"A crime does not only have one perspective. A good detective seeks the perspective that leads to the solution of the crime."
---
"Estelle Dela Vega. Age: 19, taga South District. Kawawang bata, namatay sa maagang taon," wika ng isang pulis na nasa tent ng biktima. Hindi pa inaalis ang biktima sa kanyang tent, maging ang dugo mula sa biktima ay hindi man lang ginalaw. Ang ilang pulis ay kinuha ang camera at kinunan ng litrato ang bawat angulo ng biktima.
"Inspector, iba na talaga sa panahon ngayon. Walang pinipili. Bata, matanda, pinapatay ng bata rin o mas matanda. Ang mas masaklap, ang ilan, kapamilya pa nila," sagot ng isa pang pulis.
"Tsk tsk tsk. Cause of death, ayon sa ating imbestigasyon, isa itong ligaw na bala. Hindi natin ito maididiin sa isang tao mula sa grupo ng paaralan. Wala sa kanila ang may baril, we already checked that up. Wala ring motibo ang mga estudyante dahil magkakaibang klase ang mga ito, ibang department pa."
"Sabagay, isa na naman itong wandering bullet case. Dumadami na ito dahil sa mga mahilig magpaputok ng baril na walang dahilan."
"Inspector!" kaway ni Kaeden sa pulis. Nginitian siya ng inspector habang sinusundan ng tingin si Kaden na papalapit sa kanilang kinaroroonan.
"Kaeden!"
"Kumusta na kayo Uncle..."
"Heto, ganun parin. Ikaw kumusta na? Kabilang ka rin pala sa klaseng ito."
Si Inspector Basil Del Valle ang isang ama kay Kaeden mula nang mamatay si Red. Siya ang investigative partner ng kanyang ama nang nabubuhay pa siya. Alam ni Basil kung paano lumaki si Kaeden. Mabait at hindi gaya ng ilan, mayroon itong talentong alam niyang maaari niyang gamitin sa magandang paraan.
"Opo. Ano nga po palang nangyari sa imbestigasyon ninyo?"
Binuklat ni Basil ang kanyang notebook. Masaya ito dahil tila nagkakainteres na rin sa wakas si Kaeden sa pagiging isang detective gaya ng kkanyangama.
"Ang baling tumama sa kaniya ay nangaling sa isang mataas na projectile. Medyo may kalayuan ang pinaggalingan ng bala. Tinamaan sa puso ang biktima kaya hindi na nakaligtas pa. Finalized ito bilang isang wandering bullet case, o sa ibang salita eh ligaw na bala."
Sandaling napaisip si Kaeden at napakamot ng ulo.
"Bakit, may problema ba?" tanong ni Basil.
"Hindi ba imposibleng isang ligaw na bala lang iyon?"
"Sinasabi mo bang walang silbi ang ginawa namin, bata?" mataas na tonong tanong ng kasamahan ni Basil na pulis. Pinigilan siya ni Basil at sinenyasang hayaan muna si Kaeden.
"Kasi po, kung malayo ang projectile ng isang bala, maaaring ang pushing power nito ay bababa. I-konsidera din ninyo ang slope ng bundok na ito. Halimbawang ilagay natin sa isang Cartesian plane ang slope ng bundok na ito sa kahit anong value na mataas. Ang slope ng bundok ay 54 meters high, at ang projectile ng bala patungo sa flat surface nito ay kahit na anong banda, hindi nito kayang abutin ang taas ng slope ng bundok. Ibig sabihin, hindi nito matatamaan ang biktima."
Habang pinapaliwanag ito ni Kaeden ay inintindi ni Basil ang bawat detalye. Tama si Kaeden, hindi aabutin ng bala ang talampas. Masyadong malayo.
"At isa pa Uncle, ano kaya ang nakita ko kagabing ilaw?" tanong ni Kaeden. Muling lumalalim ang misteryo, at napapaisip siya kung paanong ang isang ligaw na bala ay matatamaan ang isang malayong target sa mataas na slope ng bundok.
