Chereads / Loving Agent Arxen Caballero (Tagalog) / Chapter 1 - Chapter 1: Bait

Loving Agent Arxen Caballero (Tagalog)

Nicole_Cabangon
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Bait

She's running endlessly. Hindi niya alam kung saan pupunta at hindi niya inaasahang ganito ang kahahantungan niya. 

Patuloy ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang braso. Hindi pa man siya nakalalayo sa lugar na iyon ay natamaan na siya ng bala sa braso. Tanging tahimik na pag iyak na lang ang ginagawa niya. She's really scared to the point that she became this hopeless. She has no clue of where she is and she knows no one in that place. 

Until she saw an abandoned house. Nagtago siya roon at tahimik na nagpahinga. 

"Hanapin niyo!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Namutawi ang kaba sa kaniyang dibdib. Tahimik siyang napahagulgol roon. Hanggang sa may bigla na lamang nagtakip sa kaniyang bibig at hinila siya palabas. 

Habol habol ni Ayas ang hininga ng nagising siya. Parang sinasakal siya dahil sa takot na naramdaman mula sa bangungot na iyon. Napalingon siya sa paligid at nakita na hindi pamilyar ang lugar na iyon sa kaniya. 

Habang sinusuri niya ang kwarto kung saan siya naroon ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isang armadong babae at Isang armadong lalaki. 

Tila may parte sa kaniya ang namangha sa dalawa ngunit may takot pa rin siyang naramdaman. Maganda ang babaeng iyon. Matangkad at maganda ang pangangatawan at mababakas dito ang pagiging pasok nito sa standard ng mga modeling agency. 

Ang lalaki naman ay mas mukhang bata sa babaeng kasama nito. Gwapo rin ito at may magandang pangangatawan rin. Moreno ito at matangkad. 

Ngunit ang nakaagaw ng pansin niya ay ang mga armas na hawak ng mga ito. Wala sa sariling napakapit siya sa bedsheet ng kama na iyon habang dahan dahang umaatras dahil sa takot.

"S-sino k-kayo?!" matigas ngunit may takot sa boses na sabi niya. Hindi siya nakatanggap ng kahit na anong sagot mula sa dalawa. Bagkus ay nilapitan siya ng babae at hinawakan ang kwintas na suot niya. 

"Emerald necklace" Sabi nito saka iyon binitawan at lumayo sa kaniya. 

Naglakad papalapit ang isang lalaki sa kaniya at inilapag ang mga dala nito sa bedside table. 

"Eat first saka tayo mag usap" iyon lang ang sabi nito sa kaniya saka umalis ang dalawa. Naiwan siya roon. Hinalungkat niya ang ibinigay nito sa kaniya saka niya nakita roon ang mga damit at sapatos. May pagkain rin doon at mga tubig. 

Ilang minuto siyang natulala roon hanggang sa bigla na lang tumunog ang isang maliit na speaker na nasa gilid ng kama na kinahihigaan niya. 

"wear your uniform and eat your breakfast. We will start the session in 15 minutes" iyon lang ang narinig niya mula rito. 

Nahuli ba siya kagabi at ikinulong siya sa lugar na ito ngayon? Tila naging sariwang muli ang nangyari sa kaniya kagabi. Ang takot na iyon ay nanatili pa rin sa kaniyang loob. 

Hindi ito ang inaasahan niyang mangyayari. She is a secretary and she's working in a famous company in a city. Mahirap sila at siya lang ang tanging inaasahan ng pamilya niya lalo na ng kapatid niyang may sakit.

Nag apply siya sa company na iyon ng wala pang dalawang buwan. Ilang mga babae ang nakasabay niya sa pag aapply noon pero tanging siya lang ang natanggap. Hindi siya ininterview roon na isa sa ipinagtataka niya. Tinignan lamang siya ng isang babae at tatlong lalaki sa opisinang iyon at natanggap na siya. 

