Chereads / Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH) / Chapter 6 - Black Swan Murder Case: Honor

Chapter 6 - Black Swan Murder Case: Honor

"There is an old Japanese proverb, yon yori shoko. Evidence over argument."

---

Kasalukuyan parin silang nasa billiard room. Bawat isa sa kanila ay kabado sapagkat hindi parin sila binibigyan ng pahintulot para umuwi o lumabas ng kwartong iyon. Si Josephine naman ay inabala si Kaeden kung ano ang nasa isip nito. Maging ang binata ay naguguluhan sa pangyayari. Hindi niya pa alam ang dahilan kung bakit nakabenda ang kamay ni Jamie mula nang lumabas siya ng CR. Maya-maya pa ay may isang policewoman hawak ang isang tray. Binigyan niya sila ng juice habang hinihintay na matapos ang processing ng mga pulis sa crime scene.

"Tamang tama...nauuhaw na ako..." wika ni Jamie at inabot ang baso ng juice niya. Mabilis niya itong ininom at nilapag ang baso matapos.

"Maiba lang ako Jamie...di ba dati kang naglalaro ng golf...? Sali ka naman minsan sa amin..." paanyaya ni Juancho na lumapit sa kaniya.

"Sorry pare...para kasing nanghihina ako ngayon eh...nakakaramdam ako minsan ng paghina at parang tinatamad na rin akong kumilos..."

Nang marinig ito ni Kaeden ay may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Ginala niya ang tingin sa bawat isang kasama niya. Sina Mr. Magallion naman at Aileen ay patuloy na naglalaro ng billiard. Tila kalmado lamang ang dalawa at hindi inaalala ang maaaring susunod na mangyayari. Kinuha ni Kaeden ang isang baso ng juice at nilapitan ang dalawa.

"Mr. Magallion, juice po muna. Parang pagod na po kayo ah..." wika niya at iniabot ang juice.

"Ai..salamat. Gusto ko kasing kalmahin ang sarili ko sa nangyari. Malay mo, baka isa pa sa amin ang isunod ng killer hindi ba?" sagot ng matanda at kinuha ang baso mula kay Kaeden. Napansin ni Kaeden ang medyo kayumangging kulay sa kamay niya.

"Ah ito ba? Nung kumain kasi kami ng steak kanina sa labas, namantsahan ang kamay ko at hindi na ako naghugas pa ng kamay..." patuloy ng matanda nang makitang napansin ito ni Kaeden.

"Kaya pala amoy steak yung tisa sir, eh..." wika ni Juancho.

"Steak...? Teka sandali, nang mga panahong iyon...dinala ni James ang kaniyang gitara sa cubicle. That means...ang susi kung sino ang criminal ay...ang bagay na iyon...!"

"Josephine...halika sa labas...kakausapin natin si Inspector at ang president...!" wika niya at agad na inakay ang kaibigan palabas ng billard hall. Agad namang sumunod si Josephine sa kaibigan at hinintay kung ano ang sasabihin nila sa inspector.

---

Nagkausap ang Inspector, Kaeden at si Josephine sa isang kwarto kasama ang presidente. Sa loob ay binigay na ni Kaeden ang kaniyang imbestigasyon at kung sino ang pumatay kay James. Ang clue roon ay ang kaniyang gitara. Naroon lahat ng ebidensyang kailangan nila para i-convict ang pumatay.

"Ibig mong sabihin..." hindi tinuloy ng president ng company ang nais sabihin dahil agad na tumango si Kaeden.

"Sir, I want you to stage up na nahuli na ng pulis ang killer. Ang gusto kong gawin ninyo ay magpahanda sa inyong chefs ng kahit anong putahe. The show will begin there...I'm sure the criminal will reveal himself..."

‎-----

"Okay...sige gagawin natin yan."

"Inspector, tama ba ang hinala kong may nylon at gut strings elements sa leeg ng biktima?"

"Oo. Tsi-neck ng ME naming ang sinasabi mo at kumpirmadong meroong nakuhang element marks mula sa nylon at gut strings."

"Kung ganun, kailangan na natin siyang hulihin..."

---

Gaya ng pinag-usapan nilang apat, binalita ni President Aguirre na nahuli na ng pulis ang killer. Gumaan ang loob ng lahat na nakaupo sa dinner table.

"Mabuti naman, pwede na akong umuwi. Nanghihina ako..." wika ni Jamie.

