Tinignan ko ang subclass sa ibaba at nagulat ako sa aking nakita. Sandali akong napaisip at hindi makapaniwala sa aking nasilayan. "Ang subclass na ito... Ito ay!!!!"
"Ang Spectre class ng Grand Hero. Ang Grand Hero na tumalo sa Demon Lord matapos ang ilang milenya." Sabi ni Larith. "Kailan ko po ba pwedeng simulan ang quest?" Tanong ko. Pumasok sya sa may bahay at saka ko sya sinundan. "Pakibigay ito kay Kimmy. Nakatira sya sa may Eicart city. Hanapin mo ang bahay na abot ang buwan at araw. Doon mo sya makikita." Sabi nya sabay abot sa akin ng isang bag.
"Aahhh nga pala... Pag may napansin kang kahina hinala ay pumunta ka agad dito at wag mo na munang ituloy ang quest na yan. Pumasok ka nalang sa may loob ng city at manatili doon ng limang minuto o higit pa. Pagkayapos non ay basagin mo ang kristal na ito." Sabi ni Larith. "Sige po..."
Nagpaalam na ako sa kanya para masimulan ko na ang quest ko. Paglabas ko ng bahay ay may mabilis akong tumakbo papunta sa Eicart city. Pagdating ko sa harap ng city ay may mga guard na nagbabantay. "Pasensya na pero bawal muna pumasok sa Eicart city. Bumalik nalang kayo sa susunod na linggo." Sabi ng isa sa mga guard. "Pero... May idedeliver po ako sa taong nagngangalang Kimmy." Sabi ko.
Napansin kong biglang natigilan ang mga guard. "Anong meron dito?!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Nang marinig yon ng mga guard ay agad silang nagbigay galang sa babae. "General Kimmy... May lalake po na gusto kayong makita." Sagot ng isa sa kanila. Nilapitan ako ng babae. "Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ni General Kimmy.
Sasagot na sana ako nang may mapansin akong kahinahinala. May kung anong bumabalot sa kanya. Sandali ko pa itong sinuri at napansin kong hindi normal ang pagdaloy ng mana nya. Ito ay nakabalot sa katawan nya. "Hanggang kailan mo pa ako tititigan?" Tanong ng General. "Pasensya na po. Meron po kasing nagpadeliver ng Guardianite at sabi po ay ibigay ko sa inyo." Pagkasabi ko non ay dahan dahan akong pumasok sa palasyo.
"Sa pagkakaalam ko ay ipinagbabawal ang transaksyon sa labas city. Guards..." Sabi ni General Kimmy. Agad na pumalibot sa akin ang mga guard na nagbabantay kanina. Sabi na nga may kahina-hinala dito eh. Malaki talaga ang naitutulong ng kaliwang mata ko. "Mali ang ginawa mo tao... Pagsisisihan mo na pinasok mo ang Eicart city."
Agad akong sinugod ng isa sa mga guard. Sinubukan ako nitong saksakin pero agad akong nag sidestep at saka ko sya hinati sa dalawa. Mamatay na sana ang isa sa mga guard pero may di inaasahang nangyari. Pagkahati ko ay agad na bumalik sa dati ang hati na katawan ng guard.
"Bata, puntiryahin mo ang puso nila dahil yun ang kahinaan ng mga regenerative." Nagulat ako sa aking nakita. Nasa likuran ko na si Larith at sinasalag nya ang mga tira ni General. "Binibini, maari ka bang magpakilala?" Tanong ni Larith. Nang masalag ni Larith ang tira ng General ay mabilis itong nag backstep.
"Hindi mo na kailangang malaman ang pangalan ko dahil mamamatay ka na lang din naman." Sabi ng General. Nag iba ang itsura nito at naging isa itong babaeng demonyo.
•Chaos Demon•
Rank:S+
HP:100%
Level:???
Nang makita ko ang status nya ay agad ko syang sinugod. Ang kaharap ko ngayon ay ang isa sa nga quest ko. Lumitaw nanaman ang mga kadena sa paligid ko ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito pumalipot sa akin. Sa halip ay pumunta ito sa may scythe ko. May mga kulay itim na kuryente na lumalabas sa may mga kadena sa scythe ko.
