Di na kami pumasok dahil inexcuse na kami ng doctor. Kasalukuyan ko ngayong pinag mamasdan ang isang cube na ibinigay sa akin ng matanda. Itinabi ko na muna ito sa may desk ng computer ko at saka ako nag facebook.
May lumabas na advertisement sa screen ko. Sabi dito ay malapit na daw bago maglalabas ng mga bagong stocks. Nang tignan ko ang Hexacore cube ay napansin kong may pagkakaparehas ito sa ibinigay sa akin ng matanda.
Agad akong humiga sa kama at inihanda ang isang cube na ibinigay sa akin nung matanda. Pagpindot ko sa cube ay naging isa itong salamin. Kahawig ito ng mga 3d glasses. Agad ko itong isinuot at pinindot ang button sa gilid. Sa wakas ay makakapag log in na ako sa Lucid Fantasy.
[Starting character link]
♦Initiating Full Dive Mode♦
Agad na nagliwanag ang kapaligiran at napunta ako sa isang maliwanag na kwarto. Alam ko na ito. Nasubukan ko na ito noong nag beta test ako ng Fantasy's Gate. Tama,kung ganon isa itong hexacore cube!
May lumabas na isang hologram sa harap ko. Ito ang character customization screen. Agad kong inayos ang istura ng avatar ko at pinindot ko na rin ang PH server. Pagkatapos ko non ay inilagay ko na ang IGN ko o In Game Name. Pagkatapos non ay pinindot ko na ang Start button.
Name:Shinsen
Lvl:1
HP:100%
Class:Mage
Nang magising ako ay nandito na ako sa isang gubat. Napaka ganada ng tanawin dito at aakalain mong ito ang riyalidad. Naglakad lakad ako sa may kagubatan hanggang sa may nakita akong floating castle. Napansin kong mabagal na gumagalaw ang castle kaya umakyat ako sa pinaka mataas na puno. Nang malapit na ang castle ay tunalon na ako at pinasok to. Pagpasok ko ay may narinig akong kumakaluskos sa likod ko. Paglingon ko ay may nakita akong isang malaking baboy.
•Devil Boar•
[Boss]
HP:100%
Level:30
Lagot na!!!Level one palang ako pero may boss na agad akong nakaharap. Wala pa akong mga skills at item kaya wala akong chance para matalo tong boss na ito.
Agad akong tumakbo.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ang mahalaga ay makatakas ako sa Boss na yon. Pag lingon ko sa likod ko ay hinahabol nya pa ako.
Nang maabutan nya ako ay agad ako humarap sa kanya sabay suntok.
-0.1% HP
What the!!! Tuluyan ko nang kinalimutan ko na ang pagpatay sa boss at patuloy na tumakbo. Patuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa makapunta ako sa throne room.
Pagpasok ko sa throne room ay biglang gumalaw ang mga estatwa at sinubukan akong atakihin.
•Throne Guardian•
[GUARDIAN]
Level:50
Biglang sumara ang mga daanan palabas at nacorner ako. Patuloy lang ako sa pag atras hanggang sa makarating ako sa trono. Pag atras ko ay may aksidente akong napindot. May lagusan na bumukas sa tabi ng trono. Pagkakita ko sa pagbukas ng nakataging lagusan ay agad akong pumasok dito.
Hahampas pa sana ang mga Throne guardian pero buti nalang at mabagal silang gumalaw. Biglang sumara ang lagusan at naipit ang isa at namatay.
•level up•
+12
•Items dropped•
×500 Guardianite
10000 GOLD
Treasure room key
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nakakita ako ng isang malaking gate. Pagkahawak ko sa may gate ay bigla itong umilaw. Kasabay non ay ang pag ilaw ng susi sa may inventory ko. Agad kong nilabas ang susi at sinubukang buksan ang gate. "Click" tunog ng lock.
Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa harapan ko ang ibat ibang mga item. "Lucky..." Yun nalang ang nasabi ko. Agad kong kinuha ang lahat ng item na nakita ko. Pero nang makuha ko na halos lahat ng item ay meron isang item na kumuha sa atensyon ko. May nakita akong item na nasa may gitna ng treasure room.
