Chereads / Project: Spectre / Chapter 12 - Chapter 11: Error

Chapter 12 - Chapter 11: Error

Nagulat ako sa aking nakita. "Mas makabubuti kung ibibigay mo nalang sakin ang blacksmith na yan." Sabi nya. Hindi muna ako gumalaw at inipon ang mana ko sa aking paa. Nang mapansin nya yon ay tumalon sya palayo sa akin. "Kung iyan ang nais mo..." Bigla akong nakaramdam ng napakaraming mana sa itaas ko. Pagtingin ko ay marami ng mga tao sa itaas.

"Bibigyan ulit kita ng pagkakataon... Ano ang desisyon mo?" Tanong nya. "Sa totoo lang ay nais ko nang patayin ka ngayon... Ngunit kailangan ko pang makuha ang kapangyarihan na nararapat sa akin." Nang sabihin nya iyon ay nagkaroon ako ng kaunting pag asa. "Bata... Ano ang desisyon mo?" Tanong nya sakin. Pinagmasdan ko silang lahat. Nakasuot sila ng mga maskara. Wala itong muka at purong itim lang.

•Overturn barrier activated•

Pinasok ko sa loob ng barrier ang blacksmith para protektahan ito. "Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo." Sabi ng lalaki. Agad syang nagdash papunta sa akin at sinuntok ako. Hindi ako agad nakapag react sa ginawa nya kaya tumama sa muka ko ang suntok nya. Pababa ang pag suntok nya kaya ginawa ko itong oportunidad para masipa ko sya. Habang patumba na ako ay agad ko syang sinipa.

- 6% HP

Dahil sa pagsipa ko ay nabawasan ang pwersa ng pagsuntok nya. Sandali akong nakampante ngunit nakaramdam ako ng pagdaloy ng mana sa kamay niya. "Aaaaaarrrc smite!!!" Sigaw nya. Tuluyan na ako bumagsak sa lupa kasama ng kamao nya. Naibaon ako sa lupa at bigla akong nakaramdan ng matinding hilo.

-63% HP

"Tuwing gagalaw ka ay mababawasan ka ng buhay. Kaya kung ako sayo ay dyan ka nalang." Sabi nya. Bakit ba ako nagkakaganito. Bakit ko sya tinutulungan. Dahil ba muka silang masama? Parang may iba pang dahilan... Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Nang subukan kong gumalaw ay nakaramdam ako ng napakatinding sakit.

-4% Hp

Sandali akong hini nakagalaw at tila ba huminto ag mundo ko sa sobrang sakit. "Kun- aya-- mo--g m-mat-y ay wa- ka nal-ng gum-la-." Halos hindi ko na maintindihan ang simasabi nya.

Mabilis kong pinadaloy ang mana sa buong katawan ko at binawasan nito ang sakit. Nang maramdaman ko na kaya ko nang gumalaw ay agad kong inilabas ang scythe ko at saka ko iwinasiwas sa kanya. Tatama na sana ang patalim nito sa kanyang leeg nang mabilis nya itong naiwasan.

Agad akong tumalon palayo gamit ang natitira kong lakas. Sa di kalayuan ay may napansin akong gumagalaw sa di kalayuan. Malabo na ang paningin ko kaya di ko na malaman kung isa ba iyong halimaw o player. "Adrian!!!" Biglang akong kinabahan nang marinig ko ang isang pamilayar na boses. Hindi... Bakit nag online ka pa!

"Hmmm... Sino naman ang isang ito?" Sabi ng lalaki. Agad akong sumigaw. "Hayley!!! Umalis ka na!!! Mag log out ka na!!!" Ginamit ko na ang halos lahat ng lakas ko sa mga salitang iyon. Sa isang iglap ay nawala ang lalaki sa tabi ko. "Hhh-hindi..."

Sa panghihina ko ay bumagsak ako. Ang kaninang tumatakbo papalapit ay bigla nalang bumagsak. Sa likuran nya ay may isa pang anino. Kahit malabo ang mata ko. Kahit hindi na ako masyadong nakakarinig. Malinaw na si Hayley ang bumagsak na anino. "I-ikaaawww!!!" Pilit kong sigaw.

