Chereads / Project: Spectre / Chapter 5 - Chapter 4: Sniper

Chapter 5 - Chapter 4: Sniper

Papunta na kami ni Hayley sa mga room namin nang bigla naming makasalubong si sir David, ang Prinicipal. "Goodmorning students." Bati nya. "Goodmorning sir!" Bati din ni Hayley.

"Good morning sir. Sir pwede nyo po bag i-explain yung tungkol sa mangyayaring tournament?"Tanong ko. Principal sya kaya sigurado ako na alam nya ang lahat ng tungkol dito.

"Ay yun ba... Teka saan ko pa sisimulan..." Sandali syang nag-isip. "Augmented tournament, ito ang kauna-unahang tournament na gaganapin sa ating academy. Lahat ng estudyante ay pwedeng sumali. Mayroong apat na parte ang Tournament. Ang survival, elimination, semi-finals, at finals. Tatlong araw nalang at gaganapin na ang tournament kaya magparegister na kayo." Paliwanag ni sir David.

Habang nagsasalita sya ay may napansin akong estudyante. Hindi ko pa sya nakikita dito, mukang bagong transfer. "Oh ikaw pala mr. Archedious. Sakto ang dating mo, sya ang magiging kaklase mo." Bati ni sir David sabay turo kay Hayley. Tama nga ako.

"Hello, ako si Adrian." Bati ko sa kanya. Iniiabot ko ang kamay ko upang makipag kamay ngunit tinitigan nya lang ako. "Hmmm mabuti pa ms. Sanvictores ay ihatid mo na si mr. Archedious sa room nyo." Utos ng principal.

Nang makarating kami sa may corridor ng room namin ay biglang syang huminto sa paglalakad. "Ikaw." Sabi nya sabay turo sa akin. "Hinahamon kita sa isang duel." Sabi nya.

•Battle detected•

•Activating Cross Dive mode•

"Adrian, pwede mo namang i decline yung request nya." Sabi ni Hayley. Umilaw ang HCC ko at may lumabas na holographic screen. "Adrian... Please." Sabi ni Hayley. Ayaw ko sa lalaking ito at gusto kong malaman kung may ipapalag ba sya... Pero hindi muna ngayon. May panahon ang lahat ng bagay.

•Request canceled•

Hindi na ito nagsalita at pumasok na sa room nila nya. "Adrian, nakita mo ba yung Hexacore cube nya?" Tanong ni Hayley. Napansin kong kakaiba nga anh HCC nya. "Mukang nahanap na natin ang isa sa mga Royals." Sabi ko. Sandali akong napaisip.

Kung ganon ay dapat ko pala syang kaibiganin dahil isa rin ako sa mga royals. Pero hindi ko alam kung ano ang posisyon ko. Kung ikukumpara sa baraha ay isa akong joker card at sya ay isa sa mga royals.

"Adrian!!!" Nagulat ako sa sigaw ni Hayley. "Ah ano? Bakit? Saan? Waaahh late na ako?" Nag panic ako dahil sa pagkagulat. "Hindi mo ako pinapansin kanina pa kita tinatawag. Bakit ba parang anlalim ng iniisip mo?" Tanong nya.

"Ah wala, wala yun. Sige pasok na tayo sa mga room natin. Saka magparegister na rin tayo sa mga adviser natin." Bilin ko sa kanya. Nakita ko na ang mga galaw ni Hayley. Magiging isang magaling na player sya. Mataas ang chance na makarating kami sa finals.

"Ah okie, kita nalang ngarod tayo mamayang uwian ah." Nagpaalam na si Hayley at pumasok na kami sa room namin. Pagpasok ng teacher namin ay agad kaming bumati. "Good morning sir." Bati ng buong klase kay sir Vera. "Class lahat ba kayo ay may dalang HCC?" Tanong ni sir. Agad namang sumagot ang buong klase. "Yes sir!!!", "Opo sir.","Sir yes sir."

"Sir ano po gagawin natin? Papasok ba tayo sa game?" Tanong ng kaklase ko. "Sir maglalaro po tayo?" Tanong pa ng isa. "Hmmm oo at hindi. Lahat tayo ay papasok sa isang custom world. Ang subject? HISTORY." Sagot ni si Vera.

Umilaw ang cube namin at may lumabas na natofication.

•Do you want to join the custom room?•

[Yes][No]

Inaccept ko yung invitation at isinuot na ang HCC. "Paalala ko lang, pwed nyong i bend ang upuan nyo para makahiga kayo. Dapat ay maging komportable kayo para di sumakit ang katawan nyo pagkatapos ng klase." Sabi ni sir.

