"Murders are executed in a fashion that some serial killers tend to do a pattern. A detective observes those patterns and deduce a cause, which pinpoints the identity of a criminal."
---
Tahimik na nagbabasa si Kaeden ng libro sa lilim ng isang malaking puno malapit sa kanilang paaralan. Malinis ito at doon siya palaging nagpapahinga kung break nila sa school. Tahimik sa mga usapan, ligtas sa mga katanungan ng kaniyang mga kaklaseng ayaw magsaliksik at siya na lamang ang tinatanong ng mga sagot. Dumagdag sa katahimkan ang magandang sikat ng araw. Saglit na natigil ang pagbabasa niya nang marinig ang school bell. Tumayo siya sa pagkakaupo sa ilalim ng puno at mabilis na lumakad patungo sa kaniyang silid. Habang naglakakad ay napansin niya ang kaibigang si Josephine sa may garden bench. Mukhang malungkot ito at may pinoproblema.
"Bakit parang ngayon ko lang nakita ang Madonna of Mystery na may problema?" pansin niya dito.
Matamlay na tumingin ang kaibigan sa kaniya. May problema nga ito.
"Paano ba naman kasi, yung tito ko, hindi na raw makakapunta sa party ang mama at papa ko. May urgent business kasing kailangan nilang tapusin. Ang sabi nila, ako nalang daw ang pumunta, bilang representative nila...kinausap ko na ang organizer ng party at ilang members, sabi nila, pwede rin daw basta's may kasama ako..."
"Oh, eh di Sheena...siguradong gusto niya yun dahil mahilig siya sa party..."
"Hindi eh, kailangan daw lalake ang kasama ko..."
Nararamdaman ni Kaeden na siya na naman ang isasama ni Josephine. Hindi na siya nagtanong at akmang aalis na doon dahil siguradong hihilain siya sa party. Mabilis siyang lumakad palayo ngunit hinabol siya ng dalaga at hinarang sa daan papunta sa kaniyang klase.
"Kaeden, wala ka namang gagawin di ba? Samahan mo na ako dun sa party..."
"Busy ako eh...tsaka, marami naman pwede mong imbitahin diyan eh..."
"Please...? Tulong mo na rin sa parents ko...sige na..."
Sadyang hindi matanggian ni Kaeden ang kaibigan. Napakamot ng ulo si Kaeden at nginitian siya.
"Sige na nga, pero...huwag kang humarang sa daan...may klase pa ako..." wika niya at hinintay si Josephine na bigyan siya ng daan sa hagdanan at nagpatuloy sa paglakad. Masaya naman si Josephine na umalis at nagtungo sa school canteen. Sa wakas ay wala na siyang proproblemahing makakasama sa party ng kanyang mga magulang.
Kinabukasan, magkasabay sina Kaeden at Josephine na umalis at tumungo sa venue ng party. Isa itong malaking mansion na pagmamayari ng may pasimuno sa party. Siya rin ang gumastos para sa party at nagbayad ng mga organizers para siguraduhing maayos at napapanahon ang kanilang suite.
-----
Hawak hawak ni Josephine ang ilang mga folders nang pumasok sa mansion. Napansin naman ito ni Kaeden kaya't tinanong kung ano ang mga iyon.
"Mga business plans, proposals at suggestion. Babasahin ko nalang at ipi-presenta ang mga it okay President Aguirre, ang may pasimuno ng party at president ng business contract na ito. Ayoko mang gawin, this is a favor for my parents...I must do all I can..." paliwanag niya. Tumango lang si Kaeden at pumasok na rin sa mansion hall kung saan maraming tao ang naroon. Agad niyang napansin na ang mga ito ay may sari-saring posisyon, ilan sa mga nandoon ay secretary, local officers, local employees, mga managers, at ilan pang business positions.
"Business filled pala itong napuntahan natin..." bulong ni Kaeden sa kaibigan.