"Wag kang mag alala batang Stillwater. Pinatulog ko lang siya saglit upang hindi na makagulo sa misyon ko." Lumakad sya palapit sa barrier at nagsalitang muli. "Oras na para itigil ang paglalaro." Nakaramdam ako ng napaka dilim na mana. Naipon ito hanggang sa bigla nalang...

•Silver Night Blow activated•

Sinuntok nya ang barrier na ginawa ko. Sa isang iglap ay nawasak ito. Hindi ko na nasuportahan ang barrier dahil sa panghihina ko. "Dito na nagtatapos ang munti nating kasiyahan." Yung ang mga huling katagang kanyang sinambit bago sya tuluyang maglaho.

Sandali akong nagpahinga upang makabawi ng lakas. Maya-maya pa ay unti unti na akong gumapang papunta sa lokasyon ni Hayley.

Nang makarating ako ay bigla akong nakaramdam ng napakatinding takot. Unti-unti ay nawawalan sya ng buhay. Ang kinahihigaan nya ay punung puno ng kanya dugo. Agad akong gumapang upang mas makalapit sa kanya. Idinikit ko ang kamay ko sa butas sa kanyang dibdib at dahan dahan na nag ipon ng mana upang mapagaling ito. Ilang minuto itong nagpatuloy at muli ay nawawalan nanaman ako ng lakas.

Bigla kong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Nanghihina na ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila ba hindi na laro ang lahat ng nangyayari. Hindi na ito isang virtual reality game. Pinipilit kong lumaban. Kailangan ko pang mapagaling ang sugat ni Hayley. Hindi ko napansin na nagamit ko na pala ang lahat ng lakas ko.

Hayley's POV

Pagdilat ko ay nakaramdam ako ng kamay sa aking katawan. Nagulat ako at patingin sa tabi ko. Nakita ko si Adrian na nakaakap sa akin. Hinang hina at walang malay. Nagulat ako kaya bigla ko syang naitulak. Napansin kong madilim na ang piligid kaya agad akong tumayo para obserbahan ang paligid.

Nabigla ako nang mapansin kong wala na akong nararamdamang sakit. Inalala ko ang mga pangyayari. Ang paglaban ni Adrian sa halimaw, sa mga misteryosong players at ang mabilis na pag atake sa akin ng isa sa kanila.

Nang mapansin kong ligtas ang paligid ay agad kong nilapitan si Adrian. Wala parin syang malay. Sa pag aalala ko ay agad ko na syang binuhat papunta sa village. Habang nasa daan kami ay may nakasalubong akong grupo ng mga halimaw.

•Silver Sloth•

Hp:100

Level:32

Rank: B-

Kahit B- lang ang kalaban ay kailangan ko parin na magtago. Muka silang mga normal na sloth. Ang pagkakaiba lang ay mabibilis itong gumalaw at mas matatalim ang mga kuko nito. Nag iba ako ng daan dahil grupo ang mga silver sloth kung umatake. Lalo pa akong mahihirapan dahil buhat-buhat ko sa aking likuran si Adrian.

"Mhmmm..." Agad akong huminto nang marinig ko si Adrian. Ibinaba ko sya upang tignan. "Hayley... Sorry..." Pilit nya na pagsasalita. "Tara na mag log out para makapag pahinga ka na." Ang balak ko ay sa village na kami magla-log out para ligtas ngunit pagod na pagod na sya kaya dito nalabg muna. Binuksan ko ang menu at pinindot ang log out.

[Access denied]

Nagkatinginan kami ni Adrian. "Anong nangyayari?!" Gulat na tanong ko. Napayuko nalang si Adrian at tila ba nag iisip. "Tara na muna sa village at dun nalang natin pag usapan yan." Sabi ko at saka tumalikod sa kanya upang mas madali syang makasakay sa likod ko. Sandaling pumasok sa isip ko ang magpanic pero wala itong magandang maidudulot.

Ilang segundo ang lumipas at di parin sya tumatayo. Paglingon ko ay nakatingin lang sya sa gilid. "Uuuhh... Adrian?" Mukang nahihiya sya. "Kailangan ba talagang buhatin mo ako?" Tanong nya. "Kailangan na nating pumunta sa ligtas na lugar para magamot yang mga sugat mo." Sabi ko.

