Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Case Book of Detective Kaeden (TAGLISH)

🇵🇭Fuurinkazan
--
chs / week
--
NOT RATINGS
141.2k
Views
Synopsis
Kaeden Boa Vista is an architecture student who promised not to get himself involved in any form of police work,, opposed to what his father wanted when he was still alive. His life got tangled with a murder case that changed his life. As he succeeds becoming an architect, he gets involved in a series of murder cases and discovers a secret that his father kept from him. Crimes have gone up and the criminals are becoming more intelligent in their orchestrations. Kaeden later learns that a certain crime planning group has been doing it for many years, led only by a mysterious man named "Master Murderer from Hell".
VIEW MORE

Chapter 1 - School Camping Murder Case: Lights

"In the swamp of doubts and questions, the detective intelligently eliminates the impossible and opens the chest of truth."

---

"Ano ba naman ito! Hindi ko gusto ang ending nitong kwento, nagpakamatay ang lalake nang mahulog ang minamahal niya sa building? That's so archaic!" reklamo ni Josephine, ang presidente ng Class A, ang klase ding pinapasukan ni Kaeden. Binabasa nito ang isang nobela kung saan nagpakamatay ang lalaki nang mahulog sa isang building ang kanyang girlfriend. For him, she is his life. Now that she's gone, he'll end his life as well. Malakas ang pagkalapag ni Josephine sa libro sa may lamesa. Napansin agad ito ni Kaeden. Alam niya na hindi na naman nagustuhan ng dalaga ang binabasang libro. Detective fiction ang major ni Josephine sa kurso nitong AB Creative Writing. She prefers Doyle than Shakespeare, Poe than Steele. Umiiling siyang nilapitan ito at binigay ang isang in-can soda drink.

"Magpalamig ka muna ng ulo mo, Madonna of Mystery," wika niya. Ito ang tawag ng lahat kay Josephine. Nakuha niya ang titulong ito dahil sa kanyang mataas na kritiko sa mga nobela. Mas angat sa unibersidad ang mga nobela na kakaiba, kaya't dito naman niya nakuha ang kanyang titulo bilang Madonna of Mystery.

"Hay, salamat naman at dumating ang soda drink ko," pabirong pasasalamat niya kay Kaeden.

"Sabi ko naman kasi sa iyo yung kay Jedediah Berry - Manual of Detection ang basahin mo, since it's your line of genre, pero hindi mo gustong pakawalan yang libro."

"Ikaw, Kaeden, bakit ba parang hindi ko nakikita sa iyo ang aura ng dad mo? Siya ang isa sa mga kilala at magagaling na detective sa ating bansa. Meron ding private cases ang dad mo sa ibang bansa. He was well and deserved to be known, pero, bakit hindi mo yata namana ang galing niya?" tanong ng dalaga.

Napatawa na lamang si Kaeden dahil madalas niya itong naririnig sa mga kaklase. Kung alam lang nila na noong bata pa siya, halos ipagpilitan ni Lolo Jun niyang basahin lahat ang mga libro ng kanyang ama tungkol sa pagiging detective nito.

"By the way, maiba ako. Pupunta ka ba sa school camping natin? Sabi nila compulsory yun. Pero knowing the school funds, gagawin nila itong mandatory at grade based, para ang makukuhang pera ay gagamitin sa paggawa ng bagong modifications at pagbili ng bagong materials ng school."

Naalala ni Kaeden na may school camping pala sila. Hindi sana siya pupunta, pero alam niyang possible ang iniisip ni Josephine kaya't naghanda na siya ng mga gamit niya.

"Oo, pupunta ako. Isn't that by next week time?"

"Yup! And you know what? There are many things to see there. Alam mo ba yung mga grassy fields sa pictures ng school natin sa may bulletin board? Pupuntahan natin yun."

"Uh-huh..."

"And guess what, yun ang camping site!"

