Shinsen's POV
Pagpasok namin ay tapos na ang trial sa floor 2. Nagkalat ang mga patay na mobs. "Nyx?" Gulat na tanong ni Trinity. "Kayo pala... Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Nyx. "Nag tetraining kami para sa tournament na gaganapin sa school." Sabi ko. Biglang may tumalon na mob sa may likuran ni Nyx at kakagatin na sana sya pero bigla itong nahati sa dalawa.
"Sasali din kami sa tournament." Sabi ni Nyx. Paglingon ko ay may nakita akong lalake. "Sya si Jhin,nagtransfer na sya sa may school natin at sya ang magiging partner ko sa tournament. "Hello, BloodShadow ang IGN ko." Kinuha ni Nyx ang blade nya sa inventory nya.
"Siguro dapat na nating ituloy ang duel natin. Ang matatalo ay aalis sa tower." Napatingin si Nyx kay Hayley. "Kung 2 v 2 nalang kaya ang laban?"
•Jhin's party is inviting you to a duel•
[√] [×]
"Ano Trinity? Ikaw ang magdesisyon." Sabi ko sa kanya. Inilipat ko ang virtual screen sa kanya para sya ang pumindot. "Uuhhh sige..." Pagpindot nya ay nagkaroon ng barrier sa paligid. Ang tawag dito ay pvp barrier. Mapupunta ang mga duelist sa isang isolated dimension upang di sila maabala ng ibang players.
"Ok simulan na natin!" Sabi ni Nyx. Bigla syang nawala sa paningin ko at pagkita ko at bigla nalang akong nakarinig ng pagtama ng blade. Paglingon ko ay nakita ko si Trinity na sinalag ang blade ni Nyx. "Dapat inilagan mo nalang ang tira ko." Sabi nya sabay ngiti.
-3% HP
"Ack!" Daing ni Trinity. "Pero bakit? Hindi naman ako... Nasalag ko yung tira mo!!" Sabi ni Trinity. Paglingon ko ay may nakita akong mob. Agad kong inilagan ang tira nito. Tumingin ako sa may pwesto kay Jhin. May hawak syang isang libro at patuloy sya sa pagsummon ng mga mobs.
"Hhmm numbers... Tingin mo matatalo mo ako gamit yan?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nakita ang skill activation nya. Tuwing may mag aactivate ng skill ay nakikita ko. Sinugod ko ang mga halimaw na sinummon nya. Pumunta ako sa likura nito at sinubukang hatiin ang ulo nito.
Tatama na sana ang blade ng scythe ko sa kanya ngunit bigla itong nasalag ng isa pang halimaw na sinummon nya. Mukang marunong din sila mag silent casting. Ang itsura ng mga ito ay hawig sa tao ngunit may buntot ito. Nakamaskara ang mga ito at may ibat't ibang mga armas.
Nang masalag ang atake ko ay agad akong yumuko para iwasan ang palaso ng isa sa kanila. "Hahaha! Hindi mo matatalo ang mga Nether spawns ko!" Sigaw ni Jhin sa di kalayuan. Sigurado akong may mga kahinaan din sila. Pero ano?
•Fissure activated•
Iniwasan ko ang lahat ng atake ng mga nether spawns nya. Napakarami nila at at malayo pa si Jhin sa akin. Agad akong nagdash papunta sa kanya at saka ko sya sinuntok. "Ack!" Daing nya ng matamaan sya ng skill ko. Tinamaan sya may tyan at ngayun ay namimilipit na sya sa sakit.
- 63% HP
Paglingon ko ay may Nether spawn na pala sa likod ko. Mabilis itong umayake at tinamaan ang tagiliran ko.
- 12% HP
Tumalon ako pataas at saka ako nag cast ng skill.
•Limiter distortion activated•
Lumitaw ang mga kadena sa katawan ko at isa isa itong nabasag sinyales na wala na ang seal sa katawan ko. Ramdam ko ang pag daloy ng kapangyarihan sa katawan ko. Malaki ang naidagdag sa bilis ko. Mabilis akong nagpunta sa may harapan ni Jhin at itinutok ang kamay ko sa muka nya.
