Chapter 72 - Closer

"If the boyfriend is alive and is the one killing the rapists, he is after all of them right now. As far as I know, hindi lang iisa o dalawa ang rapist ni Andrea. So far, he has killed a lot. There is only one left for him to kill. Kailangan kong malaman kung sino ang huli niyang papatayin before he finds a time to do it. I also have a hunch na may hinihintay ang serial killer. But what could it be?"

Iniayos niya ang scenario sa relationship chart. Kumuha siya ng isang papel at isinulat ang bawat progress ng kaso. Kung buhay pa ang boyfriend, ito ang dapat nilang tutukan. Kailangan nilang malaman kung sino ito. But with all the people in Cebu right now, papaano nila mahahanap ito? Tinignan niya ang litrato ng boyfriend ni Andrea nang maigi. Maamo ang kaniyang mga mata. Maputing kutis. Thin lips. He is really one of those pretty boys na kung ngayon siguro, pagkakaguluhan ng mga dalaga.

"What can you tell me about Andrea?" tanong niya sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang litrato. Ipina-face examination na rin nina Phillip ang mukha niya pero wala silang mahanap na ganoong tao sa buong Cebu. Walang kahit kamukha man lang.

---

Nakatutok si Hailey sa relationship chart na ginawa ni Kaeden sa study room. Binasa niya ang bawat detalye at tumingin sa kaniyang pinsan na kanina pa hindi nagsasalita habang nakatingin sa white board.

"More questions popped up?" tanong ni Hailey. Kinuha niya ang isang basong pomelo juice sa study table at sinimulang inumin ito.

"Yep, and to be honest with you, we're stuck. Naisipan kong tulungan si Senior Inspector Phillip. After all, he's one of dad's friends…"

"When I was in Germany, one of the detectives told me about something. Maybe it can help you."

"What?"

"Serial killers are usually egoistic. Some of them are show offs. Minsan naman, gusto nilang malaman ng mga pulis kung sino sila, after all their crimes are done. May mga serial killers na kapag natapos na nilang patayin ang mga targets nila, nagpapahuli sila dahil feel nila, they have done their purpose."

"Purpose?"

"Revenge."

"So, you're saying na ang serial killer na ito ay pumapatay lang just to take revenge on the rapists and after this, would give his identity?"

"Hindi ko sinasabing 100% possible, but then, the only reason this serial killer delays his murders for each of the victims is because he wants to show off his crime."

Nagisip ng malalim si Kaeden. Maaaring tama ang sinasabi ng kaniyang pinsan. The serial killer wants the police to examine the murdered victims. He wants the police to run samples on them. The reason he delays the murders is for the police to shed light on the rape slay case. If the case is open again, people will talk about it. The targets would get agitated and would surely do something. That's when the police would detect it, but right after, the killer kills the target. When this happens, the mass media would report the murdered victims as the rapists of Andrea. The people would thank the serial killer for avenging Andrea soon after. The police won't be able to hide the facts anymore, the reporters will catch up and then hail the serial killer as a hero.

"Cous, let's go back to Cebu. My treat for the trip."

"Sure ka, Kaeden? Tayo lang?"

"Yeah."

"How about Josephine?"

"She's busy. Kinukulit ng nanay niyang i-manage muna ang jewelry business nila."

"I see. Just that Josephine is a little bit tight about the women in your life you know!" biro ni Hailey sa pinsan.

"Don't worry, hindi kita type," sagot naman ng binata.

"Oh really? Let's see. Cute face, maputi, well-endowed front, sexy figure…these are your preferred physical features for a woman, di ba? That's me."

Tinaasan lang ni Kaeden ng kilay ang pinsan na niloloko siya at napailing na umalis sa study room. Kailangan nilang bumalik sa Cebu para tulungan si Phillip. The reason why he chose Hailey is not because of her beauty but rather, alam niyang mas matalino ang pinsan niya kaysa sa kaniya. After all, ayon sa MENSA IQ Test ni Hailey, mayroon siyang IQ na 180.

