Chereads / Project: Spectre / Chapter 10 - Chapter 9: Subclass

Chapter 10 - Chapter 9: Subclass

Nakaramdam ako ng napakalakas na kapangyarihan. Dumaloy ito sa buo kong katawan at nakaramdam din ako ng malakas na pagnanasa na pumatay. Bumalik ang pansin ko sa may Dragon. "Hahahahaha!" Natatawa ako sa itsura nya. Ngayon na ang katapusan ng buhay mo.

Someone's POV

Nandito ako ngayon sa may itaas ng cave at pinapanood ang batang Stillwater laban sa Nature Devouring Dragon. Inaamin ko malakas ang batang iyon ngunit kulang pa ang experience nya at ang lakas nya. Nagpapakawala lang sya ng mga skills randomly at hindi gumagawa ng strategy.

Maya-maya ay bigla kong naramdaman ang kapangyarihan ng Demon Lord. Napatingin ako sa bata at nagulat ako sa nakita ko. Nasa kanya ang kapangyarihan ng Demon Lord. Tila ba nagbago ang bata na iyon. Sinugod nya ang Dragon habang tumatawa. Nabalot ang scythe nya ng kulay itim na kuryente.

Iwinasiwas nya ito at saka nya hiniwa ang paa ng dragon. Madali nitong nahiwa ang paa na parang dumaan lang ito sa hangin. Natumba ang Dragon ngunit sinubukan nitong lumipad. Nang makalipad ng ito ng mataas ay nagpaulan nanaman ito ng mga meteor. Hindi na hinayaan ni Adrian na tumama ang mga metoer sa lupa at hiniwa na nya ito habang nasa ere.

Binaliktad nya ang talim ng scythe nya at saka hinampas ang huling meteor. Tumilapon ito at tumama sa may pakpak ng dragon. Dahil dito ay nawalan ng ng balance ang dragon at tuluyan ng itong bumagsak. Umatake nanaman si Adrian at sinuntok nya ang dragon paitaas bago pa ito bumagsak. "Aaawwwrrrrrg" Daing ng Dragon.

Tuluyan nang nawalan ng malay ang dragon. Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Adrian. Hiniwa nya ang tyan ng Dragon at kinuha nya ang puso nito. Sandali nya itong pinagmasdan at saka nya ito kinain. Hindi kinaya na kinaya ng batong tinatapakan ko at gumuho ito. Agad kong itinusok ang isa sa mga sword ko at ginawa itong tapakan.

Sana hindi nya ako napansin. Tumungin ulit ako sa baba para panoorin ang batang Stillwater ngunit hindi ko na sya makita. Bigla akong nakaramdam ng panganib at agad kong binunot ang sword ko at tumalon palayo. Nang makalayo ako ay biglang sumabog ang pader na pinanggalingan ko. Nagkaroon ng mga usok sa paligid dulot ng pagsabog.

Maya-maya pa ay may napansin akong paggalaw sa may loob ng usok. Mula sa makapal na usok ay lumabas ang batang stillwater. Mabilis itong nagdash papunta sa akin. Balak nya akong hiwain gamit ang scythe nya ngunit sinalag ko ito. Nakita ko ng malapitan ang muka nya. Pulang pula na parang mga dugo ang kaliwang mata nito at ang kanan naman ay kasing itim ng kalangitan.

Napansin ko din na may lumalabas ng kulay dugo na usok sa katawan nya. Nag backstep sya at saka sya nag cast ng skill. "Wraaaahhhh!!!" Mula sa dulo ng scythe nya ay may nabubuo na kulay itim na bola ng enerhiya. Mukang kaya nyang manggaya ng mga skill. Nang pakawalan nya ito ay agad kong kinontrol ang lima sa mga sword ko at ginawa itong harang sa atake nya.

Gaya ng inaasahan ay malakas sya ngunit kulang pa ito para malabanan nya ang parating na "malaking pagbabago". Pagkatapos nya sa atakeng iyon ay sumugod ulit sya sa akin. Sa pagkakataong ito ay umilaw ang scythe nya at nabalot ng kulay itim na kuryente. Bumilis ang galaw nya at lumakas ang impact ng scythe nya tuwing tatama ito sa mga sword ko.

