Chereads / Loving Agent Arxen Caballero (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 5: Guns

Chapter 5 - Chapter 5: Guns

Pagkatapos ng pagsisigawan nila ni Arxen ay agad siyang nilapitan ni Agent Ferri.

"Tara training na tayo" sabi naman ng babae sa kaniya. Nang hindi siya kumibo ay natawa ito sa kaniya.

"Wala Lang Yun, konting pahangin lang aamo na ulit si Arxen" Tinanguan lang niya ito bilang sagot saka siya sumunod dito sa paglabas.

Agad Naman siyang sinalubong ni Zack pagkalabas niya. Medyo nangingiti Ito na dahilan ng pagkakaroon niya ng pinaghalong inis at pagtataka sa loob loob niya.

"Masama ang loob mo diba? Isipin mo na lang na iyan ang problema mo" bulong ni Zack sa kaniya sabay turo sa target. Sunod sunod na bala ang lumabas sa baril niya dahil sa galit.

Tama si Zack mas magandang dito niya ibunton ang galit niya. Inubos niya ang bala doon dahil sa galit. Halos hindi magkalasog lasog na Ang target na nakapwesto sa harap niya. Hindi man niya Ito natamaan ng sakto sa target niya ay Nakita Naman niyang nasapul sa ulo Ang target na Ito. Napaupo na lang siya ng mapagod dahil sa ginagawa. Inabutan naman siya ni Zack ng towel.

"Pahinga ka na muna hanggang sa maging okay ka na" Sabi nito pero agad niyang kinuha ang baril at itinapat kay Zack.

Nagtinginan ang lahat sa kaniya. Nakita niya rin doon si Ferri at sina Justine, Heiran at Glen na kinakabahan at halos bakas din sa mga mukha ng mga ito ang takot. Tila namutla Ang mga lalaking makikita mong matipuno at matapang.

Dahan dahan siyang tumayo habang nakatapat pa rin ang baril kay Zack pero hindi man lang ito natitinag sa kaniya. Tinitigan lang siya nito sa mata habang walang reaksyon sa mukha nito.

"Madrigal!" Tawag sa kaniya ni Justine. Hindi niya iyon pinansin. Alam naman niyang hindi ito makakalapit sa kaniya. Wala kahit isa ang makakalapit sa kaniya. Pero mukhang naglakad loob si Justine na lumapit ayun nga Lang ay agad itong pinigilan nina Heiran.

"Iputok mo" pabulong na sabi ni Zack sa kaniya. Lumapit pa ito hanggang sa mapalapat ang baril sa dibdib ni Zack. Nakangiti Ito na mas ipinagtataka niya. Ilang segundo Lang Rin Ang lumipas ay nawalan Ito ng emosyon.

Nanginginig ang mga kamay niya. Alam niyang natuto na siyang gumamit nito pero hindi siya marunong pumatay ng tao. Sinalubong niya ang walang emosyong pares ng mga mata ni Zack.

Gusto ng isip niya na patayin ito. Pero paano? Hindi naman ito makakatulong sa kaniya para makaalis dito. Isa pa, wala namang kasalanan si Zack dito.

Samantalang gusto naman ng puso niya ibaba ang baril. Kung makakaalis siya dito alam niyang makukulong siya kapag napatay niya ito. At tulad nga ng sabi niya, walang kasalanan si Zack dito.

Dahan dahan niyang ibinaba ang baril. Kinuha naman ni Zack ang baril niya at itinapat ni Zack ang baril sa ulo. Kinalabit nito ang gatilyo. Napapikit siya pero wala man lang narinig si Ayas na kahit na anong putok.

Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nakangiting si Zack.

"Walang bala, paano mo ako mapapatay?" Sabi nito sa kaniya atsaka niya lang naalala na inubos niya pala ang bala nito kanina.

"Tara na sa loob" sabi nito sa kaniya habang nauna na itong maglakad papasok. Natulala siya dahil sa nangyari. Lumingon siya sa paligid niya at nakita niyang nakahinga na Rin ng maluwag Ang lahat Mula sa pagkagulat sa tensyong naganap kani kanina Lang.

Tatanga tanga siya. Bakit ba hindi niya naalala na walang bala ito. Napasabunot siya sa sarili buhok dahil sa inis atsaka nagsimulang maglakad papasok.

Bakit ba Hindi niya naisip na si Zack Ang nag aasikaso ng mga baril sa loob ng camp. Magmula sa bilang ng Bala na ilalagay hanggang sa pagkatapos ng pagkakagamit doon ay Alam nito.

Pagbalik ni Xen kinagabihan sa camp ay narinig niya ang mga usap usapan tungkol sa nangyari kanina. Narinig niyang tinutukan ni Ayas si Zack ng baril dahil sa galit nito. Ibang klase talaga ang babaeng ito.

Nilibot niya ng tingin ang buong paligid para hanapin si Ayas pero wala ito. Dali dali siyang umakyat para puntahan si Ayas sa kwarto. Kumatok siya doon pero walang sumasagot. Ilang beses pa ulit siyang kumatok pero walang sumasagot. Matamang pinakinggan niya ang loob ng kwarto pero walang kahit na anong ingay ang naririnig niya doon.

"Ayas" tawag niya dito pero hindi ito sumasagot kaya naman binuksan na niya ang pinto.

Nakahinga na lang siya ng maluwag ng makitang nandoon si Ayas at natutulog. Siguro ay napagod ito sa training. Gusto niya sanang kausapin ito pero tulog na ito. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa may pinto.

