Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 18 - School Party Murder: Object

Chapter 18 - School Party Murder: Object

"A criminal who thinks will use science to achieve his dream perfect crime. But in the eyes of a detective, he will fail."

---

Inimbitahan ni Basil ang tatlo sa conference room. Bawat isa ay nagtataka kung bakit sila pinatawag ng pulis doon, samantalang wala na silang kinalaman sa insidente. Pinaupo ng imbestigador ang mga ito sa isang mahabang sofa. Hinarap sila ni Basil at ni Kaeden para malaman kung paano nangyari ang paglason sa biktima.

Unang tinanong ni Basil si Paula.

"Ms. Gregorio, paano mo kilala ang biktima? Aside sa magka-klase kayo sa kurso at batchmate mo sa University?" tanong ni Basil. Gusto niyang malaman kung ano ang iba pang maaring magbigay sa kanila ng clue kung paano nahantong sa ganitong sitwasyon si Roderick.

Niyakap ni Paula ang sarili at kumuha ng lakas ng loob bago tuluyang sumagot. Sa tanong ni Basil, napagtanto ng tatlo na hindi lang ito suicide, o aksidenteng nakainom ng lason si Roderick. Pinaghihinalaan ng pulis na isa sa kanila ang maaaring nagtanim ng lason sa inumin niya.

"Both our parents are business partners. Bata pa lang kami kilala ko na siya through our parents. Para na nga kaming magkapatid ni Rod eh. Parehas din kaming only child." paliwanag ng dalaga.

"Narinig mo ba sa kaniya kung may problema siya? Depression? Anything."

"Not that I know of. Kung may problema man siya, it's usually money."

"Do you know if he has enemies?" sabat naman ni Kaeden. Tumingin si Paula kay Basil. Inaalam nito kung sasagutin ba niya ang taning ng ka-klase niya.

"I don't know. Mabait naman siya sa tingin ko. Wala pa akong kilalang nakagalitan niya o nagalit sa kaniya. It's actually quite the opposite. Many people loved him."

"Hmm, so he's a good guy..." dagdag ni Basil.

"Nasaan ka before you met Roderick sa booth?" patuloy niya.

Napatingin si Paula sa kaliwa bago sumagot. Bagay namang napansin ni Kaeden sa kanya.

"Andun ako sa Book Stop Booth. Tapos napadaan din ako sa Food Booths. You can check my name on their register kung anong oras."

Inilagay lahat ni Basil ang detalyeng nasabi ni Paula sa kaniyang police notebook. Sunod niyang tinawag si Vince. Katulad ni Paula, tinanong din nina Basil at Kaeden kung paano nakilala ni Vince ang biktima.

Matagal na magkaibigan ang dalawa. High School buddies. Siya din ang palagi niyang kasama sa mga sports events at competitions. Sa tagal nilang magkaibigan, halos aakalain mong magkapatid na ang dalawa. Ipinakita ni Vince ang litrato nilang dalawa sa Japan, kung saan magkasama silang nakahawak ng ski gear. naka-pulang snow coat at asul na helmet si Vince habang dilaw na snow coat at berdeng helmet naman kay Roderick.

"Saan ka bago kayo nagkita ni Roderick sa booth?"

Tumingin sa kaniyang kanan si Vince bago sumagot kay Basil.

"Nasa labas ako ng venue. Pumasok ako ilang minuto at dumiretso sa booth. Nakita ko sina Paula at Rod doon."

"May kilala ka bang may galit sa kanya? Or enemies?"

Tila nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba o hindi ang isang bagay na nalalaman niya tungkol sa kaibigan.

"I don't know if you can consider this, pero sa totoo lang hindi siya kasing bait ng akala ng iba. Alam ko ang hilig ni Rod." mahinang tugon niya sa tanong ng inspector.

"Anong ibig mong sabihin?" patuloy ni Kaeden.

"Pwede ko bang makuha ang laptop ko sa bag?" sabay turo sa kanyang bag na nasa kustodiya ng mga pulis. Sinenyasan ni Basil ang isa sa mga pulis para ilagay sa lamesa ang bag ni Vince. Binuksan nila ito at kinuha ng binata ang laptop. Binuksan niya ito at inaccess ang isang forum. Pinaharap niya ang laptop kina Basil para malaman kung ano ito. Napansin naman ni Kaeden na basa ang kanang mangas ng brown jacket ni Vince, habang pinaharap niya ang laptop sa kanila.

Ilan sa mga forum posts ay isang dedicated hate page para sa isang tao. May picture ng sang matabang babae sa front page nito, at napakadaming hate comments sa comments section.

"Notice all those recurring username?" turo ni Vince sa isang username sa page na palaging nagbibigay ng derogative comments. Nabaling ang tingin ni Kaeden, Basil, Josephine at Paula sa tinuro ni Vince.

"Roderick..." kumpirma ni Kaeden.

"Exactly. Yung binubully niya at ng ibang tao sa page na iyan ay hindi nakayanan ang cyberbullying na ginawa sa kaniya. A few months later nabalitaan kong nagpakamatay ang babae."

May naalala si Basil. Isa siya sa humawak ng kasong iyon noon. Natagpuan ang isang batang babae sa kanyang kwarto na nakabigti. Halos mabasag ang puso niya sa kung paano nagluksa ang mga magulang ng babae sa nangyari. No known cause for the suicide. Malinis ang record at ni walang bahid ng kung anong depression para magpakamatay siya. Akala ng mga magulang niya ang dahilan ng kaniyang pagpapakamatay ay dahil sa pagtatalo nila tungkol sa gusto niyang pagtira sa Baguio. Ngayon, alam na niya ang dahilan.

