"A good family can be destroyed by one's greed towards their inheritance."
---
Napakaaga ay mayroon nang tumatawag kay Kaeden sa kaniyang cellphone. Nang kaniyang tingnan ito ay halos ayaw na niyang sagutin. Pagod pa siya dahil kagabihan ay napuyat nilang tinapos ang kanilang project. Si Inspector Basil ang tumatawag sa kaniya. Naaalala niyang ito ang pangalawang beses na tumawag siya mula kanina.
"Hello...?" sagot niya. Hindi agad sumagot si Basil mula sa kabilang linya. Narinig ni Kaeden ang ilang ingay mula sa telepono. Nakikinita niyang nasa isang mataong lugar ang kausap.
"Kaeden, nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin po?"
"Pinatay ang sikat na pintor na si Andres Vergara..."
Halos mabigla si Kaeden sa narinig. Si Andres Vergara ay isa sa kaniyang mga guro noon! Nakapanghihinayang at nawala ito sa masaklap na paraan.
"H-ha...? Hindi ko pa alam ang balitang iyan! How come?"
"Ako ang naka-assign sa kaso. Ang nakakapagtaka sa kaso ay walang kahit isang lead man lamang o trace ang killer nang mapatay niya ang matanda...it is too perfect..."
"Paano po ba namatay ang biktima..."
"Binaril siya ng Silenced 9MM. He died straightly after taking up that shot, sabi ng coroner."
"GSR?" mabilis na tanong ni Kaeden. Iyon ang alam niyang maaaring makakapagbigay ng bagong impormasyon.
"We checked, meron. Hinanap naming sa paraffin test mula sa mga kasama ng matanda sa bahay but there was none of them who matched. Inosente ang lahat sa krimen, that's what I know for now..."
Nagkaroon tuloy ng interes si Kaeden sa kaso. Parang naintriga siya sa paraang magandang kaso ang hawak ng inspector, ngunit sa isang banda ay malungkot ito dahil sa isa na naman sa kaniyang mga guro ang namatay!
"Kaeden...alam mong kailangan ko ang tulong mo..."
"S-saan ka ngayon, sir?"
"Train station..."
"Hintayin mo po ako!" mabilis niyang sagot at bumangon sa kaniyang higaan. Agad siyang naligo at nag-ayos. Kailangan niyang Makita ang crime scene sa lalong madaling panahon!
In tact parin lahat ng mga bagay sa crime scene. Mula sa labas ay naroon ang mga witness at kasama ng biktima ng oras na mangyari ang krimen. Una ay ang kasambahay na pumunta sa kwarto ni Andres, pangalawa ay si Hilda, ang mga anak ini Andres na sina Margarette, Jezima, Ander, Silvano at Rave, ang dalawa pang kasambahay at ang assistant ng biktima, si Marco.
"Sila po ba lahat ang mga taong kasama ng biktima nang mangyari ang krimen?" tanong ni Kaeden mula sa crime scene na nakatingin sa mga witness.
"Oo, and we can't think of a suspect. All of them were clean. We think this is a work of an outsider..." sagot ni Basil.
Minasdang mabuti ni Kaeden ang crime scene at ang paligid nito. Mula sa kanan ay may bookshelf. Maraming mga libro ang nakalagay roon. Sa kaliwa naman ay mga family picture at ilang paintings na gawa ng batikang pintor. Maganda ang pagkakagawa ng bahay. Mula sa unang tingin ay paano nakapasok ang killer gayong walang bintana, ayon ding naka-lock ang pintuan ng mga oras na iyon. It was a total locked place.
"Locked Room Case...magaling ang gumawa nito. The criminal knew about this place very well. Ang nakakapagtaka ay nakapasok siya rito..."
Binaling n Kaeden ang tingin sa mga witness na naroon. Linapitan niya ang mga ito bago nagsalita.
"Wala ba kayong narinig na kahi anong ingay ng pintuan kung binuksan niya ito bago mangyari ang krimen?"
Isa-isa silang umiling. Isa pa ay hindi maririnig mula sa kinaroroonan nila ang ingay.
