Hayley's POV
"Shi-sh-insen..." Kahit takot na takot ako ay pinilit kong tawagin ang pangalan nya. Ngunit paglingon nya sakin ay bigla nya ako sinugod. Sinubukan ko umiwas pero hindi ko maigalaw ang aking katawan.
Bigla nya akong sinakal."A-ako t-...o" Napansin ko nalang na lumuluha na pala ako... Adrian... Ikaw pa ba yan?
Adrian's POV
"Hayley!!!!"
"Hindi ako yan!!!"
"Tumakbo ka na!!!"
Paulit ulit kong sigaw. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nakikita ko si Hayley at yung sarili ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ang naaalala ko lang ay inactivate ko yung skill na catastrophe.
"Mukang hindi ka pa handa..." Sabi ng isang boses. "Sino ka?! Bakit ako nandito?Anong kailangan mo sakin?!" Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung saan namggagaling ang boses ngunit hindi ko mahanap ang pinanggagalingan ng boses.
Maya maya pa ay may nakita akong tao sa di kalayuan. Naglalakad sya palapit sakin hanggang sa magulat ako sa aking nakita. "Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.
"Mukang nakilala mo na pala ang ako sa kabilang mundo." Sagot nya. Bigla akong napaisip, kung ganon... "Isa lamang akong data, naatasan akong gabayan ang isa nga mga Royals."
"At ako ang tinutukoy mo tama ba?" Tanong ko sa kanya. Hanggat maaari ay gusto ko nanag umalis dito dahil nasa panganib si Hayley. "Ipapakilala ko muna ang sarili ko. Tawagin mo akong Joker. Hmmm mukang kailangan na nating magmadali. Wag kang gagalaw at magiging masakit ito."
Dahan dahan syang naglakad palapit sa akin. Sinubukan kong maglakad papalayo pero di ako makagala. Napakalakas ng pressure na nararamdaman ko. Tila ba hinaharap ko ang pinaka malakas na nilalang sa mundo. Dahan dahan ang kanyang pag galaw.
Hanggang sa bigla nalang...
Hayley's POV
-30% HP
Hindi na ako maka hinga. Napaka higpit ng pagkakahawak nya. Adrian...
-20% HP
-10% HP
Napansin kong unti unti nang lumuluwag ang pagkakahawak nya. "Shinsen..." Tuluyan na nya akong binitawan hanggang sa bigla nalang.
•Frost sphere activated•
Biglang may tumama na bilog na ilaw kay shinsen. Agad akong nag back step at nag dash palayo. "Ayos ka lang ba?" Sabi nung player na nagligtas sa akin.
"A-ayos lang..." Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Tuminingin ako kay Shinsen. Nabalot na sya ng yelo at hindi na makagalaw. "Hmmm delikado sa lugar na ito. Samahan nalang kita sa loob." Sabi nya.
Teka...kahina-hinala ang mga galaw at sinasabi nya. Agad akong dumistansya sa kanya. "Teka sandali... Ako nga nagligtas sayo diba? Ganyan na ba magpasalamat ang mga babae ngayon?" Angal nya.
*crack*
Unti-unti nagkaroon ng mga bitak ang yelo na bumabalot kay Shinsen. "Humanda ka makakalabas na sya." Sabi nya. Susugod na sana sya ngunit bigla akong humarang sa daraanan nya.
"Anong ginagawa mo?! Patayin na natin sya saka natin pp0paghatian yung mga items nya." Sabi nya. Unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay nya. "Hindi pwede! Kaibigan ko sya!!!" Sigaw ko.
"Kung kaibigan ka nya, bakit ka nya sinaktan?" Bigla akong natigilan dahil sa sinabi nya. Hindi si Shinsen yon, kahit na sandali palang kaming nagkakasama ay alam kong mabait sya at hindi nya magagawa ang bagay na iyon.
"Wala ka nang pakeelam doon!" Sigaw ko sa kanya. Delikado na kami, mababa palang ang level ko. Nagsimula na syang maglakad papalapit sa amin. "Wag kang lalapit!!!" Inihanda na nya yung espada nya at unti-untu nang bumibilis ang galaw nya.
"Sorry ah, desisyon mo yan." Sabi nya saka sya nagdash. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihintay ang paggising ko sa aking kwarto. Ilan segundo na ang lumipas at nakapikit parin ako. "Pwede ka nang dumilat..." Bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses.
Pagdilat ko ay nakita ko sya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. "Sorry..." Sabi nya.
Adrian's POV
Papatayin na ako ng kunsensya ko. Hindi ko alam na ganon pala ang mangyayari. Dahil sakin napahamak sya. Kahit laro lang ito ay makakaramdam din ng sakit ang player.
