Kasalukuyan ako ngayong nakasandal sa pader at hinihintay ang aking pagkamatay. Nakatitig ako sa isang haring pumanaw. Ang mata nito ay nababalot ng kulay asul na apoy na tila ba tinititigan ang aking kaluluwa. Mga ngipin na may bahid pa ng dugo at tila ba nakangiti at nagbubunyi sa nalalapit kong pagkamatay.
Hindi pa huli ang lahat. Kaya ko pang gumalaw. Titiisin ko ang sakit. Makakaligtas ako at matatalo ko sya. Kaya ko pa... Kaya ko pa! Pinilit kong tumayo at hinanda ang scythe ko. Napatigil ang Ghoul King at tila ba inoobserbahan nito ang sunod kong gagawin. Dapat ay makatakas ako bago pa ako mawalan ng malay.
Maya-maya pa ay nagsimula nanamang gumalaw ang Ghoul King. Diretso ang paningin nito at tila ba nakatitig sa aking kaluluwa. Sinubukan kong sirain ang harang sa likuran ko. Inipon ko ang natitira kong lakas at saka ko sinubukang wasakin ang pader sa likuran ko.
Sa tibay ng pader ay kaunti lang ang pinsalang nagawa ko. Nagkaroon lang ng maliit na butas at mga crack sa paligid nito. Sapat na ito... Nang mapansin kong kasya ako sa butas sa pader ay agad ako ditong lumusot. Pag labas ko sa butas ay agad akong tumakbo palayo. Takbo sa kaliwa, sa kanan, kanan, at kaliwa. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Ang nasa isip ko nalang ay ang makatakas.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapunta nanaman ako sa isang dead end. Ihinanda ko ang aking scythe at inipon ang lahat ng natitira ko mana sa blade nito. Laking gulat ko nang pag wasiwas ko ay dumaan lang ito sa pader. Dumaan lang ang scythe ko na tila ba gawa sa usok ang pader.
Lumapit ako at sinubukan itong hawakan. Pagdikit ng kamay ko ay bigla akong nagulat sa nangyari. Hinihigop ng pader ang kamay ko. Palakas ito ng palakas. Sinubukan ko itong labanan ngunit mas malakas anh pwersa nito. Napapikit nalang ako nang tuluyan na akong mahigop sa pader.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay namangha ako sa aking nakita. Nasa loob ako ng isang madilim na silid. Punung-puno ito ng mga nagliliwanag na mga marka sa pader. Sa gitna ng silid ay may malaking magic circle. Dahan dahan ko itong nilapitan. Sa bawat hakbang ko ay unti-unti akong nakakaramdam ng malakas na pwersa. Nang hawakan ko ito ay lalo itong nagliwanang.
•Congratulations! You found the seal of the Goul King•
[You have awakened the sealed soul]
Naglaho ang kaninang nagliliwanag na magic circle. Pagkawala nito ay may lumabas na isang kulay asul na bola. Sa isang iglap ay bigla itong nabalot ng kulay pulang kuryente. Mukang parte ito ng quest.
Agad kong kinuha ang scythe ko sa aking inventory at pinadaloy ang lahat ng natitira kong mana papunta sa talim nito. Dahan dahan akong lumapit at saka ito sinubukang hiwain. Akala ko ay tapos na nang biglang tumama ang scythe ko sa isang di nakikitang barrier. Nagliwanag ito at sumabog. Tuluyan na akong nawalan ng malay.
Samantala, ang Goul King naman biglang tumigil sa pag galaw. Tila ba may kakaibang nangyayari dito. Unti unti ay nabalot ang kanyang katawan sa isang kulay asul na liwanag. Bumalik ang dati nitong anyo. Unti unti ay naging sia itong tao. "Nagawa mo... Salamat." Sabi nito. Tila ba natauhan sya sa mga nangyari.
Pagmukat ko ng aking mata ay nasa isang silid na ako. Agad akong napatayo nang may makita akong lalaki sa tabi ko. "Gising ka na pala." Sabi nito sa akin. Lumapit sya at lumuhod sa aking harapan. "Ako na dating hari ng kastilyong ito ay lubos na nagpapasalamat sa bagong hari."
Nagulat ako sa mga sinabi nya. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko nagawa. Nanghihina ang aking katawan at halos hindi ako makagalaw. "Bagong hari?" Tanong ko sa kanya.
" Ikaw ay ang napili ng Gakuzen. Ang Gakuzen ay ang kastilyong ito. Ako ang naging hari bago sayo. Maganda at mapayapa dito ngunit isang araw ay dumating ang isang di kilalang tao. Hinamon nya ako sa isang duel at isinumpa ang aking kaluluwa." Sabi nito habang nakaluhod. "Ikaw ba si haring Thratos?". Tanong ko sa kanya.
"Ako nga." Sagot nito. Sinubukan kong gamitin ang mana sense ko upang malaman ang lokasyon ko ngunit hindi ko magawa. Nagulat ako at sinubukan kong buksan ang user interface ng laro ngunit walang lumabas. "A-anong... Anong nangyayari..." Bulong ko sa sarili ko.
