Chereads / Project: Spectre / Chapter 9 - Chaper 8: Six

Chapter 9 - Chaper 8: Six

"Kimmy! Hindi pa ngayon ang oras." Paglingon ko sa may likuran ko ay nakita ko si sir Alex. "Anong ibig mong sabihin Alex?" Tanong ni Larith. Sandali silang nagtitigan. Kukunin na sana ni Larith ang scythe nya pero pinigilan sya ni Kimmy. "Tama na yan! Ayokong may masira nanaman na continent dahil sa pag aaway nyo.

"Ano pong ibig nyong sabihin sa hindi pa oras?" Tanong ko. Gulong gulo ako sa mga nangyayari ngayon. "Aahhh magandang ideya!!!" Sabi ni sir Alex.

•Time Distortion Paradox activated•

Biglang nabalot ang lahat ng mga usok at nilamon lahat nito kasama na ako. Nakaramdam ako ng matinding hilo at tila ba nag babago ang paligid. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari at unti unting nawawala ang ala ala ko sa kasalukuyan.

•Crisis Reversal activated•

Unti unti ay bumabalik ang lahat sa dati. Napigilan ko ang pag activate ni Sir Alex ng skill nya. "Hindi makabubuti sa iyo pag nalaman mo na ang lahat. Mahina ka pa Adrian." Sabi ni sir Alex. Tumalikod na sya saka naglakad palayo habang unti-unting naglalaho. "Bata... Siguro dapat mo nang ituloy ang quest mo." Sabi ni Larith sa akin.

"Ah sige po. Ano po ba ang susunod na quest?" Tanong ko kay Larith. May binuksan si Larith na scroll. "Aaahhh... Gusto kong puntahan mo ang cave na ito." May lumabas na 3D map sa aming harapan. Tinuro nya ang isang cave di kalayuan sa bahay ni Larith. "Dyan mo matatagpuan ang Nature Devouring Dragon. Gusto ko nang wakasan ang panggulo ng dragon na iyan sa Strea Forest."

Lumapit si Kimmy sa amin. "Larith, pagpahingahin muna natin sya. Adrian... Dapat ay sumama ka muna sa amin." Sabi ni Kimmy. Sandali akong napaisip. "Pasensya na pero may gagawin pa ako. Sorry Larith pero babalik ako sa susunod." Sabi ko kay Larith. Nagpaalam na ako sa kanila at saka nag log out.

Nang magising ako ay pumunta ako sa kusina para uminom saglit ng tubig. "Oh Adrian ang bilis mo naman yata." Sabi ni Hayley sa akin. Dahil sa sinabi nyang iyon ay napatingin ako sa orasan. "Hhmmm mukang magkaiba ang pagdaloy ng oras sa Real World at sa Fantasy Gate." Sabi ko kay Hayley.

"Adrian alam mo na ba na tinanggal na daw nila yung mga nicknamea in game." Sabi ni Hayley. Napaka dami na ng binabago sa game. Tinignan ko ang relo ko at napaisip ako. "Ang isang oras sa mundong ito ay anim na oras sa laro." Sabi ko. Ibig sabihin non ay magkakaroon pa kami ng maraming oras para sa training para sa darating na tournament.

"Ah nakalimutan kong itanong." Sabi ko. Napatingin naman si Hayley sa akin. "Ano pala ang kukunin mong sub class?" Tanong ko. Nang tanungin ko iyon ay sandali syang napaisip. Mukang di pa nya alam kung ano ang pipiliin nya. "Gusto kong maging magician ang sub class ko." Sabi ni Hayley. Ang magician sub class....

Ang magician sub class, meron itong mga high tier na magic skills at mga high speed casting time na skills. Pag isinama ito sa assassin na class ay mas lalakas ito. Ang player ay mas magiging versatile. Makakaya na nitong makapag deal ng physical at magic damage. Pwede na rin nyang i-heal ang sarili nya o mag cast ng ibat ibang mga skills habang nasa close combat.

"Uuhh maiwan na kita. Maglalaro na ako. Bye!" Sabi ni Hayley at saka na sya pumasok sa may kwarto nya.

