"Deduction becomes a sharp weapon with the backing of underlying truths."
---
Mabilis na hinanap ni Kaeden ang isang bagay na nakakaligtaan ng lahat. Napansin niyang nakaparada sa harap ng mansion ang sasakyan ni Diego. Agad niyang tinanaw mula sa bintana ng kotse ang gas meter ng kotse, katapat ng speedometer nito. Nagtaka si Josephine na kanina pa nagtataka kung ano ang koneksyon ng sasakyan at ng krimen.
"Ang gas...kung iisipin mo ang pangyayari kagaya ng sinalaysay ni ginoong Diego...mapapansin mo rin ang bagay na ito..."
"Ang gas meter...?"
"Oo...kung mapapansin mo, one fourth na lamang ng gas ang narito sa gas tank. Kung iisipin mong full tank si Ginoong Diego mula nang pumunta siya sa station..."
Napaisip si Josephine hanggang sa makuha niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Napangiti ito at namangha na maging siya ay nakaligtaan ang bagay na ito. Kakaiba nga talaga ang pagiging isang critic ng mystery kaysa sa personal na maganap ito sa buhay ng isang tao.
Napansin nilang may isang sasakyan ng pulis na pumarada sa malapit. Nang bumukas ang kotse ay kasama ng isang pulis ang may katandaang lalake. Naka-formal attire ito at kita sa mukha nitong isa itong professional. Pumapalag siya sa pagkaka-hawak ng pulis sa kaniyang kamay ngunit mapilit siyang pinasok sa loob ng mansion. Sumunod sina Kaeden sa loob at inalam kung sino ang lalakeng ito.
Siya si William, ang sinasabi ni Diego. Mabilis siyang tinanong ni Basil kung nasaan siya ng mga oras na naganap ang krimen. Sabi niya ay nasa isang restaurant lang daw ito sa malapit. Wala siyang witness o anumang pruweba para bigyang patunay ang kaniyang alibi. Marami rin itong motibo para patayin ang asawa ni Diego, na ayon sa kaniiya ay dahil sa pera.
"Sa lahat ng suspect na nakuha naming ay ikaw lang ang may pinakamalakas na motibo at walang alibi. Isang rason para dalhin ka naming sa presinto. You have to report us. Ikaw ang prime suspect sa pagpatay..." wika ni Basil. Dadalhin na sana nila siya sa kotse ng pulis para kunan ng further statements nang pinigilan sila ni Kaeden. Napatigil ang inspector at hinintay kung ano ang dahilan ng binata para gawin ito.
"Sandali lang Inspector. Gusto kong tanungin si Ginoong William..." wika niya. Tumango si Basil at pinayagan siyang gawin ito.
"Sir, may kotse ba kayo...?"
Pinilig ni William ang kaniyang ulo at sinabing wala siyang kotse.
"Pwede po ba ninyong buksan ang inyong bulsa sa tuxedo ninyo at ilabas ang pocket cloth nito sa loob...?"
Tila nahiwagaan si Basil sa tinanong ng binata. Ano nga kaya ang nasa isipan ni Kaeden at natanong niya ito. Walang sabing binuksan ni William ang kaniyang bulsa at nilabas ang pagka-dila ng mga bulsang iyon. Napansin ni Kaeden na wala ang kaniyang hinahanap. Nag-iwan siya ng matamis na ngiti at binaling ang tingin kay Basil.
"Inspector, hindi po si Ginoong William ang killer sa kasong ito..." wika niya.
"Paano mo naman nasabing hindi siya...?"
"Ang dahilang wala siyang kotse. Isa ring dahilan ay hindi ko nakita sa kaniya ang nakaligtaang ebidensya ng killer..."
"Anong ebidensya iyon...?"
"Kung baga sa baril ay GSR o Gunshot Residue. Sa kasong ito ay Porcelain residues o broken parts ng porcelain..."
"Ibig mong sabihin maaaring may nalagay na parte ng murder weapon sa bulsa ng killer...?"
----
"Posible, inspector. Hindi mo masasabing 100% exact na magkakaroon ka nito, ngunit sa pamamagitan ng malakas na paghampas sa biktima, ilan sa parte ng murder weapon, be it in a powder form or broken solid,ay posibleng malagay sa bulsa ng biktima. Napansin ko rin kay Ginoong William ang isang brand ng Precious Secrets perfume, isang perfume na ginagamit ng isang restaurant sa may malapit sa kanilang mga tissue...ibig sabihin ay naroon nga siya sa restaurant nang oras na pinatay ang biktima..."
"Kung ganun...sino ang killer...?"
Naging seryoso ang tingin ni Kaeden sa inspector at tinuro ang isang pinagpapawisan mula sa kanilang lahat. Si Diego.
"Walang iba kundi ang asawa ng biktima, si Ginoong Diego...!"
Gulat si Basil sa kaniyang narinig. Si Diego na matibay ang alibi at may prueba sa kaniyang pagkawala ay siya pa ang criminal. Agad niya itong pinabulaanan at dinahilan ang recorded report ni Diego.
"Gusto kong pakinggan niyo ulit ang record..."
Hawak ang radio-recorder ay pi-nlay ni Basil ang cassette. Nang sa simula ay maayos ito hanggang sa napansin niya ang tila pagpitik ng kung anung bagay.