•Sealed Superior Drive activated•
Agad akong pumunta sa may likod ng Chaos Demon at saka ko ipinatama ang skill ko sa kanya. "Hhmm bata sabihin mo naman kung magpapalit tayo ng kalaban." Sabi ni Larith. Napakabilis nya at sa isang kurap lang ng mata ay bagsak na agad ang lahat ng mga kalaban ko kanina. "Aaahhh... Mali yan. Wag kang puro sugod lang... Tignan mo din ang galaw nya." Sabi ni Larith.
•Escape Burst activated•
Dumaplis lang ang skill ko dahil nagcast agad sya ng teleportation skill para makalayo. Nang mawala sya ay nagkaroon ng maliit na bola ng apoy sa pwesto nya kanina. Nang makita iyon ay mabilis akong lumayo at saka nag cast ng skill.
•Overturn barrier activated•
Binalot ko ng barrier ko ang skill para hindi malakas ang pagsabog. Kakaiba ang barrier ko, pag ang skill ng caster ay tumama sa barrier ko ay babalik ang damage sa kanya ng dalawang beses. Physical man ito o magic. "Aahhh... Mukang karapat dapat ka nga bata. Nagsisimula na akong maiinggit dyan sa mata mo." Sabi ni Larith.
"Kung ang Kimmy po na yon ay peke..." Sandali akong napaisip. "... Bata... Sinabi ko na sa iyo. Ang tirahan na abot ang araw at buwan." Sabi ulit ni Larith. Napansin kong unti-unti syang naglalaho. "Paalam na muna bata. Magiging kumplikado ang lahat pag nakita nya ako. Mas makabubuti kung isusuot mo ito." May ibinigay sa akin na maskara si Larith.
Nagpaalam na ulit ako kay Larith. Matagal-tagal kong nilibot ang Eicart City. Di mawala sa isip ko kung nasaan ang mga taong dating naninirahan dito. Napagpasyahan ko nang isuot ang maskara na ibinigay ni Larith. Ang itsura nito ay parang sa bungo. Natatakpan ng maskara ang kanang mata ko. Napansin ko na pag ang kaliwang mata ko lang ang nakabukas ay mas lumalakas ang mata ko. Tila ba mas nakakapagfocus ako.
Napadpad ako sa isang malawak na parke. Nang ilibot ko ang tingin ko ay may nakita akong isang observatory. Mukang ito na ang sinasabi ni Larith. Maya-maya pa ay may nakita akong mga Demon na nagpapatrol. Agad akong nagtago, inakyat ko ang puno di malayo sa akin. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Wala na ang general. Siguro dapat patayin na natin ang mga bihag sa obserbatoryo." Sabi ng isa sa mga Demonyo.
"Hmmm oo nga... Tapos pagkatapos non ay bumalik na ta-ack!!!" Biglang bumagsak ang isa sa mga demonyo. Hati na ang katawan nito at binutas ko ang puso nya. "Ah-aahhh!! Sino ka?!" Gulat na tanong ng demonyo. Agad ko syang sinuri at habang pinipigilan ang pag galaw nya.
•Demon Captain•
Rank:A
Level:32
Hp:97%
"Nasaan ang mga sinasabi nyong bihag?" Tanong ko sa kanya habang unti-unting lumalapit sa leeg nya ang talim ng scythe ko. "Hehe... Hindi matalim yan... Staff lang yan na mukang sctyhe..." Sabi nya saka nya ako biglang sinipa. "Hhmmm dapat ka nang mamatay. Ikaw palang ang kauna unahang nakaalam nito." Sabi ko sa kanya.
•Fissure activated•
Mabilis akong nagdash sa kanya at saka ko sya sinuntok sa may bandang tuhod. "Ah-ack!!! P-pero isa kang mage!!!" Sabi ng Demon Captain habang hirap maglakad. "Sabihin mo kung nasaan ang mga bihag at hahayaan kitang mabuhay." Sabi ko sa kanya saka ko ibinalik sa inventory ko ang scythe ko. "Uuhhh... Napilitan lang naman ako... Pag tinulungan kita, hahayaan mo naman na ako diba?" Tanong nya.
"Paano ako makakasigurado na hindi mo ako lolokohin?" Tanong ko sa kanya. Palihim kong iniipon ang mana ko sa itaas habang binabalutan ito ng barrier para hindi ma detect. "Ibibigay ko sayo ang lahat ng mana ko at ang weapon ko. Pakiusap may pamilya ako... Kailangan pa nila ako kaya wag mo akong patayin..." Kinuha nya ang sword nya sa may likod nya at saka ito ibinigay sa akin. "Sa totoo lang ay may naisip na akong paraan para makapasok ka."