Ang grassy fields na tinutukoy ni Josephine ay ang nasa kanilang bulletin board. Isa itong madamong talampas sa gitna ng dalawang burol. Isa rin ito sa mga pinupuntahan ng ilang journalist para kunan lamang ng isang magandang larawan.

Ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mag-aaral ay dumating. School camping na. Ilan sa kanila ay nag-enjoy. Akala ni Kaeden ay hindi siya mag-e-enjoy ngunit nang nasa camping na sila, isa itong magandang experience para sa kaniya. Ang maganda pa nito, andoon si Professor Magtanggol, ang iniidolo niyang guro.

"Sir Hero!" tawag niya dito nang makasabay nila siyang pumunta sa camping site.

"Oh, ikaw pala, Kaeden."

"Sir, kumusta na nga po pala ang asawa niyo? Balita ko ay na-ospital daw siya."

"Ah, okay na siya. Sabi ng doctor konting pahinga nalang daw at makakauwi na siya."

"Hm, mabuti naman po kung ganun. "

"Oh sige, mauna na ako sa iyo. Be sure to report sa log book bago kayo pumunta sa camping site."

"Yes, sir."

Sinundan niya ng tingin ang kanyang guro habang umaalis at pumunta sa sariling tent. Nasa mas mataas na tent ang mga guro, sa ibaba naman ang sa mga estudyante. May kalayuan ang tent ng mga guro sa estudyante dahil sa estado ng bundok. Kailangan nilang maghanap ng medyo patag na lugar para mapagtayuan ng tent nila. Mas makakabuti ito para may paraan ang mga gurong mabantayan ang mga estudyanteng maaaring gagawa ng kalokohan o anumang wala sa binigay na rules and regulations for camping.

Palubog na ang araw. Mala-dalandan ang langit at tila hindi pa rin humuhupa ang saya sa diwa ng mga estudyante. Palibhasa kasi ay bagong event ito. Naglakad si Kaeden sa may kabilang banda ng damuhan. May mga kahoy din ditto na lalong nagpapaganda ng mga tanawin mula sa kanilang kinalalagyan.

"Sigurado ka ba? May ebidensya ka ba dyan?" tanong ng isang babaeng estudyante sa kasama niya. Mahinang boses at tila may pinagtataguan ang mga ito. Napansin sila ni Kaeden. Nagtago siya sa mga kakahuyan at pinakinggan ang pinaguusapan ng tatlong estudyante. Tila kasi ang boses nila ay mahina at ayaw nilang my makarinig nito.

"Sigurado ako. Kung sasabihin natin ito sa kaniya, magugulat iyon. Doon na natin siya pagbabayarin ng malaking halaga kung ayaw niyang mabunyag ang sekreto niya." sagot ng isa pang babae. Matangkad ito at maganda. Matapang ang kanyang pagmumukha at halatang sopistikada ang kilos.

"Sabagay, maaaring ikatanggal niya sa trabaho yun pag nalamang may asawa na eh lumalandi pa sa iba," sagot naman ng isa.

Nanatiling nakinig si Kaeden pero umalis na pala ang mga ito. Nagtataka ang mga ito kung ano ang binabalak ng tatlo. Pero ayon sa mga narinig niya, isa itong paraan ng tinatawag nilang Extortion, o ang pag-bablackmail sa isang tao para ibigay ang gusto mo kapalit ng isang katotohanang ayaw mong mabunyag tungkol sa iyo.

Malalim na ang gabi. Dahil sa pagod, nararamdaman niyang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Humiga siya sandal sa kanyang tent. Bawat isa ay mayroon nito. Dalawang grupo ang camping, sa kanan ang girl's group, sa kaliwa ang boy's group. Napakatahimik ng paligid. Malamang ay pagod na rin ang mga ito kaya't madaling nakatulog.

