Chereads / Project: Spectre / Chapter 11 - Chapter 10: Reaper

Chapter 11 - Chapter 10: Reaper

Adrian's POV

<[ System Error ]>

Project: Spectre

Status: Detected

Rebooting program

: Accessing database

: Downloading recquirements

: Patching Files

: Starting The Project: Spectre

[Starting Character Link]

♦Initiating Full Dive Mode♦

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Paggising ko ay nasa isang bahay ako. Sira-sira at tila ba may naganap na labanan dito. Muli kong iginala ang aking mata.

Nagkalat ang mga bangkay ng mga halimaw at tao. Nang mas igala ko pa ang paningin ko ay nalaman kong nasa Strea forest pala ako. Inalala ko ang mga nangyari. Si Larith, ang subclass... Maya maya ay may napansin ako sa may likuran ko. "Adrian?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Punong puno ito ng pag aalala at may kaunting halo ng pagkadismaya.

Paglingon ko ay nakita ko si Hayley. "Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Tanong nya sakin. Nang makalapit sya ay agad syang kumuha ng potion sa inventory nya at ibinigay sa akin. Bigla akong naka ramdam ng pag galaw ng mana sa paligid kaya naalerto ako. Pag tingin ko sa kalangitan ay may nakita akong napaka laking portal.

Agad kong binuhat si Hayley at saka tumakbo palayo sa portal. "Paano ka napunta dito?" Tanong ko sa kanya. Sandali syang napa isip at sumagot. "Sinundan ko ang mana signature mo." Sabi nya. Medyo naguluhan ako sa sinabi nya. "Lahat tayo ay may kanya kanyang mana signature. Pag nakararamdaman mo ang mana o nakikita ito. Mapapansin mong iba iba ang kanilang density, purity, at iba pa."

Nang sumulyap ako sa may kalangitan ay may nakita akong malaking kamay sa may gilid ng portal. Tila ba pinipilit nitong lumabas. Maya maya pa ay naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Hayley. "Adrian, magiging ayos lang ang lahat diba?" Hinigpitan ko nalang ang pag hawak sa kanya at binilisan ang pag takbo. Hindi ko na alam kung ano ang kailangan kong gawin.

Habang palayo kami sa portal ay bigla nanaman akong nakaramdam ng kaunting pag manipula sa mana sa paligid.

•Overturn Barrier activated•

Biglang gumalaw ang lupa sa paligid. May dalawang bundok na nabuo at saka ito nagsalubong upang maipit kami. Mabuti nalang ay naactivate ko na ang barrier ko bago pa kami maipit.

"Ku-!" Daing ng isang anino sa may itaas ng puno. Kayang ibalik ng barrier ko halos lahat ng damage na matatanggap nito. Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo.

"Gruaaa!!!"

Yun ang narinig namin mula sa kalangitan. Napaka lalim ng boses nito at tila napakalaki ng pinanggalingan. "Adrian!" Napasigaw si Hayley sa takot. Pagtingin ko sa may likod ko ay nakita ko ang dambuhalang halimaw. Tuluyan na itong nakalabas sa portal.

Muka itong isang malaking grim reaper. Nababalot ang buong katawan ng kakaibang tela. May suot na hood at buto-buto ang buong katawan. Pag tumingin ka sa muka nito ay makakaramdam ka ng pagkalumo at kawalan ng pag asa. Isang bungo na tila ba nakangiti. Tila ba nginingitian ang iyong kaluluwa.

Napahinto ako sa pag takbo. "Hayley... Tumakbo ka na papunta sa city at mag log out. Hindi na ligtas dito." Sabi ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at saka ibinuka ang palad ko. Humangin ng malakas sa paligid ko at biglang bumigat ang paligid ko. Nabasag ang mga bato at nagliparan ang mga dahon sa paligid. Nagdilim ang paligid at saka bumigat ang aking kamay.

Maya maya ay unti unti nang humupa ang lahat. Tinignan ko ang hawak ko. Hindi na ito katulad ng dati. Mas maitim na ang kulay nito at tila mas matalim na. Ang scythe ko, napakalaki ng ipinag bago nito. "Adrian anong balak mo?!" Tanong ni Hayley. Hinaplos ko ang buhok nya. "Magiging ayos din ang lahat. Mag log out ka na. I-lock mo ang buong bahay at pumasok ka sa kwarto ko. Dun ka muna at wag kang lalabas." Bilin ko sa kanya.

Pagkatapos non ay agad akong tumakbo pabalik sa halimaw. Magsasalita pa sana sya ngunit hindi ko na iyon narinig sapagkat mabilis na akong naka layo sa kanya.

•Sealed Superior Drive activated•

Mas bumilis ang aking pag galaw. Mas mabilis ang paglapit ko sa halimaw. Maya maya pa ay napansin na ako ng halimaw. Nakaramdam ako ng takot nang tumingin ito sa akin. Tila ba tinititigan nito ang kaluluwa ko. Kailangan ko nang mapaslang ang halimaw na ito bago pa sya makapaminsala.