Nagpatuloy lang ako sa pag salag at pag iwas sa mga atake nya hanggang sa sinadya kong luwagan ang pagkakahawak ko sa sword. Nang tumama ang scythe nya sa sword ko ay tumilapon ito. Dahil sa pangyayaring iyon ay nakampante sya at napansin kong bumagal ang mga atake nya. Ngunit kapalit ng pagbagal ng atake nya ay naging mas malalakas ang wasiwas nya sa scythe nya.

Tama nga ako, dahil hindi nya pa kayang kontrolin ang kapangyarihan nya ay hindi nya kayang mag isip ng maayos sa estadong ito. Wala sya sa sarili nya. Habang umaatake sya sa akin ay palihim kong kinontrol ang binitawan kong sword kanina. Nang makakita ako ng pagkakataon ay mabilis akong gumalaw at sinubukang hatiin ang katawan nya mula sa baba. Sinalag nya ito gamit ang scythe nya. Dahil don ay hindi na nya nabantayan ang likuran nya at saka ko ihinampas ang hawakan ng sword sa may batok nya.

"Matulog ka na muna batang Stillwater..." Kinuha ko ang scythe nya at saka ko hinawakan ang talim nito. Oras na para gumising ka. Naglakad na ako palayo habang pinipigil ang pag tulo ng dugo mula sa sugat ko. Sa sandaling oras na iyon... Nagawa nya akong sugatan bago nya sinalag ang atake ko.

•The Weapon's Seal is now broken•

Adrian's POV

Nang magising ako ay nasa kwarto na ulit ako. Mukang na forced log out ako. Bumangon na ako sa may higaan ko at saka pumunta na sa kusina. Binati ako ni Hayley. "Good morning Adrian! Sinubukan kitang gisingin kagabi pero mukang naka tulog ka na." Binuksan ko ang tv. "Good morning din... Kung ganon matagal akong nakatulog..." Kinuha ni Hayley ang pagkain nya at tumabi sa akin.

"Antagal ng tulog mo ah... Tinignan ko kagabi kung online ka pero naka offline ka. So... Panong practice ba gagawin natin?" Tanong ni Hayley. Tumayo ako at kumuha ng pagkain sa ref. "Magkita nalang tayo sa may Eicart City. Kailan mo ba gustong magsimula?" Tanong ko. Sandali syang nag isip. "Simulan na agad natin."

"Aahhh mamaya kakain pa ako. Magkita tayo sa may gate sa Eicart City." Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang matapos akong kumain ay bumalik na agad ako sa kwarto para mag log-in.

[Starting Character Link]

♦Initiating Full Dive Mode♦

Pag mulat ko ng aking mga mata ay nasa cave parin ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Tinignan ko kung may panganib. Maya-maya pa ay may narinig akong mga tunog ng mga monster. "Grrrr..."

•Ogre Knight•

Hp: 100%

Level: 42

Rank: D

Agad kong kinuha ang weapon ko para atakihin ang ogre. Nang mahawakan ko ang scythe ko ay nagulat ako. Mas magaan na ito katulad ng dati. Nag iba din ang itsura nito. Nawala ang mga maliliit na kadena sa talim nito at mas umitim pa ang kulay ng hawakang ng scythe ko. Nararamdaman ko ang malakas na pag daloy ng kulay itim na kapangyarihan sa weapon ko. Mukang nag iisa lang ang ogre kaya sinugod ko ito.

•Doom Blade activated•

Madali kong nahati ang ogre. Dumaan lang ang scythe ko sa katawan nito na parang wala lang ang armor na suot nito. Nang mahati ko ang ogre ay nagkaroon ng malakas na shock wave sa direksyon ng paghati ko sa ogre. Nagulat ako sa nangyari at sa lakas ng shockwave na nagawa ko ay tumilapon din ako.

Siguro hindi ko na muna gagamitin ang weapon ko. Itinago ko na muna ito at inilagay sa may inventory ko. Lumabas na ako ng cave at pumunta na sa bahay ni Larith.