Rak's POV
"Napagpasyahan kong magpatrolyo at may nakita akong bihag. Ikulong mo sya sa may kulungan ng Light successor. Mag ingat kayo sa batang yan. Maging ako ay nahirapang pigilan iyan." Sabi ko sa mga tauhan ko. Nang makuha nila ang tao ay sinamahan ko sila upang makasigurado na maikukulong sa may kulungan na iyon ang nahuli kong tao.
"Sir kami na po ang bahala dito." Sabi ng isa sa mga tauhan ko. Sinenyasan ko nalang sila na umalis. "Ako na ang bahala dito. Higpitan nyo nalang ang seguridad sa may pasukan dahil baka dimating ang nga kasamahan ng taong ito." Sabi ko. Nang maipasok ko ang bihag sa kulungan ay umalis na ang mga kawal.
Shinsen's POV
"Uuhh ikaw ba ang tinatawag nila na Kimmy?" Tanong ko sa maliit na bata sa harapan ko. "Hoy!!! Bat ganyan ang tingin mo sakin?! Eh ano ngayon kung ako nga? Hmf!" Sabi nito sabay talikod. "Uuhh bata, may pina-" Biglang natigil ang pagsasalita ko nang bigla syang tumalon sa akin at hinawakan ang leeg ko. "Hindi na ako bata ok?! Maliit lang ako... Pero ilang milenya na ako nabubuhay." Sabi nya sa akin.
"Ano bang kailangan mo?!" Naiiritang tanong nya sa akin. "Gusto po itong ibigay sa inyo ni Larith." Sabi ko sa kanya saka ko iniabot ang isang kakaibang box.
"... Larith... B-bu-buhay sya..." Sabi nya. Kinuha nya ito, unti-unti ay naluluha sya. Hindi ko alam kung luha ba ito ng kalungkutan o kaligayahan. "Salamat." Sabi nya saka nya binuksan ang box.
Nang buksan nya ito ay may lumabas na liwanag sa box at unti-unti syang nabalot nito. Tila ba tumigil ang oras at nakaramdam ako ng malakas na enerhiya. Dahil sa kaliwang mata ko ay nakikita ko ang pag daloy ng light element sa paligid. Sa kapal nito ay hindi ko na sya halos makita. Nang tumingin ako sa kahon ay namangha ako sa nakita ko. Tila ba nalilipat ang lahat ng enerhiya sa box papunta sa kanya.
Nang matapos ito ay nag iba na ang itsura nya. Maliit parin sya at ka height ng grade 6. Napaka ganda nya at tila ba nakatingin ako sa isang dyosa. Tingin ko na inlove na ako... Ang problema lang ay muka talaga syang bata.
"Naibalik na ang kapangyarihan ko. Tara na iligtas ang mga tao dito." Sabi ni Kimmy. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang demon captain. "Pasensya na sa pag antala ngunit parating na ang nga tauhan ko." Lumabas kaming dalawa ni Kimmy sa may kulungan namin. "Maaari ka nang umalis at bumalik sa pamilya mo." Sabi ko sa Demon captain. "Masusunod po..." Sabi nito habang nakayuko.
Nang naglaho na ang captain ay napagpasyahan na naming palayain ang mga bihag. Habang papunta kami sa kulungan ng mga bihag ay kinausap ako ni Kimmy. "Ang maskarang yan... Sa Grand Hero yan. Pero ang mata mo... Galing yan sa Demon Lord." Sabi nya sa akin habang patuloy kami sa pag akyat sa may hagdan. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Bigla syang huminto at hinarap ako. "Saan ka nakapanig?!" Tanong nya sa akin.
Bigla akong kinabahan ng makita kong walang emosyon ang muka nya. "Nakapanig ako kung saan ang tama." Sabi ko sa kanya. Nang marinig nya iyon ay nagpatuloy na sya sa pagtakbo. Pagkatapos non ay hindi na sya nagsalita. "Saan kayo pupunta?!" Sabi ng isa sa mga demon. Nakarating na kami sa kulungan ng mga bihag ngunit napakaraming demon ang nagbabantay dito.