"Shin... Ikaw na ba yan?" Tanong nya. Bakas sa muka nya ang pag-alala. Tuwing nakikita ko ang muka nya ay nakakaramdam ako ng sakit. Tila ba sinusunog ang pakiramdam ko. Ayaw talaga ako lubayan ng kunsensya ko.
"Oo ako na to, sorry sa nangyari kanina." Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Napakalaki ng ginawa kong pagkakamali. "Pangako di ko na ulit gagamitin ang kapangyarihan ko, patawarin mo na ako." Sabi ko sabay luhod sa harap nya.
Agad naman akong pina tayo ni Hayley. "Oo na oo na pinapatawad na kita. Teka...nasaan ba tayo?" Tanong nya. Nilibot ko ang tingin ko at pinagmasdan ang paligid. "Mukang nasa loob tayo ng castle mo." Sabi ko
"Kung kaya mo palang makapasok agad dito... Eh bakit di mo pa ginawa agad kanina?" Tanong nya. Sandali akong napaisip at lalo akong nakunsensya.
"Ahhh....eh...nakalimutan kong may ganon pala akong item." Biglang nag-iba ang ekspresyon ng muka nya. Bigla akong kinilabutan at tumayo lahat ng balahibo ko.
•Radiant Arcane Drive activated•
"Hayley... So-sorry n-na!!" Agad akong tumalon palayo sa kanya. Delikado ito, ramdam ko ang galit nya sakin. "Oiy...wala namang ganyanan." Sabi ko habang humaatras. Bigla syang sumugod at sinubukan akong suntukin. Mabuti nalang at nakailag ako sa suntok nya.
Tinignan ko yung tinamaan ng suntok nya at nagulat ako sa nakita ko. Nabutas yung pader sa tinamaan ng suntok nya. "K-kal-ma k-ka ka lang T-tri-trini-ty." Kinakabahan ako. Delikado, baka masira nya itong floating castle at bumagsak.
Patuloy lang ako sa pag-iwas hanggang sa wala na akong maatrasan. Dead end na!!! Pag lingon ko sa kanya ay kamay nya nalang ang nakita ko. Tinamaan na ako ng suntok nya nasira ang pader sa may likuran ko.
- 0.2% HP
"Oiy... Sorry na nga." Sabi ko. Tumigil na sya at tumingin sa akin. Lalo akong nilamon ng kunsensya ko nang tumingin ako sa kanya. "Hm...uh..." Please wag...
"Uwaahhh!!!" Tuluyan na syang umiyak. "Ikaw naman kasi eh..." Sabi nya. Hindi no talaga alam ang gagawin ko. Wala pa akong napaiyak buong buhay ko... "S-sorry na, promise ko na ulit gagamitin ang kapangyarihan ko." Patuloy lang sya sa pag iyak. Lalapitan ko na sana sya at aakapin ng biglang-
"Roooaaarrr!!!"Sigaw ng isang halimaw. Hindi na ito nagsayang ng oras at agad sumugod sa amin.
•Draconic Nightmare•
[Boss]
Hp:100%
Level: 50
•Dread Toxin activated•
May maitim na usok na lumabas mula sa bibig nito. Ang halimaw ay mukang dragon na usok. Ang kulay nito ay purong itim na gabi. Ang mga mata nito ay kulay pula na parang mga dugo.
"Quaaaahhhh" Unti-unti nang lumalapit sa amin ang maitim na usok. Lahat ng madikit dito ay unti unting nalulusaw. "Trinity!!! Hindi tatalab ang physical damage dyan kailangan natin ng magic damage." Sabi ko.
"Lalabanan natin yan?" Tanong nya sakin. Sumugot ako. "Oo, kailangan nating magtulungan para mabilis."
•Dread Toxin activated•
"Huh?!kaya mong manggaya ng skill?!" Nagulat si Trinity sa ipinakita ko. "Nagpromise ako na hindi ko na gagamitin ang kapangyarihan ko pero gagamitin ko ito pag kailangan lang." Binalot ko ang sarili ko sa kulay itim na usok.
"Wag kang mag alala hindi ka mamamatay pag nadikit ka dito dahil naka party tayo. Hindi ito umiipekto sa kakampi." Hindi na nagdalawang isip si Trinity at-
•Mana distortion activated•
Biglang nagkaroon ng crack sa hangin malapit sa Draconic Nightnare. Unti-unti nang nababawasan ang dread toxin at tila ba hinihigop ito papunta sa malaking crack.