"Pero bago yan ay gusto kong kumain muna kayo nitong pi-nrepare ng aking mga special chefs, isang vegetable and meat bun. Taglay niyan ang energy giving vegetables and protein para sa inyo. I hope magustuhan niyo yan, it's a specialty."

Agad na kinuha nina Josephine at Kaeden ang bun. Ngumiti si Kaeden nang nakita ang isa sa kanila ay hindi nito kinuha ang meat bun bagkos ay tumayo ito.

"Maghuhugas ka ba ng kamay?" tanong ni Kaeden mula sa kawalan. Nabigla ang tumayong iyon at nilingon siya.

"Lahat sa amin dito ay hindi na kailangang hugasan pa ang kanilang mga kamay dahil kahit hindi, theres nothing contaminated na hinawakan namin, pwera sa isang tao na dinahilan ang lahat upang itago ang ebidensyang magpapatunay na siya ang killer..."

Tahimik ang lahat na nakinig sa pinapaliwanag ni Kaeden. Si Inspector ay nakaabang lamang sa kung ano ang susunod na mangyayari. Maging siya nang una ay inakalang imposible ang paliwanag ng binata ngunit nang Makita nito ang mga ebidensya ay tsaka lamang siya naniwala dito.

"Ang pumatay kay James ay walang iba kundi ikaw..." wika ni Kaeden at tinuro ang salarin.

"Mr. Dave Magallion...ikaw ang salarin!"

Gulat ang lahat. Ang taong walang motibo sa pagpatay ang siyang tinurong salarin ni Kaeden.

"A-anong sinasabi mo? Ni wala nga akong motibo para patayin siya...!"

"Dinahilan mo na dahil nahawakan mo ang steak ay siyang nagmanstasa iyong kamay. Nang pumunta ka sa CR aty nakita mo si James at hawak ang kaniyang gitara. Siguro ay nagkausap kayo at hiniram ang kaniyang gitara, matapos ay inalis ang string nito at iyon ang piambigti kay James hanggang sa mamatay ito..."

"Hindi totoo iyan...!"

"Evidence over argument, Kaeden. May pruweba ka ba?" sabat ni Aileen.

"Ako man ay naniniwalang maraming loopholes ang deduction kong ito. Pero may dalawang ebidensyang magpapatunay nito. Ang gut strings at nylon ay karaniwang elementong ginagamit ng isang Luthier, o string maker, para gumawa ng string ng mga string instruments. Ilan sa mga elementong ito ay nakitang present sa leeg ni James. Ibig sabihin, pati ang killer ay mayroon nito. Kung malakas ang contamination ng bagay na ito, hindi kanais-nais para hawakan ito ng basta basta at kumain ng hindi naghuhugas ng kamay..."

"Guitar strings...?"

"Josephine...pwede mo bang patugtugin ang gitara ni James...?" wika ni Kaeden at nilingon ang kaibigan. Tumalima naman ang kaibigan at kinuha ang gitara na nasa isang sulok. Sinimulan niyang nag-strum ng Chord C, A at F. Maba ang tunog nito at tila hindi akma ang pagvibrate ng mga strings.

"A-ang tunog...!" nasambitla niya. ----

"Tama, ang tunog ng strings ay hindi akma dahil nabasawan na ang elasticity at vibrating duty nito, dahil nilagay muli ni Mr. Magallion ang string sa gitara kaya't hindi mahanap ang murder weapon. Kung baga sa detective terminology, ito ang tinatawag na Disappearing Murder Weapon trick."

"Paano mo mapapatunayang ako ang gumawa niyan...? Paano kung hindi ako...? Kulang ang ebidensyang iyan. Circumstantial evidence lang ang mga iyan hindi ba?" depensa ni Mr. Magallion.

"Nalimutan mo yata Mr. Magallion...kung nahawakan mo ang string at ginamit sa pagpatay, ang iyong DNA at DNA ni James...ay nasa isa sa mga strings...patunay lamang na binigti mo siya gamit ito..."

"Mr. Magallion, ang DNA ay nailalagay sa isang material kung may isang paraan para malagay ito ditto. Sa kaso mo, ang scratches na natanggap mo sa pagbigti ng biktima ay kumuha ng DNA mula sa iyo. Hindi man makuha ang DNA mo, naroon naman ang portion ng iyong fingerprints..." dagdag ni Inspector Basil.