Humiga si Josephine at inayos ang kanyang sleeping bag. Napansin niya ang tila ilaw sa langit na gumagalaw. Galing ito sa ilaw ng isang flashlight. Nasa kaliwang bahagi ito. Siguro ay estduyanteng hindi pa natutulog...wika niya sa sarili. Hindi lang si Josephine ang nakakita nito. Maging si Kaeden at ilan pang estudyante ay namataan ito. Sa isang banda, lahat sila ay iisa ang akala, isang estudyanteng hindi pa siguro natutulog.

Samantala, sa madilim na paligid ay ngumiti ang hindi kilalang tao. Ang kanyang ngiti ay tila kakaiba at may binabalak gawin. Nagtalukbong siya at may kinuha mula sa kanyang travelling bag.

"Matatapos na rin ang lahat, Lea. Maipaghihiganti na kita." wika niya. Itinutok niya ang baril at flashlight sa isang banda. Pagkalabit niya ng baril ay umalingawngaw ito sa buong bundok. Halos lahat ay nagising sa pagputok na iyon. Kasabay ng paglaho ng putok ay ang paglaho ng taong iyon.

-

"What's that!?" tanong ni Josephine at naabalikwas ng bangon mula sa sleeping bag niya. Inalis niya ito sa katawan at bumangon kahit medyo maaga pa. Pagkalabas niya ng tent ay nakita niya ang ilang mga estudyanteng bumangon din. Isa sa mga nakita niya ay si Kaeden na nabigla rin sa pangyayari.

"Kaeden! Kaeden!" tawag niya dito. Agad na pumunta si Kaeden sa kinaroroonan niya. Hawak nito ang kanyang flashlight at lighter.

"Anong nangyari..? Ano ang putok na yun?"

"Hindi ko alam. Basta na lamang akong napabangon nang marinig ko."

"AAAAAHHHHH!" sigaw ng isang babae sa kabilang bahagi ng talampas.

Agad na sinundan ng lahat at ang ang sigaw na iyon. Nauna ang mga guro para igiya ang mga estudyante.

"Ms. Alcala, anong nangyari?" tanong ng isang guro sa babaeng sumigaw. Tinuro ng babae ang isang tent na katabi niya. Liningon ng bawat mata ng mga estudyante ang tent. Inaninag ng kanilang mga flashlight ang isang estudyante. Duguan ang kanyang kaliwang dibdib. Diretso ang sugat sa kanyang puso kaya't binawian na ito ng buhay.

Pinikit ni Josephine ang kanyang mga mata at sumandig kay Kaeden. Kahit na matapang ang dalaga ay hindi nito nakayanan ang Makita ang ganoong klase ng imahe. Sanay na si Kaeden ditto dahil ang kwarto ng kaniyang ama ay puno ng ganitong mga litrato.

"Oh my, si Miss Estelle Dela Vega ito, " wika ni Hero.

"Senior Student, kilala sa klase bilang topnotch Science scorer. Bakit sa ganitong bagay sa mamamatay?" wika naman ng isang guro.

Ang ilang estudyante ay nagbulong-bulungan sa nangyari. Namukhaan ni Kaeden ang babaeng iyon. Ito rin ang babaeng narinig niyang nagbabalak gumawa ng isang extortion. Tinitigan niya ito na para bang nagtatanong kung bakit namatay ito.

"Students! Please don't touch anything in the area. Go back to your tents now! We will call the police as soon as possible!" sigaw ni Hero. Sumunod ang lahat sa sinabi niya at bumalik sa kanilang sariling tent. Nag-usap usap naman ang mga guro kung ano ang gagawin. Nagtataka kasi ang mga ito sa kung sino ang gagawa nito. Walang ibang taong naroon kundi sila lamang.

"Let's just report it to the police. Alam kong walang isa sa atin dito ang gumawa noon. Ang alam ko, isang ligaw na bala ang tumama kay Estelle," wika ng isang guro.

Ito ang napagdesisyunan nila. Nireport nga nila ang pangyayari sa mga pulis. Mag-uumaga na ng makarating ang mga pulis sa camping site. Maagal silang nakarating dahil sa slope background ng bundok.