•Eternal Catastrophe Reaper•

HP: 100%

Level:

Iginalaw nya ang kanyang kamay at sinubukan akong suntukin. Bago pa man tumama ang kamao nya sa may lupa ay agad akong tumalon. Ramdam ko ang pag hagupit ng hangin sa lakas ng pwersa ng kanyang suntok.

Di na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na umakyat sa kanyang kamay. Ginawa ko itong daan papunta da kanyang balikat at mahati ang ulo. Napansin kong medyo mabagal ang pag galaw ng halimaw kaya sinamantala ko ito.

•Fissure activated•

Inactivate ko ang skill ko at sinipa ang tinatapakan ko. Gamit ang skill ko ay nakagawa ako ng malakas na bwelo. Dahil dito ay madali na akong nakarating sa may balikat ng halimaw. Hihiwain ko na sana ang leeg nito nang biglang.

•Chrono Archaeous activated•

Tumilapon ako dahil sa biglaang pagsabog at pagyanig ng paligid. Nagkaroon ng malalaking mga bola ng apoy sa paligid ng halimaw. Naipon ito at dumami. Sa paligid nito ay nakakaramdam ako ng mabilis na pag ikot ng mana. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Tila ba ang mana na ito ay naiiba.

Pinakawalan nya ang mga ito. Nagakaroon ng malalakas na pagyanig at pagsabog sa buong Strea forest. Aatras muna sana ako para mag ipon ng mana ngunit naalala ko na baka nandito pa si Hayley at di pa tuluyang nakaka layo. Ipinag patuloy ko ang pagpunta sa leeg nya.

•Doom Blade avtivated•

Napansin kong medyo bumigat ang scythe ko. Sinubukan kong kontrolin ang mana ng skill ko at ipinunta lahat sa talim ng scythe. Ang dating kulay violet na usok na bumabalot sa scythe ko ay naging isang maitim na linya na lang sa talim nito. Nahirapan ako sa pagkontrol ng scythe ko.

Pilit ko itong inuusad ngunit tila ba naisasama ang hangin sa paghati ko. Sinubukan ko ulit kontrolin ang mana sa paligid ko at pinadaloy ito kamay ko. Hirap na hirap ako at halos napaka bagal ng pag galaw ko. Mas dumarami na ang mga bola ng apoy sa paligid ng halimaw kaya mas nilaksan ko na ang pwersa ko. Sandali kong binitawan ang pag hawak ng kanang kamay ko para makakuha ng bwelo at.

•Fissure activated•

Sinipa ko ang dulo ng scythe ko at matugumpay kong nahati ang leeg ng reaper.

-76% HP

Nawala na ang mga bola ng apoy ngunit nagulat ako nang may matira pa sa buhay ng Reaper. "Human... You are strong but your experience isn't enough." Sabi ng Reaper. Malaya paring nakagalaw ang reaper kahit wala na ang ulo nito. Sa pagkagulat ko ay muntik na akong hindi maka ilag sa pag atake ng Reaper. Mabilis nya akong nasugatan gamit ang malaki nyang scythe.

-14% HP

Kahit na daplis lang iyon ay malaki pa rin ang natamo kong pinsala. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit buhay pa rin ang reaper kahit na naputol na ang ulo nito. Agad akong napatanong sa sarili ko kung naputol nga ba. Nang tignan ko ang bahagi na naputol ay may napansin akong maninipis na mga mana threads. Pupuntahan ko na sana ito para putulin nang iharang ng reaper ang kamay nya.

Tama ang hula ko. Yun ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang reaper. Nang mapansin nyang umatras ako ay agad syang nagpakawala ng sunod sunod na atake gamit ang kanyang scythe. Mabilis ko itong sinangga at nakipag palitang ng mga atake sa halimaw. "Puny human I will now end your suffering by decapitating your head!" Sigaw nito.

Nag patuloy lang kami sa pagpalalitang ng atake. Hindi nya napapansin na sa bawat wasiwas ko ay sa isang parte lang ng armas nya tumatama ang mga atake ko. Maya maya pa ay ang mga mana threads na ang sinubukan kong atakihin. Pag naputol iyon ay tuluyan nang mawawalan ng buhay ang Reaper. Tatama na sana ang talim ng scythe ko nang bigla nyang iharang ang sa kanya. Hindi nya alam na iyon ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa nya.

Nang magsalubong ang mga talim ng scythe naming dalawa ay agad na nagkaroon ng bitak ang armas nya. Nagsimula ito sa may talim at unting kumalat sa buong katawan ng kanyang scythe. Nang wala nang naka hadlang sa scythe ko ay mabilis ko nang nahiwa ang threads na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Tapos na. Wala na sya. Magiging payapa na ang Strea Forest. Yung ang akala ko. Unti unti haban naglalaho ang katawan nya ay may nabubuong katawan sa di kalayuan. Kung pagmamasdan mo ay parang isang player lang ito, ngunit hindi.