•Starting link•

[Initiating cross dive mode]

Pagkamulat ko na aking mga mata ay nasa loob na ako ng custom world na sinasabi ni sir David. "Ok class! Para mas maging interesting ang lahat, gusto kong igrupo kayo. Ang section nyo laban sa kabilang section. Ang grade 10-Hope."

Nako... Mukang malalalaban ko sila Hayley. Pero graded ang gagawin namin at naka base ito sa performance task. "Sa mga natatakot dyan. Wag kayong magalala samagkat 40% lang ang mararamdaman nyong sakit. Maipaalala ko lang, nakadis-able ang interface nyo kaya di nyo magagawang makapag message sa isat isa at walang lalabas na mga notification. In short... Babalik tayo sa nakaraan."

Biglang may lumitaw na mga baril sa tabi ng teacher namin. "Ito ang mga gagamitin nyong baril. Bigyan nyo ng pansin ang mga lugar dito at ang mga iba pang detalye sapagkat baka ilagay ko iyon sa quiz nyo." Sa kamay ni sor David ay may lukitaw na isang lumulutang na cube. "Ang goal nyo ay makakuha ng flashback fragments at ma elimimate ang kalaban. Ang mananalong team ay bibigyan ng plus points sa exam."

Unti-unti nang naglaho ang teacher namin at kami nalang ang natira. "Guys! Gumawa kayo ng malaking bilog gumawa muna tayo ng strategy." Sabi ni Lea, ang class president namin. Umabot kami ng ilang minoto sa pag-gawa ng straregy. Ang iba pala ay ngayon palang hahawak ng baril kaya mahihirapan medyo mahihirapan kami.

Ako ang naatasan sa sniper. Nandito ako ngayon malayo sa may pangyayarihan ng gera. Sa isang tore na nababalutan ng maraming lumot at vines. Kumuha na ako ng vines at itinali sa sarili ko at sa baril ko.

"Boom"

May sumabog di kalayuan. Hudyat yun na nagsimula na ang gera. Ang goal namin ay makapunta agad sa bomb shelter. Ang mangyayari dito ay isang nuclear war.

Nandito pa ako sa tower sapagkat tinitignan ko kung merong flashback fragments sa paligid. Sa di kalayuan ay may nakita akong tatlong kalaban. Mukang mga scout lang ito ngunit tila ba may kahinahinala.

Minatyagan ko muna sila at nang makalapit pa sila ay agad akong nagsignal sa mga kakampi ko. "Sa hudyat ko babaril tayo." Sabi ko sa iba pang sniper gamit ang isang radyo. "Ready." Itinapat ko na ang scope ko sa kalaban at naghintay pa sandali. "Fire" pagkasabi ko non ay bigla nang natumba ang mga kalaban.

"1st squad secure the perimeter at 11 o'clock please." Sabi ni Lea. Nagpatuloy lang ako sa pagmamanman at pinagmamasdan ang paligid. Tuwing may makikita akong gagalaw ay agad kong aasintahin.

"Adrian, 3 o'clock we have a breach." Sabi ng isa kong kasamang sniper. Kinuha ko ang Dragunov na sniper at pinalitan ang AWP ko. Semi automatic ito kaya mas maganda itong gamitin pag marami ang kalaban.

"Bang!!!"

"Bang!!"

"Bang!"

Sunod ang pag bagsak ng kalaban hanggang sa- "bang!!!" Nadaplisan ako ng bala sa balikat. Agad akong dumapa at nag apply ng first aid. Pagkatapos non ay agad na akong bumaba. Patakbo na ako palayo sa tower ng biglang-

"Boom!!!!!!!"

Sumabog ito. Tama nga ako, na hahagisan na nila yun ng bomba. "Adrian ok ka lang ba?" Tanong ni Lea. "Oo ok lang." Sabi ko. Bigla akong nagtago nang may nagpaputok ng baril. "Lahat kayo!!! Initiate retreat!!! Pumasok na kayo dito!" Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Habang patakbo akong bumabalik sa bomb shelter ay tuloy parin ang palitan ng putok ng baril. "Agh!!!" Sigaw ng kasamahan ko sa di kalayuan. Agad ko syang pinuntahan. "Adrian anong ginagawa mo? Pasok na sa shelter." Sabi ng isa sa mga sniper.

"Meron tayong injured na kasama kailangan kong puntahan." Sabi ko sa radyo. "Jhansen! Halika na tara na sa shelter." Tinulungan ko syang makatayo at umakbay sya sakin. Binigyan ko na sya ng first aid at pain pills kaya bubuti na ang pakiramdam nya.