•Divine Tribulation activated•
Itinapat ni Kimmy ang kamay nya sa mga Demon. May maliit na bola na ilaw na naipon dito. "Ahahaha!!! Tingin mo matata-aaaaaaahhhh!!!" Daing ng isa sa mga demon ng tumama ang laser na galing sa may bola na ilaw sa may kamay ni Kimmy. Pagkatapos non ay napuno ng mga sigaw ng paghihirap at sakit ang buong obserbatoryo.
Sa isang iglap ay naubos ang lahat ng mga demonyo sa aming harapan. Nang maglaho ang mga demonyo ay hinati ko na ang mga lock sa mga kulungan para mapakawalan ang mga bihag na mamamayan ng Eicart City. "Ang Grand Hero!!!" , "Totoo sya! Ang alamat ay totoo!" , "Maraming salamat po sa inyo!!!" Sigaw ng mga NPC (nonplayer characters) sa akin.
Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na batang babae. "Napakatapang nyo po Grand Hero. Salamat po sa pagligtas nyo sa amin." Sabi ng bata. "Hindi ako ang Gra-" Sasabihin ko na sana na hindi ako ang tinutukoy nila ngunit biglang nagsalita si Kimmy. "Tama sya hindi lang sya ang nagligtas sa inyo." Sabi nya sa mga mamamayan ng Eicart city. "Ngayon ay bumalik na kayo sa mga tahanan nyo at mag-uusap lang kami ng Grand Hero." Sabi ni Kimmy sabay hawak sa balikat ko.
•Heveanly Rift activated•
Bigla kaming napunta sa may pinaka itaas ng obserbatoryo. "Larith... Alam kong nandyan ka!" Sigaw ni Kimmy. Nagulat ako nang siinabi nya iyon. Maya maya pa ay lumitaw si Larith sa may harapan namin. "Uueehhhh... L-larith... Buhay ka!!!" Sabi ni Kimmy habang umiiyak. Nang makita nya si Larith ay niyakap nya ito. "Naguguluhan ako..." Sabi ni Kimmy.
"Sya nga pala si Shinsen... Kakaiba ang batang ito..." Sabi ni Larith kay Kimmy. Tumingin si Kimmy sa akin at saka tinanong ulit si Larith. "Taglay nya ang kapangyarihan ng Demon lord at Grand hero.... Ano ba talaga sya?" Natawa naman si Larith. "Sya ang pipigil sa paparating na pagkasira. Naisulat na ang bagong propesiya." Sabi ni Larith.
"A-anong ibig mong sabihin?!" Tanong ko sa kanya. Maging ako ay naguguluhan na din sa mga nangyayari. "Bilang pasasalamat ko ay ibibigay ko sayo ito... Ito ang isa sa mga ala-ala ng Grand Hero. May ibinigay sa akin na bola ng apoy. Nang una ay nag dalawang isip ako kung hahawakan ko ito. Nagpasya akong hawakan ito at nang dumikit ito sa balat ko ay nagulat ako. Hindi sya ganun kainit at tila ba nakaramdam ako ng lungkot bigla.
Nang mahawakan ko ito ay marami akong biglang naalala. Ang pamilya ko... Kung paano sila namatay. Kung paano sila pinatay sa harapan ko. Hindi... Kulang... Kulang ang ala-alang ito. "Sabihin mo! Saan mo nakuha ito!!!" Hindi ko napansin na nasigawan ko na pala si Kimmy habang hawak ko ang braso nya ng mahigpit.
"Paumanhin pero wag mong tratuhin ng ganyan ang God of Light." Sabi sa akin ni Larith saka nya ako sinipa ng napaka lakas.
-93% HP
Hindi ko napansin ay may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. "Nakikiusap ako... Kailangan ko ang mga yon..." Sabi ko sa kanya habang hirap akong tumayo. Ang mga ala-ala ko... Gusto ko na silang bumalik. Ayoko na ng ganito... Napansin ko ang ekspresyon ng muka ni Kimmy. Gulat na gulat sya at tila ba alam nya ang sakit na nararamdaman ko.
"I-ikaw!!! Alam mo ang nakaraan ko?!" Tanong ko sa kanya. Lalapitan ko ulit sana sya ngunit hindi ko namalayan ay nakatutok na pala ang talim ng scythe ni Larith sa leeg ko. Nagsalita si Kimmy. "I-i-ka-kaw... Ikaw... Ang-"