"Mukang nawala ang iyong kapangyarihan matapos mo akong pakawalan." Malungkot na sabi ni Thratos. Paglingon ko sa gilid ko ay may nakita akong maskara. Mukang isa ito sa rewards ng system. Hinawakan ko ito at pinagmasdan ng mabuti.
"Thratos, maari mo bang isalaysay ang paglalaban ninyo ng sinasabi mong nagsumpa sa iyong kaluluwa?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang maskara. Napailing sya sa tanong ko. "Wala na akong maalala sa nangyaring iyon. Pasensya na..." Malungkot nitong sabi.
Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko at kamay. Nang mapansin kong naigagalaw ko na ito ng maayos ay agad akong tumayo. "Pupunta muna ako sa library." Sabi ko sa kanya. Paglabas ko ay sinubukan kong buksan ang interface ng system.
[Error]
Mukang ayaw talaga gumana. Pagpasok ko sa library ay naghanap ako ng libro na pwedeng mabasa. Sa paglalakad ko ay may napansin akong kakaiba. Sa dulo ng mga shelf ay may nagliliwanag na simbolo.
Pinuntahan ko ito at pinag masdan. Nang hawakan ko ito ay bigla itong naglaho. Maya maya pa ay biglang gumalaw ang sahig. Pinagmasdan ko ito at napansin ang dahan dahang paglitaw ng mga hagdan. Pinasok ko ito ngunit bigla akong hinawakan ni
Thratos. "Paumanhin po ngunit hindi pa kayo handa. Dapat ay dumaan muna kayo sa pagsusulit upang masiguro natin ang inyong kaligtasan."
Tumango nalang ako at tumingin sa kanya. "Anong klaseng pagsusulit?" Tanong ko sa kanya. Umatras sya ng kaunti ay may lumitaw na libro sa kanyang harapan. Nababalot ito ng nagliliwanag na asul na enerhiya. "Kakailanganin nyong dumaan sa isang Soul Trial. Dito ay kakalabanin nyo ang isang malakas na halimaw. Pakiusap po... Wag na kayong umalis sa kastilyo. Maaari kayong mamatay sa trial na ito."
Kailangan kong gawin ito. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Hayley. Kailangan ko ring malaman kung anong problema sa system ng laro. "Kakailanganin kong gawin ito. May mga bagay pa akong gustong malaman. Hindi rin pwedeng habambuhay nalang ako dito sa kastilyo."
Sandaling napahinto si Thratos bago magsalita. "Kung ganon po ay tumapak na kayo sa magic circle. Agad kayo nitong dadalin sa trial area." Tumango na lamang ako at tumapak sa ginawa nyang magic circle.
Pagtapak ko ay may mga sinambit syang salita. Maya maya pa ay nagliwanag na ang aking tinatapakan, nabalot ako sa kulay asul na liawanag at nang mawala ito ay nagbago na ang itsura ng paligid. Lumingon ako at pinagmasdan kung nasaan ako. Ang lugar na kinatatayuan ko ay isang arena. Sinubuman kong buksan ang sytem ngunit nabigo ako.
ERROR
Iyon lamang ang lumabas sa aking interface. Sa di kalayuan ay may napansin ako. May isang malaking chest ang lumulutang sa gilid katabi ng mga armors at iba pang kasuotan. Tumakbo ako papunta roon at agad na nagsuot ng armor sabay suot ng isang malaking kulay itim na robe.
Binuksan ko ang chest. Natuwa ako nang makita ko na puno ito ng mga armas. Kinuha ko ang dalawang short swords at inilagay sa loob ng aking robe. Aalis na sana ako ng mapansin ko na may scythe pala sa gilid ng chest. Agad ko itong kinuha at pinagmasdan.
Katamtaman lamang ang bigat nito. Iwinasiwas ko ito sa hangin. "Ang swerte ko... " Sambit ko sa aking sarili. Ang scythe na nakuha ko ay halos kapareho lang sa bigat at hugis ng aking scythe.
Maya maya pa ay unti unti nang tumaas ang harang sa kabilang dulo ng arena. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ang mga bakal na kumikiskis sa batong pader habang unti unting tumataas ang gate.
Pinagmasdan ko ito at inobserbahan. Maya maya pa ay lumabas na ang aking makakalaban. Isa itong higanteng aso na may dalawang ulo. Ang isang ulo ay nababalot ng apoy habang ang isa naman ay puno ng yelo.
•Realm Hound•
Hp: 100%Level: 200Rank: SSS
Ihinanda ko ang aking scythe at pinagmasdan ang kalaban. Sinubukan ko agad gumamit ng skill ngunit nagulat ako sa nakita ko.
-Skills are disabled in the trial-
Agad akong tumalon palayo sa kalaban ngunit tumalon rin ito papunta sa akin. Ang nag aapoy na ulo ng Realm Hound ay sinubukan akong kagatin. Ihinarang ko ang aking sa scythe at ini arko ang akin katawan upang makaiwas kahit nasa ere.