•Starting Character Link•

♦Initiating Cross Dive mode♦

Nagulat nalang ako nang biglang mag activate ang cross dive system. Bigla kong naramdaman na may paparating sa direksyon ko kaya agad akong umilag. Pag-ilag ko ay may dumaan na arrow sa may muka ko. Agad akong nag side step at nagtago sa likod ng sofa. Tinignan ko kung san tumama ang arrow kanina. Bumaon ito sa may kabinet.

Mukang delikado pala ang cross dive system. Masyadong makatotohanan ang lahat. Maaari akong mamatay dito. Inilibot ko ang tingin ko at nakita kong nakabukas ang bintana namin. Tinalon ko iyon at saka pumunta sa may bakuran. Sa di kalayuan ay may nakita akong tatlong tao. Ang dalawa ay nakasuot ng maskara at ang isa naman ay naka hood.

Nang makaramdam ako ng paggalaw sa lupa ay agad akong nag back step. May lumabas sword sa kinatatayuan ko kanina. "Ano bang kailangan nyo?!" Tanong ko. Hindi sila sumagot. Sumugod sa akin yung naka hood. Nagdash sya papunta sa akin saka nya kinuha yung sword sa lupa. Iwinasieas nya ang sword nya at sinubukan nya akong atakihin mula sa taas.

Nasalag ko ito gamit ang scythe ko ngunit biglang nagkaroon ng isa pang dagger sa kamay nya at saka nya ako sinibukang saksakin sa tagiliran. "Ang scythe na yan... San mo nakuha yan." Tanong sa akin ng naka hood. Mabilis ko syang sinipa bago pa tumamata akin ang talim ng dagger nya. "Sino ba kayo?!" Sigaw ko. Tumalon palayo ang nakahood at ksabay non ang pagsugid ng dalawang nakamaskara.

•Doom Blade activated•

Nabalot ng kulay black na ilaw na may kasamang mga kulay violet na kuryente ang scythe ko. Nagdash ako papunta sa dalawang naka maskara. Sabay silang gumalaw at sinubukang hiwaan ang leeg ko. Mabuti nalang ay agad akong nakaiwas at saka ko sila inatake. Sinubukan nilang salagin ang atake ko ngunit tumagos lang ito sa mga dagger nila.

Nagdire diretso uto at nahiwa ko ang katawan nila. Nang mahiwa ko sila ay bigla silang sumabog. "Mga puppet..." Tumilapon ako kasabay ng mga parte ng katawan ng dalawang nakamaskara na puppet. Pagdilat ko ay wala na sila. Nawala na rin ang epekto cross dive system. Ang naiwan nalang ay ang bakas ng labanan.

Napag pasyahan kong pumunta sa Techsphere. Ako naman ab Pagkarating ko doon ay nakita ko si sir Alex. "Welcome to Jollib-Oh Adrian. Anong problema?" Tanong ni sir Alex. Mukang kakagising lang nya. "Posible po ba na mag activate ng cross dive system kahit saan?" Tanong ko. Nang marinig yon ni sir Alex ay naging seyroso ang muka nya. "Anong nangyari?!"

"May umatake po kasi sa condo namin." Sabi ko. Binuksan ni sir Alex ang laptop nya. "Maari mo bang i-describe kung ano ang gamit nyang weapon o ano ang mga skill nya?" Tanong ni sir Alex. Ipinaliwanag ko ang lahat habang may tinatype sya sa may laptop nya. "Congratulations! Sikat ka na mr. Stillwater." Bati sa akin ni sir Alex. "Ang sumugod sa condo mo... Sya ang sikat na Ascended blacksmith."

"Ang ascended blacksmith a ang pinaka magaling na blacksmith sa lahat ng dimensyon. Maging ang mga Gods ay mataas ang respeto sa kanya. Minsan na syang tumulong noon sa malaking gera." Paliwanag ni sir Alex. Sandali akong napaisip. "Ano naman po ang kailangan nya sa akin?" Tanong ko sa kanya. Napailing si sir Alex sa tanong ko. "Hindi ko alam."

Nagpaalam na ako at umuwi sa condo. Siguro tatapusin ko nalang muna yung quest ko at kukunin yung subclass.

