"Mukhang lumalakas na tayo ah" Napapitlag si Ayas ng marinig ang boses niyon.
"Kaso mali pa rin ang hawak mo" sabi nito sa kaniya sabay tawa. Inayos nito ang hawak niya ng baril saka niya sinimulan ulit na bumaril. Pagkaubos niya ng bala ay agad siyang pinalakpakan ni Zack.
Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong mamatay si Vera. Nagdesisyon siyang mag focus sa pagtetraining. Oo, isa si Vera sa dahilan kung bakit niya gustong lumaban at para na rin makaalis na siya sa lugar na iyon.
"Salamat" sabi niya dito saka kinuha ang towel niyang nakasabit sa sandalan ng upuan. Umupo siya doon at tumabi naman si Zack sa kaniya.
"Misyon mamaya, may bago daw eh" sabi nito sa kaniya. Tumango lang siya dito bilang sagot. Magmula ng naging Isa siya sa pinakamagagaling na trainee sa camp ay nagsimula ng isama siya Nina Justine sa mga meeting pagmagmimisyon Misyon kada may mga bagong biktima Ang dumadating. pero Hindi pa siya nakakasama sa kahit na anong misyon. unang beses niyang sasabak sa ganoon. Mahirap pero maluwag sa loob na nagagawa niya Ang misyong naiwan sa kaniya ni Vera.
Natahimik silang pareho hanggang sa may maisip siyang itanong.
"Paano ka nga pala napasok sa ganitong sitwasyon?" Tanong niya. Natawa lang ito sa kaniya saka sinalubong ng mga mata nito ang mata niya.
"Simple lang, tatay ko si Samuel" sabi nito sa kaniya. Nagkatinginan sila at sabay na napatawa. Alam Naman niya na tatay nito Ang Agent dahil noong una pa Lang ay ikinuwento na sa kaniya ni Vera Ang tungkol dito.
Kapag talaga tatay mo kailangan mong sundin. Pero siguro sa pagiging magaling ni Zack ay naging proud na sa kaniya si Agent Samuel.
"So, kung hindi mo siya tatay nasaan ka sana ngayon?"
"Edi nasa malayong Lugar. Lugar na matatahimik ako at Hindi makokonsenysa" sabi nito habang natatawa pero bigla ring naging seryoso.
"Ha?"
"5 years ago, naging undercover kami sa isang drug dealer. Nagkataong mababaril na sana ako pero sinangga ng kasama ko yung bala" malungkot na paliwanag ni Zack.
"So you mean, police ka?" Tanong niya dito at tinanguan lang siya nito bilang sagot.
Naiintindihan na ni Ayas ang sinasabi nito. Sinisisi lang talaga nito ang sarili niya.
"Bakit kailangan mo pang lumayo?" Tanong ni Ayas kay Zack. Hindi naman ito nakasagot. Inabot niya ang energy drink niya kay Zack. Tinanggap nito iyon saka isang lagukang ininom.
"Wala ka namang kasalanan, siya ang sumangga ng bala kaya siya ang nagdesisyon para sa buhay niya, bakit mo ba kasi sinisisi ang sarili mo?"
Ngumiti ito sa kaniya pero hindi niya inasahang tumulo ang luha nito. Ang malakas na si Zack ay umiiyak ngayon sa harap niya. Pilit nitong pinipigil ang pag agos ng luha niya.
"Alam ko" simpleng sagot niya. Hinintay niya muna itong kumalma bago ulit pakinggan ang sasabihin.
"Ikakasal na dapat siya, ikakasal na siya sa babaeng matagal ko ng gusto" sabi nito kaya natahimik siya.
Siguro nga ay malalim pa ang sugat sa puso nito. Pero diba hindi niya dapat isisi sa sarili ang lahat ng nangyari.
"Zack, listen to me okay? Wala kang kasalanan, wala" mahinahong sabi niya kay Zack. Pinahid ni Zack ang mga luha niya saka tumayo.
"NAKAKABADING MAGMAHAL!" Sigaw nito saka umupo ulit sa upuan na katabi ni Ayas. Nakipag high five naman si Ayas sa kaniya.
"Masyado kang gwapo para maging bading, teka nga paano kayo nabuo?"
"Dahil sa nanay at tatay ko" pabirong sabi ni Zack. Binatukan niya ito at napahipo naman ito sa ulo na tinamaan niya.