•Dreadful Chronic Blast activated•
Hayley's POV
Patuloy lang ako sa pag ilag sa mga atake ni Nyx. Naghihintay ako na magkaroon sya ng opening at matamaan ko sya. Pagdating sa bilis ay malaki ang lamang nya sa akin. Pero sigurado akong may kahinaan din sya. "Hindi matatapos ang laban nato pag puro ilag ka lang." Sabi ni Nyx.
•Mana Distortion activated•
Tahimik akong nag cast ng skill. Napansin kong umilaw ang blade nya at nabalot ita ng kulay itim ng na usok. Agad akong tumalon pataas para iwasan ang tira nya. Nang tumama ang tira nya sa may bato ay sumobog ito na naging dahilan ng pagkalat sa paligid ng maitim na usok. Sa sobrang kapal ng usok ay wala na akong makita.
•Mana Distortion activated•
Mabilis na nahigop ng skill ko ang usok sa paligid. Bago pa mawala ang usok ay may lumabas dito na tatlong blade. Mabilis ko itong iniwasan. Nang tumama ito sa may puno ay nagukat ako sa aking nakita. Madaming puno ang nahati at ang lahat ng ito ay nabulok.
"Inaamin ko magaling kang umiwas." Sabi ni Nyx. Hindi na sya nag aksaya ng oras at sinugod nya na ulit ako. Patuloy lang ako sa pag iwas hanggang sa- "Arrrggh!!" Daing nya nang mapunta sya sa skill na kanina ko pa iniipon.
- 44% HP
•Mana Distortion activated•
- 11% HP
"Aaahhh!!!" Sigaw nya sa sobrang sakit nang dagdagan ko pa ang skill ko. "Aaaaahhh!!!" Sigaw ko din nang makaramdam ako ng sakit. Unti unti na akong nawawalan ng kontrol sa skill ko hanggang sa naglaho ito. "Hahahahaha!!!" Hindi mo ako matatalo." Sabi ni Nyx.
Kasabay ng pagkawala ng skill ko ay nawala na din ako sakit na naradaman ko kanina. "Dito na magtatapos ang lahat!" Sabi nya. Sumugod sya sakin at sinubukan akong atakihin ngunit mabilis akong yumuko at saka ko isinaksak ang dagger ko sa puso nya. "Hm!" Nagulat ako nang ngumiti lang sya. Maya maya pa ay sumabog sya at malaki ang naibawas nito sa hp ko.
- 93.47% HP
"Hahaha!!" Narinig ko ang tawa nya sa may di kalayuan. Sa palagay ko ay gumawa sya ng clone kaninang makapal pa ang usok at saka sya nagtago. Patawarin mo ako Shinsen...
Shinsen's POV
Mabilis ako sa pagtakbo papunta sa laban nila Trinity. Narinig ko kasi ang sigaw nya kaya nagmamadali na akong pumunta sa kanya. Pagdating ko don ay nagulat ako sa aking nakita. Si Trinity... Wala nang buhay. "Mukang tayo nalang dalawa..." Sabi ni Nyx.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad ko syang sinaksak gamit ang scythe ko. Nang tumama ito sa kanya ay nagkaroon din ng hiwa sa tagiliran ko. Mabilis akong nag backstep at saka ihinanda ang scythe ko.
•Dreadful Corrosion activated•
Unti-unti, ay may lumalabas na usok sa may blade nya at kumakalat ito. Lahat ng mga nabubuhay na nadidikitan nito ay tila ba nabubulok at kung minsan ay namamatay. "Ikaw... Pinatay mo sya..." Sabi ko. Wala na akong pake sa duel na ito.
Kahit na game lang ito ay makakaramdam ka parin ng sakit. "Eh pinatay mo rin naman yung kaibigan ko ah! So it's a tie." Lalo akong nagalit nang sabihin nya ang salitang iyon. "Ikaw... Gusto kita...." Sabi ng isang boses, tila ba bumubulong ito. "Nyx!!! Madaya ka 2 v 2 lang ito pero bakit tatlo kayo nasan yung isa pa?!"
"Huh? Mukang nabaliw ka na yata." Sabi ni Nyx habang tumatawa. "Hindi nya ako maririnig." Narinig ko nanaman ang sya. Biglang sumugod si Nyx kasama ang Dreadful Corrosion nya. Agad ko itong sinangga at saka ko sya sinubukang sasakin pero nakapag backstep agad sya.