•Starting Character Link•

♦Initiating Full Dive Mode♦

"Oh Adrian ikaw pala yan!!!" Sabi ni Larith. Pagka log in ko ay nagising ako sa may Strea forest. "Nagsimula na... Ang pagbabago." Sabi ulit ni Larith. Pumasok kami sa may bahay nya. "Itutuloy mo na ba ang quest mo?" Tanong ni Larith. Magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok. "Six, napadalaw ka. Kamusta na?" Bati ni Larith.

"Ihahatid ko lang ang Zutsomi." Sabi nya at saka may iniabot siya na armas. Ito ay dalawang maliit na scythe at punagdudugtong ito ng mga kadena. "Aahh Adrian, nararamdaman ko na ang presensya ng Nature Devouring Dragon." Sabi ni Larith. Lalabas na sana ako nang bigla ako harangin ni Six. "Ang weapon na yan..."

"Bakit?" Tanong ko. "Mauuna na ako." Sabi nya at saka na sya umalis. Hindi ko alam pero parang pamilyar sya sa akin. "Larith ang kailangan ko lang ay patayin ang Nature Devouring Dragon diba?" Tanong ko. Tumango sya at may ibinigay sa akin. "Kung sakali na hindi mo kayanin, basagin mo lang ang kristal na ito at mateteleport ka sa bahay na ito. Nasa may kweba sya sa malapit." Nagpaalam na ako kay Larith at pumunta na sa kweba.

Pagkarating ko doon ay nakarinig ako ng mga pagsabog. Pinasok ko ang kweba. Napakalawak sa loob at punong puno ng mga umiilaw na bato ang paligid. Napakaganda ng kapaligiran. Nagpatuloy ako sa pag lalalakad hanggang sa makarating ako sa isang ilog. Tatawid na sana ako sa ilog ngunit nakaramdam ako ng kung ano. Agad akong tumalon palayo. Sumabog ang kinatatayuan ko kanina.

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ko. Nang makaramdam ulit ako ng reaction sa mana ay agad akong nag back step. May mga lumalabas na mga word sa lahat ng natatapakan ko. Nakarinig ako ng boses "Saan ka pumapanig?" Tanong nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Sa di kalayuan ay may nagpakita sa akin na naka hood.

"Paano kung ang mga nasa paligid mo ay isang malaking kasinungalingan lamang. Katotohanan na minanipula, ninakaw at unti-unting binabago. Saan ka papanig?" Tanong nito. Biglang lumakas ang hangin sa paligid at nakarinig kami ng malakas na sigaw ng dragon. "Paumanhin ngunit hanggang dito nalang muna... Paalam." Mabilis itong naglaho na parang isa sa mga anino.Paglingon ko ay malapit na pala sa akin ang Dragon.

•Nature Devouring Dragon•

HP:100%

Level:100

Rank:S

•Essence Absorption activated•

Ibinuka nito ang bunganga nito at nakaramdam ako ng panghihina.

•Overturn Barrier activated•

Inactivate ko ang barrier ko para bumalik sa kanya ang skill nya. Unti-unti ay hinihigop ng barrier ko ang buhay nya.

-2% HP

-3% HP

-2% HP

-3% HP

Nawala na ang nararamdaman ko na panghihina. Hindi na ako nag aksaya ng oras at sinugod ko na ang Dragon.

Sinamantala ko ang pagkakataon na nanghihina ang dragon. Tumalon ako sa itaas nito at saka ako nag activate ng skill.

•Doom Blade activated•

Hahatiin ko na sana ang ulo nito ngunit nasalag nya ang pag atake ko. Tumama ang blade ko sa mga matitigas na kuko ng dragon. "Humanda ka nang mamatay!!!" Sigaw nito sa akin.

•Chaos Bringer Meteor activated•

Bago nya maactivate ang skill ay nakakita ako ng malakas na pagdaloy ng mana. Lumipad sya ng mataas at nagpakawala ng malalaking nag aapoy na bato. Nang tumama ang unang meteor ay sumabog ito at naging golem. Mukang mahirap kalabanin ang dragon na ito.

Patuloy pa syang nagpakawala ng mga meteor. Gaya ng inaasahan ay naging Golem ang mga meteor. Mabilis na dumami ang Golem hanggang sa huminto na ang Nature Devouring Dragon. Lumapag na ito at nagsimula nang mag ipon ng mana. Mukang naparaming mana ang nagamit nya sa skill na ito dahil tila ba wala nang mana na dumadaloy sa katawan nya.