"Baliw! Ang tinatanong ko ay yung grupo niyo"
"Yung bunsong babae namin naging katulad mo Rin siya. naging secretary but unfortunately, Hindi siya nakasurvive. halos Isang taon Lang Ang Tanda mo sa kaniya at iyon Ang mas masakit. Ang ikli Lang ng panahon na nakasama namin siya"
"Then gaganti kayo?"
"noong una oo pero habang tumatagal mas nangingibabaw Yung tawag ng trabaho namin as an agent" sinserong Sabi ni Zack na nakapagpangiti sa kaniya ng sobra.
"So, kamusta ka ngayon? nakakausap mo pa ba siya ulit?" Tanong niya dito. ngumiti Lang ng mapait si Zack sa kaniya bilang sagot saka huminga ng malalim.
"Sila Justine, Glen at Heiran, mga business men ang mga iyan, pero nagdecide na sumali sa grupo" paglilihis nito sa usapan. samantalang nanlaki ang mata ni Ayas dahil sa narinig. Ang makukulit pala na mga iyon ay mga business men? How come? Hindi sila parang mga business men kung umasta. Naalala niya pa noon nung nagtetraining sila ay parang mga batang nag aasaran sila Heiran at Glen. Hindi niya akalaing mga mapepera ang mga ito.
Nang pabalik na siya sa kwarto niya ay naisip niya Ang usapan nila ni Zack kanina. Napangiti na Lang siya ng mapait.
Naisip niya tuloy na mababaw pa ang dahilan niya para gumanti. Hindi naman kasi siya nawalan. Hindi katulad nina Zack, Xen at Jigs na nawalan ng mahal sa buhay, siya gusto niya lang na makaganti dahil sa naging sitwasyon niya.
Mababaw pa pero may katwiran. Hindi niya ito ginusto. Pero kung hindi siya tutulong para mapabagsak ito ay masasayang ang pagkamatay ng dalawang babaeng dahilan kung bakit nabuo ang Camp. Ang bunsong kapatid nina Zack at si Agent Vera.
***
Madilim at masukal na daan ang tinahak nilang lima nina Justine, Ferri, Xen at Zack. Unang sabak niya ito sa misyon. Unang beses na tutulong siyang magligtas ng isa pang babae na naging biktima rin tulad niya.
Habang tumatagal ang generation turn over ng mga sindikato na ito ay dadami ang mga magiging biktima ng mga ito.
Mga malilikot na pagtutok ng mga flashlights ang bumungad sa kanila doon. Hindi pa rin nila nakikita ang babae. Naglilibot pa ang Tofix para mahanap ito kaya nahihirapan rin sila.
Iniutos ni Zack na umuna si Justine para makapasok sa loob ng abandonadong bahay. Medyo nanginginig siya ng mga oras na iyon dahil sa naaalala niya ang nangyari sa kaniya doon.
"Ayas, sumama ka kay Justine" sabi ni Xen sa kaniya. Sinundan niya lang si Justine pero hindi na niya napansin kung saan ito nagpunta kaya nagkahiwalay sila.
Naghanap na lang siya mag isa. Sobra ang higpit ng hawak niya sa baril niya. Sobra rin ang kaba na nararamdaman niya.
"Buhay ka pa pala" sabi nito. Awtomatikong napataas siya ng kamay dahil nagsalita sa likuran niya. Kilala niya ang boses nito.
"Ibaba mo ang baril mo" sabi nito. Mariin siyang napapikit atsaka huminga ng malalim. Inilapag niya ang baril niya. Naging tahimik ulit ang paligid hanggan sa naramdaman na lang niyang idinausdos nito ang baril sa leeg hanggang sa balikat niya. Ramdam na rin niya ang hininga nito sa batok niya kaya mas lalong nag iinit ang dugo niya dito. Nanatili siyang tahimik doon hanggang sa maramdaman naman niya ang hininga nito sa ulo niya.
Masakit pero iyon na lang ang tanging paraan. Iniumpog niya ang ulo niya sa mukha nito dahilan para magdugo ang ilong nito at medyo mahilo. Agad niyang kinuha ang baril nito at itinutok ito dito.
"Hayop kang babae ka" desperadong sabi nito habang nakahawak sa ilong nitong nagdurugo.
"Hindi pa rin kayo nagiging tao? Tuta pa rin kayo hanggang ngayon?" Mapang insultong sabi niya dito. Mas lalong sumama ang aura nito.