Bubuhatin ko na sana sya nang biglang may naramdaman akong papalapit. Ihinanda ko ang dagger ko at nagmasid sa paligid. Maya-maya pa ay may player na tumatakbo at marami rin itong sugat. Nang makita nya kami ay agad itong sumigaw. "Wala na tayong pag asa!!! Hindi na ito laro!!! Sira na ang village!!" Sigaw nito bago tumarak ang isang palaso sa puso nito.

•Light Stopper Aura acticated•

Mabilis na naglaho ang presensya namin upang makapag tago sa kalaban. Kung tama ang narinig ko ay hindi na ligtas ang village na pupuntahan namin. "Hayley... Anong nangyayari?" Tanong ni Adrian. Mukang hinang hina parin sya at hirap gumalaw.

•Forest Ogre•

Hp: 87%

Level: 50

Rank: A

Magsasalita sana ako nang may biglang dumaan ba Forest Ogre sa harapan namin. May dala-dala itong malaking pana. Mukang ito ang pumatay sa player kanina. Sinenyasan ko si Adrian na tumahimim muna at wag munang gagalaw. Nang tumango ito ay mabilis akong nagpunta sa likod ng Forest Ogre.

•Mysterious Blood Smite activated•

Bigang nagkaroon ng mark sa may batok ng ogre. Hindi ito naalaerto sapagkat ako lang ang nakakakita nito. Tumalon ako at saka isinaksak ang dagger ko sa may mark. Pagbaon ng dagger ko sa batok nya ay biglang may lumitaw na mark sa balikat nito sa dalawang side.

- 36% HP

Agad akong tumalon.

•Enigmatic Wind Blade activated•

Tinamaan ko ang dalawang mark.

-17% HP

-17% HP

Halos hindi nakapag react ang Forest Ogre sa bilis ng pangyayari. Umilaw ang mga tinamaan kong mark at bigla itong nagliyab. Hindi na nakasigaw ang ogre nang bigla itong higupin ng nagliliyab na seal. Agad itong naglaho at walang naiwan na bakas.

Binalikan ko si Adrian ngunit wala na sya sa pwesto nya kanina. Agad akonh nabalot ng kaba at agad na umakyat sa puno upang mas madali syang mahanap. Sa halip sa ni Adrian ang makita ko ay nakita ko ang sira sirang village sa hindi kalayuan. Lalo akong kinabahan kaya ipinag patuloy ko nalang ang paghahanap.

Pagtalon ko ay nagulat ako sa sumunod na nangyari. Bigla akong nilamon ng liwanag at tila ba dinala ako sa ibang lugar.

Adrian's POV

Halos hindi na ako makakita. Lalo nang dumidilim ang paningin ko. Tila ba naglalaho ang liwanag sa paligid ko at nilalamon ako ng kadiliman. Pinipilit kong gumalaw ngunit tila ba bumiga ang mga kamay ko. Pinilit ki din na sumigaw ngunit walang boses na lumalabas.

Unti-unti ay may naririnig akong mga bulong. Hindi ko ito maintindihan. Tila ba may mga tao sa paligid ko na nagsasalita ng pabulong. Ikinalma ko ang sarili ko. Di tumagal ay biglan lumiwanag ang kapaligiran. Nawala ang mga boses na naririnig ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nagulat ako sapagkat wala na ako sa sa kinaroroonan ko kanina. Mag aalala sakin si Hayley. Nagulat ako nang maramamdaman ko ang mana sa paligid ko. Tila ba nakikita ko ang paligid kahit saang anggulo. Nilawakan ko ang pakiramdam ko at napansin ko nasa isang palasyo ako.

Hindi ko muna idinilat ang aking mata upang malaman ang hangganan ng kapangyarihang ito. Maya-maya pa ay may naramdaman akong may buhay sa paligid.

Parang isa itong tao ngunit mas mayangkad ito. Nakamaskara at nababalot ang kanyang buong katawan ng isang makapal na tela. Mabagal lang ang pag galaw nito at tila ba nagpapatrolya. Kinuha ko ang scythe ko sa invetory ko ngunit agad ko itong naibagsak. Mukang hindi ko pa nababawi ang lakas ko. Agad kong pinakiramdaman ang paligid at naalerto ako nang mabilis na itong tumatakbo papunta sa akin.