Muling tinignan ni Kaeden ang chalk presentation ng kinamatayan ng biktima. Parang nagkaroon siya ng mind re-enactment ng nangyari. Kung binaril ng killer ang biktima ng malapitan, ang GSR o Gun Shot Residue ay naroon lamang sa damit ng biktima at ng killer. Ngunit kung sa malayo, maaaring kumalat sa loob ng kwarto o malapit sa lugar na pinangyarihan ng pagbaril!
"Sisiguraduhin kong lulutasin ko ang krimen na ito, sa ngalan ng aking mga magulang!"
---
"May naisip ka ba bang maaaring magdidiin sa killer?" mahinang tanong ni Basil mula sa kwarto.
"Inspector, naisip niyo na po ba ang posibilidad na...kumalat ang GSR sa loob ng kwarto o malapit dito...?"
"Oo. Sadly, dahil silenced ang gamit, sinadya ng killer na ilagay ang powder sa damit ng biktima..."
"Mula sa silencer?"
"Oo..."
"Nakakapagtakang ilalagay niya roon...ibig sabihin, ayaw niyang mayroon tayong madiskubre sa loob ng kwartong ito...?"
Muling nabuhayan ng diwa si Kaeden na hanapin ito. Kung ayaw ng killer na may madiskubre sila mula sa loob ng kwarto, ibig sabihin ay maaaring ito rin ang magsasabi o magdidiin kung sino ang killer na yaon!
Samantala, pinalabas muna ng mga pulis ang mga witness. Dahil wala silang records, malayang makakalakad ang mga ito. Ni isa sa kanila ay hindi suspek.
Pinatakbo ni Margarette ang sasakyan, habang sa kaniyang kanan ay ang kapatid nilang si Silvano. Hindi marunong magmaneho ang lalakeng kapatid kaya't siya na lamang ang nag-drive.
"Ate...ano ngayon at wala na si papa?" wika ni Silvano.
"Hindi ba't mabuti iyon!? Mapapasa-atin na ang kayamanan! Makukuha na natin ang ating mana!"
"Pero natatakot akong sa ampon na si Ander mapunta ang mana..."
Napatawa ang kapatid na babae mula sa kinauupuan. "Hindi ibibigay ni papa ang lahat sa isang ampon lang...alam mo yan..."
"Pero..."
"Don't worry! Kung mabibigyan man siya ng mana, I know it's just a 1/8 of it!"
"Sabagay. Then we can fix about getting it later, right?" wika ni Silvano at tumingin mula sa bintana ng sasakyan. Sa kaniyang isipan ay nakabuo na siya ng plano.
---
Inisa-isa nina Basil sa interrogation room ang bawat isang witness kinabukasan. Naging maayos ang lahat ngunit hindi nakatakas sa pandinig ni Kaeden ang mga sagot ng magkapatid na Silvano at Margarette. Mula sa kanilang pananalita ay nalaman nilang ampon lamang si Ander. Kagaya ng mga taong alam na hindi sila tunay na anak, naging mabuti si Ander sa kaniyang tumayong ama.
"Ibig sabihin, isa kaya itong motibo?" tanong ni Basil kay Kaeden sa labas ng pulis station. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant sa malapit, at hindi nawala sa kanilang pag-uusap ang tungkol sa kaso.
"Maaari. Kung titignan mo, kahit ampon lamang si Ander, he was such a good son. No father would not give at least some of his riches. Siyempre, meron din namang para sa kaniyang mga tunay na anak."
"But not every son and daughter is good...some were born as greedy as the devil..." sabat ni Basil. Tumango agad ang kausap sa kaniyang sinabi.
"Pero supposing that one of them were the killer, paano nila napatay ang biktima kung lahat sila eh nasa ibang lugar? Not to mention pinatunayan nilang lahat na naroon sila. There was no GSR from them as well..." pasubali naman ni Kaeden. Doon siya puzzled.
"Not really in the same place, Kaeden. They were in the same floor, but not on the same place..."
"Same floor?"
"Tama. The assistant, Mr. Marco, was in the guest room, first floor, same floor as the others. Ms. Jezima and Rave were in the study room, first floor. Ang nasa dining room at that time were the others. Ang dalawang kasambahay nasa kusina."