May malaking pagkakautang ang mga magulang ni Ayas kaya siya napilitang mag apply doon kahit na weird para sa kaniya ang ginawa niyang pag aaply.

Tatlong araw bago siya mapunta roon sa islang iyon ay ipinatawag siya sa opisina ng CEO ng kumpanya. 

"You'll join us tomorrow. I need to have a meeting on our newest private island. That will be the biggest project this year. I need to get complete documents" Sabi nito sa kaniya. At dahil sa ayaw niyang mawalan ng trabaho ay pumayag siya. Pero hindi niya inaasahang mangyayari ito. 

"Last five minutes!" napabalikwas siya ng bangon ng bigla niyang marinig iyon. Nawala sa isip niya ang sinabi kanina sa tawag. Dali dali siyang nagbihis at hindi na kumain. Paglabas niya ay bumungad sa kaniya ang isang mukhang malaking kampo ng mga sundalo. 

Puno ng mga tent at may field roon para sa training. Napatingin siya sa hindi kalayuan kung saan naroon ang mga babaeng nakapila habang nasa harap naman ang pitong lalaki. At Isa roon ay mukhang nasa 40 ang edad. 

"Wala kang balak gumalaw dyan?" nagulat siya ng biglang may magsalita sa tabi niya. Nakita niya roon ang babaeng pumunta sa kwartong pinanggalingan niya kanina. 

"Anong lugar to? Bakit nandito ako?" tanong niya sa babae. Tanging pagtaas lang ng isang sulok ng labi nito nakuha niyang sagot. Naglakad lang ito ng kaunti saka bigla ring tumigil. 

"Soon, malalaman mo rin. Pero kung ako sayo pipila na ko dahil pagnapansin ka nila dito, baka hindi mo gustuhin ang parusang matatanggap mo" Sabi nito sa kaniya na nakapagpatuod sa kaniya lalo sa kinatatayuan niya. Ilang segundo ang lumipas ay nakita na lang niyang dinala siya ng mga paa niya patungo sa pila. 

"Greetings! We are all here to gather for giving every hope to escape this hell island. We have new members. Hindi kami masamang tao at Kaya naming ingatan ang buong tiwala na ibinigay niyo. Lahat kayo naging biktima kaya nandito kami para tulungan kayo" Sabi ng matandang lalaki na naroon. 

Tila halos tulala ang ilan sa mga kasama niya. Kahit naman siya ay walang maintindihan sa lahat ng nangyayari pero ang alam niya lang ay kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. 

"Listen up! We will start the training tomorrow. Rest all you want but be ready for tomorrow's training. I'm going to send leaders on your stations para kahit papaano ay maging komportable kayo" dagdag pa nito saka umalis sa harapan. Sinenyasan din nito ang mga kasama nitong mga lalaki at ilang babae na puntahan na ang mga bago. 

Agad na nilapitan si Ayas ng babaeng nagpunta sa kwarto niya kanina. Nakangiti Ito habang may dalang mineral water. Hinagis pa nito iyon sa kaniya at muntik na rin niya itong maihulog kaya tinawanan siya nito. 

"Welcome sa emerald Camp, I am agent Vera" Sabi nito sa kaniya saka nakipagkamay at hinila siya papunta sa Isang opisina. 

"T-teka! Anong gagawin ko dito?" Tanong niya sa babae habang nagpupumiglas. 

"You'll see" matipid na sabi nito saka isinara Ang pinto at iniwan siya roon. Abot abot ang kaba niya dahil sa nangyayari hanggang sa may lumabas na lalaki mula sa isang pinto roon. Ito ay ang matandang lalaki na nagsalita kanina. 

"Pangalan"

"Ayashan Madrigal"

"Edad"

"26"

"Trabaho"

"Secretary"

"Company Name"

"Belarmy Jewels Incorporated" pagkasabing pagkasabi niya niyon ay agad itong ngumiti. 

"Positive" Sabi nito saka inilahad kamay nito upang makipagkamay sa kaniya.

"I am Agent Samuel Caballero"