"That can be a big motive for murder." nasambit ni Josephine sa lahat.

"I researched kung sino yung babae. Turns out may nakakatanda siyang kapatid." dagdag ni Vince. Nang tanungin ni Basil kung kilala niya kung sino ang kapatid o kung ano ang pangalan nito, napatingin siya kay Cris.

Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Cris habang pinapakinggan ang sinasabi ni Vince. Sa kanyang isipan, hindi niya kailanman napatawad si Roderick. Pero wala sa puso niya ang patayin ito para ipaghiganti ang kapatid.

"Oo, kapatid ko siya. Pero hindi ako ang naglagay ng lason sa inumin ni Roderick!" giit ni Cris. Mapanghusgang tingin ang ipinukol nina Paula at Vince sa kaniya. Ngunit si Kaeden ay hindi kumbinsidong si Cris nga ang pumatay. May mga bagay na misteryo pa sa kaniya, at hanggang hindi pa niya nabibigyan linaw ito at hindi tinuturo ng mga ito na si Cris ang pumatay, hindi niya kailanman ito bibigyan ng bias na pagtingin.

"Hindi siya ang killer. Hindi siya ang nagtanim ng lason sa inumin ni Roderick." pagtatanggol ni Kaeden.

"Paano mo naman nasabi? Siya lang ang may malaking motibo! Besides, he was the one who had the ingredients and the wine!" sumbat ni Paula.

"Exactly. He has the ingredients. But why didn't you both die? Ibig sabihin, kung nilagay niya ang lason sa mismong inumin, both of you also died. Isa pa, kahit sabihin nating nilagyan niya ng lason ang inumin ni Roderick right after the wine was served to three of you, hindi niya magagawa iyon since both of you are there watching. Bold move masyado kung gagawin niya yun habang nasa harap niya ang mga mata niyong nakatingin sa kaniya."

Napatahimik naman si Paula sa narinig. Sumandal si Vince at napaisip sa sinabi ni Kaeden.

"He has a point. Kaya nga sa totoo lang I think Roderick may have realized he's wrong, so he killed himself." tugon ni Roderick kay Paula.

"There's no way he'd commit suicide! Kilala ko si Roderick! May plano ang pamilya namin to go to a vacation at Boracay next week!" saway ni Paula kay Vince, na tila ba pinaparating ng binata na nawalan ng pag-asa si Roderick sa buhay. Hindi siya kumbinsidong si Roderick nga ang cyberbully na pinapakita niya.

"Wala akong balak patayin siya! Gaya ng sabi ni Kaeden, nasa harapan niyo ako. Nakita niyo na sana akong nilalagay ang lason. Besides, mahilig si Roderick sa on-the-rocks. He ordered Scotch before the wine. Like the wine, wala ding lamang lason ang Scotch!" pagtatanggol ni Cris sa sarili.

"Then who did!" sigaw ni Paula kay Cris. Gusto niyang malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan.

"Hep hep! Calm down everyone!" sabat ni Basil at pinakalma ang naguguluhang dalaga.

Mas nakakuha ng pansin ni Kaeden ang nasabi ni Cris.

On the rocks. Hindi kaya alam ng killer ang drinking pattern o favorite ng biktima at ginamit niya ito para mapatay ito na walang maiiwang bakas?

Muling binalikan ni Kaeden sa kanyang isipan ang mga nakitang gamit sa bag ng tatlong suspek. Inisa-isa niyang ina-nalyze ito at tinignan kung mayroong kahit isang linking connection sa nangyari na maaaring gamiting ebidensya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unting vinisualize ang nangyari sa crime scene.

There is a reason why the victim didn't die quickly upon having contact with the poison. Hindi sa mismong inumin nakalagay ang poison o sa gamit na wine glass in the first place...kundi sa bagay na iyon! The killer actually performed a very cool magic trick.

---

Matapos ang interrogation ay minabuti ni Kaeden at Basil na magusap sa kabilang kwarto. Si Josephine ang nagbantay sa mga suspek sa conference room kasama ang ibang mga pulis. Sa study room ng club ni Kaeden mismo nagusap ang dalawa.

"Inspector, I think we just have cracked the case." panimula niya. Nabigyan naman ng pag-asa si Basil sa narinig. Parang bumabalik sa kaniya ang kaibigang si Red nang nabubuhay pa ito.

"Pwede mo bang sabihin ang details?"

"I think this is how it happened. One of the three suspects made a potassium cyanide solution beforehand. Then, the criminal used it when Roderick was starting to drink the wine."

"Pero makikita nila na may nilagay siya."

"Not exactly. He planted it only when Roderick ordered an 'on-the-rocks' drink."

"So ibig mong sabihin, ang killer na ito, he made a bold move placing the poison right there and then."

"Sleight of hand. Parang magic trick ang ginawa niya. Siguradong ibibigay ng Trace ang kailangan nating malaman tungkol sa pina-check natin sa kanilang gamit..."

Habang pinapaliwanag ni Kaeden ang nangyari, binuksan ng isa sa mga forensics team officer ang pintuan hawak ang Trace report.

"Inspector, andito na po ang resulta ng pinapa-check niyo." wika nito at ibinigay kay Basil ang report. Agad na binuksan ito ng inspector at binasa ang laman.

Pinasa niya ito kay Kaeden matapos, at nagkatinginan ang dalawa.