Chereads / Loving Agent Arxen Caballero (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3: The Training

Chapter 3 - Chapter 3: The Training

Halos manlumo si Ayashan ng marinig Ang paliwanag na iyon galing Kay Agent Samuel at Jigs. Halo Halo ang emosyong nararamdaman niya. Dahil sa takot at pagkadismaya sa trabahong nakuha niya ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumali sa camp at mas maging malakas pa. Gusto niyang gumanti at gusto niyang maging maayos na Ang lahat.

"Madrigal, Jump higher. Relax and then jump!" Sigaw sa kaniya ni Zack, Ang kapatid nina Arxen at Jigs. Ito muna Ang nagtrain sa Kanila ngayong araw dahil may inaasikaso pa daw si Jigs. Si Jigs Kasi Ang may hawak sa Kanila pagdating sa physical training samantalang Ang kapatid Naman nitong si Zack ang trainer nila sa firing.

Agad niyang sinunod Ang sinabi ni Zack sa kaniya pero Hindi niya pa Rin ito magawa ng maayos. Likas talaga siyang mahina Ang katawan dahil sa bahay Lang siya nag lalagi. Walang kahit ano Ang ginagawa niyang exercise. Lakad Lang at takbo pagpapasok na siya ng school Ang tanging nagagawa niya.

She's now feeling the pain in her back but as her determination popped in her mind she tried harder. But it seems like trying isn't for her. Bumagsak siya at sumakit ng sobra Ang balakang niya. Nakakapit na kasi siya sa bar pero napabitaw siya dahil sa ramdam niyang bigat ng katawan niya.

She's not really fat. She has a beauty queen like shape but since she's not really strong she can immediately feel tired.

"Glen!" sigaw ni Zack ng makitang bumagsak siya at Halatang halata Naman sa hitsura niya na nasaktan talaga siya sa pagkakabagsak niya. Si Glen Wu, Isang agent Rin na naassign Naman sa medical related things na maaaring mangyari sa loob ng camp.

Agad siyang nilapitan ni Glen at pinakalma siya pagkatapos niyon ay tinignan na nito Kung saang parte siya halos nasaktan saka siya inalalayan at dinala sa clinic.

Ilang araw Rin siyang Hindi nakapag training dahil kailangan niyang ipahinga Ang sarili. Nagpahinga siya sa kwartong iyon at Wala man Lang siyang magawa. Walang cellphone at kahit na ano. In the middle of imagining things someone suddenly entered her room.

"madrigal, come with me" Sabi ni Jigs sa kaniya saka lumabas na agad ng kwarto. Sinundan niya agad iyon at nagpunta sila sa office Kung saan siya kinausap ng mga Ito noong una.

"sila ba?" tanong ni Jigs sa kaniya. Dahan dahan siyang tumango tango saka kinuha Ang picture na ipinakita nito sa kaniyan.

"Nakita namin ang bag mo malapit sa abandonadong bahay" Sabi pa nito saka ipinakita ang bag niya. Walang laman iyon dahil Mula sa naaalala niya ay naglaglagan na Ang mga gamit niya nasa yate pa Lang sila.

"Nakapagpadala na kami ng tulong sa pamilya mo kanina. Alam na Rin nila Ang sitwasyon mo pero may Hindi magandang balita tungkol sa kapatid mo. Wala siyang makuhang bagong lungs para sa operation niya" Sabi ni Jigs na mas lalong natakot ng marinig Ang tungkol sa kapatid niya.

Napatungo na Lang siya dahil sa kaba, takot at lungkot. Hindi niya magawang tulungan Ang mga Ito ngayon dahil naipit siya sa sitwasyong Ito.

Tulala siyang bumalik sa kwarto niya. The moment that she close the door, her tears endlessly started to flow and she hate it. Ilang oras niya ring iginugol Ang oras niya sa pag iyak hanggang sa dumungaw siya sa bintana.

A calm night under the light of the moon. That was definitely romantic and nice but she's not in the right situation. Inilibot niya Ang paningin at nakita roon ang Ganda ng Isla hanggang sa mahagip ng Mata niya Ang field. Nakita niya roon Kung gaano kalaki Ang training ground nila.

Agad na pumasok sa isip niya Ang magtraining Kaya Naman lumabas siya at nagsimulang magtraining. Pero tulad ng weakness niya ay doon pa Rin talaga siya nagtagal. Nakailang talon na siya pero Hindi niya pa Rin ito naabot. Hanggang sa naramdaman niya Ang dalawang kamay na humawak sa magkabila niyang balikat. Nakita niya roon sa likuran niya si Arxen.

"Relax yourself" nirelax niya Ang sarili niya tulad ng Sabi nito sa kaniya inhale and exhale.

"Jump as high as you can" Sabi Naman nito ulit. Sa ikatlong pagtalon niya ay naabot na niya Ang bar.

"Relax again and try to do it from here up to here" Sabi nito saka itinuturo direksyon. Nagawa na niya Ang sinabi nito pagkatapos ng ilang subok.

"Ulitin mo sa simula, oorasan kita" seryosong sabi nito. Pumunta siya sa simula at sinenyasan si Xen na magsisimula na siya. Naging tuloy tuloy ang mga unang part ng routine pero pagdating sa bar ay nagtagal siya.

"C'mon, relax lang kaya mo yan" sabi nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim atsaka bumwelo sa pagtalon. Naabot niya ito atsaka nagpalipat lipat ng kapit.

"12 minutes, masyadong mabagal. Hindi mo ba alam na ang pinakamabagal na na record sa lahat ng trainee ay 5 minutes?" sabi nito sa kaniya. Bago pa lang siya sa larangang ito, siguro naman ay naiintindihan nito ang sitwasyon niya. Napatungo siya dahil sa resulta, mahina talaga siya.

"S-sorry"

"Ayokong makarinig ng sorry, gawin mo na lang ng maayos sa susunod" sabi nito at iniwan siya. Nahiga siya sa damuhan doon at tinitigan ang langit. Ipinikit niya ang mga mata niya at pinakinggan ang tahimik na paligid.

"Water?" Narinig niya ang isang boses kaya napamulat siya. Nakita niya doon si Xen na nakatayo na may hawak na bote ng tubig at nakasampay sa balikat nito ang tuwalya. Ibinigay nito ang tuwalya sa kaniya at pati na rin ang tubig.

"Bakit ka nga pala lumabas?"

"Hindi ako makatulog kaya naisipan ko na lang na magtraining" tumango tango lang si Xen sa kaniya.

"Ikaw bakit lumabas ka pa?" Tanong ni Ayas.

"Hindi rin ako makatulog, saka kadalasan ako ang natitirang gising sa lahat dahil nagchecheck pa ako sa buong camp" napatango tango lang din siya. Natahimik silang pareho.

"Natatakot ka ba?" Tanong nito sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin sa lalaki habang ito naman ay seryosong nakatingin sa langit.

"Yes"

"Don't worry" matipid na sabi nito saka siya iniwan doon. Pumasok na ito sa loob kaya naman pumasok na rin siya. Sumalampak siya sa kama niya atsaka nagtry ulit na matulog.

Iniisip niya pa rin kung paano siya humantong sa sitwasyon na ito na tipong gusto niya lang magtrabaho bilang isang sekretary pero nauwi siya sa trabaho ng mga imbestigador at sundalo. Napabuntong hininga siya dahil sa sitwasyon.