•Goul King Thratos•

Hp: 100%

Level: 150

Rank: SS

Hidden Mission: Kill the sealed soul of the fallen king of this castle.

Reward:

Gakuzen: A castle that exist in a different dimension.

Mask of the God of Death: A mysterious mask that exist since the era of creation.

Nagulat ako nang makita ko ang mga rewards ng system. Kailangan kong mabawi agad ang lakas ko. Agad kong ibinalik sa inventory ang scythe ko at mabilis na tumakbo. Napansin kong hindi parin umaalis sa pwesto ang Goul King kaya sinamantala ko ang sitwasyon. Agad akong pumasok sa unang kwarto na nakita ko. Pagpasok ko ay isinara ko agad ang pinto at napaupo dahil sa pagod.

Sandali kong binuksan ang system. Naalala ko ang nangyari kanina kaya sinubukan kong pindutin ang log out.

[Error]

Nakapagtataka ito. Magka iba na ang binigay na message ang system. Tila ba may malaking nangyayari sa laro ngayon. Malaking problema ito. Iginala ko ang aking tingin at napansin ko sa isang library pala ako napadpad.

Agad akong gumala at naghanap ng libro na makakatulong sakin. Ngunit sa isang iglap ay biglang nagdilim ang paligid. Nakarinig ako ng iba't ibang ingay. Tila ba tinutulak ang mga lalagyan ng libro at may nga nagliliparang mga papel. Nang magliwanag na ulit ang lahat ay nagulat ako sa aking nakita.

Nasa library parin ako ngunit nagbago na ang ayos ng paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata at ginamit ang mana sense ko. Iginala ko ang pakiramdam ko ngunit hindi ko makita ang itsura ng lugar. Tila ba may pumipigil sa akin. Pinagmasdan ko ang lugar at napansin ko. Nasa isang maze na pala ako.

Maglalakad na sana ako nang may maramdaman akong presensya sa aking likuran. Agad akong nagdash palayo sabay tingin.

•Goul King Thratos•

Hp: 100%

Level: 150

Rank: SS

Agad akong umiwas ng sinubukan nya ako hatiin gamit ang sword nya. Halos kasing laki ng hari ang sword nya. Mabagal ang pag galaw nito dahil sa bigat kaya madali akong nakaiwas. Ngunit nang tumama ang sword nya sa may semento ay agad na nag crack ang tinatapakan namin at lumikha ng shock wave.

Tumilapon ako ng malayo. Nang sulyapan ko ang hari ay nawala sya sa kinaroroonan nya kanina. Agad akong umikot sa ere para makontrol ang landing ko. Pagbaba ko ay agad akong tumakbo at naghanap ng matataguan.

Hindi pa ako nakakarecover sa pinsala ko kaya hindi ko pa sya kaya. Mukang mahihirapan akong harapin ang haring ito. Nagpatuloy lang ako sa pagliko at pagtakbo sa maze.

Bigla akong napahinto nang makita ko sya. Nakababa ang blade at hila hila nya ito. Mabagal syang naglalakad palapit sa akin. Hindi na aki nag aksaya pa ng oras at agad na akong tumakbo papalayo sa hari. Biglang bumilis ang pag galaw nito. Unti unti na nya akong nahahabulan hanggang sa bigla nyang ibinuwelo ang kanya kamay at ibinalibag sa akin ang kanya espada.

Muntik na akong tamaan at naharangan nito ang daraanan ko kanina. Paglingon ko sa likuran ko ay bigla itong nawala. Ipinag patuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa bigla nalang akong nahampas sa may harapan ko. Nag aabang pala sya sa may paliko na parte ng maze. Tinamaan ako sa tiyan.

Umaagos na ang dugo ko at halos hindi ko na maramdaman ang aking katawan. Muli ay bumagal ang pag galaw ng hari. Naglalakad ito papalapit sa akin. Unti unti at mabagal. Malakas ang tunog ng kanyang espada na kumikiskis sa may semento. Mukang ito na ang katapusan...