Chereads / Project: Spectre / Chapter 6 - Chapter 5: Trials

Chapter 6 - Chapter 5: Trials

•Starting Character link•

[Initiating Full dive]

Pagdilat ko na aking mga mata ay nasa isa kaming syudad. Syudad na sira-sira at walang katao tao. Parang ito yung pinangyarihan ng gera namin kanina. Ang kaibahan lang ay nasa desyerto kami.

"Shinsen..." Sabi ni Trinity. Katabi ko sya ngayon. Pagtiningin ko sa di kalayuan ay may nakita akong malaking halimaw. Isang mummy, may hawak ito na mga tao at kinakain nya ito.

•Sand Guardian•

[Guardian]

HP:100%

Level:100

"Mukang yan ang kailangan nating talunin para makasali sa tournament." Agad kong kinuha ang staff ko mula sa holographic inventory. Sumugod ako at sinubukang hatiin ang ulo nito. "Wraaaahhh!!!" Sigaw nito. Nahawakan nya ang staff ko at unti-unti itong lumubog sa may leeg nya.

Sinubukan kong hugutin ang staff ko mula sa pagkakabaon sa may leeg nya ngunit nabigo ako. Tuluyan na itong napunta sa loob ng katawan ng halimaw. Agad akong na back step at dumistansya muna sa guardian.Sumugod din si Hayley at sinubukan nyang hatiin ang likod ng mummy.

•Radiant Arcane Drive activated•

Pagdash ni Trinity ay bigla syang napunta sa likuran ng halimaw. Napaka-bilis nya at may naiwan pa syang after image.

- 0.5% HP

+ 0.5% HP

"Ano?!" Nabigla si Trinity sa nangyari. Ito ang pinakamalakas na skill nya pero ganun lang ang bawas at bukod pa don ay agad na nag regenerate ang buhay ng boss. Umikot ang ulo ng boss at tumingin ito jay Trinity. "Trinity!!!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya pero huli na ang lahat.

Hinampas ng guardian si Trinity. Malakas ang pagkakahampas nito na naging dahilan ng pag tilapon ni Trinity sa ere. Agad akong nag dash papunta sa kanya para saluhin sya. Ngunit nang masalo ko sya ay nasama na din ako sa pagtilapon.

Trinity

- 47% HP

Shinsen

- 68% HP

Tumama kami sa isang pader sa di kalayuan. Napakalakas ng pag tama namin. Kung hindi ko sya sinalo, malamang ay naeliminate na sya. "Shi-shin... Hindi ako makagalaw..." Sabi nya. Tinignan ko ang status nya.

Name:Trinity

Level:17

HP:53%

[Paralyzed]

Isinandal ko muna sya sa pader. "Wag kang mag alala... Ako na muna ang bahala." Sabi ko sa kanya. Paglingon ko sa guardian ay nakita kong patuloy lang ito sa pagkain nya ng mga tao.

•Fissure activated•

Tumakbo ako papunta sa likod ng guardian at sinuntok ang leeg nito. Dahil nasa likuran nya ako ay hindi nya agad ito nasalag. Sumabog ang balikat nya at nakita ko na ang weapon ko. Agad ko itong kinuha at nagdash palayo sa guardian.

•Forbidden art: Dreadful Tribulation activated•

Biglang nagkaroon ng mga kulay itim na orbs sa paligid. May lumabas na mga kadena dito at sa halip na ang guardian ang atakihin nito ay sakin ito tumama. Mabilis na umikot sa katawan ko ang mga kadena. Hindi na ako makagalaw at ramdam ko ang napakatinding sakit.

Nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nasa loob ako ng isang castle. "Nagkita ulit tayo bati ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko sa trono ay may lalaking nakaupo. "Joker?" Tumayo sa sa kinauupuan nya at nilapitan ako.

"Mr. Stillwater... Masyadong malakas ang iyong kapangyarihan kaya nilagyan ko ito ng seal." Sabi nya sa akin. Napansin kong humina ako at tila ba bumalik ako sa level one. "Kung ganon po ay hindi ko na magagamit ang kapangyarihan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganon. Naglagay ako ng sampung seal sa iyo. Every twenty levels ay maa-unlock mo ang isa sa mga forbidden art. Kailangan mo nang gumising. Congratulations nga pala." Paliwanag ni Joker. "Ah nga pala,limitado na ang oras ng pag gamit mo ng kapangyarihan mo. Binigyan nmkita ng skill na Limiter Distortion." Nagdilim nanaman ang paningin ko at pagmulat ko ng aking mga mata ay patay na ang boss.