"Anong kailangan mo?" Narinig niya sabi nito. Napalingon siya dito. Nakahiga parin ito pero nakatingin ito sa kaniya. Lumapit siya dito at naupo sa gilid ng kama.

"Anong nangyari kanina?"

"Bakit narinig mo na ba?"

"Oo"

"Edi lumabas ka na, narinig mo na pala eh" mataray na sabi nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa sinabi nito.

"Ayas,listen to me---"

"Pag nakinig ba ako sayo sasabihin mo saakin ang lahat?" Sabi pa nito kaya napaisip siya. Siguro nga ay kailangan na niyang sabihin dito ang lahat.

Alam niyang sa mga oras na ito ay delikado na ang buhay ng lahat ng mga trainee sa camp lalo na at may nakakaalam na ng tungkol dito magmula noong mamatay si Vera.

"See? Hindi mo masabi, then leave" sabi sa kaniya nito pero hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakaupo doon. Humugot siyang ng lakas ng loob at saka huminga ng malalim.

"Anong gusto mong malaman?" Tanong niya. Napalingon ito sa kaniya.

"Lahat"

"Our youngest, Hailee became one of the first victim of A3. Naging secretary din siya tulad mo pero ganito Rin Ang kinahantungan niya. you're lucky Kasi safe ka but my sister? napatay siya. And then I met someone na connected sa A3. I want to prove something so I asked my dad to do it for me and to take revenge pero habang tumatagal mas nangingibabawa Yung paghihiganti sa puso ko kaysa Ang bagay na gusto Kong patunayan"

"And you created this camp, Am I right?"

"Well, you're not wrong. This camp? Wala talaga Ito sa Plano pero Hindi Rin talaga namin matanggap na kapag Wala kaming ginawa maraming magagaya sa dinanas ng kapatid namin" Sabi niya. Nanatili namang tahimik si Ayas habang nakikinig sa kaniya.

"Tuso ang tatlong iyon pero madali lang kunin ang tiwala nila. Tulad ngayon, pinagkakatiwalaan na nila tayo kaya nasa atin ang lahat ng access sa mga confidential data nila. Kaya tayo nasa gitna ng tatlo ay para hindi malaman ng Tofix na may mga tauhan ang tatlo. Pero ang alam ng tatlo na puro lalaki ang nasa loob ng camp na ito"

"Eh bakit puro kami babae dito?"

"Kasabay ng lahat ng operation para tulungan ang tatlo ay inililigtas namin ang lahat ng babaeng mapapadpad dito. A3 didn't hire secretary just to have a secretary in fact, may permanent secretary sila sa mga kumpanya nila at dito sa mismong isla"

"So what about me?"

"Ginamit ka lang niya. Every month naghahire sila ng mga secretary sa bawat business nila. Bibinigyan nila ng emerald, sapphire at diamond necklace ang lahat ng secretary nila para sila ang mapagkamalan"

Napatingin si Ayas sa kwintas niya. Her emerald necklace.

"Dana Anderson, iyon ang anak ni William Anderson. Siya ang may ari ng original emerald necklace na meron ka. Dahil nga ang anak na babae ng tatlo ang kailangang pumalit sa kanila base sa kontrata ay ni isa ay wala pang nakakakita sa mga anak na babae ng tatlong ito. Ginagawa nilang pain ang mga bagong secretary nila para mapagkamalang anak ng tatlo dahil sa oras na masira ang nasa kontrata mawawala sa kanila ang lahat"

"So that was the reason kung bakit binibigyan nila ng necklace Ang mga bagong hire na secretary?"

"Yes, dahil sa oras na wala ng magmamana ng negosyo nila, base sa kontrata sapilitang kukunin iyon ng ibang group of company at ipapapatay ang tatlo kung sakali"

"Bakit ba kasi nila napasok ang ganitong kontrata?"

"1980 nagsimula ang kontrata ng mga ito, sila na ang 4th generation nito, sa malaking halaga na utang ng angkan nila ay hindi pa rin sila makakaalis hanggat hindi bayad ito kaya kahit na gustuhin pa ni William na hindi sundin ang kontrata wala pa rin siyang choice"

Napatahimik siya dahil sa mga nalaman niya. Komplikado at delikado ang lahat ng ito. Kaya pala walang tumatagal na secretary si William. Pero naiinis siya sa anak nito. Kaya ba silang lahat na nasa camp ay na trap dito ay dahil sa panloloko nito.

Ang alam A3 ay puro lalaki ang nasa loob ng camp kaya sila hindi makalabas dito.

"Cleared?" Biglang tanong sa kaniya ni Xen. Napatingin siya kay Xen malayo ang tingin nito.

"Yes" sabi lang niya. Napansin niyang humarap si Xen sa kaniya kaya naman napatingin rin siya dito.

"Vera became the first victim among all of you, Kaya siya Ang halos leader niyo ay dahil sa siya ang una" sabi nito sa kaniya.

"So matagal na pala si Vera dito?"

"Oo almost 6 years, sabi niya nga nung una siyang mapadpad dito ang tanging way na lang daw para makaalis siya sa lugar na ito ay ang mamatay. Nangyari nga sa kaniya yung sinabi niya kaso nangyari yun nung gusto na niyang lumaban"

Gusto na niyang lumaban. Makakalabas siya dito kaso hindi ng buhay kundi patay. Pero tama naman si Vera, kung mamamatay ka na nga lang bakit hindi mo pa subukang lumaban.