---

Naging mabigat para sa mag-pinsan ang pagpunta nila sa Cebu, lalo na't hindi talaga sanay si Hailey na diretsong bumiyahe ng walong oras mula Baguio hanggang Maynila, at saktong magfa-flight papunta naman sa Cebu. Idinahilan niyang sana ay dumaan nalang sila gamit ang barko, pero nagpumilit si Kaeden na airline nalang ang transportation nila.

Kasalukuyan silang nakatira sa isang murang resort na malapit lang sa dagat. Naging opportunity na rin ito para kay Hailey na ienjoy ang summer niya dahil sa totoo lang ay kakasimula na ng summer season at ang iniisip parin nila ay ang serial killer na maaaring konektado sa isang matagal nang krimen. If she was the commander, noon pa niya ipinaubaya sa Cold Cases Department ng Cebu MPD ang lahat.

Nasa tabing dagat ang magpinsan at pinagmamasdan ang napakagandang paglubog ng araw. Ito ang kanilang unang araw pagkatapos ng mahaba nilang tulog mula sa nakakapagod nilang biyahe. Hindi naiwasan ni Kaeden na pagmasdan ang kaniyang pinsan lalo na't maganda talaga ito. Kung hugis ng katawan ang pag-uusapan, talagang napakaganda ng hubog nito. Hindi rin maikakaila na may kalakihan ang hinaharap nito at minsan ay nagiging pansinin sa kaniya tuwing dumadaan siya sa pampublikong lugar. She has the natural Asian look for a woman, lalo na't mahaba rin ang kaniyang buhok, kasabay na ang kaniyang mga maamong mata at napaka-eksaktong pilik mata ang sasalubong sa taong titingin sa kaniya. She has these strawberry colored lips of red, not so flat nose at talagang matamis na ngiti. On top of that, when she speaks English, mayroon siyang semi-British accent, which she was working on for a whim, but it became her asset instead. Nakasuot siya ng puting manipis na tshirt, puting blazer at pink na shorts. Whatever she wears, talagang bagay sa kaniya.

"Don't tell me, you're imagining something different about me?" biro ni Hailey sa pinsan na nakatingin lang sa kaniya. Honestly speaking for him, noong nasa kanila na si Hailey, marami sa mga kasamahan niya sa trabaho ang kinukulit siya sa Facebook, Twitter at Instagram na ipakilala ang babaeng kasama niya sa mga family dinner at date niya minsan. Marami nga ang hindi makapaniwalang pinsan niya ito. Ito siguro ang dahilan kaya hindi maiwasan ni Josephine na kahit na pinsan niya si Hailey, there's still a big room of her jealousy in their friendship.

"Are you kidding me right now? I just thought talaga palang maganda ka, like many of my friends say," kaunting sagot ng binata, with a touch of his compliment in the end.

Tingin lang ang isinagot sa kaniya ni Hailey at ibinaling na lamang ang kaniyang pansin sa dalandang kulay ng langit.

"Say, do you think the boyfriend is really the killer?" tanong niya. Tinutukoy nito ay ang boyfriend ni Andrea Mildred na maaaring nakaligtas sa pangyayari at ngayon ay siyang naghihiganti.

"There's a big possibility, cous. One more thing about this is, kailangan nating sabihin kay Senior Inspector Phillip na bigyan ng mas malaking parte ang paghahanap ng possible suspects ng krimen noon, mabigyan ng police protection at hindi na magawang mahanap pa ng serial killer ang target niya."

"But the only one who probably knows the person is the serial killer. Kung iimbestigahan pa nila ang possible suspects, it would take time. The serial killer would already have won the race before the police would even start their engine…" mahinang sagot ni Hailey at sinenyasan ang pinsan na maglakad sila pabalik sa resort.

"So, what do you suggest us to do? Maghintay na patayin ng isang serial killer ang target niya na wala tayong ginagawa?" this time, Kaeden's voice was instigating a debate. Hindi kasi niya gustong mayroon pang mamamatay dahil sa isang meaningless action of revenge ng serial killer, kung ito nga ay ang boyfriend ng biktimang si Andrea.