"Tofix? Hunter pala kayo ni Dana, ano namang mapapala niyo dito?"
"Malaki, malaki ang mapapala namin dito"
"Kaya okay lang na mamatay kayo?"
"Pero sa sitwasyon natin mukhang ikaw ang unang mawawala sa mundo" sabi nito na mas lalong nakapagpakaba sa kaniya. Kahit anong talas ng dila niya ay hindi pa rin niya maiaalis sa sarili na kinakabahan siya. Silang dalawa lang ng hayop na to ang nandito at alam niyang mas malakas ito kaysa sa kaniya. Kaya sa pagitan nila mukhang tama nga ito, siya ang unang mawawala sa mundo.
"Kinakabahan ka na ba?" Sabi pa nito habang pagak na natatawa. Napairap siya at mariing napapikit.
"Mukhang nalunok mo yata ang dila mo" sabi pa nito habang mas lumalapit sa kaniya. Pero mukhang pareho sila ng takbo ng utak. Tulad ng sinabi ni Justine sa kaniya, kailangan maging alisto siya sa paligid kapag may kaaway. Dahil gagawa ito ng paraan kapag may nakita itong bagay para lumakas.
Binunot niya ang kutsilyo niya atsaka initsa ito sa kamay ng lalaki. Basang basa niya ito. Habang paatras siya ay akala nitong iisipin niyang lalapitan lang siya nito pero ang hindi nito alam na alam ni Ayas na kukunin niya lang ang baril na ibinaba niya kanina.
Natutos ang kamay nito doon. Bumaon ang kutsilyo sa kamay nito kaya hindi nito iyon maiangat. Dahan dahan niyang nilapitan ang lalaki.
"May sasabihin ka ba? O baka nalunok mo na rin ang dila mo" sabi niya dito pero gamit ang kaliwa nitong kamay ay kukunin sana nito ang baril. Sinipa niya ang baril palayo at mabigat na inapakan ang kutsilyo sa kamay nito. Bumaon ang kutsilyo sa kamay nito. Sa haba ng kutsilyo ay nasagad na ito sa kamay nito lalo na at kahoy pa ang sahig ng bahay.
Tuloy tuloy ang daloy ng dugo nito. Nanginginig na rin ang buong katawan nito dahil sa sakit. Naaawa siya dito ang kaso nga lang ay hindi rin naawa ang mga ito ng hauntingin siya ng mga ito.
Isa sa rules sa camp na huwag magpapadala sa mga nangyayari. Lahat ng mga babae sa camp ay pareparehong naging biktima. Alam ng lahat na may natitira pang konsenysa at puso sa kanila. Pero paano mo nga naman magagawa ng maayos ang misyon mo kung paiiralin mo ang awa.
Naupo si Ayas sa harap nito at tinanggal ang maskara nito. Tinitigan niya ang mukha ng lalaki hanggang sa bigla na lang itong nawalan ng malay. Pinulsuhan niya ang lalaki at Buhay pa ito.
Binunot niya ang kutsilyo at may bigla na lang siyang narinig na yabag sa likod niya. Agad siyang humarap at itinutok ang baril dito.
"Easy lang! Ako lang to" sabi nito sa kaniya. Dahan dahan niyang ibinaba ang baril. Nanlaki naman ang mata ni Justine nang makita ang nakabulagtang lalaki tapos biglang napangiti.
"Akala ko kailangan pa kitang iligtas, mas malala ka na pala" sabi nito saka nilapitan ang lalaki. Pinulsuhan din niya ito saka sinabing buhay pa ito. Mayamaya lang rin ay dumating na rin ang iba kasama ang isa pang babae.
"Okay ka lang?" Tanong ni Zack sa kaniya. Tumango lang siya saka siya nilapitan nito. Ginulo nito ang buhok niya pero napapitlag si Ayas. Dahil sa pagbangga ng ulo niya sa ilong ng Tofix na iyon ay sumakit na ang likod ng ulo niya.
Ang tigas ng ulo ng tuta na to!
"Aray!" Sabi niya kaya napalapit si Zack sa kaniya para kapain kung may bukol ba siya.
"Tara na, si Glen na bahala sa bukol mo" sabi nito saka siya hinila palabas. Binuhat naman ni Justine at Xen ang lalaki at inalalayan naman ni Ferri ang babae.