"Magaling!!! Hahahahaha! Ngayon na magsisimula ang tunay na laban!"

Agad akong nakaramdam ng napakalakas na pag higop ng mana. Lahat ng iyon ay napupunta sa lalaki. "Ako nga pala ang reaper na nakalaban mo kanina. Ako si Viscos. Nagagalak akong makilala ka."

Akala ko napatay ko na ang reaper. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang pagsagot nya at humanda ba ako sa kanyang pag atake. "Ikaw... Parang pamilyar ka bata." Pagkakurap ko ay nawala sya kinaroroonan nya. "Ah ang oo nga... Bakit ko makakalimutan ang bagay na iyon." Nagulat ako nang marinig ko ang boses nya sa aking likuran. "Mabagal ka pa bata. Hindi pa ngayon ang huli nating pagtutuos." Sabi nya bago sya tuluyang mawala.

Sira sira na ang kapaligiran. Nagkalat ang mga bangkay ng mga halimaw, mga wasak na puno, at mga hukay ng gawa ng pagsabog. Ang dating napaka payapang Strea forest ay bigla nalang naglaho at napalitan ng napaka lalang trahedya. Nang maalala ko si Hayley agad kong tinignan ang friend list ko.

[•Online]

Agad akong umalis at hinanap si Hayley. Sana naman ay ayos lang sya.

Habang palabas ako ng Strea forest ay nakita ko sya. "Adrian!!!" Sigaw nya. "Mabuti at ayos ka lang. Kaka simula palang ng game ngunit napakadami na agad nangyari satin." Bakas sa kanyang muka ang pag aalala. "Bakit nandito ka pa?! Alam mo naman na delikado dito." Sandali syang natulala bago mag salita. "Sinisigurado ko lang na ayos ka..."

Nilapitan ko sya. "Wag na muna tayong mag training. Kabisado mo naman ang mga skills mo di ba?" Tanong ko. Sandali syang napaisip. "Oo naman..." Sagot nya. "Ayos lang ako wag ka nang mag alala"

"Mag log out ka na at magpahinga. Matulog ka na para may lakas ka pa para bukas." Sabi ko. "Paano ka? Hindi ka pa ba matutulog? Mas pagod ka pa kesa sakin. Kailangan mo na din mag log out."

Nginitian ko sya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Ang pakiramdam na may nag aalala sa akin. "Mauna ka na. May kailangan pa akong gawin. Pangako, matutulog na ako pagkatapos non." Ngumiti din sya pabalik. "Pangako yan ah." Sabi nya bago sya maglaho.

Kailangan ko pang mahanap sila Larith. Ngunit di ko alam kung saan magsisimula. Siguro dapat ko nalang munang alamin kung ano ang nagagawa ng subclas ko. "Project: Spectre." Nang sambitin ko ang mga salitang iyon ay tila ba napaka pamilyar nito. Maya maya pa ay may nakita akong lumulipad sa di kalayuan. Napakalaki nito at tila ba hirap lumipad.

Kung pagmamasdan mong mabuti ay mapapansin mong isa itong dragon. Ngunit hindi iyon ang nakakuha ng aking atensyon. May taong naka sakay sa kanyang likuran at dito patungo ang direksyon nila. Agad akong nagtago, tama ang aking naisip at dito nga sila lumapag. Nang makita ko kung sino ang naka sakay sa dragon ay nagulat ako. Sya yung tao na nakita ko sa labas ng laro. Ang Ascended Blacksmith.

"Bata.. U-umalis ka na di..-to." Di maganda ang laga nya at punung puno sya ng sugat sa katawan. Maya maya ay biglang naglaho ang dragon na sinasakyan nya. Pagbagsak nya ay napansin kong hindi sya makatayo kaya inalalayan ko sya. "Bakit po? Ano ang nangyari sa inyo?" Tanong ko.

"Marami sila... H-hindi mo pa sila kaya... Ba-batang Stillwater." Hindi na ako nagulat nang banggitin nya ang epelyido ko. "Da... Pat na t-tayong umalis di... To." Bigla akong nakaramdam ng napakalakas na mana. Pamilyar ito kaya sandali akong napa isip.

Parehas ang mana nila sa nakalaban ko kanina. Ngunit may kaunting pagkaka iba. Mas puro at mas malakas ang mana na papalapit sa amin ngayon. Agad kong binuhat ang lalaki at agad na tumayo ngunit bago pa ako makatakbo ay may nakita akong tao sa harapan ko.

"Ang tadhana... Tila ba pinaglalapit tayo nito."