Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 11 - Mysterious Key Locked Room Murder Case: Folly

Chapter 11 - Mysterious Key Locked Room Murder Case: Folly

"Evidence talks, and it speaks the truth."

---

Samantala, sa isang madilim na lugar ng mansion ay naroon si Margarette na di-nial ang kaniyang cellphone. Isang pamilyar na number ang tinatawagan nito. Sa kaniyang mukha ay bakas ng isang planong nais nitong isagawa.

"Hello...? Kumusta na ang pinapaggawa ko? Kailangang maisagawa na iyon sa lalong madaling panahon..."

Habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa cellphone, may isang ngiting nabuo mula sa karimlan. Sa paglingon ni Margarette ay ngumiti rin ito sa kaniya.

"Ikaw pala...anong kailangan mo? May kausap pa ako sa cellphone..."

Hindi na hinintay ng taong iyon ang pakay, agad na nilabas ang kaniyang patalim at sinaksak si Margarette. Bawat atake nito ay nagpakita ng paghihiganti at matagal na galit. Hindi na nagkaroon si Margarette ng oras para makahingi ng tulong...ang tangi niyang nagawa ay ang danasin ang tinatawag na kamatayan.

Flash dito, flash doon. Sige sa pagkuha ang mga pulis sa bangkay mula sa crime scene. Mula sa mansion garden ay nakahandusay ang duguang si Margarette. Habang kinukunan ito ng litrato ng mga pulis ay naroon naman sina Kaeden at Basil na pinagmamasdan ang lugar. Isang bagong krimen na naman ang pumatong na dapat nilang bigyang pansin.

"Bagong biktima...?" tanong ni Kaeden sa katabing inspector.

"Bago. Pero parang isang susi para malaman natin kung sino ang pumatay kay Mr. Andres..."

"Naisip mo na rin po pala. Mayroon akong kutob na ang pumatay kay Margarette at ang pumatay kay Andres ay iisa..."

"Nagtaka nga lamang ako dahil nang una ang iniisip kong killer ay si Margarette based on her actions. It turns out hindi siya ang killer."

Linapitan nila ang crime scene at ang nakahandusay na bangkay. Mula sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan nagmula ang dugo. Dito siya sinaksak ng killer. Base sa kaniyang posisyon sa pagkamatay ay hindi ito nagkaroon ng oras na manlaban. Ngunit may mga bahagi na napansin si Kaeden.

"Inspector, tignan niyo ang kanang kamay ng biktima. Mula nang magsimula ang rigor mortis nito sa katawan ay hindi nawala ang posibleng ginagawa ng biktima bago pa siya patayin. Kung titignan mo ang pigura ng kamay niya, looks like she was holding something..."

Tinignan ni Basil ang sinasabi ng binata. Matigas na ang kamay ng biktima ngunit gaya ng sinabi niya ay tila mayroon itong hinahawakan bago siya mamatay at nagsimula ang rigor mortis ng biktima.

"Hindi kaya...cellphone?" suhestiyon niya.

"P-pero...nasaan ang cellphone, inspector...? Mayroon bang na-search ang mga forensics kaninang kinalkal nila ang gamit ng biktima?"

"Actually, isa ito na wala sa biktima..."

"Kung ganun, mayroong kausap ang biktima o hindi kaya nasa cellphone na nakita ng killer na maaaring magdiin sa kaniya..."

Muli ay dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Naroon ang mga magkakapamilyang tinitigan lamang ang crime scene mula sa bintana. Lahat ay nagkaroon ng pagluluksa maliban kay Jezima, na tila nagkaroon ng pag-asa at katarungan sa ginawa ng kaniiyang kapatid sa kaniya ilang taon na ang nakakaraan.

Ilan taon na nga ba ang nakakaraan matapos agawin ni Margarette sa kaniya ang pinakamamahal niyang lalake? Nang inagaw ng kapatid ang mahal niya ay tila nawala na ang kaniyang pagmamahal sa kapatid, na tila ba kinikimkim na galit, poot at paghihiganti na lamang ang natira dito. Masaya siyang sa oras na ito ay nabigyang daan ang kaniyang kahilingan.

"Bakit tila masaya ka pang nawala na si ate!?" pagsusumbat sa kaniya ni Silvano na nakapansin sa kaniyang pagngiti.