Nilapitan ko ito at pinagmasdan. Isa itong prutas na mukang dyamamte. Kumikislap ito at tila ba naglalabas ng malakas na enerhiya.
•Forbidden fruit•
"
It is said thay if you it this fruit it will give you a great power"
Kinuha ko ang prutas mula sa lalagyan at pinagmasdan ito. Kulay pula ito na parang dugo. Tila ba sumisigaw ito at nagmamkaawa na kainin ko sya. Di ko na napigilan ang sarili ko at kinain ang prutas.
•You Died•
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa may kwarto na ako. Mukang mafoforce log out ka pag namatay ang character mo sa laro. Kakailanganin pang mag hintay ng 5 hours bago nakapag log in ulit. Pagtingin ko sa labas ay gabi palang kaya wala na akong nagawa at natulog nalang.
***
"Adrian!!! Gising na!!!" Hirap pa akong idilat ang mga mata ko. "Malelate na tayo! Tumayo ka na dyan!" Ulit pa nya. Unti-unti kong idinilat ang mga maya ko at nakita ko si Hayley.Pagtingin ko sa orasan ay nagulat ako sa nakita ko.
<[ |6:30 AM| ]>
Thirty minutes nalang bago ang klase!!! "Uhhmmm...pwede ba akong sumabay sayo sa pagpasok?" Tanong ni Hayley. Ok to para mas makilala ko pa sya. Buong buhay ko wala pa akong naging kaibigan. Mukang mag kakatotoo na ang pangarap ko. Pero...
"Luh male-late ka na pag sumabay ka pa sakin." Sabi ko. "Aabot pa tayo pag binilisan mo. Please sabay na tayo... Sige ka pag napahamak ako mawawalan ka na ng mabait na customer." Sabi nya habang nagkukunyaring umiiyak. Agad naman akong tumugon. "Wait lang ngarod magbibihis na ako. Labas ka muna sa kwarto ko."
Nagmadali ako naghanda para sa eskwelahan at sabay kami ni Hayley na naglakad papunta sa Academy.
"Adrian, alam mo ba yung Cross Dive feature ng HCC?" Tanong sakin ni Hayley.
"Oo naman, balita ko nga magkakaroon daw ng tournament sa Academy." Sagot ko.
Tila namangha sya sa sinabi ko ngunit bigla itong napalitan ng lungkot."Wow! Gusto kong sumali sa ganon! Pero...wala pa akong HCC... Pag di pa ako nakabili agad ay mahihirapan na akong humabol ng level..."
"Hmm daan tayo mamaya sa shop tingin tayo kung may tinda na ulit silang HCC." Sabi ko sabay ngiti.
Muli, nabalot ng kasiyahan ang muka nya. "Talaga?! Promise yan ah. Hintayin nalang kita sa rooftop this afternoon." Ansaya pala pag nakakapag pasaya ka ng mga tao.
Inihatid ko na muna sya sa room nya. Grade ten din pala sya at magkatabi lang kami ng room. "Oiy thank you sa paghatid ah." Sabi nya. "Ahh wala yon tabi lang naman ng room nyo yung room namin eh." Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na sa room namin.
Hayley's POV
Nandito na ako sa rooftop at hinihintay ang pagdating nya. Excited na akong maka bili ng HCC. Di na ako mapakali at pinag iisipan ko na kung anong class ang pipiliin ko.
Di nagtagal at dumating na si Adrian. "Sorry,kanina ka pa ba dyan?". Tanong nya. Sa totoo lanag kakarating ko lang din. Ang akala ko nga ay nandito na sya at naghihintay na." Uhm... Hindi naman kakarating ko lang."
Umalis na kami sa school at nagtungo sa shop na sinasabi nya. "Maligayang pagdating sa Techsphere." Bati ng nagbabantay sa may shop." Oh Adrian ikaw pala."
"Good moning po sir Alex, meron na po ba kayong bagong stock ng Hexacore cube?" Tanong ni Adrian. Pumasok yung si Sir Alex sa may isang kwarto at naghanap. Paglabas nya ay may hawak syang isang HCC. "Ito nalang ang meron ako. Walang may balak bumili nito dahil napakamahal ng presyo." Paliwanag ng nagbebenta.