- 4% HP
Agad ko namang sinamantala ang pangyayari at sinugod ang kalaban. Dahil may nakabalot na sa akin na dread toxin, kahit gumamit na ako ng mga physical attacks.
•Fissure activated•
Sinuntok ko ang ulo ng Draconic Nightmare at gumana nga, tinablan ito. Tumilapon ang Draconic nightmare at tumama ito sa Mana distortion na skill ni Trinity.
- 10% HP
- 5% HP
Nasa 80% nalang ang buhay ng boss. Sinuntok ko ulit sya ngunit nakailag sya. Lumipad ang halimaw saka ito nagpakawala ng mga Bola ng apoy.
•Incinerating Chaos activated•
Agad kaming umilag ni Trinity ngunit nung bumagsak ito sa lupa ay sumabog ito. Nadaplisan ako ng fragment at tinamaan ang paa ko.
- 5% HP
Grabe anlakas ng bawas ng boss. Paano pa kaya pag lahat ng skill nya ay tumama sa akin. "Kyaaaaahhhh!!!" Narinig ko ang sigaw ni Trinity. May palapit na Incinerating chaos skill shot sa kanya. Agad akong nagdash.
•Fissure activated•
Sinuntok ko ang skill shot at nasira ito. Sumabog ito at halos lahat ng fragments ay tumama sa akin. "Shinsen!!!" Sigaw nya.
- 73% HP
Ang sakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay sinusunog ako ng buhay. Ramdam ko ang mga apoy sa ibat ibang sulok ng aking katawan. Pinilit kong gumalaw ngunit hindi ko magawa.
"Shinsen, ako na munang bahala dito!!!" Pipigilan ko sana sya pero hindi ako makagalaw. Mas malakas pa sya sa inaasahan ko.
•Cursed Claws activated•
Umilaw ang mg kamay ng boss. Si Trinity naman ay inilibas na nya ang espada nya. Pabilis ng pabilis ang takbo nya. Ang Boss naman ay naghihintay sa pag lapit nya.
•Mana Distortion activated•
Paglapit ni Trinity ay sinubukan syang kalmutin ng boss. Si Trinity naman ay nagdash at iwinasiwas ang espada nya. Nagtama ang skill nila at nalamangan ni Trinity ang Draconic Nighmare.
Ngayon ay hinihigop katawan nito papunta sa distortion. "Quaaah!!!" Daing ng boss habang ito ay hinihigop. Napakalas ng paghigop nito at pati na ang mg nasa paligid ay nadadamay.
- 15% HP
- 15% HP
-10% HP
Unti-unti syang lumiliit hanggang sa biglang tumigil ang Arcane distortion. Agad akong napatingin kay Trinity at nakita kong hinang-hina na sya. Kulang sa kalahati pa ang buhay ng boss. Kahit nakalahati na rin ang laki nito ay ganon parin ang lakas nito.
Sinubukan ko nang gumalaw. "Hckk" Daing ko ng makaramdam ako ng matinding sakit.
- 2% HP
Kailangan ko syang iligtas. Hindi ko na hahayaang mapahamak sya ulit. Kahit hinang-hina ay pinilit kong sumugod sa boss at inequip ko na ang lahat ng Items ko.
•Spectral Tricks Set equipped•
[One of the Royalties has been chosen]
Yung ang lumabas sa notification ko. Bigla akong nakaramdam ng malakas na daloy ng enerhiya. Tila ba nag-iba ang tingin ko sa paligid. Tumalas ang lahat pakiramdam ko, paningin, pang amoy at iba pa.
Agad kong ginamit ang staff ko. Muka itong scythe kaya madali itong mapagkakamalan. Ang weapon na ito ay pwedeng maging invicible at pwede rin sa close range combat. Ang pangalan nito ay Nighmare's Edge, isang Mythical item.
Iwimasiwas ko ang scythe ko o staff... Ah basta weapon ko. Hinati ko ang hangin at tila ba nasaktan ito.
- 2% HP
Tama nga ako. Pagkatapos non ay nagpakawala ako ng mga Electric orbs at ipinaulan sa kanya. "Qraaaahhh!!!" Sigaw nito.
- 5% HP
- 5% HP
- 5% HP
- 5% HP
- 5% HP
- 5% HP
Biglang lumipad palayo ang Draconic nightmare at sumigawulit ito. "Wrooaaaahhh!!!" Unti-unti ay may naiipong kulay purple na bilog sa bunganga nito. Lumalaki ito bawat segundo at tila ba sasabog.