Agad kong nilapitan si Trinity. "Shinsen... Ok ka lang ba?" Tanong nya. Mukang nakakagalaw na sya. "Oo ok lang... Mukang makakasali na tayo sa tournament." Umpisa palang ito. Marami pa tayong challenge na haharapin.

Nag log out na kami at nandito na ulit kami sa may kwarto. "Congratulations!!! Kayo ay opisyal nang kasali sa tournament. Ito nga pala ang tournament cards nyo. Yan ang magiging proof nyo na kasali kayo sa tournament." Binigyan kami ni sir David ng card.

"Naalala ko. Mayroon palang idadagdag na price. Ang magiging champion ay bibigyan ng sarili nyang land in-game." Sabi ni sir David. Mukang napakaganda ng grand price. Sa Fantasy's gate ay hindi ka pwedeng bumili ng sarili mong land.

Pagkauwi namin ay nagluto na ako ng hapunan. "Tingin mo makakaya natin to?" Tanong ni Hayley sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang tungkol sa seal... "Makakaya natin yan. Hindi katulad ng ibang laro, Halos hindi nakabase sa stats ang game." Sabi ko.

"Ok... Sabi mo eh. Gawin natin ang lahat para sa tournament." Sabi ni Hayley. Pagkatapos naming kumain ay hindi na kami nag aksaya ng oras at nag log-in sa game. Ilang araw nalang kaya kailangan na naming mag training.

Hayley's POV

Nandito kami ngayon sa harap ng Tower of Trials. "Dito magaganap ang special training natin. Bukod sa level ay mahalaga din ang battle experience. For example, meron kang napaka lakas na item pero hindi mo ito alam gamitin. Saka mas maganda pag mas pamilyar na tayo sa isa't isa." Paliwanag ni Shinsen.

Date... Hindi to date. Waahhhh ano ba pumapasok sa isip ko?! Kailangan kong mag focus. Luh! No Hayley! Wag kang mag blush!! Nooooo!!!! "Trinity, ok ka lang ba?" Tanong ni Shinsen. Agad ako tumalikod dahil baka makita nya yung muka ko.

Umayos ka Hayley! Hindi ito ang oras para gumanyan. "Uuhhh kung masama ang pakiramdam mo magpahinga ka na muna." Sabi ni Shinsen. "Ah hindi! Hindi ok lang ako may naalala lang." Sabi ko.

"Sir! 1000 gold coins po bawat player." Sabi ng NPC sa may pinto. "Huh teka teka bakit ang mahal?!" Gulat na tanong ko. Ang gold ay ang highest currency dito sa game. Ang 1000 bronze ay 1 silver, at 1000 silver naman sa 1 gold, ang 1000 gold naman ay 1 platinum.

"Ok lang yan Trinity. Hindi tayo malulugi. Worth it ang isang to." Sabi ni Shinsen sabay abot ng isang platinum coin sa npc. Ang npc o non player character ay ang mga nakatira dito sa game. Sila ang mga villagers, blacksmiths, merchants, at iba pa.

•Tower of Trials•

F 1

Pagpasok namin ay namangha ako sa tanawin. Kahit nasa loob kami ng tower ay tila ba nasa ibang lugar kami. Nasa loob kami ng forest. Aakalain mong maliit lang ang lugar pag tinignan mo mula sa labas pero napakalawak pala nito. "Humanda ka." Sabi ni Shinsen

•Frenzy Wolf•

Hp:100%

Level:5

•Corrupted Wisp•

Hp:100%

Level:7

•Forest Rat•

Hp:100%

Level:3

Pagpasok palang namin ay marami na agad na lumabas na mobs. "So paano ang strategy?" Tanong ko sa kanya. "Hhmmm kailangan kong sanaying gamitin sa close combat ang Nightmare's Edge ko. Mag salitan lang tayo sa pagtira at tipirin mo mana mo. Mas kakailanganin natin yan sa mas mataas na floors."

Naunang sumugod si Shinsen. Iwinasiwas nya ang scythe nya at nahati sa dalawa ang lahat ng mobs sa paligid. Tumalon ang isa sa mga frenzy wolf. Yumuko si Shinsen para umilag. Sinamantala ko naman ito.

Nagulat ang Frenzy Wolf dahil pag yuko ni Shinsen ay ang dagger ko ang makita nya. Agad itong namatay dahil tumagos ang dagger ko sa bungo nito. Nagpatuloy lang kami sa pagpatay na boss.

