"A crime never has one perspective. A keen detective sees through all."
---
Maingay. Maraming tao ang nagsasaya sa lugar na iyon, may kani-kaniyang buhay at kasiyahan. Naroon si Josephine na masayang naglalaro ng slot machine. Gaya ng inaasahan ni Kaeden, sinama siya nito roon para maglaro niyon. Wala siyang interes sa ganitong laro, ngunit kung ang kaniiyang kaibigan ang mag-anyaya sa kaniya ay napapasama siya.
"Oh ano Kaeden, hindi ka ba maglalaro...? Malay mo makuha mo yung prize kapag tumama ka...!" anyaya ng kaibigan.
Pangiting lumapit si Kaden sa slot machine at kumuha ng ilang tokens. Nilagay niya ito sa slot at nagsimulang gumana ang makina. Naroon ang iba't-ibang pigura, ngunit ang kailangan nilang buoin ay ang tatlong magkakasunod na 9. Maingat na pinindot ni Kaeden ang Slot Button. Unti-unting humina ang makina kasabay ng pagtigil ng mga pigurang mabilis na umiikot.
Halos hindi maipinta ang saya ni Josephine nang makitang 999 ang nasa slot machine. Sa saya niya ay napayakap siya sa kaibigan habang pinagmamasdan ang mga tokens na lumalabas sa slot machine, ng kanilang premyo. Hindi makapaniwala si Kaeden na sa unang beses niyang maglaro ng ganito ay mananalo pa siya kaagad.
"Swerte ka yata eh! Dapat pala ikaw ang isama ko kung pumupunta ako dito..." wika ni Josephine habang tinutulungang kunin ang mga tokens sa slot machine. Nakakapagtaka ngang sa unang beses ay nanalo pa ito. Siguro nga ay sinuwerte siya sa pagkakataong iyon. Agad nilang pinagpalit sa token booth ang mga ito at pinalitan ng tunay na pera. Medyo marami-rami rin ang napanalunan nila kaya't naisipan nilang kumain sa isang restaurant.
Umupo sila malapit sa glass wall ng restaurant. Mainam ito para Makita ng mga tao sa loob ang nasa labas, o hindi kaya ay ipromote ng kanilang restaurant specialties and cuisine. Napansin ni Kaeden mula sa labas ang mga nagmamadaling pulis na sumakay sa kanilang sasakyan at pinatakbo ito. Nagtaka siya kung ano ang nangyari at tila nagmamadali sila.
Samantala, nagmamadaling nag-ayos si Inspector Basil at pinatakbo ang kaniyang sasakyan sa itinawag ng kaniyang tauhan na lugar. Sa isang mansion daw ito malapit sa parke. Inabutan niya roon ang kaniyang mga tauhan at ilang radio reporters. Napansin niya na mayroong crime scene tape sa loob. Agad siyang pumasok sa mansion at inalam kung ano ang talagang nangyari.
Napabuntong-hininga si Basil sa nakita sa loob ng mansion. Tila napapagod na siya sa tila madalas na pagkakaroon ng killing cases sa lugar nila. Matapos ang problema niya tungkol sa mga nagdaan ay heto na naman at may pinatay. Nakahandusay ang bangkay at may tama ito sa ulo. Naroon na rin ang Medical Examiner nila na tumingin sa bangkay.
"Erik, anong nangyari dito?" tanong ni Basil sa pulis na rumesponde roon.
"Inspector, natagpuan ng isang residente ang bangkay. May ibabalik daw sana siyang gamit pero napansin niyang walang tao. Pumasok siya at natagpuan ang bangkay."
---
"Sino ba ang namatay...?"
"Siya si Mildred Marasigan, asawa ng radio reporter na si Diego Marasigan..."
"Kaya pala narito ang mga ilan sa radio reporters eh...alam ko na ang ganitong diwa ng mga tao. Hahanapan nila ng report ang kasama nilang reporter para ibagsak ang career..."
Binaling ni Basil ang tingin sa Medical Examiner. Lumapit siya rito at tinignan ang bangkay.
"Ano ang COD ng bangkay...?" tanong niya.
