Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 19 - School Party Murder: The Criminal

Chapter 19 - School Party Murder: The Criminal

"A detective never sleeps."

---

"Pwede na ba kaming umuwi? Siguro naman wala na kaming gagawin pa dito? Tsaka yung gamit namin, we want it back." tanong ni Cris kay Basil nang makabalik sila sa conference room.

"Not yet. Kailangang may isa sa inyong maiwan dito." sagot ni Basil. Nagtaka naman ang lahat sa ibig niyang sabihin.

"Don't tell me...you already know who did it?" may sayang tanong ni Josephine kay Kaeden nang makita nitong may ngiti sa kanyang mukha sa nasabi ng inspector.

"Oo. The killer made a bold and quick trick to conceal and place the poison sa wine. Kailangan ng kaunting bilis ng kamay at misdirection."

Napatigil ang tatlo sa narinig. Ibig sabihin ay may isang taong nagplano ng lahat. May motibo siyang patayin ang biktima.

"Ohhh, interesting. At sino naman ang killer?" tanong ni Cris, na ibinalik ang gamit sa sofa. Maging si Paula at Vince ay ibinalik din ang gamit sa sofa.

"May mga bagay na makakapagsabi kung sino. Una, ang order ng biktima. Pangalawa, ang glass formation sa lamesa, at panghuli ang murder weapon na itinago ng killer." paliwanag ni Kaeden. Inilabas ni Basil ang mga inimbestigahan nilang mga bagay sa bag ng bawat suspect. Hindi maiwasang mabigla ng bawat isa na may kinuha pala ang mga ito doon.

"Una kong ipapaliwanag ang nangyari. Itinago ng killer ang murder weapon sa kamay niya. Alam niyang oorder ng on-the-rocks si Roderick. Inilagay ni Cris ang ice sa isang bucket, at doon ay mabilis na inilagay ng killer ang poison. Kinuha ni Roderick ang ice na iyon at nailagay niya sa kaniyang inumin."

"Pero sana nakita ko na, kung nilagay niya yung lason doon." sabat naman ni Cris. Nasa harap niya ang tatlo, at imposibleng hindi niya makita na nailagay ang lason doon.

"Not exactly. Bilis ng kamay. Sleight of hand. Ang lason ay isang Potassium Cyanide. When ingested, maaaring magcause ito ng cerebral hypoxia, the same cause of death ni Roderick. Pero magtataka ka, kung bakit ang tagal nalason ni Roderick. Ginawa ito ng killer para madelay ang time of death. Kung nalason siya right after the poison was planted, mapaghihinalaan ang killer. Kaya ang ginawa niya, inilagay niya sa ice cubes mismo ang lason. While it melts, the cyanide fully invaded the victim's system, and causing him to die. Anong mangyayari kung mas matagal siyang nalason?"

"It means everone would be innocent. Hindi paghihinalaan ang kahit isa sa kanila, kasi uminom sila sa parehong wine." sagot ni Josephine sa tanong ng binata.

"Tama. Ibig sabihin, idedeclare ito ng mga pulis bilang case ng Suicide."

"Then tell us who did it! Sino ang lumason kay Roderick!?" hamon ni Paula kay Kaeden. Nagbabaga sa puso niya na malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan.

"Iisang tao lang ang pwedeng gumawa nito. Ang trick na ginawa niya ay instant. Pero hindi niya maiwasang itago ang marka na siya ang gumawa ng krimen. Ang pumatay kay Roderick, ay walang iba kundi ikaw, Vince." paliwanag ng binata at itinuro si Vince. Gulat ang lahat sa nasabi niya. Bakit papatayin ng isang matalik na kaibigan si Roderick?

Napatawa na lamang si Vince sa nasabi ni Kaeden. Hindi niya aakalaing siya pa ang pagbibintangang naglagay ng lason.

"And your evidence? Alam kong ikaw nga ang anak ng sikat noon na detective...pero hindi ibig sabihin---"

"Yung kanang mangas ng brown jacket mo." patuloy ni Kaeden. Nabigla naman si Vince sa sagot niya, at tinignan ang kanang mangas ng kaniyang jacket. Basa ito.

