"Process of Elimination. A skill that a detective uses in order to single out the probable events and who did what. In a dire situation, say, in the manner of a murder, the detective uses this to find out who killed the victim, which place, with what and why."
---
Habang bumili si Kaeden ng maiinom, hinintay naman ni Josephine ang binata sa isang bench sa kanilang unibersidad. Naisip niya kung paano nalason si Roderick, samantalang ang kaniyang mga kasama ay hindi. Nagkaroon siya ng interes na malaman kung ano ang report ng mga pulis sa nangyari. Alam niyang maging si Kaeden ay naguguluhan din sa kung ano ang nangyari.
"Bakit kaya ako nagkakaroon ng detective's curiosity? Nakuha ko ba itong sakit sa kaniya?" pabirong wika niya sa kaniyang sarili, habang pinagmamasdan ang papalapit sa kaniyang si Kaeden dala ang dalawang boxed apple juice.
Iniabot ng binata sa kaniya ang isa at umupo.
"What do you think?" tanong niya. Kailangan niyang makaisip ng tanong para makapag-usap sila ng binata.
"Hmmm, I was wondering kung paanong siya lang ang nalason. Kung may lason ang buong wine, hindi lang sana iisa ang patay..."
Tila nasa ibang dimension ang tingin ng binata at napaka-seryoso nito habang umiinom ng apple juice.
"Hindi kaya nilagay niya? Suicide?"
"I highly doubt it, Jo. Nakita sana ng mga kasama niya. Besides, even if he tried to hide it and placed the poison, he should have died right away. Sabi ni Paula, they were drinking for almost 20 minutes before he collapsed."
"So...?"
"Ibig sabihin, within that 20 minutes, doon naipasok ang lason sa iniinom niya. Siguro kailangan nating hintayin ang report ni Inspector."
Pinisil ni Josephine ang box ng apple juice niya para mainom ng mas mabilis ang laman nito. Nang maubos, mabilis niyang itinapon sa trash bin sa malapit ang box at bumaling muli sa kaibigan.
"Pansin ko lang ha. Akala ko ba ayaw mong sundan ang dad mo sa trabaho niya? The more you get involved with Inspector Basil, mas nakikita kong nagiging katulad ka rin ni Tito..."
Napangiti ang binata. Siya man ay nagtataka. Siguro, nasa dugo talaga nilang mag-ama ang ganitong trabaho.
"Pero, I like you that way. I see fire in your eyes. Lagi kang nagrereklamo minsan sa mga projects natin, sa plates, sa mga architectural plans...pero sa pagtulong mo sa mga pulis, I never heard you complain." patuloy ng dalaga.
Matamis na ngiti ang isinagot ng binata sa kaniya habang naglalaro sa isipan kung ano ang dahilan bakit pinatay si Roderick, at kung paano nailagay ang lason sa kaniyang inumin.
---
Minabuting inuna ni Kaeden ang malaman ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis sa nangyari. Pinuntahan ni Kaeden ang crime scene at nadatnan si Inspector Basil, kasama ang ilan sa mga forensic experts. Kasalukuyang binabasa nila ang report sa kung ano ang lumabas na resulta ng kanilang imbestigasyon.
Matao parin ang lugar. May ilan sa mga estudyante ang nakikiusyuso sa kung ano ang nangyari. Ang ilan naman ay pending for check up parin. Nasa isang booth naman sina Paula, Vince at ang bartender, na binabantayan ng isang police officer at kinukuhanan ng statement.
"Good timing. Lumabas na ang resulta ng forensics examination." tawag sa kaniya ni Basil.
Tumango ang binata at binasa ang results folder. Nagtaka naman ang Forensics bakit niya binibigay ni Basil sa isang civilian ang isang confidential information.
"Makakatulong siya sa atin. Ako nang bahala dito..." taboy niya sa mga ito at inutusang i-preserve ang mga gamit ng witness.
"Gaya ng nakikita mo diyan sa report, walang nahanapang toxic material o poison sa wine. Wala ding nahanapang poison sa wine glass na ginamit ng biktima."
Ito ang ikinagulat ni Kaeden. Nagtataka siya kung paano nailagay ang lason sa wine na ininom ng biktima ang lason.
"Mysterious poison?"