"Paano pala tayo makaka akyat sa next floor?" Tanong ko kay Shinsen. Iwinasiwas nga ulit ang scythe nya at nakapatay sya ng limang Forest Rats. "Kailangan lang nating ubusin lahat ng mobs dito." Sabi nya.

•Mana Distortion activated•

"Malaki ang maitutulong ng mga aoe skills para mapabilis tayo." Sabi ko sa kanya. Effective naman ang skill ko at mabilis na nauubos ang mga mobs. Nang mamatay ang huling mob ay biglang nagdilim ang paligid.

•Fluffy destroyer•

Rank F

HP:100%

Mana:100%

Level:25

Waaahhhh ang cute!!!!! Isa itong higanteng teddy bear na kulay pink. "Woaaaarrrrr!" Uwah! Kahit ang sigaw nito ay napaka cute. "Mukang na patch na nila ang server. Maraming pagbabago na ang makikita natin." Sabi ni Shinsen.

Sumugod si Shinsen at hinati nya ang kamay nito. Sa sobrang talim ng scythe nya ay madaling naputol ang kamay ng Fluffy destroyer. Parang dumaan lang ito sa hangin. "Shinsen!!!!" Napasigaw nalang ako ng bigla syang hawakan ng kamay nito na nahulog.

Agad ko syang pinuntahan at hinati-hati ang kamay nito para mapakawalan sya. "Thanks." Sabi nya saka kami lumayo. "Tapusin na natin ito. Nasa first floor palang tayo." Sabi ko sa kanya. Sinugod namin ang boss.

•Radiant Arcane Drive activated•

Bumilis ang galaw ko at tila ba na triple ang lakas ko. Ihinanda ko ang dagger ko at hiniwa ko ang tyan nito. Kinilabutan ako sa aking nakita. "D-dugo?!" Napasigaw ako. May lumabas na dugo sa tyan ng Fluffy destroyer.

Patuloy lang ako sa paghiwa sa boss. Bawat hiwa ko ay napapansin ko na nagiiba ang itsura nito. "Trinity! Lumayo ka muna dyan at wag mo syang titignan!" Sigaw ni Shinsen. Agad kong sinipa ang boss at para makatalon ako pabalik.

•Dreadful Sight activated•

Nakaramdam ako ng takot ng maactivate ang skill ng boss. "Wag kang titingin sa kanya. Isa yang one hit na skill ng boss. Magkakaroon ka ng frightened status at saka ka nito kakainin." Paliwanag nya sa akin.

Hindi ko alam kung saan nya nalalaman ang mga ito. "Kaya kong sugudin ang boss kahit nakapikit ako." Sabi ko sa kanya. May kinuha sya sa inventory nya at ibinigay nya sakin. "Inumin mo itong mana potion. Mukang kakailanganin mo ng maraming mana para matalo yang halimaw na yan." Sabi ni Shinsen.

Ininom ko na yung potion. Grabe parang uminom lang ako ng malamig na tubig. Naramdaman ko na unti-unti nang dumadaloy sa katawan ko ang mana. "Dito ka lang Shinsen ako na kuna bahala." Sabi ko sa kanya.

•Mysterious Art: Mystic Slash activated•

Unang beses ko palang susubukan ang skill na ito. Nakuha ko ang skill na ito nong kinain ko ang prutas na iyon. Kita ko ang buong paligid dahil sa flow ng mana. Tila ba nararamdaman ko ang bawat paggalaw sa paligid.

Sinugod ko ang boss at hiniwa ito. Lumakas ang hangin sa paligid at naramdaman ko na tila ba nagkaroon ng crack sa hangin.

- 78% HP

Wow!!! Kalakas pala ng skill na ito. "Wroaaaahhh!!" Sigaw nito. Nakakatako na ang itsura ng boss. Ang itsura nito ay ibang iba na sa kanina. From cute to creepy.

•Beautiful Harvest activated•

Biglang nagkaroon ng lindol at umilaw ang lahat ng napatay naming mobs kanin. "Umalis ka na dyan! Inaabsorb nya ang mga mobs sa paligid!" Sigaw ni Shinsen. Napansin kong may dalawang mana pool na nag aagawan kaya agad akong nagdash palayo.

Ang isa ay ang sa boss dahil hinihigop nito ang mga napatay namin kanina at ang isa naman ay kay Shinsen. Tila ba pamilyar ang flow ng mana na ito. Parang naramdaman ko na ito dati. Isa itong high class mana compression.

•Dreadful Chronic Blast activated•

Ang orb na inipon ni Shinsen ay hindi nya pinakawalan sa isang direksyon kayulad nung ginawa ng boss sa castle. Ang ginawa nya ay ibinato nya ito sa may boss habang ito ay compressed.