"Oo nga eh, ilan sa kanila ay kilala pa sa ibang fields...kilala mo ba yung mga nandoon sa right corner ng hall? Yung nasa red seat?" sagot ni Josephine at tinuro ang isang table na may kulay pulang upuan sa kanang bahagi ng mansion hall. Lima silang naroon, dalawang babae at tatlong lalaki. Nakikilala ni Kaeden ang isa sa kanila, ang babaeng naka-eyeglass at naka-formal dress. Siya si Prosecutor Aileen Del Valle, ang anak ni Inspector Basil Del Valle.
"Yung isa lang sa kanila...anak ni Inspector Basil yung maganda na yun oh, yung naka-glasses..."
May kakaiba namang tingin si Josephine sa kaniya. Tila ba nagdududa na kung ano ang tingin nito.
"Bakit?" balik ni Kaeden.
"Maganda talaga ang description mo ha..."
"Bakit...? Maganda naman talaga ah...teka, selos ka no...?" wika niya, at nginitian ang kaibigan, ngiting tila tinatanong kung nagseselos nga ito. Ini-iwas ni Josephine ang tingin sa kaniya at itinago ang kanyang ngiti.
"H-hindi naman pero..." mahinang wika niya.
"Joke lang...hahaha..." sabat ni Kaeden at pabirong ngumiti sa kaniya. Sa kalooban ni Josephine ay bahagya siyang nasaktan. Noon pa man ay may pagtatangi na siyang nararamdaman para kay Kaeden. Hindi nga lang mapansin ng binata kaya't nananatili iyong sekreto na siya lamang ang nakakaalam.
Hindi nagtagal ay may isang lalakeng tumayo sa platform ng hall hawak ang kanyang microphone. Sandali niyang pinatigil ang mga nag-uusap sa party para pakinggan ang announcement niya. Mamaya na raw ay magsasalita na ang president ng company at ang may ari ng mansion. Nagsipalakpakan naman ang lahat kabilang sina Kaeden.
May katandaan na ang president ngunit kitang kita sa kaniya ang kanyang katanyagan. Halos lahat ay napangiti nang Makita siya sa stage. Narinig ni Kaeden na marami raw itinayong charitable institutions ang president at mga nonprofit organization na layong tulungan ang mga nangangailangan ng libre. Medical, education, at daily needs, ito ang mga binibigay nila sa mga hindi na talaga kayang maabot ang mga ito.
--------
"Maraming salamat sa inyong pagdalo. Gaya ng nasabi ko, I invited you all here to enjoy and set aside our business problems and unfinished contracts. Kailangan naman nating magrelax ng saglit. Sana mag-enjoy kayo. I asked the organizer to place art exhibits, videos, musicals and many more that would suite your desire and interests. Of course, the organizer researched all your likes and dislikes..." wika niya. May ilan na nagustuhan ang party. Bukod kasi sa nakaktanggal ito ng stress nila sa opisina, halos lahat ay libre at pwede ka pang magdala ng extra para sa iyong pamilya.
Lumapit ang isang matanda sa kanila at tinanong kung sila daw ba ang representative ng pamilya Lenia. Tumango sina Josephine at sumunod sa matanda dahil pinapatawag daw sila ng president.
---
Tumungo sila sa isang kwarto. Nasa isang kubling bahagi iyon ng hallway. Dumaan sila sa left chamber ng mansion bago narrating iyon. Sa loob ng kwarto ay nadatnan nila ang limang taong nakita nila sa red seat. Ngayon lang naintindihan ni Kaeden kung ano ang dahilan kung bakit sila lamang ang may kulay pulang upuan. Sila ang mga VIP. Nginitian niya ang anak ni Basil, gayon din ito sa kaniya. Mas matanda si Aileen sa kaniya ng limang taon, ngunit hindi mapapansin sa mukha nito na mas matanda ito. Iisipin mong 16 to 18 lang ang taon nito.
"Balita ko, tinulungan mo raw si papa..." wika nito. Tumango lang at ngumiti si Kaeden dito. Hindi kasi niya lubos maisip na ang simpleng ginawa niya ay nagbigay liwanag sa kaso. Masaya siya at kahit paano ay nakatulong siya.
"Wala yun, konting bagay lang yun. Si Inspector naman talaga ang gumawa ng trabaho eh..." sagot niya.