"Paghihiganti... Pagnanasang pumatay!!! Gusto ko yan~" Sabi ulit nung boses sa nakakalokong tono. "Ano bang gusto?!" Sigaw ko. "Adrian... Mukang natuluyan ka na nga..." Sabi ni Nyx. Hindi ko napasin na nakalapit na pala ang skill nya sa akin. Kakaiba ang naramdaman ko. Tila ba masusuka ako na sasabog ang katawa ko na kung ano... Ewan!!
"Tsk! Tsk! Tsk! Mali ang tanong mo bata.... Dapat ay... Ano?! Ang kailangan mo sa akin?" Sabi nanaman ng boses. Hindi na ako makapag salita o makagalaw dahil sa skill ni Nyx. "Oh ano na Adrian? Dito na magtatapos ang lahat." Sabi ni Nyx. Hindi!!! Sigaw ko sa loob ko. Kailangan kong maipaghigante si Trinity kailangan ko sya mapatay! Kailangan kong maiparamdam ang sakit na naranasan ni Trinity!
•Limiter Seal activated•
Lumitaw nanaman ang mga kadena at saka ako naitali. Ramdam ko ang sakit ng pagtama ng mga bakal sa ibat ibang parte ng katawa ko. Hindi ako dapat matalo... Tatama na sana sa akin ang dagger ni Nyx ngunit mabilis akong yumuko at saka ko iwinasiwas ang scythe ko na naging dahilan ng pag tumba nya. Tinamaan sya sa may leeg, ngayon ay pilit nyang tinatakpan ang malaking sugat nya para hindi lumabas ang maraming dugo.
- 45% HP
Pag kurap ko ay bigla nalang akong napunta sa ibang lugar. "Gusto kita bata..!" Kung ganon sya ang naririnig kong boses kanina. Nakatayo sya ngayon di kalayuan sa akin sa may madilim na parte. Ako naman ay nakatayo sa may kalagitnaan, kung saan nagdidikit ang itim at puti ang liwanag at kadiliman. "Huwag Shinsen!!! Wag kang magkakamaling pumunta sa kabila!" Sabi ng isang pamilyar na boses.
Pagtingin ko sa may kabilang side ay nakita ko si Joker. "Eeehh??!! Ano ba Joker? Hayaan mo naman akong magsaya! Lagi nalang kayo ang nasusunod!" Sabi ulit nung nasa kabila. "Tumigil ka Helix! May nakakain na ng demonic fruit at sya ang bantayan mo!!!" Sabi ni Joker. Sandaling natigilan si Helix at nag-isip saglit. Nag open sya ng portal. "Payong kaibigan, Wag mo syang aalisin sa paningin mo kung ayaw mong maibalik ang dati." Sabi nya bago sya pumasok ng portal.
"Shinsen... Pano ba kayo nagkita?" Tanong ni Joker. Nilapitan ko sya at saka ikwinento ang lahat. "Ah ganun pala... Sya nga pala ang isa sa mga guardian ng Yggdrasil, ang pinagmulan ng limang astral fruits." Sabi ni Joker. Bakas parin sa muka nya ang pagiging seryoso dahil sa pangyayari. "Sya ang Guardian ng Demonic fruit. Shinsen!" Biglang sumigaw si Joker. "Ano po yon?" Sabi ko.
"Wag kang magkakamaling pumunta sa kadiliman. Hindi maganda ang maidudulot nito... Pakiusap. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi." Sabi nya. Nag open si Joker ng portal. "Ito ang daan pabalik. Kung gusto mo ay maari ka nang bumalik. "Kung ganon ay pwede po akong manatili dito?" Tanong ko sa kanya. "Kuna ako sayo ay pupuntahan ko na ang kaibigan ko sa kabilang mundo." Nang sinabi nya yon agad akong nag log out.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad akong lumabas ng kwarto para kamustahin si Hayley. Paglabas ko ay nakita ko sya na kumakain. "Oiy... Sorry kanina ah... Hindi kita kayang protektahan..." Sabi ko sa kanya. Napatingin sya sa akin at nakita ko ang lungkot sa muka nya. "Adrian, sorry kasi ang hina ko..."
"Hmm kaya nga tayo nagpapractice eh. Saka ok lang yon may dalawang araw pa naman tayo. Sa ngayon ay matulog na muna tayo." Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mag ring ang cp ko. "Oiy Hayey... Good news! Wala tayong pasok ng dalawang araw sa tournament na ang pasok natin!" Sabi ko sa kanya.