Tumigil si Hailey sa paglalakad at tumingin sa hindi malayo, kung saan nakita niya ang isang lalakeng may hawak na fishing rod na gawa sa kawayan, at tsaka muling tinignan ang pinsan niya.

"No cous. We have to find the proper lure – so we can bait him."

---

Nakatinging maigi si Troy sa screen ng kaniyang laptop at mabilis na itinitipa sa kaniyang keyboard ang kaniyang message sa limang daang kaibigang nasa forum board ng isang sikretong grupo. May isang bagay kasi na hinahanap niya na maaaring isa o lima man lang sana sa kaniyang mga kaibigan doon ay may ideya o kaalaman patungkol sa bagay na tinatanong niya.

"E.Queen here. Asking for anyone who has any knowledge about the Andrea Mildred Alegre Rape-Slay Case."

Ito ang nasa kaniyang Post Section at nang matapos ilagay sa form ang kaniyang message, agad niyang iki-nlick ang POST button at naghintay ng maaaring sasagot. It would take some time. Inaasahan niyang isang oras lang ang lilipas ay pagka-refresh niya ng kaniyang post, siguradong may matatanggap na siyang reply, o notification.

Nasa Mycroft Café si Troy. Umorder siya ng isang Souffle Leger De Grace, Mint Tea at Vegetable Salad, habang tagong naghahanap ng sagot patungkol sa kaso. Ang kaniyang limang daang forum friends sa internet ay hindi mga basta-bastang klase ng tao. Bawat isa sa kanila ay specialist sa kani-kanilang field of work. May mga heart surgeon, general doctor, DNA Reading Expert, Urban Legend Hunter, Novelist, Gun Enthusiast, Electrician at iba pa. Hindi niya kilala ang mga ito personally, kundi, bawat isa sa kanila ay may gamit na mga handle name katulad niya, na nagtatago sa internet, in favor of anonymity.

Wala pang isang oras ay may natanggap siyang notification. May isang reply sa forum post.

DA_DOKTOR

That case is a mess. Alam mo naman na siguro pero marami sa mga key evidence sa kasong yan ninakaw ng kung sinumang demonyo. I bet it's probably the rapists. Pero most of the things they stole are now considered secondary, dahil sa advancement ng technology, pwede namang makakuha parin ng samples sa ibang mga paraan. Here's a cent of theory for you and the others who would be in this board – usually, people who have undergone torture and witnessed a horrible crime, would have trauma over many things, as well as phobias. That's all.

Habang binabasa niya ito ay may dalawang sumunod na reply sa post niya. This excited Troy, dahil maaaring may iba pa siyang impormasyong malalaman sa kaniyang mga kaibigan.

BOY_WIRING

Teka, kung natatandaan ko, tatay ko ang dating electrician na nagwiring sa bahay ng mga Alegre nung araw. Kwento ng tatay ko, maganda daw talaga yang si Andrea. Marami daw sa mga kaklase niya ang baliw na baliw sa kaniya dati, dahil ilan sa kanila mga kapitbahay ng tatay ko. Sa totoo lang, maraming bali-balita noon na may mga pulitiko o mga mayayamang tao ang nag-alok daw dati kay Andrea ng one-night stand sa halagang limang milyon.

FROM_RISTORANTE_Q

If Andrea is alive now, she'd be the same age as me. We went to the same university together. Here's an info most people don't know about. Andrea's boyfriend is ambidextrous. He was a very talented artist. He can draw with both hands. He often jokes about drawing only male models with the left and Andrea only with his right.

Lumipas ang ilang oras at ito palang ang nagrereply sa kaniya. Naisipan niyang i-screenshot ang tatlong replies at sinned kay Kaeden. The police must have overlooked these facts. They presumed that the boyfriend is dead just like the victim, so there's no need for an investigation about the boyfriend. Kung buhay pa ito, then they have to narrow down the suspects and the serial killer at the same time.

---