"At bakit hindi...? Wala na ang sakim na kumuha sa akin ng lahat! Malay ko kung ang mga kayamanan ni papa ay gusto niya ring kunin!"

Sinampal ng malakas ni Silvano ang kapatid. "Wala ka bang paggalang sa namatay na!? kahit ganoon siya kasama ay kapatid parin natin siya!"

"Oo, pero hindi ako katulad mo na sunod-sunuran sa kaniyang kasamaan!"

Muli sanang sasampalin ni Silvano ang kapatid nang inawat sila ni Rave at Ander.

"Parang hindi tayo magkakapatid sa ginagawa ninyo...! Mahiya naman kayo...wala na nga si papa, ganyan pa ang ginagawa ninyo? Isipin niyo ang mangyayari!" saway ni Rave sa kanila. Tumahimik ang dalawa dahil alam nilang mas nakakatanda parin si Rave sa kanilang dalawa. Naroon lamang sina Marco at Ander na tahimik at nakatingin sa kanilang lahat.

Samantala, pinauwi muna ni Basil si Kaeden para tsaka na lamang nila siya babalitaan kung mayroong pagbabago sa kaso. Isasa-ilalim pa nila si Margarette sa autopsy. Sa autopsy room, magkasama ang Medical Examiner at Inspector Basil sa loob habang kasalukuyang ginagawa ang autopsy. Mula sa katawan ng biktima ay napansin ng medical examiner ang kakaibang hibla sa may dibdib ng biktima. Gamit ang kaniyang trace clip, kinuha niya ang hibla at nilagay sa isang microscope.

"Hmmm...signature fabric..." wika niya. Nagkainteres si Basil at tinignan niya ang trace sample sa microscope. Isa itong hibla mula sa isang signature fabric, ibig sabihin ay limitado lamang ito sa isang companya o lugar o anumang establishimientong pagmamayari ng isang private o government organization.

"Kukunin ko ito at imamatch sa database. Maaaring hindi sa malayo ang signature fabric na ito..." wika ni Basil at kinuha ang sample, nilagay sa isang evidence cellophane at akmang aalis na sana roon nang pinigilan siya ng medical examiner.

"Bakit...?" pabalik niya.

"This is strange. Nagsagawa ako ng advance autopsy and report, I checked out Andres's DNA and matched it with the DNA of Margarette...I found out that Margarette is...not a daughter of Andres. Their DNA is almost 0% match!"

Nabigla si Basil sa narinig. Unti-unting nagkakaroon ng linaw ang lahat sa kaniya. Ibig sabihin, ang mga nangyayari, kasama na rito ang pagpatay kay Margarette ay unti-unting nagiging susi para malaman kung sino ang pumatay kay Andres!

"Give me the report sample, right away!" wika ni Basil at umalis ng autopsy room. Agad siyang pumunta sa telepono at tinawagan si Kaeden para sabihin sa kaniya ang nadiskubre nilang ito.

‎----

Nagkita sina Basil at Kaeden sa police station. Hawak ni Kaeden ang DNA result report at ang resulta mula sa database kung nasaan ang signature fabric na iyon galing.

"Isang signature fabric ng isang foundation. Wala kaming Makita sa database na pangalan ng foundation pero dahil ang mga materyales na ginamit ay popular noon at matagal nang walang may issue nito, nalaman naming that it belonged to a foundation who still uses that last issue," paliwanag ni Basil habang hawak ang isa pang result document.

Agad na naisip ni Kaeden ang nasabi ni Jezima na foundation, yaong tumatawag kay Marco.

"Gracious Melody Foundation...could that be it...?" wika ni Kaeden.

"Ah...pwede..."

"That foundation was mentioned by Jezima. Sabi niya, tumatawag daw sila kay Marco. Siguro ay may business si Marco doon..."

"Okay, sasabihin ko iyan sa Trace para Makita nila iyon ng mas maaga."

"Kung hindi tunay na anak ni Mr. Andres si Margarette, what's the reason behind na napatay siya? The main suspect na naiisip ko ay si Jezima, since she told me she wanted Margarette dead. Siya lang din ang may tinatagong galit sa kaniya. Narinig ko rin na noon pa man pinapahirapan ni Margarette si Ander. Maaaring nagtatago din ng galit si Ander..."