"Adrian ano yon?!" Tanong ni Jhansen sabay turo sa isang cube sa loob ng isanh bahay. "Isang flashback fragment!!! Dalian natin!!" Agad namin iyong pinuntahan. Dahan-dahan namin itong pinasok.

Sa likod ng bahay kami dumaan at maingat na pumapasok. "Adrian sa may likod ng pinto sa may kwarto." Bulong nya. Nakasuot sa kanya ang termal vision na goggle kaya walang makakapag tago sa kanya. Nakikita nya ang mga bagay base sa temperatura nito.

"Isa lang sya at sigurado akong di natin yan kasama." Bulong ulit nya. Iniabot ko sa kanya ang pistol ko na may silencer at saka nya ito binaril. "Pihw." Pinasok na namin ang kwarto at nakita namin ang flashback fragment.

"Dapat na natin ito agad kunin dahil isa itong trap." Sabi ni Jhansen. Agad kong kinuha ang flashback fragment. Ngunit nang mahawakan ko ito ay biglang nagliwanag ang paligid. Biglang may mga pangyayari akong nakita sa aking isipan.

Kung ganon ganito pala ang flashback fragment, literal na flashback. Ipinakita sa akin kung ano ang talagang naganap noong world war III at marami akong nalamang mahahalagang bagay. "Adrian ayos ka lang?" Tanong ni Jhansen." Medyo sumakit ang ulo ko sa nangyari. "Halika tara doon." Agad ko siyang hinila papunta sa cr.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jhansen. Agad kong pinindot ang isang tile sa may gilid ng cr at may bumukas sikertong lagusan. "Paano mo nalaman ang bagay na ito? Saan ito papunta?" Tanong ulit ni Jhansen. "Papunta ito sa bomb shelter. Nalaman ko ito sa flashback fragment."

Nang makarating kami sa may bomb shelter ay sinalubong kami ng mga kaklase namin. "Nasaan ang iba?" Tanong ni Jhansen. "Na eliminate na sila..." Sabi ni Lea. Apat nalang kaming natitira. Si Renz ang sniper, si Lea, si Jhansen, at ako.

"Tago ang lugar na ito at hindi tayo mahahanap ngunit hindi rin matatapos ang gera." Sabi ni Lea. Napansin kong stressed na sya sa mga nangyayari. "Anong problema?" Tanong ko. May inilapag si Renz na briefcase at pagbukas nya nito ay.

"May password ang Detonator. Kailangan natin ng code para mapagana ang Nuclear Misile." Sabi ni Renz. "Alam ko ang password! Nalaman ko ito sa nakuha kong flashback fragment." Sabi ni Jhansen. Inilagay na nya ang mga codes.

052103

Sinimulan na ang sequence ng pag launch sa nuclear misile at ito na ang panalo namin. Limang minuto pa ang kailangan kaya naglibiot muna ako sa may paligid ng shelter. Ilang mga kwarto ang nalibot ko. Napakalawak pala dito, kung iisipin ay pwede ka na ditong mabuhay hanggang kamatayan dahil meron ditong halos unlimiyed na supplies.

Pagbukas ko ng drawer ay nagulat ako sa nakita ko. Mayroong flashback fragment, hinawakan ko ito at pinagmasdan ang mga nangyari sa nakaraan. Dito pala sila tumira noon hanggang sa maging ligtas nang lumabas. Inabot ito ng ilang dekada. Ngunit hindi nito napigilan ang pag unlad ng mga tao.

Hindi nagtagal ay nakagawa din ng paraan ang nga tao at nalinis ang mundo mula sa radiation mula sa World War III. Nakarinig ako ng kalukos mula sa may corridor. Agad akong nagtago, nagtalukbong ako gamit ang isang kumot na pinangtakip sa mga kagamitan at saka ako tumabi sa mga ito.

Nagulat ako sa nakita ko. Si Nyx, sugatan sya at puno sya ng mga pasa. Sandali syang napahinto at tumingin sa direksyon ko. Mabuti nalang at iisa nya lang. Agad akong nag send ng distress signal. Sana makarating sila agad dito.

Bigla syang huminto. "Wag ka nang magtago. Lumabas ka dyan." Inilabas nya ang dagger sa may bulsa nya. Mabuti nalang at may dala din akong dagger. Bigla akong tumalon papunta sa kanya. Pag-galaw ko ay agad din syang nag backstep at sinubukan akong saksakin.

Nagsalubong ang mata namin. Matagal kamin nagtitigan at naghihintay sa paggalaw ng isa't isa. Sinubukan nya akong saksakin paharap ngunit agad akong nag sidestep at ipinaikot ang kamay na. Pagkabitaw nya ng dagger ay agad ko itong kinuha.

