Chereads / Loving Agent Arxen Caballero (Tagalog) / Chapter 7 - Chapter 7 Unfamiliar Feelings

Chapter 7 - Chapter 7 Unfamiliar Feelings

Halos masampal na ni Ayas si Glen dahil sa kanina pa siya nasasaktan. Ginagamot kasi ni Glen ang bukol niya. Kapag napapapitlag siya ay tinatawanan naman siya nito. Si Ferri naman ang nag asikaso sa babae at nagpahinga naman si Zack. Dinala naman sa underground ang lalaki na dinala nila kanina, Ang lalaking dahilan Kung bakit may bukol siya ngayon. Nauna na itong ginamot ni Glen pero wala pa rin itong malay hanggang ngayon.

Nakaposas ito sa higaan at nakatali naman ang paa nito.

"Balita ko ikaw ang dahilan kung bakit nagka ganyan iyang kupal na iyon" pagtukoy ni Glen sa lalaking walang malay.

"Ano naman sayo?"

"Wala lang, astig lang" sabi nito habang natatawa tawa. Umupo na ito sa sofa na kaharap niya saka siya tinitigan ng nakakaloko habang umiinom.

"Yung totoo Glen, may gusto ka ba saakin?" Pabirong sabi niya dito kaya naman nasamid ito habang umiinom ng tubig.

"Alam kong maganda ka, maganda rin ang katawan mo, matalino ka pero nakakatakot ka rin pala" sabi nito at awtomatikong ibinato niya ang plastic bottle dito pero nasalo din naman ni Glen iyon. Tinawanan siya nito saka kinindatan. mayamaya pa ay umayos Ito at naging seryoso.

"Pero gusto kita" walang kaabog abog na sabi nito sa kaniya pero inirapan niya lang ito.

"Siraulo!" Sigaw niya dito.

"Naniwala ka naman?" Sabi niyo sa kaniya. Pareho silang natawa.

Sa lahat ng mga lalaki sa Camp Emerald, si Glen ang pinakamakulit. Glen became her younger brother sa camp na ito kaya nga magkasundong magkasundo sila at hindi siya naiilang na asarin ito kung may gusto ito sa kaniya.

Bumukas naman ang pinto habang nagtatawanan sila. Pumasok si Zack doon kasama si Xen. May dalang mga baso at tubig si Zack at may dala namang pagkain si Xen. Ibinigay ni Xen ang isa kay Glen at ang isa naman ay sa kaniya.

"Okay ka na ba?" Tanong kaagad ni Zack sa kaniya.

"Okay na ko, ang galing yata ng doktor ko" sabi niya sabay turo kay Glen sabay kindat. Kumindat lang din si Glen sa kaniya at sabay silang tumawa.

"Congrats" matipid na sabi ni Xen sa kaniya. Lately, naging masyadong tahimik ito. Kapag kasama niya sila Glen, Heiran at Zack laging itong dumidistansya. Lagi itong nasa isang sulok at malayo ang tingin. Gusto niya sanang kausapin ito kaso lang ay natatakot siya dahil baka hindi nito kailangan ng kausap. Ayaw Naman niyang manghimasok sa buhay ng iba Lalo na Kung nakikita niyang ayaw Naman siyang kibuin ng taong iyon.

"Thank you" sabi niya dito. Nakaramdam siya ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa kaya natahimik silang lahat.

"Ah a-ano, Kami na ni Glen ang bahala dito, utol ihatid mo na si Ayas sa kwarto niya" sabi ni Zack. Tinitigan niya ito ng masama. Tinignan niya si Xen kung anong magiging reaksyon nito. Akala niya ay hindi ito papayag pero bigla na lang itong tumango.

Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila palabas. Nagpatangay lang siya dito hanggang sa makarating sila sa hallway. Binuksan nito ang pinto para sa kaniya.

"Good night" sabi nito sa kaniya at tumalikod na. Tumango lang siya dito saka pumasok sa loob. Isinara niya ang pinto saka nahiga sa kama niya pero may bigla namang kumatok. Pinagbuksan niya ito ng pinto at naabutan niya si Xen doon.