"Adrian!!! Ikaw pala, bumabalik na ang Strea forest sa dati nitong kalagayan. Natapos mo na ang quest mo!" Bati sakin ni Larith nang makapasok ako sa bahay nya. "Kung ganon ay makukuha ko na po ang subclass ko?" Tanong ko sa kanya.

"Aha!! ha!!! ha!!!! Tara na kunin ang subclass mo." Hinawakan nya ako sa balikat at saka kami nabalot ng liwanag. Sa sobra liwanag ay napapikit ako. Ilang sandali pa ay nawala na ang liwanag at pagmulat ko ay nasa ibang lugar na kami. "Maligayang pagdating sa Higher Realm, nandito tayo ngayon sa Divine Temple. Dito naka seal ang subclass mo."

"Sundan mo ako." Sabi ni Larith. Pumasok kami sa isang malaking templo. Inilibot ko ang paningin ko at inobserbahan ang paligid. Malawak ang temple at sa di kalayuan ay nakakakita ako ng mga ulap. Iginala ko pa ang panignin ko ngunit puro ulap nalang ang nakita ko. "Nandito na tayo." Sabi ni Larith.

Sa harapan namin ay may isamg altar. Sa gitna noon ay may lumulutang na kulay gray na bola ng apoy. "Kailangan mo lang kunin yan at mapapa sa iyo na ang subclass ng Grand Hero." Naglakad ako papunta sa altar. Bawat tapak ko ay unti unti akong nanghihina. Nang mahawakan ko ang orb ay bigla akong nakaramdam ng matinding sakit. Nakakapagtaka sapagkat kahit nakakaramdam ako ng sakit ay hindi nababawasan ang HP ko.

"Kung ganon ikaw nga... Dapat itong malaman ng nakatataas. Buhay pa ang huling Stillwater!" Sabi ni Larith. Unti unting lumabas ang malaking ngiti sa muka nya. Pilit kong tumayo ngunit namimilipit parin ako sa sakit. "Pasensya na bata... Trabaho lang he... He

..." May inilabas syang crystal mula sa inventory nya.

Nakita kong unti unting naglalaho ang katawan ko. Kasabay ng paglaho ay may nararamdaman akong kakaiba. Unti-unti ay mas lalong sumasakit ang nararamdaman ko. Nagsimula sa kaliwang mata at unti-unting kumakalat ang sakit. "Aahhh... Nagsisimula na." Sabi ni Larith. Dahan dahan syang lumapit sa akin at bumibilis ang paglaho ko.

Tuluyan na sana akong maglalaho nang biglang may dagger na tumusok at bumasag sa crystal na hawak ni Larith. Mabilis na bumalik sa dati ang katawan ko ngunit ramdam ko parin ang matinding sakit. "Hmmm... Hehe Mukang may bisita tayo?!!" Sabi ni Larith habang tumatawa. Sa di kalayuan ay may narinig akong pamilyar na boses.

"Saan mo tinago ang tunay na Larith." Tanong nito. Parang narinig ko na ang boses nya pero di ko matandaan kung saan o kelan. "Eehhh? Ano bang sinasabi mo?! Ako ang tunay... Na larith!!!" Sigaw nya. Sa di kalayuan ay may nagbato ng potion papunta sa amin. Nang mabasag ang potion may kumalat na usok.

Mabilis na nagback step si Larith. Hindi ko naramdaman na may wala na pala ako sa pwesto ko kanina. "H-hinde!!! Iba...lik... Nyo! Sya!!!" Hindi ko alam kung galit ba sya o masaya dahil habang sumisigaw sya ay napakalaki parin ng ngiti sa muka nya. "Dapat umalis na tayo dito!" Sigaw ng bumubuhat sa akin. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay hindi ko na napansin na binubuhat na pala ako. Hindi ko na kinaya ang sakit at nawalan na ako ng malay.

