Bago lahat Kay Ayashan. Hindi niya Ito nagawa dati. Isa kasi siyang tipo ng babae na sinanay jg magulang na umuwi ng maaga. In short conservative ang mga magulang niya. Ni Hindi pa siya nagkaboyfriend noon dahil dito. Hindi siya sanay na makisalamuha sa mga tao Kaya kahit na Alam niyang kailangan niya ng makakausap ay Hindi pa Rin siya kumikilos.
Isang buwan na siya sa Emerald Camp at tanging si Agent Vera Malcom at Agent Ferri Gomez Lang Ang makakausap niya. Sa training ay Ito Lang Ang umaalalay sa kaniya. Mabuti na Lang at mahaba Ang pasensya nito dahil madalas siyang magkamali sa training.
"Madrigal, 20 push ups!" napabalik siya sa ulirat dahil sa narinig niya. Kanina pa pala siyang tulala at napansin Lang ngayon na Wala na pala Ang mga kasama niya. Pagkasigaw niyon ni Jigs, Isang agent at anak ni Agent Samuel ay agad siyang kinabahan. Natuod siya sa kinatatayuan niya dahil sa narinig na iyon.
Tila nakaramdam din siya ng hiya ng magtinginan Ang iba pang mga kasama niya sa direksyon niya ng sigawan siya ni Jigs. Gustuhin man niyang irapan Ito pero Hindi niya magawa.
Dahan dahan siyang pumwesto para mag push up saka huminga ng malalim. Hindi niya Alam Kung kakayanin niya ba ang pinagawa nito pero para lang Hindi madagdagan Ang parusa niya ay susubukan niya.
"isa…"
"Dalawa.."
"Tatlo…"
"Apat…"
"Lima…" habol habol na niya Ang hininga ng mga oras na Yun. Ramdam na Rin niya Ang panginginig ng kaniyang mga braso at tuhod. Nabibigatan na Rin siya sa kaniyang katawan sa puntong Hindi na niya halos maiangat Ito.
She's going to do the 6th push up when someone do it for her without any hesitation. Natuod siya sa pwesto niya dahil sa Nakita niya. Isang gwapong lalaki na sobrang maganda Ang pangangatawan. Sa hula niya ay pareho Lang sila ng edad. Sigurado Rin siyang mas matangkad Ito sa kaniya.
"Twenty!" malakas na Sabi nito ng matapos Ang benteng push ups. Tumayo Ito saka hinarap si Jigs. Nakita niya Ang walang emosyon nitong mukha.
"Welcome back" Sabi Lang ni Jigs sa lalaki. Ngumiti Lang Ito ng bahagya saka nakipag kamay Kay Jigs.
"Nasaan si Heiran, Gutom na ko" cold na Sabi nito. That man was really handsome but he's like a robot. He has no emotion and seems like he's an ice prince. Agad namang tumalikod si Jigs sa lalaki at nagdirediretso sa paglalakad. Aalis na Rin Sana Ang lalaki ng bigla niya itong hawakan sa braso Kaya mapatigil Ito. Tinignan Lang siya nito hanggang sa mabawi niya Ang dila at nagsalita.
"T-thank you" nauutal na Sabi niya sa lalaki. Akala niya ay ngingiti man Lang Ito sa kaniya but she's wrong. Tinalikuran Lang siya nito atsaka naglakad na paalis.
Napahiya siya sa lagay na iyon at ramdam niya Ang pag akyat ng dugo sa kaniyang mukha dahil sa galit. Hindi man Lang ba Ito marunong makipag usap ng matino o Kaya Naman kahit ngumiti Lang?
Lihim siyang napairap dahil roon. Napabalik Lang siya sa sarili niya ng biglang may maghagis ng tuwalya sa mukha niya. Si Vera pala.
"Bumalik na pala Ang demonyong Yun?" Sabi nito habang sinusundan ng tingun Ang lalaking kausap niya kanina habang natatawa tawa.
