"The hardest enemies of forensic investigators are fellow forensic investigators who turned into criminals."
---
Mainit. Kakaiba ang lugar at tila bawat tao ay busy sa kanilang mga trabaho. Iyon ang unang beses na makapasok si Hilda sa isang police station. Ito na ang isa sa pinakamalaking station ng pulis sa buong bansa. Nabalitaan niya sa kaniyang mga kaibigan na ang pinakatanyag na inspector ay dito rin nagtatrabaho, si Inspector Basil Del Valle. Kailangan niyang ilahad sa kaniya ang kaniyang problemang kinakaharap. Maririnig pa mula sa station ang busina ng mga sasakyan sa labas, at kaunting ingay na nangagaling sa mga nag-uusap na opisyales ng departamento.
"So Ms. Vergara, paano ba nakapasok ang criminal sa loob ng bahay niyo at napatay ang lolo mo?" tanong ni Basil na nakaupo sa harap ng magandang dalaga.
"H-hindi ko po alam. Ang nakakapagtaka pa ay hindi siya pwedeng pumasok doon dahil nasa bulsa ng lolo ko ang susi ng kwarto niya. and the door was locked!"
Napaisip si Basil sa naturan ng babae. Kung naka-lock ang pintuan, paano siya nakapasok sa kwarto? Hindi kaya sa bintana? Ito ang sinunod niyang tanong, ngunit nanlumo siya sa sagot, walang bintana ang kwarto ng lolo niya!
"Kung gayon, isa itong locked room case..." mahina niyang wika sa kausap.
"Locked room...?"
"Oo, isa itong detective term kung saan ang isang kaso ng murder o pagpatay ay mangyaring walang path of entry ang isang criminal para gawin iyon, isa na dito ay dahil nak-lock ang isang pintuan. Ibig sabihin, para itong isang napakaimposibleng gawing krimen..."
"Pero malinaw po na nung pumunta kayo sa crime scene ay binaril nga ang lolo ko hindi ba?"
"Tama ka Ms. Vergara. Nagkaroon siya ng tama sa puso kaya't agad siyang namatay. Silenced 9MM ang baril na ginamit. Ibig sabihin, hindi na ninyo narinig ang pagputok ng baril sa loob ng kwarto ng lolo mo. Isa pa, nakahanap kami ng shoe trails doon sa sahig ng kwarto pero sadly, wala kaming nakitang lead, kahit isang hibla man lamang ng DNA. Alam ng criminal ang ginagawa niya, an expert."
Tila nawalan ng pag-asa ang dalaga sa narinig. Noong isang linggo lamang ay napakasaya ng lolo niyang kinakausap siya. Si Hilda Vergara ay ang nag-iisang apo ng kilalang pintor na si Andres Vergara, isa rin sa mga pinakamayamang tao sa buong bansa. His riches were renowned. Hindi nakapagtatakang mayroon ding magtangka sa buhay nito. With his present talents, agad na nabibili ang kaniyang mga obra, hindi kagaya ng ibang nagsisimula pa lamang o ng mga matagal nang pintor ngunit hindi masyadong kilala. Para sa kanila, siguradong isa itong good news.
Nangyari ng krimen sa ika-7:40 ng gabi. Tatawagin na sana ng kanilang kasambahay ang matanda nang hindi ito sumasagot. Akala niya ay tulog lamang ito ngunit nakakapagtakang maaga itong matulog. Lately ay nagkukulong ng matanda para sa bago niyang obra. Gad niyang tinawag ang mga kapamilya, isa na rito si Hilda, para buksan ang pinto. Ganoon na lamang ang kanilang pagkabigla nang makitang walang buhay ang matanda at kumalat ang dugo sa sahig.
---
Ksalakuyang nasa library sina Kaeden at Josephine. Kailangan na nilang tapusin ang thesis nila sa huling semestre. Naalala nilang hindi pa sila nakapagsimula dahilang may kaso ang mga pulis na agad niyang napuntahan. He was always cramming up.
"Natapos mo na ba ang architectural draft niyan?" wika ni Josephine habang sinusulat ang mga records na kaniyang ginagawa.
"Half...! Lintek na Inspector yan...sana naman may rest day tayo para hindi ako maabala kung sakali..." masayang turan ni Kaeden. Kahit kasi ganoon ang kaniyang tono ay alam niyang kailangan niya lamang tulungan ang kaibigan ng kaniyang yumaong ama.
"Lintek...pero nag-eenjoy ka naman...!" asar ng kaibigan.
Kung iisipin, akala niya ay isang napakgulong mundo ang pagiging isang detective kagaya ng kaniyang ama. Pero kung iisipin niya ng mas malalim, marami siyang natutulungang mga tao, sa mundo ng magulong sosyedad at kawalan ng katarungan, kaya niyang baguhin ang bukas ng mga naaapi...though him he'll find solutions to injustice.
"Alam mo, I never thought solving a case, would that be enjoyable...but seeing the hearts of the lost, parang ayaw mo ring ituloy..."
"Kaeden, alam mo namang it's the path to revealing the truth...there's no such thing as good sins..."
Hawak ang kaniyang sketch pad ay pinakita niya kay Josephine ang structure ng bahay. It was nice and plain, pwede siyang gawing concept. Pero nagtaka siya sa isang secret basement malapit sa kanilang entrance. Isang grate ang entrance nito papasok sa loob, nakatago sa isang mayabong na golden bush.
"Ano yang grate entrance na yan ha? Kasama ba yan sa concept?" tanong niya.
"Late 1900's naimbento ang ganitong concept ng mga bahay. Meron silang basement na karaniwang pinagtataguan nila ng mga mahahalagang gamit o di kaya ay kwarto na maaari nilang pagtaguan. Anything goes..."
"You mean like a secret room?"
"Tama. If you remember correctly, it was Europe who made this kind of style. I like it at maganda siya bilang concept natin sa architecture class..."
Napatango na lamang ang kaibigan at minasdan itong tinuloy ang kaniyang ginagawa. Kahit na tila binabago ng kanyang trabaho ang kaniyang pag-aaral, hindi nawawala kay Kaeden ang pusong maawain. If being a sleuth will make him help the others in need, bakit nga ba hindi. Matatawag nga ba niyang sumpa ng kaniyang pamilya ang ganitong klaseng trabaho...? Ganunpaman, siya lamang ang maaaring makalutas ng mga krimen sa panahong iyon.
---
Napabuntong hiningang tumayo sa gitna ng crime scene si Inspector Basil. Clueless parin siya sa kung ano talaga ang nangyari. Ni isang lead ay wala silang mahanap. Nilinis din ng criminal ang kaniyang fingerprints, kaya't hindi nila malaman sa kanilang AFIS kung sino ang gumawa niyon.
"Wala parin ba kayong nakukuhang lead?" tanong ni Basil sa mga pulis na kasalukuyang kinukuhanan ng litrato ang crime scene.
Isang pulis mula sa likod ang sumagot sa kaniya mula sa forensics. "Inspector, tanging DNA lang ng biktima ang mahanapan namin. Wala kaming ibang possibility na mahanap na kung saan nakapag-iwan ang killer ng kahit isang ebidensya..."
Napatingin siya sa crime scene tags at binalik ang diwa sa kaso. Mahirap ito at hindi basta-basta. Isa pa rito ay hindi basta basta ang killer, mukhang mayroon itong nalalaman sa mga bagay tungkol sa pagkuha ng ebidensya at kung ano ano pa na maaaring makapagdi-diin sa kaniya sa bilangguan. Whether it is a she or a he, iyon ang kailangan nilang hanapan ng kasagutan.