"Bakit hindi ka pa----" naputol ang sinasabi niya ng bigla siyang halikan nito.

Hindi siya makagalaw dahil sa ginagawa nito. Hindi siya makahinga dahil sa nangyayari pero hindi niya namalayan na tinutugon na niya ito. Nang maghiwalay sila ay pareho silang napatungo at hingal na hingal. Idinikit nito ang noo sa noo niya.

"S-sorry" sabi nito at medyo lumayo sa kaniya.

"wag mo na Kong tatakutin ng ganoon, mag ingat ka Naman sa susunod" Sabi pa nito sa kaniya at iniwan siya doong tulala. Napasandal siya sa pinto atsaka siya napahawak sa labi niya. Hindi niya Alam Ang nararamdaman niya ngayon. Bakit parang may kuryenteng dumadaloy sa loob niya.

Bakit siya hinalikan nito. Bakit hindi niya tinulak ito at bakit niya tinugon ang halik nito.

Hindi siya makapaniwalang ginawa niya iyon. Sa isang tulad niya na No Boyfriend Since Birth tapos ganito lang ang ginawa niya? Sa sobrang conservative ng parents niya bakit niya nagawa Yun? Kailan pa siya natutong humalik?

Lutang siyang pumasok sa loob ng kwarto. Alam niyang hindi siya makakatulog ngayon ng maayos kaya handa na siyang humarap sa iba bukas na luwa ang mga mata.

***

"UTOL mukha kang baliw dyan" sigaw ni Zack kay Xen. Kanina pa kasi nitong hawak ang labi nito habang nangingiti.

"Hoy!" Sigaw pa nito sa kaniya kaya napabaling siya dito at sinamaan ito ng tingin.

"Ano bang problema mo?" Tanong niya kay Zack.

"Pre, paano ba naman kasi kanina pa kami daldal ng daldal dito tapos kanina ka pa hindi nakikinig at kanina ka pa nakangiti at nakahawak diyan sa labi mo" sabi naman ni Glen.

"Tell me anong nangyari sayo at bigla kang nagiging ganyan?" Sabi naman ni Zack. Hinila nina Glen, Zack at Heiran ang mga upuan atsaka umupo sa harap ni Xen.

Tinignan naman ni Xen isa isa ang mga lalaking nasa harap niya na nakangiting aso pa. Naiilang siyang humarap sa mga Ito.

"Tigilan niyo ko" sabi niya sa tatlo kaya nadismaya ang mga ito. Kalalaking tao masyadong tsismoso.

"Hinalikan mo si Ayas no?" Mapang asar na tanong ni Glen sa kaniya.

"H-hindi no!" Sigaw niya pabalik. Tinawanan naman siya ng tatlo saka sumimsim ng alak.

Pero mapang asar pa ring tumingin ang tatlo sa kaniya.

"Isa pa susuntukin ko na mga mukha niyo"

"Tatlo kami, isa ka lang kaya kung hindi mo sasabihin yari ka saamin" mapang asar na sabi ni Heiran. Nagtawanan ang tatlo saka nag apir pagkatapos.

Mariin siyang napapikit. Kakaiba talaga ang tatlong to. Mabuti na lang at wala si Justine at si Jigs dito kundi ay madidikdik siya ng tanong ng mga ito. Pero mukha yatang nakikiayon ang sitwasyon sa tatlong mokong. Bigla na lang dumating sina Justine at Jigs.

"Utol, ano tong naririnig ko hinalikan mo daw---" naputol ang sinasabi nito dahil tinakpan niya ang bibig ni Jigs. Nagtawanan naman sina Justine.

"Sabihin mo na kasi" pangungulit pa ni Glen sa kaniya.

"Ano bang sasabihin ko? Masyado kayong tsismoso" naiiritang sabi niya.

"Ayaw mo talaga?" Tanong ni Zack sa kaniya.

"Wala nga kasi----"

"Edi tanungin na lang natin si Ayas bukas" sabi pa ni Zack. Natataranta siyang napatayo at hinabol si Zack.

"G*go! Ikukwento ko na tumigil ka lang" sabi niya. Huminga siya ng malalim saka niya ipinaliwanag ang nangyari.