"Not exactly. The poison is found only on the victim's drink. Walang lason ang wine na ininom nilang lahat, except his."
Napatingin sa Kaeden sa kawalan. Naglaro sa isip niya kung ang biktima din mismo ang naglagay ng lason o isa sa mga kainuman niya. Ngunit ang paraan na iyon ang gusto niyang unahing malaman.
"Inspector, kung alam natin ang paraan kung paano nailagay ang lason sa ininom ng biktima, isa-isa nating malalaman ang nangyari, pati na rin kung sino ang killer."
"Exactly. Pero, wala din kaming idea kung paano."
Naalala ni Kaeden ang minsang nasabi sa kaniya ng ama.
"Process of Elimination. Ask the witnesses of the crime. Discern the truth and expose the lies. That is a quality that a detective should have."
Sariwa pa sa utak niya ang mga salitang binitawan ng kaniyang ama bago ito pumanaw. Iyon ang naging bonding nila bilang mag-ama nang nabubuhay pa siya. Dahil sa bata pa siya ay hindi niya masyadong naintindihan ang nasabi ng ama, ngunit ngayon ay unti-unti niya itong naiintindihan.
Sinimulan ni Kaeden na imbestigahan ang booth. Simple lang ito. Ang lamesa ay gawa sa Pine Tree. Maganda ang brown varnish na ginamit dito at talagang makinis ang pagkakagawa. May tatlong namuong tubig na korteng pabilog sa lamesa.
"Water Moisture? Galing ito sa ice cubes sa inorder nilang drinks..." wika niya sa kaniyang sarili, at sinipat ang dalawang natirang wine glass sa lamesa.
Sunod na sinipat ng binata ang naiwang mga ingredients at gamit sa booth. Mga iba't ibang klase ng bottled wine, prutas, isang ice box at mga bartender tools.
"There's something weird going on here. Masyadong malinis. Planado ang lahat ng ito. Alam ng killer ang ginagawa niya. Pero ang misteryo sa kasong ito ay kung paano niya nailagay ang lason."
Naisip ni Kaeden na kailangan niyang makita ang mga gamit ng tatlong kasama ng biktima kanina. Nilapitan niya si Inspector Basil upang hingin ang oras at makita ang laman ng mga bag nila. Inilabas ng mga ilang forensic team officers ang bag nina Paula, Vince, ang bartender na si Cris at ng mismong biktima. Sa mismong conference room ng University ay inisa-isang binuksan ni Basil ang mga bag. Bago pa man galawin ni Kaeden ang mga ito ay binigyan niya ito ng inspection gloves.
"Ano ba ang hinahanap mo sa bag nila?" tanong ng imbestigador sa kaniya. Kanina pa kasi nila inimbestigahan ang mga gamit nila at wala siyang nakikitang bagay na maaaring maging lalagyan o pinaglagyan ng lason. Pero hindi niya inalis ang posibilidad na isa sa mga witness ang posibleng naglagay ng lason. Hindi rin nila inaalis sa listahan nila ang posibilidad na ang biktima mismo ang ang naglagay ng lason sa kaniyang inumin. Naging bukas sa mata ng pulisya ang Suicide o Murder Case.
Unang binuksan ni Kaeden ang bag ni Paula. Ladies bag. Kulay kahel at iisang pocket lang. May mga side pocket sa loob na maaaring paglagyan ng wallet at makeup kit. Inisa-isa niyang nilapag sa lamesa ang mga laman ng bag. Lipstick. Make-up kit. Binuksan niya ang make up kit sa pagaakalang may makikita siya doon ngunit nabigo siya. isa lamang itong normal na make-up kit ng mga babae.
"Mahilig parin talaga sa glitter make-up si Paula..." komento ni Josephine na katabi ni Kaeden sa pagsipat sa mga bagay na naroon.
"Glitter Make Up?" tanong ni Kaeden.
"Oo. Tignan mo yung powder brush niya. May kumikislap oh." turo ng dalaga sa powder brush.