"Ang naririnig niyong iyan ay skipping clicks. Kung napapansin niyo ay bawat commercial nagkakaroon din siya ng click sounds. Dahil kinuha niya ang mga detalyeng ito, kinuha ang mga commercial recordings, nilagay niya ang isang record data mula sa computer at dinirekta sa isang cassette recording radio plug. Gamit ang makabagong teknolohiya, gaya ng audacity, habang binubuo ng killer ang buong record ay nairerecord naman ito doon sa cassette."
"At ang mga clicks na iyon ay dahil hinihinto niya ang recorder sa bawat commercial...?"
"Oo. Hindi na niya napansin ang clicks na ito marahil ay hindi niya nakita ang tamang wavelength ng kaniyang in-edit na audio...ibig sabihin, ang kaniyang alibi tungkol sa record ay hindi makatotohanan..."
"Hindi totoo iyan! Nasa radio station ako nang mga oras na iyon!" tanggi ni Diego.
Napailing lamang si Kaeden at pinapunta silang lahat sa sasakyan ni Diego. Tinuro ni Kaeden ang gas meter ng kotse. Nasa one fourth na ang gas.
---
"Naka-full tank ang kotse mo nang umalis ka para mag-punta sa radio station, hindi ba...?"
"Oo. Ugali kong mag-full tank..."
"Nakakapagtaka namang naka-full tank kayo, at sa isang balikan ninyo ay one fourth na agad ang gasolina...?" tanong ni Kaeden na may tonong tila isang mangangasong nais huliin ang oso sa kaniyang patibong.
Hindi nakasagot si Diego sa kaniyang tanong.
"Mula dito sa inyong mansion hanggang sa radio station ay makaka-konsumo ng mahigit 0.25% na gasolina, kung halimbawang ang full tank ay 1.0%. Ibig sabihin, sa isang balikan ay mahigit 0.50% ang makokonsumo mo. Ngunit nakakapagtakang 0.75% na ang nakonsumo mo. Ibig sabihin, nang pumunta ka sa station, nilagay mo ang cassette at pina-play mo roon mismo sa estasyon. Habang pinapakinggan ng mga libo-ibong tagasubaybay ang mga balita sa araw na ito, bumalik ka dito sa mansion at pinatay mo ang iyong asawa, matapos ay bumalik ka ulit sa station para pangatawanan ang iyong alibi...ngunit kung iisipin mo, nagkamali ka, dahil kung hindi ka bumalik, sana ay 0.50% lamang ng iyong gasolina ang nakonsumo mo..."
"M-may pinuntahan lang akong ibang lugar...kaya ganyan ang nakonsumo ko..." sagot ni Diego.
"Ginoong Diego, magmamatigas ka parin ba kung matatagpuan sa iyo ang huling ebidensya...?" matigas na tanong ni Kaeden. Si Basil na mismo ang nagtanong kung ano ang ebidensyang iyon. Pinakalkal sa mga pulis ang bulsa niya at natagpuan ang ilang porcelain powders mula roon. Napansin ni Basil na match ito sa natagpuan niya sa ulo ng biktima. Mula sa nasaksihang ebidensya ay sumuko rin si Diego. Lumuhod ito at pinikit ang kaniyang mga mata.
"Bakit mo ito ginawa sa inyong asawa...?" ngayo'y tanong ni Josephine.
"Limang taon ang nakakaraan, bago kami naging mag-asawa ni Mildred ay dating magkasintahan sila ni William. Ngunit isang araw ay biglang nawala si William kaya't doon ako sumulpot. Napamahal sa akin ang nalulungkot at nag-iisang si Mildred...naging masaya ang pagsasama naming hanggang bumalik muli si William para guluhin iyon. Ilang araw lang ang nakakaraan ay tila napapansin kong lumalayo ang loob ni Mildred sa akin. Alam kong dahil nagbalik na si William kaya niya ito ginagawa. Alam kong nakikipagkita siya kay William...wala akong ibang paraan para pigilan ang lahat kundi ang patayin siya..."
Nabigla ang lahat nang mabilis na sinunggaban ni William si Diego at pinatayo ito mula sa pagkaluhod at mabilis na sinuntok sa mukha ang lalaki. Bumagsak si Diego at naupo mula sa kaniyang kinabagsakan.
"Alam mo ba kung ano ang nangyari!? Oo nga't nagkita kami ni Mildred! Sabi ko ay hiwalayan ka niya at ibalik namin ang naudlot na pagmamahalan. Ngunit alam mo ba ang sinagot niya...!?"
"Wala na tayong dapat ibalik...ang aking mundo ay umiikot lamang sa aking nag-iisang mahal...ang aking asawa..."
Habang sinasabi ni William ito ay tila tinig ng kaniyang asawa ang mga ito sa pandinig ni Diego. Nang marinig nga niya ito ay nakaramdam siya ng matinding pagsisisi na sana ay hindi na lamang niya ito ginawa. Na sana ay nayakap ang asawa at humingi ng tawad.
"Kung hindi ka nagtitiwala sa asawa mo sa inyong pagsasama, ano pa't minahal mo siya kung ikaw ay hindi nagtitiwalang mahal ka niya? Ang hindi mo paniniwala sa kaniya ang nagtulak sa iyo para pumatay..." wika ni Kaeden, habang patuloy ang pagtangis ni Diego na dinala sa bilangguan.