"Sir tumatanggap ka po ba ng bitcoin?" Tanong ni Adrian. "Ah bale 100 bitcoins lahat." Sabi ni sir. Grabe ang mahal!!! Kinalabit ko si Adrian. "Balik nalang tayo pag may bago nang stocks. Saka di ko kayang bayaran yan." Ah ok lang libre ko na kahit di mo na bayaran. Uh pwede labas ka muna saglit may pag uusapan lang kami."
Lumabas na muna ako at mukang mahalaga. Grabe mabubuhay na ako ng ilang taon sa dami ng perang iyon.
Adrian's POV
Si sir Alex lang ang natitira kong kamag anak. Sya ang kapatid ng papa ko. Hindi namin sinasabi kahit kanino ang tugkol dito para sa kaligtasan namig dalawa.
"Sir ito po ang card ko." Kinuha ni sir Alex ang card ko at iniscan. "Saan galing ang lahat ng perang to?" Tanong ni sir sabay bigay ng HCC. "Nakuha ko po yan in-game. Napapad ako sa isang floating castle at inexplore yon. Madami po akong nakuhang item at may nakita akong item na "Forbidden Fruit" ang pangalan." Paliwanag ko.
"Hmmm kinain mo ba ang prutas na iyon?." Tanong sakin ni sir. "Opo, alam nyo po ba kung ano yon?" Tanong ko din. "Mayroong apat na . Ang Mysterious fruit, Cursed Fruit, Divine fruit, at Demonic fruit. Ang mga ito ay nga special items at kaya ka nitong gawing top player."Paliwanag ni sir Adrian.
Naguluhan ako sa paliwanag ni sir Alex kaya nagtanong ulit ako. "Huh? Ano pong connect ng Forbidden fruit sa mga Lucid fruit?"
"Ang totoo ay nag iisa lang ang Astral fruit. Ang apat na iyon ay clone lamang ng Forbidden fruit. Yun lang muna ang masasabi ko ngayon. Ang ibang detalye ay malalaman mo sa loob mundong iyon."
"Meron pa po pala akong itatanong...Alam nyo po ba kung ano ito?" Tanong ko at saka ko ipina kita yung HCC ko."Hmmm kaya pala nakuha mo ang forbidden fruit. Ang hexacore cube at ang binili mo kanina ay espesyal. Sa katunayan ay may tatlo pang mga espesyal na HCC. Gamit ang mga ito ay maaari mong makuha ang mga Lucid fruit." Biglang naging seryoso ang muka nya at nagtanong.
"Nasaan nya sya? Yung nagbigay nyan sayo?!" Bakas sa muka nya ang pag aalala at galit."H-hindi ko po alam... Nawalan na po ako ng malay noon at nung magising ako ay nasa hospital na ako. Tinulungan ko po kasi sya dahil po merong mga nagtangkang pumatay sa kanya." Paliwanag ko.
Hayley's POV
"Oiy eto na yung HCC mo. Espesyal yan kaya ingatan mo yan ah. Hangga't maaari ay wag yang ipapakita sa ibang tao maliban sating tatlo nila sir Alex." Hindi ko alam pero biglang nagbago ang mood nya. Naging napakaseryoso nya bigla. "Uuh salamat nga pala para dito..."
Omaygad, Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Umuwi na kami sa apartment nya pagkabili. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para mag log in agad pero bigla nya akong hinarangan.
" Gusto ko dapat sabay tayong mag log in. Ang ign (in-game name) ko ay Shinsen. Gusto ko pag log in mo ay i-friend mo agad ako at may kailangan tayong gawin." Hindi ko maiwasang magtaka dahil hanggang ngayon ay napaka seryoso parin nya."Uh sige tara na mag log-in"
Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama. Pinindot ko na ang HCC at naging isa itong salamin. Heto na ako...
♦Initiating Full Dive Mode♦
Nagising ako sa isang kulay puting kwarto.May nakita akong character customization screen.
Name:Trinity
Health:100%
Level:1
Class:Assassin
Bigla akong nateleport sa isang malawak na gubat. Naalala ko ang sinabi kanina ni Adrian kaya agad ko syang inadd sa friend list ko. Makalipas ang ilang minuto ay biglang may lumabas na notification.