---
Inisa-isa ni Inspector Basil ang kanyang pag-iimbestiga. Ang mga naunang witness at ang mga guro ang kinuhanan niya ng statement. Tama ang sinabi ni Kaeden, maaaring hindi nga ito isang aksidente. Nasabi kasi ni Kaeden ang ilaw na iyon mula sa langit. Kung ano man iyon, kailangan nilang malaman. Tahimik naman si Kaeden na nakikinig sa imbestigasyon at gustong kumpirmahin ang mga ito.
"Si Estelle Dela Vega ay namatay nang mga 9:35 ng gabi. Gusto kong sabihin ninyo kung saan kayo bago namatay si Estelle." wika ni Basil sa mga guro.
"Nasa camp ako kasama si Aifa, nag-uusap kamu tungkol sa mga activities na gagawin sa susunod na araw.." sagot ng unang guro, si Mr. Ronaldo Sanchez. Patunay niya si Ms. Aifa Sandoval na kasama niya sa camping site nang oras bago mangyari ang krimen.
"Kayo, Mr. Magtanggol, nasaan kayo bago nangyari ang krimen?"
"Nasa loob ako ng tent. Matutulog na sana ako hanggang sa marinig ko na lamang ang pagsigaw ng isa sa mga estudyante."
Inilista lahat iyon ni Basil sa kaniyang notebook.
"Sinabi sa akin ng ilan sa inyong mga estudyante na meron daw ilaw na gumagalaw mula sa langit, nakita niyo ba yun?" ikalawa niyang tanong.
"Nakita rin namin iyon. Akala ko ay searchlight o isang monitor flashlights ng radio. Pero nawala agad ito eh." sagot ni Aifa.
"Nakita ko rin yun." sagot naman ni Ronaldo.
"Bago ako matulog ay nakita ko iyon. Nagsimula sa kaliwa papunta sa kanan at diretso itong gumalaw papunta roon. " wika naman ni Professor Magtanggol.
"Hmm, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Iimbestigahan pa namin ito ng mas matagal bago ninyo ituloy ang inyong camping. Pero kung malalaman naming isa sa inyo dito ang gumawa, kailangang ma-disband ang camping na ito..."
"Yes sir..." sagot ng lahat.
---
Malakas pa ang sikat ng araw. Nagpasama si Kaeden kay Josephine para mag-imbestiga. Agad namang pumayag ang dalaga. Para sa kaniya ay ito ang tunay na adventure, ang mag-imbestiga at hanapin ang maaaring magbibigay o magpapawalang sala sa isang tao o grupo nito.
Naglakad-lakad sila malapit sa crime scene.
"Kaeden, di ba sa kaliwa ang tent ni Estelle?" tanong ni Josephine.
"Oo. Kung ibabase mo sa nangyari, maaaring ang bumaril sa kaniya ay mula sa kanan, maaaring ang ilaw na iyon ang solusyon...para hanapin natin kung sino ang may gawa ng bagay na ito."
"Sabi nga ni Professor Hero, papunta sa kanan ang ilaw na iyon. Hindi kaya't ang criminal ang may hawak ng flashlight?"
Sa sinabing iyon ni Josephine ay nagkaroon ng isang ideya sa utak ni Kaeden. Nabasa kasi niya sa notebook ng kanyang ama ang isang lesson kung saan:
"Ang isang criminal ay maaaring mag-iwan pa ng bakas sa pinangyarihan ng krimen. Kadalasan, sa isang kasong nagtataglay ng ganitong element, mas magandang unahing maghanap ng ebidensya sa labas ng crime scene."
Iyon nga ang kanilang ginawa. Napansin ni Kaeden na may magkabilang punong kahoy mula sa kanan at sa kaliwa. Pinakiusapan niya si Josephine na pumunta sa kanang punongkahoy at siya naman ay sa kaliwa. Tinanaw ni Kaeden ang posibilidad ng killer na tamaan si Estelle. Tama ang hinala niya, posibleng sa kanan nga o sa kaliwa ang pinanggalingan ng killer.