Napipi si Mr. Magallion at sumandal sa malapit na pader. Tumawa siya ng saglit at dumaus-dos sa sahig habang umiiyak.

"Sampung taon na ang nakakaraan. Napakasikat ng pangalan na Jezzima Magallion, ang isa sa kinikilalang pop star icon ng bansa. Pero isang araw ay naglaho ito nang sumikat ang isang James Destrega. Isang pop icon din, kilala sa kaniyang dance and pop style of music. Pero sinong magaakalang ang album niyang 'The Black Swan'...lahat ng mga kanta roon ay hindi sa kaniya?" wika niya.

"I-ibig mong sabihin ang Black Swan album ni James ay..." sabat naman ni Jamie.

"Oo. Malapit na magkaibigan sina Jezzima, ang aking anak at ang walang hiyang James na iyon. Ngunit nang malaman ni James na may tinatagong isang album si Jezzima ng kaniyang recorded songs, naisip niyang nakawin ito at gawing kaniya. Hindi pa naipapalabas ang album na iyon dahil balak ni Jezzima na sorpresa ito para sa kaniyang mga fans. Nang malaman niyang ninakaw ito ni James at sumikat dahil roon ay tila nawalan ng loob ang aking anak at nawalan ng pag-asang maging isang singer. Simula noon ay hindi na ito kumain ng tama, napunta sa pag-do-droga hanggang sa nagpakamatay ang aking anak...simula nang araw na iyon, nangako akong ipaghihiganti ko siya..."

Umiling si Kaeden at nilapitan si Mr. Magallion sa sahig. Kinuwelyuhan niya ito.

"Hindi mo ba naisip kung gugustuhin ni Jezzima na pumatay ka ng tao dahil ditto? Alam mo ba kung gusto niyang Makita ang kaniyang ama na pumapatay ng tao!?" sigaw niya.

"Wala ka sa posisyon para pangaralan ako bata! Marami ka pang iintindihin sa buhay!"

"At ano ang iintindihin ko...? Ang pumatay ng tao dahil sa bagay na pagkakamali ng isang tao? Kung ang isang bagay ay magdudulot sa iyo ng kasamaan, hindi ba't dapat na mayroon tayong pagpapatawad at paglimot...!?"

"Ginawa ko ito para sa aking anak! Ang kaniyang karangalan ay nagbalik nang mapatay ko ang hayop na iyon!"

"Karangalan...? Mayroon nga bang karangalan sa ginawa mo!? Hindi ba't hilig ni Jezzima ang musika? Hindi ba't sa pamamamgitan din n musika mo pinatay si James? Pinatay mo siya gamit ang kaligayahan ng iyong anak! Walang karangalan sa ginawa mo, kundi isa ka lamang isang walang pusong mamamatay tao...!"

Nang marinig ito ni Mr. Magallion ay humaloghog ito sa pagtangis. Doon niya lamang nalaman ang kaniyang pagkakamali. Lumapit si Inspector Basil hawak ang kaniyang posas at nilagay ito sa kamay ni Mr. Magallion.

"Mr. Magallion, you are under arrest for the murder of James Destrega..." wika niya at nilabas na ito sa billiard hall.

"Noong una...akala ko ay si Jamie ang pumatay dahil sa benda niya sa kamay. Noon ko lamang napagtanto nang sinabi niyang nanghihina siya. Dahil ito sa dati niyang paggamit ng droga...hindi ba?" tanong ni Kaeden kay Jamie.

"S-sa totoo lang...kasama ko noon si Jezzima sa paggamit ng droga. Hindi totoo ang sinabi ni Mr. Magallion na gumamit siya ng droga. Nang gumamit kasi siya ay ako na mismo ang nagpatigil sa kaniya nito. Malinis ang kaniyang dugo bago siya nagpakamatay. Saglit lang siyang gumamit..."

"Naniniwala ako sa multo. Hindi yung multong nagpapakita sa gabi na nakaitim o nakaputi, kundi ang multong tinatawag na PAGHIHGANTI. Oras na dinalaw ka ng multong ito, gabi gabi sa puso mo itong mararamdaman hanggang sa ikaw mismo ay mabaliw at hanapin ang lunas ng bagay na ito, ang bagay na tinatawag na KRIMEN..." mahinang wika ni Kaeden sa kaniyang mga kasama.