"Si Arxen, kapatid ni Jigs" Sabi pa nito sa kaniya. Napatango tango na Lang siya habang nagpupunas ng pawis. Inabutan din siya nito ng tubig.
"Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga yang magkakapatid na Yan masyadong mga maiinit Ang ulo" kumento pa ni Agent Vera habang natatawa. Bahagya na Lang siyang ngumiti dahil dito.
Nagsimula siyang magtraining ulit. Ilang lapse din Ang ginawa niya hanggang sa pinatigil Muna siya ni Vera para magpahinga. Pumunta na sila sa hall para kumain. Kukunin na Sana niya Ang Isang tray roon ng may nakasabay siya sa pagkuha nito.
Dahan dahang nag angat siya ng tingin at doon niya nakitang si Arxen iyon. Agad niyang binitawan ang tray saka tumalikod. Aalis na Sana siya ng naramdaman niyang may pumigil sa kaniya ng hawakan siya nito sa balikat.
"take this" matipid na sabi nito saka nito ibinigay Ang tray at umalis din kaagad. Naiwan siya doong tulala dahil sa ginawa nito. Bang mahimasmasan ay agad na siyang kumuha ng makakain saka lumabas ng hall at nagpunta sa paborito niyang pwesto roon. Ang paanan ng Isang parang Hill roon Kung saan pwede Kang mahiga sa damuhan.
"kamusta na Kaya sila, Papa?" tanong niya sa sarili habang kumakain. Agad niyang naramdaman Ang pagluluha ng mga Mata niya habang naiisip Ang naiwan niyang pamilya. Nang maubos niya Ang pagkain niya ay tatayo na Sana siya ng may biglang naglapag ng dyaryo. Napatingin siya sa naglagay ng news paper na iyon sa harap niya. It was Jigs with his Father Samuel.
"Anong kailangan niyo" Sabi niya sa dalawa ngunit walang emosyong mukha lamang nito Ang isinagot niya.
"read the headline" matipid na sabi ni Agent Samuel.
'Belarmy's CEO, Mr. William Anderson was looking for another secretary after the plane crash accident of his Secretary, Ayashan Madrigal' nakita niyang nakalagay sa headline ng dyaryo.
Halos manlumo siya sa nabasa niya. Plane crash? Seriously? At magpapalit na agad ng Secretary Ang boss niya?
"We would like to talk to you in private" Sabi sa kaniya ni Agent Samuel. Tumango Lang siya bilang sagot.
Hindi niya Alam Kung anong sasabihin at gagawin niya tungkol sa nangyaring iyon. Siguradong Hindi makapaniwala Ang pamilya niya tungkol sa nakitang iyon. Ang tagal na Rin niyang hindi nakakapagpadala dahil nga sa nangyaring iyon sa buhay niya.
"Tuso talaga si Anderson" kumento agad ni Agent Samuel ng marating nila Ang opisina roon.
"Ano ba talagang nangyayari? Bakit ganito? Bakit—"
"Si William Anderson ay Isa sa mga leader ng malalaking sindikato sa buong Pilipinas. Parte siya ng A3 contract. Nakapaloob sa kontrata nito ang lahat ng Ari Arian niya. Kasama niya sa kontrata sina Harold Ang at Si Gilbert Alonzo. Kapag nasira ang pasahan at pamamalakad ng samahan ng A3 ay mawawalan Ang lahat ng pinaghirapang Ari Arian ng mga ito. Ang susunod na mamamalakad sa samahang Ito ay Ang mga anak na babae ng mga Ito" paliwanag ni Samuel. Until until siyang naliwanagan dahil sa sinabi nito at unti unti ring nabubuo Ang galit at takot sa puso at isip niya.
"No one know Kung anong hitsura ng mga anak ng tatlong iyon. Itinatago nila Ang mga anak nila para Hindi Ito mapatay ng mga tofix Kaya ginamit nila Ang mga secretary nila para ipain sa mga tofix" paliwanag pa ni Jigs sa kaniya.
"And now you have a fake accident and everyone assume that you're already dead" dagdag pa ni Jigs.