"Kaeden...! tignan mo yung puno!" sigaw ni Josephine mula sa kabila. Agad niya itong ginawa at nakita ang mga kakaibang marka mula doon. Marka ng tila lubid na malakas ang pagkahatak kaya nagkaroon ng marka sa kahoy.
"Lubid...?" tanong niya sa sarili.muli niyang binaling ang tingin kay Josephine. Sinenyasan niya itong bumaba. Maging siya ay bumaba sa bundok at tinungo ang crime scene. Napansin ni Kaeden sina Aifa at Ronaldo na naguusap sa isang banda ng bundok. Dahan-dahan siyang nagtago at pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Mabuti nga sa kaniya. Ngayon, hindi na ako maba-blackmail ng impakta!" wika ni Aifa.
"Aifa...anong gagawin mo ngayong wala na siya?"
"Mabubuhay na tayo ng normal at tahimik, iiwan ko ang asawa ko at magsasama tayo." ngiti ni Aifa sa kalaguyo. Dahan-dahan ding umalis si Kaeden at lumayo sa dalawa.
"Kaeden, ba't parang natagalan ka?" patanong na wika ni Josephine.
"Ah wala. Ano kaya ang ibig sabihin ng lubid na iyon? At ang ilaw na iyon. Parang flashlight iyon...pero pwede rin ang lighter."
Napagpasyahan nilang punatahan ang crime scene. Hindi na kataka-taka kay Kaeden kung bakit pnatay si Estelle. Extortionist at isang blackmailer ang biktima. Ito ang alam niyang motibo kaya ito pinatay. Eksaktong tumayo si Josephine sa may tent ni Estelle. Kasalukuyan pang kinukuhanan ng mga statements ang estudyante nina Inspector Basil.
"Bubuksan ko ba ang tent na ito? Ayokong tignan ang biktima." wika ni Josephine. Tumango lang si Kaeden at hinintay niyang buksan ni Josephine ang tent. Akma na sanang gagawin ito ng dalaga nang pigilan siya ni Kaeden.
"Sandali lang!"
"H-Ha, bakit?" tanong ng dalaga.
"Just stand there that way."
Tinignan ni Kaeden ang anggulo ng kanan at kaliwang banda ng punong kahoy kung saan sila pumunta kanina. Inisip niya kung ano ang koneksyon niyon sa kaso. Ngumiti siya at pinitik pa ang kamay nang makuha ang ideyang nais niyang maliwanagan tungkol sa kaso.
"Alam ko na! Alam ko na ang nangyari!" Masaya niyang tugon kay Josephine.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Hindi na pinansin ni Kaeden ang dalaga at tumakbo patungo kay Inspector Basil. Agad na humabol si Josephine para alamin kung ano ang natuklasan ng kaibigan.
"Inspector! Inspector!"
"Oh ano iyon, Kaeden?" sagot ni Basil. Katatapos lamang ng pagkuha nila ng mga statements. Pauwi na sana sila ng tinawag sila ni Kaeden.
"Sir, alam ko na ang nangyari. Makinig po kayo. Pero, gusto kong humingi ng tulong niyo."
"Talaga? Anong tulong?"
"Gusto kong imbestigahan niyo ang isang bagay..."
Tumango si Basil bilang pagsagot.
"Nagtaka lang kasi ako sa sinabi niya. Kung tama ang aking hinala, hindi pa naibabasura ng criminal ang murder weapon. Ibig sabihin, kukunin niya iyon mamayang gabi."
"Alam mo ba kung nasaan iyon?"
"Oo inspector. Nasa kanang bahagi ng bundok, sa kanang punong kahoy na nakikita niyo ngayon mula dito.." turo niya. Sinundan ng tingin ni Basil ang punong kahoy.
"Hindi ako magkakamali. Lahat tayo ay may alibi nang panahong iyon. Bukod sa atin, may taong siya lamang ang kayang gumawa noon, walang iba, kundi ang taong yun lang." wika ni Kaeden sa sarili na may ngiti ng tagumpay at apoy sa kanyang mata. Alam niyang nasa kamay na nila ang sagot sa lahat ng katanungan sa kaso.