Noong gabing iyon pagkatapos niyang magtraining kasama si Arxen ay Hindi pa Rin siya nakatulog. Sa gitna ng pag iisip niya ay , Nagpaigtad si Ayas ng bigla siyang may marinig na mga nagmamadaling yabag na hula niya ay galing sa labas.
"May bago daw dito kami na lang nila Justine ang pupunta" narinig niyang sabi ni 2. Gusto niyang sumilip pero malalaman nitong hindi pa siya natutulog at nakikinig siya sa usapan nila.
Nanatili siyang tahimik habang nakahiga at nakikinig sa pag uusap ng mga ito.
"Sabihan mo si Xen na sya muna ang bahala dito kami na lang nina Justine at Vera ang pupunta" narinig naman niyang sabi ni Zack at tuluyan ng nawala ang ingay sa labas. Siguro ay umalis na ang tatlo.
"Maybago? Anong bago?" Iyan ang tanong na naglalaro sa isip niya hanggang sa nakatulog siya.
Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ni Ayas pagbukas niya ng pinto ng kwarto. Ramdam niya ang kaba na namumutawi sa loob loob niya. Nagtatakbuhan ang lahat papunta sa hall. Hindi niya alam ang nangyayari kaya naman kalmado siyang nagtungo roon para makita kung anong mayroon.
Halos mapaluhod si Ayas ng makita ang nangyayari sa baba. Tuloy tuloy at nag uunahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Pinaghalong takot at pighati ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Nakahiga sa sahig doon si Agent Vera na duguan habang si Justine at Zack naman ay nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader at nakatungo. Kitang kita ang frustration sa mga ito.
Mayamaya lang din ay dumating ang tatlong lalaki kasama si Agent Samuel. Binuhat ng mga ito si Agent Vera saka inilagay sa isang stretcher.
"Magsimula kayo ulit" utos lang nito sa lahat kaya naman nagsikilos ang lahat. Pero para siyang natuod sa nakita niya. Bakit parang wala lang ang pagkawala ni Agent Vera para kay Agent Samuel?
"S-san nyo dadalhin si Vera?" Matapang na tanong niya dito. Tumigil ito sa harap niya at tinignan siya ng malungkot. Doon niya lang nakita na nalulungkot rin pala ito sa nangyari. Kitang kita sa mga mata nito ang lungkot akala niya kasi ay wala lang dito ang pagkamatay ni Vera.
"Start the training, Vera will surely wants to see you stronger" Hinawakan siya nito sa balikat saka siya nginitian ng malungkot.
"She's no longer part of the Mission, Agent Vera is no longer part of the Mission" sabi nito saka ulit nagsimulang maglakad pasunod sa mga nagbuhat kay Dana.
Napatungo na lang siya sa lungkot. Hindi na niya alam ang iisipin. Mababaliw siya sa mga nangyayari.
"All of you, go to the field" utos ni Xen.
Pinahid niya ang mga luha saka nagsimulang maglakad papunta sa field. Napansin niya ring hindi pa rin tumatayo sina Zack at Justine mula sa pagkakaupo.
"I'll be your trainer now" sabi pa ni Xen. Sinimulan nito ang pagtuturo sa kanila pero lutang parin ang isip niya dahil sa nangyari.
Hindi niya alam ang eksaktong nangyari pero hindi niya maatim ang nangyari sa babaeng unang nagpagaan ng loob niya lalo na at bago pa siya.
"Madrigal, focus" napabalik siya sa huwisyo dahil sa sigaw ni Xen.
"S-sorry" matipid na sabi niya. Tumalim ang tingin nito sa kaniya. Marahil ay dahil sa hindi niya pagtutok sa mga ginagawa niya. Humugot siya ng malim na hininga atsaka nagsimula sa routine.
Marami siyang naging palpak. Ang dami niyang beses na bumagsak pero pinilit niya pa rin tapusin iyon hanggang sa nag breaktime na sila.
Tama si Agent Samuel, mas gugustuhin ni Agent Vera na Makita siyang malakas kaysa Makita siyang talunan. And now Agent Vera became one the reason why she needs to fight and be stronger.
Umupo siya malayo sa ibang mga tao. Kailangan niya maging mapag isa. Humiga siya sa damuhan hanggang sa may maramdaman siyang tumabi sa kaniya. Inabutan siya nito ng towel at bottled water.