•Meteor Golem•

Hp:100%

Level:30

Rank:B+

Mataas ang level ng mga golem na naisummon at napaka dami pa nila. Mga nasa fifty lahat ng naisummon na golem. Nagsimula nang umatake ang mga Golem.

•Devouring Beam activated•

Nagpakawala ng nga laser ang mga golem sa paligid ko. Dahil sa dami nila ay hindi ko na sila nagawang iwasan. Tumama ang mga laser sa akin at nararamdaman ko na unti unti nang nauubos ang buhay ko.

-5% HP

-5% HP

-6% HP

-5% HP

-5% HP

•Fissure activated•

Nang maactivated ko ang skill ko ay agad ko sila hiniwa gamit ang scythe ko. Dahil sa skill ko na fissure ay madali ko nalang natalo ang mga Golem. Tuwing tatama ang scythe ko sa kanila ay sumasabog katawan nila na parang isang bomba.

•Essence Absorption activated•

Mukang handa na ulit lumaban ang Nature Devouring Dragon. Nakaramdam ako ng matinding panghihina.

-2% HP

-2% HP

-2% HP

-2%HP

Dahil sa panghihina ko ay madali na akong nahuli ng mga golem at saka nila ako hinawakan ng mahigpit para hindi ako makawala. Nang mahakawan nila ako ay dahan dahan na lumapit sa akin ang dragon.

•Void Blast activated•

Ibinuka nito ang bunganga nito at itinutok sa akin. Unti-unti ay may nabubuong kulay itim na bola ng enerhiya sa bunganga nito. Mukang balak na nya akong burahin sa laro gamit ang skill na ito.

•Fissure activated•

Agad kong sinuntok ang isa sa mga golem at agad itong sumabog. Nang makawala ang iaa kong kamay ay sinuntok k naman ang lupa na tinatapakan ko. Tumama ang kamay ko sa may lupa at sumabog ang tinatapakan namin na naging dahilan ng pag tilapon ng isa pa sa mga golem papunta sa bunganga ng Dragon.

Nang mag dikit ang Golem at ang Void Beam na iniipon ng Dragon ay sumabog ito ng malakas. Lumikha ang pagsabog ng makapal na usok. Akala ko tapos na ang lahat ngunit nang mawala ang usok ay nakita ko ang ulo ng dragon. Buo parin ito na parang walang nangyari. Sinugod ko ito at sinubukan ko syang hiwain gamit ang scythe ko ngunit nahuli nya ako. Tinapakan nya ako at saka itinutok ulit ang bunganga nya sa akin.

•Void Beam activated•

Nagsimula nanaman na mag ipon ang dragon. Sinubukan kong kumawala sa pwesto ko ngunit hindi ako makagalaw. Mukang ito na ang oras para gamitin ang panibago kong skill.

•Piercing Sovereign Arrows activated•

May lumabas na mga magic circle sa paligid bg dragon. Nagpakawala ang mga magic cirle ng mga kulay asul na magic arrows. Tuwing tatama ito sa dragon ay bumabaon ito sa may katawan nito. "Wrooaaaaarrrrrr!!!" Daing ng dragon dahil sa sakit na nararamdaman.

-4% HP

-4% HP

-3% HP

-6% HP

-10% HP

-5% HP

-5% HP

Nawalan ng control ang dragon sa may skilll nya at napakawalan nya ang Void Beam. Tumama ito sa akin. Hindi ko nagawang umiwas. Nakaramdam ako ng matinding sakit at tila ba sinusunog ako ng buhay.

-44% HP

Pinagkumpara ko ang HP ko at ng sa dragon.

Name: Adrian

Class: Mage

Subclass: None

Title: None

Level: 43

HP: 22%

•Nature Devouring Dragon•

HP: 61%

Level: 100

Rank: S

Napakalaki ng agwat ng HP nya sa akin. Mukang wala na talaga akong choice. Wala namang madadamay dahil nasa cave naman kami. Kahit mawalan ako ng control ay ayos lang. "Catastrophe"

•Forbidden Art: Catastrophe activated•