"Investigation is all about carefully seeing the events of the murder, the suspects, the evidence, the leads and other factors that involves the crime to happen. These are doors that needs to be opened by the detective."
---
Agad na nilagay sa isang investigation ang tungkol sa signature fabric. Tama ang hinala ni Kaeden tungkol sa foundation. Dito nga ginagamit ang fabric na iyon. Doon na rin sila nagsimula sa kanilang paghahanap ng bagong lead. Maaaring napunta roon si Margarette, at doon niya nalaman ang tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao. Isang babae ang inin-terview nila Kaeden tungkol sa kaso. Matanda na ito at tila magkasing edad sila ni Andres, ngunit ang kaniyang mukha ay parang bata pa.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo...?" kalmado nitong tanong sa kanila mula sa infirmary.
"Gusto kong malaman ang tungkol kay Margarette Vergara. Napunta ba siya dito...?"
Tila nagtaka ang babae. Kita sa mukha nitong hindi nito kilala ang nasabing pangalan.
"Walang Margarette Vergara na pumunta dito. Pero ang alam ko, kung tungkol sa pamilyang Vergara, we have at least three Vergara families on our files. Recently, isang lalake ang dumaan dito para alamin ang records ng isang adoption..."
"Lalake...? Marco po ba ang pangalan...?"
"Oo, Marco nga. He was asking for the file of a certain person..."
"Sino...?" maiging tanong ni Basil.
May kinuhang papeles ang babae at pinakita ito sa kanila.
"Leander Alegre?"
"Yes. Si Leander ay inampon din ni Andres long time ago. Pero dahil ayaw niyang gamitin ang Leander bilang pangalan ng bata ay ginawa niyang Ander, close to the original and changing his family to Vergara..."
Nagkatinginan sina Basil at Kaeden. Ang kanilang mata ang nagsipangusap sa kung ano ang nasa kanilang isipan. Hindi na nila kinailangang mag-usap para sambitin ang nasa kanilang mga isipan. It was like telepathy that they already knew something was wrong about the case. Pero there was more in Kaeden's mind. Hindi niya naunang inisip ang tungkol sa kaso kundi ang konekta ng lahat sa pakay ni Marco kundi sa kaso. Umalis silang dala ang mga pagdududa at hinala sa posibleng dahilan ng mga bagay na iyon sa kaso.
----
Pinili ni Kaeden na maging mapag-isa sa oras na iyon. Nasa isang parke siya. Dahil maaraw ang panahon ay umupo siya malapit sa mga nagbabangka sa lake. Iniisip niya parin ang mga koneksyon ng kanilang natuklasan. Ano ang sadya ni Marco at gusto niyang malaman ang tungkol sa ampon na si Ander? Alam niyang hindi nito nasasabi sa magkakapatid o kay Andres man lang ang bagay na ito. Base na rin sa kaniyang ginagawa ay tila ang alam ng lahat ay ibang tao ang hinahanap nito.
"Nakakapagtaka...akala ko ay ang record ni Margarette ang hinahanap ni Marco doon sa foundation..." wika sa sarili habang patuloy na pinanood lamang ang mga tao sa malapit. Sa kaniyang pag-iisa ay pinagmasdan niya ang dalawang bata habang nakahawak ang mga ito sa kamay ng kanilang ina. Sa tabi ni Kaeden ay isang ice cream vendor na inaya ang mag-iinang bumili ng kaniyang 'strawberry ice cream', isang flavor na sa lugar lamang nila nabibili. Dumaan roon ang mag-iina at umorder ng tatlong cone.
"Watch your brother okay...? Don't let go of his hand..." payo ng ina sa panganay na anak. Nasa anim na taong gulang ang panganay at apat na taon naman ang isa. Habang minamasdan ni Kaeden ang dalawang magkapatid ay tila isang kuryenteng dumaan sa kaniyang isipan ang isang ideya tungkol sa pakay ni Marco.
Napatayo siya sa pagkaupo at ngumiti ng malapad. "Alam ko na ang lahat! Alam ko na!" agad niyang sabi at tinakbo ang Gracious Melody Foundation mula sa parke. Habang tumatakbo ay hawak sa kaniyang isipan ang mga ideya na siyang susi sa pagkalutas ng mga krimen.