"Galing ito sa table kanina. Baka nasagi lang sa tubig." pagtatanggol ni Vince, ngunit alam niyang hindi siya makakapagsinungaling pa.

"Hindi. May isang pagkakamali ang killer. Tumagal bago nag-order si Roderick ng on the rocks na inumin nang makarating ka sa mismong pinangyarihan ng krimen. Natunaw ang ice na nilagay mo sa Film Cannister mo, hindi ba?"

Hindi nakasagot si Vince sa kaniya. Inalala niya ang nangyari sa kaniyang plano. Tama si Kaeden, may hindi siya inaasahang mangyari.

Inilagay ni Vince sa kanyang film cannister ang ice cube na hinanda niya bago magsimula ang event. Sa ice cube na iyon ay may lamang potassium cyanide. Itinago niya ito sa loob ng kanyang brown jacket, at kaunting galaw ng kaniyang kanang kamay ay mailalagay ang ice cube sa butas ng jacket. Ngunit nang makarating siya sa booth, natagalan si Roderick sa pag-order. Maraming bahagi ng ice cube ang natunaw. Kaya't nang ilagay niya ang ice cube sa bucket, hindi naiwasang mabasa ang mangas ng jacket ni Roderick. Sa pamamagitan ng blind spot of vision ng nasa booth, mabilis niyang nailagay sa bucket ang ice cube, at napili ito ni Roderick na ilagay sa kanyang glass. Nang matunaw ng buo ang cube, dito na ininom ni Roderick ang wine, na siyang ikinamatay niya.

"Kaya ko nabanggit ang water formation ay dahil dito ko nalaman ang nangyari. Dahil malamig ang inumin ni Roderick, may mga water moisture na nabuo sa labas ng wine glass, hanggang sa tumulo ito at bumaba sa wine glass. Dito ko nakuha na ang maaring paglagyan lamang ng lason ay sa pamamagitan ng ice cubes." pagpapatuloy ni Kaeden.

"And that's your evidence? Wala kang physical evidence na magpapatunay na ako nga ang naglagay ng ice cube na iyon. At kahit tignan mo ang film cannister ko, walang lamang tubig o ice cube yun. Malinis yun at walang lason!" pabalik sa kaniya ni Vince. Ngunit alam niyang kaunting pagiimbestiga ng pulis ay maaaring mahanapan nila ang mga ebidensyang magdidiin sa kaniya. May kahinaan sa kanyang pagsagot ngunit tinatagan niya ang loob.

"Vince, kung iimbestigahan ng pulis ang mangas ng brown jacket mo, mahahanapan ng forensics ng traces of KCN ang damit mo..."

"Pwede ba naming ilagay sa Trace ang jacket mo?" wika ni Basil kay Vince. Hindi gumalaw ang binata kaya't sinenyasan ni Basil ang dalawang tauhan para kunin ito. Hindi pumalag si Vince at inalis ang kanyang jacket.

May naalala naman si Cris na nasabi ang kapatid niya nang buhay pa ito.

"Hindi ako susuko sa contest Kuya, sigurado namang andun siya para suportahan ako."

Ipinagwalang bahala niya ito noon dahil akala niya ay nagbibiro lamang ang kapatid. Napansin din ni Cris ang bag ni Vince. May isa ito keychain, isang Chibi Keroppi figure. Mayroong hawak si Keroppi na kalahating puso. Dito naliwanagan ang isip ni Cris. Ang Keroppi keychain ng kanyang kapatid ay ang kahati ng keychain ni Vince.

"V-Vince, hindi kaya...ikaw ang boyfriend ng kapatid ko? Ikaw ba yung tinatago ni Carla sa amin ni Papa at Mama?" naguguluhang tanong ni Cris at hinarap ang nakayukong si Vince.

"Dati, hindi ko pinansin ang nasabi sa akin ni Carla. Na sa contest na sasalihan niya, may susuporta daw sa kaniya. Ikaw ba yun, Vince?" patuloy niya. Unti-unting itinaas ni Vince ang tingin kay Cris.