"Then that's still a 1 percent clue and lead!"
"But how? The only entrance to the second floor is the stairs, visible next to the dining room..."
Doon ay muling naging tahimik ang kanilang pag-uusap. Doon sila walang kahit isang ideya. A locked room, a single entrance, good witnesses and no definite motive.
Naisipan ni Kaeden na bumalik mag-isa sa bahay nina Hilda. Sina Hilda lamang at ang assistant na si Marco ang naroon. Naabutan niya si Marco na tinitignan ang mga litrato at paintings sa Art Room. Napansin niyang tila matiim na pinagmamasdan ni Marco ang mga litratong naroon.
"Sir Marco...?" tawag niya. Hindi siya agad nilingon ni Marco. Nang maramdaman niyang may kasama siya sa lugar na iyon ay tsaka lamang siya nito napansin.
"Ikaw si Kaeden, hindi ba? Ang kasama ng inspector...?" tanong niya dito.
"Ako nga po sir. Hindi po ba kayo yung instructor dati ng abstract painting?"
"Ako nga...! Nice to meet you...ibig sabihin, doon sa University na nagturo si Mira ka rin nag-aaral?"
Nagtaka si Kaeden sa nasabi ng kausap. Kung tutuusin, alam niyang sa unibersidad na iyon nagtuturo si Andres. Ngunit tila hindi ito ang una niyang naisip.
"O-Opo...bakit niyo nga po pala pinagmamasdan ang 'Glamorous Lady' painting ni Sir Andres?"
"Naaalala ko kasi sa painting ang namatay kong kapatid, si Mira. Dati din siyang aspiring painter, pero dahil sa isang masaklap na pangyayari ay nawala siya ng maaga..."
Naging tahimik lamang si Kaeden at pinagmasdan ang babae sa painting. Maganda ang babaeng iyon, maputi, blonde ang buhok nito na tila isang Irish national.
Mula sa labas ay isang magandang babae ang pumasok sa kwarto. Si Jezima, ang pangatlong anak ni Andres.
"Marco, may tawag ka sa ibaba. Gracious Melody Foundation daw..." wika ng dalaga. Tila excited si Marco na lumabas ng kwarto at nagpasalamat upang sagutin ang tawag sa telepono. Silang dalawa lamang ni Kaeden ang naiwan, habang ang tingin parin ng binata ay nasa mga paintings na naroon.
"Mahilig ka rin sa paintings?" tanong ni Jezima. Nasa 25 lang ang edad nito. Kung ikukumpara mo siya sa iba ay artistahin ang kaniyang dating.
"Nagtataka lang kasi ako kung ano ang ibig sabihin ng babae na nakaharap sa salamin na ito sa painting. Isa pa ay bakit hindi siya ang nasa salamin..." tanong niya at tinuro ang isang painting sa gilid.
"Ako ang gumawa niyan...hindi si papa. Nagustuhan ni papa ang meaning niyan kaya't nilagay sa art room..."
"Ganun ba? A-anong meaning ng painting?" masaya niyang tanong.
"Isang babae na inagawan ng minamahal...iyon ang ibig nitong sabihin..."
"Sabi nila, ang mga pintor daw, nakakagawa sila ng mga paintings hango sa past experiences nila...could it be, nangyari ito sa inyo?"
Nag-iba ang aura ni Jezima. Niyakap ang sarili at tumingin sa painting. Nakita ni Kaeden mula sa mata ng babae ang madilim na nakaraan.
"Tama ka...ako ang babae sa painting na yan. Hindi ako tutol na inampon ni papa si Ander, dahil napakabait niyang kapatid sa akin. Pero si Margarette, dahil siya ang panganay she thinks she's the authority! Araw araw niya noong pinapagalitan si Ander, nung bata pa kami. Sinasaktan niya rin ito noon. Mabuti na lamang at naroon kami ni Kuya Rave na sumasaway sa kaniya. I could take every beating myself...pero ang pinakamamahal ko...she took him...no...she made us separate..."
Tila naunawaan na ni Kaeden ang ibig sabihin ni Jezima. Maaaring gumawa si Margarette ng paraan para maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan. A total cruel sister!