01010000 01110010 01101111 01101010 01100101 01100011 01110100
Pagkagising ko ay agad na akong bumangon para maglinis. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Hayley na nanonood ng tv. "Goodmorning Adrian!" Bati nya sa akin. "Goodmorning din." Sagot ko. Nilapitan ko sya. "Kumain ka na ba?" Tanong ko. "Ah kakain palang ako. Hinihintay ko lang yung inorder kong pagkain." Sabi nya.
Pumunta muna ako sa may kusina nagluto ng makakain ko. Sumagi sa isip ko ang nangyaring laban namin ni Nyx. Napakalakas nya at tila ba gumagamit sya ng mga poison at curse base na mga skill. Kung tama ang iniisip ko ay isa sya sa mga royals, ang Cursed fruit. Si Jhin naman at nag summon ng nether spawns kaya may maliit na chance na isa din sya sa mga royals, ang demon fruit.
Pagkakain ko ay naglinis muna ako ng buong apartment at saka ako nagpahinga saglit. "Uhhh Hayley magsosolo muna ako ngayon." Sabi ko sa kanya. "Ahhh sige... Mag oonline na din ako mamaya para mag practice. Kung may time ka pag usapan natin yung strategy natin para sa tournament." Sabi nya.
[Starting character link]
♦Initiating Full Dive Mode♦
Pagpasok ko sa game ay agad akong nagteleport sa may Capital. Kailangan kong kunin ang subclass ko para lumakas. Nagpunta ako sa may guild hall at kinausap ang isa sa mga NPC o non player character. "Hmmm dito ba makakakuha ng quest para sa subclass?" Tanong ko. "Pasensya na pero sa ngayon ay naubos na ang mga quest para sa sub class. Kung gusto mo ay bumalik ka nalang pagkatapos ng limang araw." Sabi nito.
Nagpasalamat ako at umalis sa guild hall. Kailangan kong makahanap ng magandang subclass. Inabot ako ng ilang oras sa paghahanap ngunit nabigo ako. Kailangang kailangan ko na iyon. Di nagtagal ay sumuko na ako sa paghahanap at pumunta nalang sa may Strea Forest para magpalevel.
Patuloy lang ako sa pagpapalevel hanggang sa makarating ako sa gitna ng Strea forest. May nakita akong isang bahay. Katamtaman lang ang laki nito. Maya-maya pa ay may lumabas na matanda sa bahay. "Ahh magandang umaga ginoo. Ano ang maipaglilingkod ko?" Sabi ng matanda. "Aahh napadaan lang po ako."
"Ako nga pala si Larith. Pagmamay ari ko ang bahay na ito. Hhmmm mukang wala ka pang sub class..." Sabi ng matanda. Nagulat ako sa sinabi nya at hindi naiwasang magtanong. "P-paano nyo po nalaman?" Tanong ko. "Pasensya na. Minsan ay hindi ko talaga maiwasang gamitin ang Analysis skill ko. Kung gusto mo ay mabibigyan kita ng sub class ngunit kailangan mo akong tulungan." Sabi ng matanda.
"Aahh sige po. Pero ano po ba yung mga quest at yung sub class na ibibigay nyo?" Tanong ko. "Aaahh ito pala ang mga quest..." Sabi nya sabay bigay sa akin ng isang lumang scroll. Agad kong tinignan ang mga quest.
• Kill the Nature Devouring Dragon
• Deliver a special package to Kimmy
• Kill the Chaos demon
• Find Stratos and deliver a message
• Bring back peace to Strea Forest
"Pwede mo namang tanggihan ang quest na iyan..." Sabi ng matanda. "Tutulungan po kita!!! Tatapusin ko po ang quest na ito lolo." Sabi ko. "Ahh pakiusap Larith nalang ang itawag mo sa akin. Hhmmm naalala ko nasa pinaka baba pala ng scroll na iyan ang sub class na makukuha mo....." Sabi ni Larith.
Tinignan ko ang subclass sa ibaba at nagulat ako sa aking nakita. Sandali akong napaisip at hindi makapaniwala sa aking nasilayan. "Ang subclass na ito... Ito ay!!!!"