"Maari na kayong umupo...mamaya eh sisimulan na natin ang meeting..." pormal namang wika ng president sa kanila. Tahimik silang umupo at hinarap siya.
Iniayos ng presidente ang kanyang upo at binuklat ang ilang mga folders. Napansin ni Kaeden ang ilan sa mga ito ay confidential.
"Since narito na tayong lahat, maybe it's time to discuss this simple matter..."
"Ano yun, Mr. President?" tanong ng isang lalake sa kanan, matanda na rin ito at halatang matagal na sa trabaho at sa kompanya. Napansin kasi ni Kaeden ang lumang issue ng isang company pencil sa kanyang chest pocket.
"Our business will fail if we don't think of new things to place in the company. As a resolution for that, I've researched the possible ways, first is to establish a publishing company branched with us, music school and restaurant that would be branched with our company name..."
"You mean to say we have to create new business for this 'near-failing' company?" madiing tanong ng matanda.
"Mr. Magallion, this is the only way I thought of, all approved except you here..."
"So ang trabaho ko dito is to manage the music company...?" tanong ng isa sa kanila. May hawak itong guitar case na tinabi niya sa upuan bago magsalita.
"Yes. I want you to be the director and manager of that. Nakapagtalaga na ako ng staff. The talent fee of course for you, the wages will be at our account, but the company's gain will be from the enrollment of the students. We know that music is in demand nowadays..."
"How about me? Ano ba trabaho ko dito?" tanong ni Aileen.
"Prosecutor Aileen, you will be in charge of any company accusations. Alam mo naman, maraming demanda na natatanggap ang kompanya. Work on that. Ikaw ang pinili ko dahil alam kong magaling ka sa ganitong klase ng larangan..."
"How about the two of us..." tanong ng dalawang natira.
"Leo and Jamie, take care of the restaurant. Although we don't have here Lenia family's president, their daughter Josephine is here to give us the proposal and approval of Director Lenia..."
Tumango lang ang lahat. Matapos maibigay ni Josephine ang mga papeles ay pumanhik na sila sa mansion hall para magenjoy ng party kasama ang iba. Ganoon din ang ginawa ng mga VIP ngunit nagsama-sama sila sa iisang table gaya ng dati. Doon na rin sumali sina Kaeden dahil gaya ng mga ito ay nasama sila sa VIP section.
"Marunong ba kayo sa billiards? Tara, maglaro naman tayo..." paanyaya ng kasama nilang nakagitara. Siya si James, isang music teacher, expert at connoisseur. Ito ang itinalagang magmamanage ng music school na ipapatayo ng kompanya. Kilala ito sa mga musikang nakakapagpabago ng kabataan, gayon din sa kaniyang mga orihinal na kathang kanta.
Pumayag silang lahat at nagtungo sa billiard room. Sila lang ang tao rito dahil prohibited ito sa mga non VIP. Maayos silang naglaro habang si Kaeden naman ay nanonood lang. Nang inanyayahan lamang siya ni Aileen ay staka nakipaglaro, bagay naman na kinainisan ni Josephine. Kanina pa niya ito inaayang maglaro ngunit ilang beses na rin siyang tinanggihan ng binata.
"Diyan muna kayo...CR lang..." paalam ni James. Napansin ni Kaeden ang kakaibang tingin nina Jamie at Aileen kay James habang papaalis siya. Normal lang ang kinilos ni Leo at ng ibang naroon. Nagtaka si Kaeden kung may galit ba ang dalawa sa kaniya at tinitigan siya ng ganoon.
Maya't maya pa ay lumabas sina Josephine, Jamie, at si Mr. Magallion. Magkakasabay itong umalis kaya't sina Juancho lamang ang natira doon. Tahimik naman silang naglaro habang hinihintay ang kanilang kasama. Hindi nagtagal ay bumalik sina Jamie at Mr. Magallion. Nahuli si Josephine dahil may kinausap raw ito sa hall.
Napansin ni Kaeden na may benda ang kanang kamay ni Jamie. Kanina ay wala iyon. Lumapit sa kaniya si Josephine para makipaglaro.
"Turuan mo naman ako oh...magaling ka pala eh..." untag niya dito.