•Dreadful Chronic Blast activated•
Nang mabasa ko ang pakakawalan nyang skill ay agad akong pumunta kay Trinity. Tama nga nga ang naging hula ko at pinakawalan nya ang orb sa direksyon namin. Tila ba isa itong napakalaking laser na kayang pumatay ng Diyos.
Agad kong sinilag ang skillshot nya sa pamamagitan ng paghati nito gamit ang blade ng staff ko. "Trinity, ayos ka lang ba?" Tanong ko. Napansin kong medyo tulala sa dahil sa mga pangyayari ngunit di nagtagal ay sumagot din sya. "Ahh oo, salamat'' sabi nya.
- 15% HP
•Level up•
+3
•Item dropped•
Treasure room key
Tumigil na ang pag tira ng boss. Paglingon ko ay unti-unti nang naglalahi ang boss. Mukang buhay ang kapalit ng skill nya. Minsan hindi rin maganda ang mga skill na may recoil damage.
Pagtingin ko sa paligid ay wala na akong makitang corridor. Isang kwarto nalang ang natitira. Ang treasure room. Kinuha ko ang susi at ibinigay kay Trinity. "Gusto ko ikaw ang magbukas ng treasure room. Pagkatapos mong makuha ang lahag ng items doon ay pumunta ka sa kusina sa apartment mag celebrate tayo." Sabi ko.
Hayley's POV
Nag log out na si Shinsen at ako nalang mag-isa. Pagkalapit ko sa may Treasure room ay biglang umilaw ang susi na binigay sa akin ni Shinsen. Agad kong inilagay ang susi sa lock at ipinihit ito. "Click" tumunong ito sinyales na bukas na ang gate.
Pagpasok ko ay namangha ako sa aking nakita. Napakaraming items at mga ginto. Sinimulan ko nang kunin ang mga ito. Kung ganon ito ang dahilan kaya lumakas si Shinsen. Nang makuha ko lahat ng item ay biglang may bumukas sa pader.
May isang item na nasa loob nito. Tila ba tinatawag ako nito. Isa itong prutas. Namangha ako sa ganda nito. Kulay itim ito at may mga kumikislap na puti. Parang kalangitan pag gabi. Kinuha ko ang prutas at may lumabas sa notification ko.
•Mysterious Fruit•
"One of the five Astral fruits. It is said the if you eat this fruit, it will give you an out of this world power."
Wala namang masama kung kakainin ko ito. Sabi ni Shinsen ay may kinain syang prutas kaya sya lumakas ng ganon. Kinagat ko ang prutas, grave ang sarap. Napaka soft nito at parang kumagat ka sa nagyeyelong pakwan-
•You died•
Adrian's POV
Umaga na pala... Agad akong tumayo at nagluto ng agahan. Matapos kong magluto ay sakto namang lumabas si Hayley sa kwarto nya. Napakalungkot ng ekspresyon na at tila iiyak nanaman sya. "Adrian... Namatay ako..." Sabi nya. Natawa ako sa kanya. Ganyan din ako nung magising ako pagkatapos kong kainin yung prutas na iyon.
"Ganun talaga, nung kinain ko din yung prutas ay namatay ako." Sabi ko sa kanya. "Talaga?" Tanong nya. Napaka galing nya pala sa vrmmorpg malaki ang maitutulong nya sakin sa Fantasy's Gate.
"Oo nga, umupo ka na at kumain na tayo ng agahan. Nagluto ako ng Adobo." Sabi ko. Umupo na sya at kumuha na ng kanin at ulam. Susubo na sana sya ngunit bigla syang huminto. "Baka may gayuma to ah." Biro nya.
"W-wala." Sabi ko. "Wala pa..." Bulong ko. "Ano?!" Sigaw nya. Naalala ko nanaman yung nangyari in-game nung nagalit sya. Kinabutan ako, nakakatakot sya.
"Wala po... Sige kain na tayo." Kumain na kami at pagkatapos non ay naghanda na kami para pumasok. Pagdating namin sa school ay kakaunti palang ang tao. Mukang napaaga kami. May nakita si Hayley si Bulletin board.
[Augmented Tournament]
Brought to you by: Fantasy's Gate
Be the best player of the academy!!!!
Join the battle of the ages. Conquer the arena and be the strongest duo in the academy.
The tournament only available in duo. You can register now by filling up the forms given by your adviser.
Tournament countdown:
3:12:36:50
Mukang may gaganapin na tournament. "Gusto mo partner tayo?" Tanong ko. "Aahh? Pero mahina pa ako sa Fantasy's gate." Sabi nya. Tinignan ko ulit yung bulletin board at tinuro yung tournament countdown. "Meron pa naman tayong 3 days para magpractice"