•Cute Glutton activated•

Ibinuka ng boss ang bunganga nito at saka nya kinain ang skill ni Shinsen. Akala ko ay hindi ito tatalab ngunit nakaramdam ako ng mana reaction sa loob nito. Nawalan ng control ang compressed na mana orb at sumabog. Nagpakawala ito ng mga laser sa ibat ibang direksyon.

Napansin ko na may laser na tatama sa akin kaya sinubukan kong umilag. Hindi ko kinaya at tatamaan na ako. Napakabilis nito.

•Limiter Distortion activated•

Mabilis na nagdash si Shinsen sa akin. Lahat ito ay nangyari lang sa isang segundo. "Boom!!" Sumabog ang malaking bato na tinamaan ng laser. Kung hindi ako niligtas ni Shinsen, malamang ay namatay na ako.

•Fluffy Destroyer has been defeated•

+60% XP

"Nagawa natin." Sabi nya. Biglang nagkaroon ng mga kadena sa paligid nya at pumalupot ito sa kamay,paa, at kawan nya. Agad din itong naglaho ngunit bumagsak sya at nanghina.Napahiga kaming dalawa dahil sa pagligtas nya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano.Nakapatong na pala ang kamay nya sa may dibdib ko.

Shinsen's POV

"Kyaaaahhhh!!!!" Bigla akong nakaramdam ng malakas na sipa at saka ako tumilapon.

-13% HP

Shinsen

Level:27

HP:12%

Mana:0.3%

Tumilapon qko sa may bato sa di kalayuan. "Shin!!!! S-sorry!!" Sabi ni Trinity. Inabutan nya ako ng purple potion at saka ko ito ininom. "Bakit ka ba pabigla biglang naninipa?" Tanong ko sa kanya. Kung hindi ako tumama sa batong ito malamang ay patay na ako.

"Hhmmm basta basta." Sabi nya saka sya biglang tumalikod. "Uuhh Shinsen may chest doon oh!" Sabi nya. Tumayo ako at tinignan ko ito. May chest sa may pwesto kung saan namatay ang boss.

"Bubuksan ba natin?" Tanong nya sa akin. Hindi ko alam pero parang may mali. Pumulot ako ng bato at saka ihinagis sa may chest. "Mukang ok naman tara na buksan ito." Lalapit na sana si Trinity nang pigilan ko sya. "Sandali lang may isa pa akong susubukan.

Naghigis pa ulit ako ng bato ngunit sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na ang paghagis ko.

- 3% HP

"Teka, may hp ba ang mga chest?!" Tanong ni Trinity. "Dali!! Magcast ka na ng maraming skill!!! Ubusin mo na yung mana mo sa kanya!!!" Sabi ko. Nagdalawang isip si Trinity. "Pero-" Kailangan na naming mapatay ang mimic bago ito magising. "Dalian mo na!"

•Mana Distortion activated•

×3

-17% HP

-13% HP

-15% HP

-47% HP

-5% HP

•Mimic•

Rank A-

HP:3%

Mana:100%

Level:50

Biglang tumalog ang mimic papunta kay Trinity. Napakabilis nito at hindi agad nakadodge si Trinity. Bago pa man tumama ang mimic kay Trinity ay agad ko itong sinuntok.

-3% HP

•Mimic has been defeated•

+ 50000 Gold

"Huh?!" Nagulat si Trinity sa bilis ng pangyayari. "Teka kill ko yun ah. KS ka!!!" Sabi nya. Pero napakalakas ng physical damage ng mimic. Kaya sya nifonv patayin sa isang tira lang. "Oiy naka party system tayo, nagsheshare tayo sa loots at xp" sabi ko.

"Aahh... Ganon pala yun..." Sabi nya. "Teka ngayon mo palang nalaman yon?!" Antagaylyyr na naming naglalaro pero hindi nya pa pala alam yon. "Hmmm tara na sa second floor." Sabi nya. May nakita akong portal sa may puno at nilapitan ko ito.

"Mukang dito tayo dadaan para makapunta sa second floor ng trials." Sabi ko. Lumapit sa akin sa Trinity at pinigilan nya akong pumasok. "Sure ka bang safe dyan?" Tanong nya. "Oo naman. Wag kang mag alala. Lalabas lang ang portal pag natalo na lahat ng mobs sa isang floor." Sabi ko.

Pinasok na namin ang portal at napunta kami sa isang kastilyo na gawa sa kahoy. Mukang mas malawak pa ito sa unang floor.

•Welcome to the 2nd floor of the tower of trials•