Mukang tama nga si Thratos, hindi pa ako handa. Umilaw ang mga mata ng Realm Hound. Huminto ito sa pag atake at pinagmasdan ako. "Hindi ko inaasahang mapapadpad ka rito..." Nagulat ako ng bigla akong may marinig na boses.
Tumingin ako sa Realm Hound, mukang nagsasalita ito gamit ang kanyang isipan. Hindi bumubuka ang dalawa nitong bunganga ngunit siya'y naririnig ko. "Kilala mo ako?" Tanong ko sa kanya.
Nagkaroon ng pagkadismaya sa mata ng Realm Hound. "Mukang hindi ka pa kumpleto... Marami ka pang mapagdaraanan." Tumalikod ang Realm Hound. "Sanadali! Bakit aalis ka? Paano ang trial?!" Sigaw ko sa kanya.
Bigla syang nawala sa paningin ko at agad akong nakaramdam ng matinding takot. Hindi ako makagalaw, nakikita ko ang anino nya sa harapan ko. Sa isang iglap lamang ay nakapunta sya sa likod ko. " Hindi ka pa handa batang Stillwater. Bumalik ka na lamang pag ika'y kumpleto na." Agad na naglaho ang Realm Guardian.
Naiwan akong mag isa. Hindi makagalaw at tila ba pinoproseso pa ng utak ko ang mga nangyari. Mukang may alam sya sa nakaraan ko. Balak ko pa sanang magtanong ngunit nawala na sya.
Maya maya pa ay may magic circle na lumitaw sa gitna ng arena. Katulad ito ng magic circle na aking ginamit papunta sa lugar na ito. Pumunta ako roon at bumulong sa aking sarili. "Balang araw ay babalik ako rito..." Sabi ko bago magliwanag ang paligid.
Nang makabalik na ako sa Catle ay nandoon parin si Thratos. Tila ba alam nyang agad akong makakabalik. "Tama ka nga... Hindi pa ako handa." Sabi ko sa dating hari na nakaupo sa tabi ng circle. "Ang mahalaga po ay ligtas kayong nakabalik kayo ng ligtas."
Lumabas nalang ako sa library at tumungo sa pinaka mataas na parte ng kastilyo. Pinagmasdan ko ang paligid. Ang floating castle na ito ay akin na. "Hayley... kung nasaan ka man sana ayos ka lang..." Bulong ko sa hangin.
Bababa na sana ako ng floating castle ngunit bigla akong nakaramdam ng sakit. Hiniwakan ko ang aking dibdib. Tila ba itoy sinusunog mula sa loob.
-1% HP
-1% HP
Unti-unti ay nababawasan ako ng HP. Habang tumatagal ay lalo itong sumasakit. Maya maya ay agad akong natumba at nanghina.
-10% HP
Hindi na ako makagalaw. Sinubukan kong tawagin si Thratos ngunit walang boses na lumabas sa kanyang bibig.
Project Initializing: 1.00%
Unti-unti ay bumibigat na ang aking mga mata. Wala na akong magawa. Hindi ko na maikilos ang aking katawan.
Spectre Fragment Injection Complete: 100%
Tila ba nauubos ang lakas ko.... Mawawala na ba ako sa mundong to?
Updating Project Codes 2.0%
Implementing Stasis mode
Error
Error
Fixing Anomalies... 5%
Failed...
Tumindi ang sakit na nararamdaman ko. Unti unti ay nawawala na ang malay ko. Mukang ito na ang katapusan...
Anomaly Neutralized
Nawala na ang sakit na nararamdaman ko ngunit hinang hina parin ako. Pinilit kong bumangon at isinandal ang aking sarili sa pader.
Project: Spectere
Loading Final Phase
Inalala ko ang mga masasayang panahon na lumipas. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ba isang laro lang ang lahat? Bakit tila ba nagkrus ang landas ng reyalidad sa mundong ito.
*You died*
Notice: Final Requirement Met
Project Completion: 97.34%
Uploading Data...
Securing Memory Fragments...
Building Mana core...
Failed...
Retrying...
Failed...
Retrying...
Failed...
Retrying...
Mana Core Construction Complete
Error: Life Essence lost
Transfering Analysis to Mana core
10 Circled Magic Circle Applied.
Project: Spectre (Complete)
Next:
Code: Rebirth
_______
_____________
_____
_________
____
__
_
-
Idinilat ko ang aking mata. Nabighani ako sa ganda ng paligid. Ramdam ko ang pagdaloy ng mana sa kapaligiran. Tatayo sana ako ngunit agad akong napahinto ng biglang sumakit ang ulo ko. Ako'y napaisip... Wala akong maalala... Maraming mga tanong ang pumasok sa aking isipan ngunit dalawa ang nangibabaw.
Nasaan ako?
Sino ako?
Code: Rebirth
Status: Started