Nina's POV

*boom*

Lalabas na sana kami ng templo ngunit nakarinig ako ng malakas na pagsabog. "Ayos ka lang ba?!" Sigaw ko. Sa tingin ko ay kaya ni Six mag isa ang impostor. Pero paani kung marami syang kasamahan..." Ibinaba ko ang bata at saka ko kinuha ang potion sa may bag ko. May pina inom ako sa kanya na potion. Ang isa ay gigising sa kanya at magbibigay ng lakas at ang isa naman ay magtatanggal ng sakit na nararamdaman nya.

"Hmm... S-sino ka?!" Gulat na tanong nya. "Hindi na mahalaga iyon." Nasa likuran ko na pala sya. Malubha ang kalagayan nya at halos hindi na sya makapag lakad. Maya-maya pa ay biglang may lumabas na kadena mula sa kinatatayuan nya. "Nasaan ang tunay na Larith." Tanong ni Six. Tumawa ulit ang impostor at nagsalita. "Ahahaha! Ako ang tunay na Larith!"

"Six anong gagawin natin?" Tanong ko. Nag aalala na ako kay Larith. Napaka lakas ni Larith at hindi sya basta basta matatalo. Napansin ko nalang na sinaksak na pala ni Six ang impostor. "Hindi nyo alam kung sino ang kinakalaban nyo!!!" Sabi ng impostor na Larith bagi sya maglaho.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ko. Tinignan ko ang batang Stillwater, wala paring epekto ang potion sa kanya. "Mukang hindi ito masosolusyonan ng mga potion mo." Sabi ni Six. Binuhat nya ang walang malay na batang Stillwater. "Saan na tayo pupunta?" Tanong ko.

"Pumunta na tayo sa Strea Forest. Dalin natin don ang bata." Sabi ni Six. Pumunta na kami ng forest at ng makarating kami ay nakaramdam ako ng kakaiba. "Six..." Sabi ko. Nang marinig nya iyon ay alam na nya agad ang ibig kong sabihin. Mula sa bag ko ay kinuha ko ang tatlong invicibility potion. "Inumin mo ito." Sabi ko sabay bigay ng potion kay Six.

Nang mainom namin ang potion ay unti unti na kaming naglaho. "Anong bang problema Nina?" Tanong ni Six sa akin. Muli kong sinuri ang bahay. May kung ano na bumabalot dito. "Ang bahay... Kailangan natin itong bawiin." Sabi ko. "Ako nalang mag isa ang pupunta. Dito ka nalang at bantayan mo ang bata." Sabi ni Six.

Six's POV

Palihim kong pinasok ang bahay ni Larith. Nang makapasok ako ay wala namang kakaiba. Ngunit habang naglilibot ako sa bahay ay may nakita akong mana strings. Kapag nagalaw ko ito ay malalaman ng kalaban na nandito ako o kaya naman ay magtitrigger ito ng mga trap. Sinuri ko ang mana string.

"Six... Kamusta na!" Agad akong napa talon palayo ng makarinig ako ng boses. "Arlo?!" Tanong ko. Bigla syang lumitaw sa may upuan. "Kung gagamit ka ng invicibility potion. Dapat siguraduhin mong hindi mapapansin ng kalaban ang flow ng mana mo." Sabi nya sa akin. "Alam mo ba kung nasan si Larith? Kanina pa ako dito at sa pagkaka alam ko ay hindi naman sya mahilig umalis ng bahay."

"Nawawala sya." Nagulat si Arlo sa sinabi ko. "Huh?! P-panong nawawala?!" Tanong nya. Mula sa bintana ay sinenyasan ko sila Nina para pumunta na dito. "Uy kasama mo pala si Nina. Sandali... Sino yung kasama nya?" Tanong ni Arlo. Nang makapasok sa bahay ay si Nina ay agad syang pinuntahan ni Arlo.

"Oiy!!! Nina! Kamusta na?" Bati ni Arlo. "Ah ok lang na-" Agad napitol ang pagsasalita ni Nina nang magtanong ulit si Arlo. "Sino yang kasama mo?" Ipinaliwanag ni Nina ang lahat kay Arlo. Maya-maya pa ay bigla kaming nakarinig na sigaw ng isang dragon. "Mukang nasundan tayo ng mga kalaban."