"Nagtamo siya ng malakas na paghampas sa kaniyang ulo. Natamaan ang left part ng brain lobes niya, ilan sa kaniyang mga nerves at ugat papunta sa utak ay nagtamo ng blunt force trauma. Nawalan ng oxygen ang biktima kaya't madali siyang namatay."
"Na-determine mo na ba kung ano ang naihampas sa kaniya...?"
"Isang klase ito ng porcelain. Ito yung mga porcelain na parang chalk. Kung nakikita niyo po ang mga putting powder dito sa ulo ng biktima, ito yung mga remains ng ihinampas sa kaniya."
Tango lamang ang sinagot ni Basil at kinuha ang mga puting powder mula sa ulo ng biktima. Kailangan niyang itago ito bilang ebidensya sa kung sino man ang humampas sa biktima. Ngunit ang ipinagtataka niya ay alam na kaya ng kaniyang asawa ang nangyaring ito?
---
Pauwi na sana ang dalawa nang mapansin ni Josephine ang cellphone ni Kaeden na kanina pa nagriring ngunit hindi sinasagot ng binata. Nagtaka siya na baka babae iyon at ayaw niya lamang marinig niya ang usapan ng dalawa.
"Siguro, girlfriend mo yan no..." wika niya, at may tila kakaibang tono sa kaniyang tanong.
"Anong girlfriend...? Pabayaan mo na kasi, mamaya titigil din yan..."
"Ha...? Hay naku hindi titigil yan..." sagot ng dalaga at inagaw mula sa kamay ni Kaeden ang cellphone. I-ooff na sana ito ng binata.
Hindi na pinansin ni Josephine kung sino ang tumatawag, bagkus ay sinagot niya ito na may mataas na tono. Halos bumaba ang boses niya nang marinig kung sino ang pinagtaasan niya ng boses.
"Pasensya na Inspector, akala ko kung sino na yung tumatawag..." wika niya at nahiyang tumingin kay Kaeden na inaasar siya. Sumeryoso ang mukha niya at pinakinggan ang sinabi ng inspector. Pinasa niya kay Kaeden nang hiningi ang presensya nito.
"Ano ba iyon Inspector...?"
"Di ba naghahanap ka ng magandang libangan...?"
----
"Sawa na kasi ako sa kakalaro ng video games sa bahay. Binasa ko na rin lahat ng librong andun sa library naming kaya halos wala na ako magawa kundi matulog..."
"Pwes pumunta ka dito sa bahay ng reporter na si Diego Marasigan..."
"Bakit, anong nandiyan...?"
"Mind puzzle..." pabirong sagot ng pulis. Alam na niya kung ano ang ibig niyang sabihin. Kahit na ayaw niyang makialam sa trabaho ng mga pulis ay tila isa na itong sumpa sa kaniyang iniwan ng kaniyang ama, ang lutasin ang isang hindi pangkaraniwang krimen sa mundo.
---
Nakarating sila agad sa mansion. Si Basil na mismo ang sumalubong sa kanila sa loob. Iginala ni Josephine ang mata sa mga paintings na naroon kesa sa crime scene. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga krimeng nasaksihan niya simula nung nasa camp sila.
"A-ano ang ibig sabihin ng caricature painting na ito...?" turo niya sa isang painting malapit sa isang kwarto roon.
"Ah...iyan ang tinatawag na Cry of the Crane. Hango iyan sa Japanese Culture. Ayon sa kanila, ang mga cranes o ang mga tagak ay nabubuhay ng libo-libong taon. Iyan ang tinatawag na 'Tsuru no Hitokoe' sa salitang hapon. Ang ibig sabihin ng painting na iyan ay ang boses ng mga lider, kahit sa anong edad, ay makapangyarihan at mapapagkatiwalaan." Sagot ni Kaeden.
"Kaya siguro narito ang painting dahil kay Diego. Kilala siya bilang isang lider at mapagkakatiwalaang reporter. Kaya minsan ay maraming naiingit sa kaniya at gusto siyang ibagsak..." wika ni Basil.
