alisin ang bangkay ng biktima, sinimulan nilang gawan ng chalk outline ang pwesto ng biktima at ang mga lead posts.
Matapos magtanong ni Basil sa mga nakakita sa biktima bago ito mamatay, agad niyang binalingan si Kaeden.
"According sa statement ni Paula, kasama niya ang biktima at si Vince na umiinom sa Mini-Var Booth. Ilang minuto ay tumayo ang biktima at tila nahihirapan huminga. Akala nila joke lang niya dahil lagi siyang nagbibiro ng ganun."
"Although this time, it's real..." dagdag ni Josephine.
"Ganun na nga. Well, that's it. Let us do our job. Dito muna kayo."
Agad na umalis si Basil at hinarap ang kaniyang mga tauhan. Kailangan nilang alamin kung paano napunta ang lason sa iniinom ni Roderick gayong hindi lang siya ang uminom ng wine na iyon. Hanggang hindi pa nila nakukuha ang report ng Medical Examiner at ng Forensics team, nangangapa parin sila sa dilim kung ano ang nangyari.
"Let's go..." akay naman ni Kaeden kay Josephine palabas ng venue.
"Kaeden..."
"We need to relax a bit..."
---