Nginitian lang siya ng binata at sunod na binuksan ang bag ni Vince. Kasama ito sa photography club, kaya't halos puno ang bag niyo sa mga lente ng camera, isang classic NIKON camera at isang DSLR. May mga 35mm film canisters din at ilang envelope ng mga kuhang litrato at negatives. Isa-isang binuksan ni Kaeden ang limang film canisters. Tatlo sa mga ito ay may laman pang film roll. Hindi din niya pinalagpas na inspeksyunin ang mga ito. Inamoy niya ang mga film cannisters. Pagkatapos ay binuksan naman niya ang bag ni Cris.
Cork Screw. Bartender Basics Manual. Flash Drive. Bartending Magazines. Lunch Box. Food Supplements.
Inamoy niya ang Cork Screw. Hindi ito nagamit. Walang bahid o amoy ng kahit anong wine dito. Binuksan niya ang lunch box. Wala na itong laman ngunit nakatawag pansin sa kaniya ang amoy ng lunch box na ito. Sunod na binuksan niya ang plastic bottle ng food supplements.
"Para sa puso?" pansin ni Josephine.
"Balita ko, health conscious si Cris. Tsaka nag-ca-cardio exercise din siya. Possible that he really wants to stay healthy."
Hindi pa niya matukoy kung saan naitago ang lason. Isa sa kanilang tatlo ang pumatay kay Roderick. Kailangan niyang malaman kung sino ito bago pa ito makatakas sa mata ng batas. Kapag nalinis ng kriminal ang ebidensya, mahihirapan ang pulisya na mailagay siya sa imbestigasyon.
"Inspector, sinama ba ng Forensics i-examine ang mga bag nilang tatlo?"
"Hindi pa. Kinuha palang namin pero hindi pa namin yan nabubuksan o naipapadala sa trace."
Kinuha ni Kaeden ang make-up kit, ang film cannister at ang lunch box. Ihiniwalay niya ito sa ibang gamit at ibinalik sa kung saang bag niya ito kinuha.
"Inspector, pwede bang pakibigay ito sa team niyo? Kailangan kong masigurado ang nasa isip ko. Gusto ko rin malaman ang eksaktong cause of death ng biktima."
Ilang segundo na tinitigan ni Basil ang kausap. Binabasa nito ang binata. Alam niyang mayroon itong nalaman tungkol sa kaso na kailangan niyang patunayan. Kinuha niya ang police notebook sa kaniyang chest pocket at binuksan sa pahina kung saan nakasulat ang report.
"Cause of Death...Cerebral Hypoxia."
"Ano yun?" sabat naman ni Josephine na clueless sa kung ano ang ibig sabihin ng medical term na iyon.
"Nawalan siya ng hangin sa utak. Tinatawag din itong cerebral anoxia. Kapag tumagal ito, maaaring mag-cause ito ng neuronal cell death sa paraan ng apoptosis. Brain injury." patuloy ni Basil at ipinaliwanag ng maayos kung ano ang ibig sabihin ng medical examination ng forensics.
"KCN. Isa sa mga kadalasang epekto nito upon human ingestion or intake ay ang cerebral hypoxia---neuronal cell death via apoptosis. In other words, Potassium Cyanide Poisoning."
Mas tumibay ang nasa isipan ni Kaeden. Isa sa tatlo ang pumatay sa biktima. Huling biksan niya ang bag ng biktima. PS Vita, Electronics Magazine, Mineral water, laptop at WiFi stick. Sinenyasan naman ni Basil ang nakatayong pulis sa pintuan ng conference room na kunin ang tatlong gamit at ibalik sa trace.
Kinalma muna niya ang sarili at pinikit ang kaniyang mata. Concentrate. Kailangan niyang ilagay ang utak sa state kung saan at paano nangyari ang krimen. Kailangan niyang i-build up ang image ng crime scene.
Walang ibang pwedeng gumawa ng pagpatay kundi ang taong iyon. Pero wala akong ebidensya. Purely circumstantial evidence. At kahit mayroon akong ebidensya, kailangan kong baliin ang alibi at trick niya sa ginawa niyang ito. Pwede parin siyang makatakas. Kailangan kong hanapin ang loophole ng ginawa niya!
"Kailangan siguro nating malaman ang statement nila..." tugon niya kay basil at tumayo sa kinauupuan.
"Now that you've mentioned it, yun ang gagawin namin. We just have to wait kung ano ang sasabihin ng trace sa pinapa-check mo."