"Pero bakit ang asawa niya ang pinatay, kung sakali mang may mga taong ganoon?"
"Hindi ko alam, Kaeden. Ang alam ko lang, narito ang biktima at nakahandusay sa harap natin. Tinawagan ko na si Diego at parating na siya dito. Alam mo na ang ibig kong sabihin kung bakit..."
"Ibig niyong sabihin nang mamatay ang asawa niya ay hindi pa niya alam...?"
"Tinawagan ko siya kanina sa kaniyang personal number. Ang sabi niya ay nasa kalagitnaan ng pagbabalita sa oras na iyon. Tatapusin muna niya ang trabaho bago asikasuhin ang nangyari dito."
"Ganoon ba...? Pero may suspect na ba kayo kung sakali sa sinumang gumawa nito? Mga taong may galit sa biktima...?"
"Marami. Pero sa dinami-dami ng mga ito ay kay Diego malamang sila magkakaroon ng galit. Hindi ako makapaniwalang sa asawa nangyari ang bagay na ito..."
Muling tinignan ni Kaeden ang biktima. Nakahandusay parin ito sa sahig habang kinukunan ng Medical Examiner ng report niya. Mamaya ay kukunin na nila ito para sa autopsy. Maputi at mabait ang mukha ng biktima. May katandaan na ngunit naroon parin ang taglay nitong kagandahan. Hindi mo aakalaing may gagawa sa kaniya ng ganoong kasamaan.
Matapos maghintay ng lahat ay kinausap ni Basil si Diego sa isang lugar. Kasama sina Kaeden at Josephine, umupo sila sa isang banda at nakinig sa statement ng asawa ng biktima.
"Wala ka bang alam na magtatangka sa buhay niya...?" tanong ni Basil.
"Sa totoo lang mabait ang asawa ko. Hindi ako makapaniwalang may gagawa sa kaniya nito. Pero kung mga motibo o maaaring gumawa, bilang isang reporter, marami akong alam..." sagot ni Diego. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at kalungkutan sa pagkawala ng kaniyang asawa.
"Anong ibig mong sabihin...?"
"Isang linggo ang nakakaraan nang may mamataan akong nakamasid sa bahay namin. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakaitim siya. Sa tingin ko ay mayroon siyang minamasdan o minamanmanan sa bahay. Nagkataon minsan na nasa loob ako ng kwarto at napansin namin ni Mildred..."
Sandaling isinulat ito ni Basil sa kaniyang notebook bago nagpatuloy.
"Mayroon ka pa bang alam na gagawa sa iyong asawa nito...?"
"S-si William...siya lang ang alam kong may motibo..."
"Sino si William...?"
"Siya ang wedding planner namin noon. Pero dahil kaibigan ko siya ay madalas din kaming nagkikita at nagkakasama. Napansin ko noon na may hindi pagkakaintindihan ang asawa ko at ang aking kaibigan tungkol sa pera. Hindi kasi pinahiraman ng aking asawa si William ng minsang mangutang siya dahil hindi pa niya nababayaran ang huli niyang nautang..."
"Hmm. Siya nga pala, bago ko makalimutan ay, nais kong alamin ang iyong alibi. Nasaan ka nang 9:45 AM hanggang 10:20AM, oras na namatay ang iyong asawa...?"
"Gaya ng sabi ko nasa loob ako ng radio station. Naisip kong makakatulong sa inyo ang record ng aking binalita..." mahinang sagot ni Diego at binigay kay Basil ang isang mini-radio player-recorder. Nasa loob ang isang cassette. Agad na ipi-nlay ni Basil ang radio para pakinggan ito. Hindi nagsisinungaling si Diego, naroon nga sa station. Madaling madede-termine ang bagay na iyon dahil sa pinakita niyang ebidensya. Naroon din ang mga commercials na kadalasang napapakinggan sa radio.
Habang pinapakinggan ni Kaeden ang recording ay may napansin siya dito. Napaisip siya tungkol sa kasong hawak ngayon ni Basil. May napansin siyang kakaiba sa bangkay ng biktima at gayon din sa recording na iyon. Sa ngayon ay siya lamang ang nakakaalam.