"Alam kong si Vera ang gumagawa nito pero sana tanggapin mo pa rin" mahinahong sabi nito na malayo sa kaninang ito na nanigaw sa kaniya.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" Tanong nito sa kaniya. Dumulas sa mga pisngi niya ang mga luha.
"A-anong nangyari?" Tanong niya kay Xen. Umupo siya atsaka ginamit ang tuwalya sa pagpupunas ng mukha niya saka ininom ang tubig.
"Remember those guys na humabol sayo nung nakaraan? May bagong pain nanaman ang dumating sa isla at hinahaunt na naman ng mga Tofix. Nagkaingkwentro, hihilahin na sana ni Vera yung babae na ililigtas sana nila pero nabaril siya ng isang Tofix" paliwanag ni Xen sa kaniya.
"S-sino ba kasi sila?" Tanong pa niya dito. Seryoso itong tumingin Kay Ayas.
"Remember Vera's explanation nung nagdodoubt kang pasukin ang camp? Ayun sila" sabi nito sa kaniya saka siya inalalayang tumayo. Bumalik na sila sa field saka sinimulan ulit ang training.
"Hinahabol ka ng mga lalaki noon diba?, ang tawag sa kanila Tofix, mga tauhan sila ng isang malaking sindikato sa mundo ng mga business man sa buong mundo, hindi talaga safe sa lugar na to pero makinig ka na lang kung gusto mo pang mabuhay" iyan ang paliwanag ni Vera sa kaniya nung mga oras na iyon.
Kung titignan mo naman ang lugar ay parang isang simple at ordinaryong isla lang ito pero maraming sekreto ang nakatago dito.
Habang tumatagal ay nalalaman niya ang sekreto sa lugar na ito.
Ang sikat na matandang business man na tumutulong sa milyon milyong tao sa Pilipinas ay sindikato pala sa buong mundo? unbelievable!
Iniling niya ang ulo at nagfocus ulit sa ginagawa. Saka na niya aalalim ang lahat kapag malakas na siya.
Pero bakit siya nadamay dito?
Bumalik sila sa training after ng pahinga nila. Mas naging determinado siyang gawin Ang lahat. Hindi man niya nagawa ng maayos Ang training ay pinipilit pa Rin niya Ito.
***
Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay sinabihan siya nila Justine na manatili lang sa loob habang natetraining na ang iba. Hindi niya alam kung bakit pero mukhang may masamang ibigsabihin ito. Ang mga natira na lang sa loob ng bahay ay siya, Si Justine, Xen at ang babaeng kasama ni Dana nung magising siya sa kwarto na iyon.
May inilapag si Xen na isang Isang picture. Tila namanhid Ang katawan niya ng Makita iyon. Si Jessa, Isa sa mga kaibigan niya ay nalamang nag apply Rin sa kumpanya ng Isa sa A3 companies.
"Same reaction pero mas fierce to" pabirong sabi ni Justine. Tinignan ni Xen ng masama si Justine.
"H-hindi Hindi to totoo diba?" Tanong niya habang humahagulgol. Isinandal ni Xen ang likod niya sa sandalan saka inilagay ang dalawang kamay sa batok. Huminga ito ng malalim at umupo ulit ng maayos.
"This is not just a business matter, Ayashan. Hindi rin ito tungkol sa syndicates this is all about survival" sagot nito sa kaniya. Sinalubong ng mga mata niya ang mata ni Xen.
"Nasa gitna tayo ng isla at napapaligiran tayo ng hide out ng tatlong malalaking sindikato, nandito tayo para magpanggap na tumutulong sa mga iyon"
"Magpanggap na tumutulong sa kanila? Well I think that's non sense! Since it is a matter of survival bakit ba nandito pa ako?" Sabi niya sabay tayo pero agad na hinawakan ni Xen ang braso niya.
"Hindi ligtas sa labas alam mo naman iyon diba?"
"AT ALAM NIYO RING HINDI LIGTAS SA KAHIT NA SAANG SULOK NG ISLANG ITO DIBA?"
"I know and we know, siguro hindi mo pa nga naiintindihan" sabi nito saka tumayo at umalis.
Kahit na mahinahon lang si Xen ay alam ni Ayas na nagpipigil lang ito. Alam niyang sa oras na iyon ay gusto na siya nitong suntukin sa mukha pero pinipilit nitong pakalmahin ang sarili.
"Hayaan na lang muna natin siya, magpapalamig lang iyon at okay na" Sabi ni Justine sabay kuha nito sa picture atsaka inilagay sa nagbabagang apoy sa labas ng hall.