"Ilang buwan bago ang contest, sinabihan ako ni Carla na sasali siya sa isang writing contest. Napansin ko na masaya siya kung nagsusulat siya ng mga nobela. Nakita kong buhay na buhay siya at alam kong doon siya masaya. Lagi akong nagche-cheer para sa kaniya. Pero ilang weeks nalang, nabalitaan kong binubully siya sa internet ng isang username at iba pang anonymous users sa isang forum, na nakakonekta din sa university. Hinanap ko kung sino ang nasa likod ng isang username na laging nagbibigay ng hate comments sa kaniya. Nagulat ako dahil ang mismong kaibigan ko pala ang gumagawa. Hindi ko mapatawad ang sarili ko na ang sumisira sa pangarap ni Carla ay nasa tabi ko lang. Sinabi ko kay Carla na hindi na niya dapat pansinin pa ang mga comments na iyon, pero mas madilim pa pala ang aabutin niya sa ginagawa ni Roderick. Hindi lang siya, kundi dumadami na ang nangbubully sa kaniya, hanggang sa hindi nakayanan ni Carla ang mga ito at nagpakamatay siya." galit na pagpapaliwanag ni Vince sa harap ni Cris. Hindi man mapigilan ni Cris ang magalit kay Roderick, wala na siyang magagawa dahil patay na ito. Hindi mapaghalong galit at tuwa ang nasa puso at isipan ngayon ni Vince. Sa wakas ay naipaghiganti niya ang pagkamatay ni Carla.

"T-Tama Cris. Sa wakas wala na si Roderick! Naipaghiganti ko na si Carla! Dapat lang yun kay Roderick! Wala siyang silbi!" nagbabagang saya sa tono ng boses na wika ni Vince sa kaharap. Mabilis na inambahan ng suntok ni Cris si Vince. Napabalikwas ito at napaupo sa sahig, na gulat sa ginawa ng binata.

"Baliw ka! Hindi ikaw ang minahal ng kapatid ko! Kahit kailan, hindi ginusto ni Carla ang papatay ka o maghiganti ka! Maaaring si Roderick nga ang dahilan ng pagpapakamatay niya, pero hindi kailanman gugustuhin ni Carla na mabilanggo ang mahal niya dahil lang sa kaniya. Naging bulag ka, Vince!" pangaral sa kaniya ni Cris. Kilala niya ang kapatid. Hindi nito gugustuhin na gagawa ng masama ang kapamilya niya at ang mahal niya para lang sa kaniya.

Nilapitan naman ni Basil si Vince at pinatayo niya ito, at kasabay nito ang pagposas niya sa kamay ng binata.

"Vince Peralta, you are under arrest for the murder of Roderick Pagsanjan. Men, drive him to the station." baling ni Basil kay Vince at sa kaniyang mga tauhan. Nilabas ng dalawang pulis si Vince sa conference room at dinala sa police car.

Hindi makapaniwala si Paula sa narinig. Siguro nga'y nagkamali siya sa pagtingin kay Roderick. Akala niya'y isa itong mabait at magalang na tao, ngunit mayroon pala itong itinatagong kasaamang budhi.

Sinaluduhan naman ni Basil si Kaeden matapos makitang tapos na ang pagpapaliwanag nito.

"Salamat. Hanggang sa susunod. Thank you for helping with the investigation."

"Walang anuman, Inspector."

Lumingon si Basil sa labas mula sa bintana ng conference room. Hindi niya aakalaing isang mapait na pagmamahal ang magiging mitsa para ang isang tao ay papatay ng kapwa. Ilang segundo pa ay tinalikuran niya ang lahat at umalis sa conference room. Tinungo niya ang police car sa labas na naghihintay sa kaniya at agad na sumakay roon. Iniwan naman nina Kaeden at Josephine sina Paula at Cris, na hindi pa mawari kung paano nahantong sa isang madilim na katotohanan ang lahat.

"Ang lason, mabilis niyang pinapatay ang laman ng tao. Hindi ito ang nakakatakot na lason. Ang lason na kailangan mong katakutan, ay ang kagustuhan mong maghiganti sa ibang tao dahil sa ginawa nilang kasalanan sa iyo. Ang lason na gagawin kang mamamatay tao." sambit ni Kaeden sa kanyang isipan, habang nilisan ang conference room.