"Kailangan kong alamin ang hinala ko. Kung totoo ang hula ko na alam na ni Margarette ang tungkol sa kaniyang pagkatao dati pa, maaaring nais niyang mawala si Andres upang makuha ang mana at baliktarin ang mga dokumento. Nais niyang maging legal daughter at si Ander, bilang tunay na anak ay siyang hindi mabibigyan ng mas malaking mana. Maybe she was planning to make Ander suffer for his whole life! Isa itong motibo para isiping isa rin si Ander bilang suspect. Hindi rin maiiwasang isipin na maaaring alam na rin ni Ander ang balak ni Margarette kaya't inunahan na niya ito...but which of this is true, gagawin ko ang lahat para maiwasan ang isa pang pagpatay!" , wika niya sa kaniyang isipan, habang patuloy na tinakbo ang daan patungo sa foundation
----
Dahil na rin sa involvement niya sa kaso ay madaling naka-halungkat si Kaeden ng mga dokumento sa loob ng Foundation. Hawak ang folder ng profile ni Margarette at Leander ay dumako siya sa isang upuan malapit sa mga kinaroroonan ng dokumento. Nakalagay ang mga old files sa isang kwarto at maraming bookshelf. Mula sa kanang bahagi ay isang lamesa at upuan na doon pwedeng basahin ang mga ito. Bawat pahina ng dokumento ng dalawa ay nagbigay ng liwanag sa mga hinala ng kaniyang isipan.
"Name...Leander Alegre, a son of Dexter Margazol and Adelfa Margazol. Because of poverty, parents of Leander were forced to give their son to the family of Charlene Alegre, a close relative of theirs. But months later, Charlene gave Leander to our foundation, Gracious Melody, for adoption. One month after, Vergara family adopts him as their last child..." wika ni Kaeden, na binabasa ang unang dokumentong hawak niya. nang matapos iyon ay kaniya namang binasa ang profile ni Margarette. Doon ay alam na niya ang tunay na dahilan ng kaso.
"Name...Margarette Vasco De Faisol, daughter of Artemio De Faisol and Mildred Vasco. She came from a family of a wealthy Spanish decent, though lived in the country for the rest of their lives. She had a brother named Anselmo Vasco De Faisol, but after the car accident of their parents, Anselmo was adopted by Charlene Alegre. Soon after, Charlene realized that she must have a real daughter or a son, and gave Margarette to the Vergara family, to be their legal child since Criselda, Andres' wife, won't like to have a child anymore."
Mula sa kaniyang mga nabasa ay unti-unting nawala ang mga tali ng lubid ng misterio. Alam na niya ang lahat ng mga nangyari sa oras na iyon. Ang dahilan kung bakit mas naunang namatay si Andres, ang kamatayan ni Margarette at ang posibleng dahilan at bakit hinahanap ni Marco ang tungkol kay Leander. Masiglang dinukot ni Kaeden sa bulsa ang kaniyang cellphone at pinabalita ang lahat kay Basil.
---
Habang minamaneho ni Basil ang Police Skyline Car, naisip niyang tanungin si Kaeden kung alam niya ang tungkol sa paraan ng pagkamatay ni Andres.
"Inspector, alam ko na rin ang tungkol doon. Nang Makita ko ang lahat sa Art Room, maaaring ang naiisip kong dahilan ay siyang solusyon kung bakit nakapasok ang killer na walang trace kung saan siya nagmula. Totally this locked room murder has some flaws..."
Sa loob ni Basil ay nakikita niya kay Kaeden ang nasirang ama na si Red. Nang magkasama sila ni Red noon sa mga kaso ay halos sumuko na ang buong kapulisan sa kaso, ngunit ang kaniyang ama ay patuloy na naniniwalang may solusyon din iyon. Nabalitaan niya rin noon na nagpursige si Red upang itayo ang Cerulean Eyes matapos mamatay si Seth ay dahil naniniwala siyang ang nasimulan ni Seth ay hindi dapat mawala kundi gamitin ang agency sa mas mabuting paraan.
"Hindi mo ba naiisip na ibalik ang agency ng iyong ama balang araw...?" nasaging tanong niya sa binata. Hindi agad ito sumagot bagkos tumingin sa rear view mirror ng kotse at tumingin sa malayo.
"Naaalala ko lamang sina mama at papa kung ibabalik pa ang Cerulean Eyes..."
Alam ni Basil na sa ngayon ay mahirap pang tanggapin ang pagkawala ng kaniyang mga magulang. Kahit matagal na ito ay tila isa paring sugat na nagbabalik at nagdurugo sa puso ng sinumang nasaktan nito. Bawat taong nagkakaroon ng masakit na ala-ala ay nais na mapawi na ito sa mas maagang panahon, ngunit sadyang ang tadhana lamang ang siyang susi para mawala ito at maghilom ng panghabang buhay.