Gigilitan ko na sana ang leeg nya gamit ang dagger nya ngunit nakaramdam ako ng matulis na bagay sa tagiliran ko. Huminto ulit ang pag-galaw namin. Ang dagger ko ay nakatapat na sa leeg nya at ang patalim nya ay nakatutok sa tagiliran ko.

"Nyx nga pala, gusto kong maging rival ka. Hindi ako nagkamali sa paglipat ng school." Sabi nya. Unti-unti kong idinidiin ang talim na dagger ko sa leeg nya. Kasabay non ay nararamdaman ko din na dumidikit na sa balat ko ang patalim nya.

Agad akong nag back step at inihagis ang dagger ko. Sinubukan nyang umilag pero tinamaan sya sa balikat. "Wag kang gagalaw!" Paglingon ko ay nakatayo na sa may pinto si Lea at kasama nya si sina Renz at Jhansen. Nakatutok ang baril ni Lea kay Nyx at handa nya itong iputok anumang oras.

"Boom" May narining kaming pag sabog. Yumanig ang paligid at na our balance si Lea. Sinamantala ito ni Nyx ang pagkakataon at inagaw nya ang baril saka ito ipinutok. "Bang!Bang!!Bang!!!" Umilingawngaw ang tunog ng baril sa buong shelter.

"Tayong dalawa nalang ulit." Sabi ni Nyx. Hindi na ako nag aksaya ng oras at sinaksak ko na sya gamit ang dagger ko. Tumama ito sa puso nya at agad syang naglaho. Mukang hindi pwede ang ganitong pagtuturo sa elementary...

Nagliwanag ang lahat at pagkadilat ko ay nasa room na ako. Lahat sila ay nakatingin sa akin. *clap*clap* nagsimula silang magpalakpakan. "Mahusay, napakahusay bg ipinakita mo mr. Stillwater." Bati sa akin ni sir Vera.

Nagdiscuss lang saglit si sir David at nerecall lahat ng nangyari. Pinagawa nya pa kami ng mga reflection at kung ano ang natutunan namin sa klase. Paglabas ko ng room ay nakasalubong ko si Hayley.

"Oiy Adrian tara sabay na tayo umuwi." Sab ni Hayley. "Uhh kamusta na? Ano kwento mo naman kung ano nangyari sayo kanina?" Na curious ako kasi hindi ko sya nakita kanina. Mabuti nalang at hindi kami nagkita ni Hayley. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nakaharap ko sya.

"Uuhhh medyo ok naman. Marami akong na eliminate sa kasamahan mo. May isa nga akong nakuhang flashback fragment ih. Kaso nga lang namatay ako dahil sa isang land mine. Oiy ikaw ah ang galing mo kanina." Paliwanag nya.

"Ah hindi naman. Sinwerte lang ako kanina kaya ako nanalo." Sabi ko. Sana ako lang ang nakapansin, pero mukang may bug ang custom world na iyon. Tila ba konektado parin ang Fantasy's Gate sa Custom World. Tila ba nasa akin parin ang status ko sa game.

"Aaahhh muntik ko nang makalimutan!!! Magreregister pa pala tayo para sa tournament." Sabi ni Hayley. Nawala sa isip ko. Masyado akong nalibang sa History class namin. "Tara na punta tayo sa may highschool faculty." Sabi ko.

"Hello po principal." Bati ni Hayley pagpasok namin sa may faculty office. "Nandito po kami para magregister sa tournament." Sabi ko kay sir David. "Hmm sumunod kayo sa akin." Sumunod kamo sa kanya papunta sa isang kwarto.

Pagpask namin sa may kwarto ay may nakita akong dalawang higaan. "Kailangan nyo munang pumasa sa test para makasali sa may tournament." Sabi ni sir David. Napansin ko na umiilaw ang HCC ko.

•Do you want to join the custom room?•

[Yes][No]

Isa nanamang custom room. "Uhh sa custom room po isasagawa ang test?" Tanong ni Hayley. "Oo tama ka ms. Sanvictores. Pumwesto na kayo dito at isasagawa na ang test. Ang goal nyo ay mapatay ang isang monster ng magkasama." Sabi ni sir David.

"Kaya natin to. Galinangan natin Adrian!" Sabi ni Hayley. "Sige, pangako ko makakasali tayo sa tournament at ipapanalo ito." Sabi ko sa kanya bago ko ipikit ang mga mata ko.

•Starting Character Link•

[Initiating Full Dove Mode]