Do yo want to accept Shinsen's party invitation?
[Yes][No]
Nang pindutin ko ang yes ay bigla may nagteleport sa tabi ko. "Tara dun tayo pupunta." Sabi nya sabay turo sa may floating castle sa di kalayuan. Namangha ako sa nakita ko sapagkat napaka ganda ng tanawin.
"Paano tayo makakapunta doon?" Tanong ko sa kanya. "Nakikita mo yung bundok na iyon? Aakyatin natin yon para makarating tayo sa castle.
Sinimulan na namin ang paglalakad pagpunta sa castle. "Hmm Adrian...mas mabuti siguro kung magpalevel muna tayo..." Suggest ko. Huminto si Adrian para mag isip. " Mas maganda pag magtatawagan nalang tayo sa ign natin. Saka patayin nalang natin yung mga mobs na haharang sa atin."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at ilang minuto lang ay may nakasalubong na kaming mob.
•Slime•
Level 3
HP:100%
Hinintay kong tumalon ang slime at saka ko ito sinalubong sa ere. Pagkababa ko ay nagtaka ako dahil wala akong natanggap na xp. Pagtining ko sa likod ko ay naging dalawa na yung slime.
"Hindi ka ba tutulog?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan mainis dahil pinapanood nya lang ako at ako lang ang inaatake ng slime. "Level 13 na ako kaya konti nalang ang ibibigay na xp nyan sakin. Saka kung gusto mong pumatay ng slime ay wag kang gagamit ng kahit anong physical attack." Sabi nya.
Pero paano ko ito mapapatay. Assassin lang ako at naka base ang mga atake ko sa physical damage. Patuloy ko lang silang hinati-hati hanggang sa maging 32 na sila. Pagod na ako... Hindi ko na kaya.
"Oh ano? Tara na?" Aya sakin ni Shinsen. "Hindi, hindi tayo aalis hanggat hindi ko sila nauubos." Sagot ko."Ikaw ang bahala^_^"
Ngayon lang sumagi sa isip ko... Binuksan ang menu ko at tinignan ang mga skill ko. Napaka tnga ko talaga...
•Arcane Blade activated•
Nagpatuloy na ako sa pag hiwa sa kanila. Napansin kong pag nahahati sila ay tuluyan na silang namamatay. Nang may 10 nalang ang natitira ay biglang nagbago ang galawa nila. Humi to sila sa pag atake at unti-unting nalusaw.
"Trinity!!! Umalis ka na dyan!!!" Sigaw sa akin ni Shinsen. Agad ako tumalon palayo sa pwesto ko. Pag talon ko sa pwesto ko ay biglang lumabas ang isang golem sa kinatatauyan ko kanina.
•Mud Golem•
Level:30
HP:100%
Sumugod si Shinsen sa may Golem. Susuntukin na sana sya nito, buti nalang ay agad na nakapag side step si Shinsen. Umatake ulit yung golem ngunit umamba na ng suntok ai Shinsen.
•Fissure activated•
Nagsalubong sila ng suntok ngunit hindi kinaya ng golem. Sumabog ito at nagkapirapiraso dahil sa skill ni Shinsen.
•Level up•
+14
Mukang level 15 na ako. Sya kaya... Ano nang level nya. Nagpatulo lang kami sa pagpatay ng mga mobs na nadadaanan namin hanggang sa makarating kami sa itaas ng bundok.
Biglang napatigil si Shinsen. "Anong ginagawa nyo dito?!" Sigaw nya. May lumabas na tatlong lalake mula sa sulok. "Kami ang nauna dito umalis na kayo." Sabi ng isang lalake.
"Hindi sa inyo ang castle na yan!!!" Sigaw ulit ni Shinsen. Natatakot na ako... Parang hindi na si Shinsen ang kasama ko. Nagsalita ulit si Shinsen "Aalis kayo o sapilitan ko kayong paaalisin?"
Natawa lang mga lalake. "Bata...mukang hindi mo kilala kung sino kami!!!" Pananakot ng isa sa kanila. "Kami ang PK trio!!! Kung ayaw nyong mawala ang mga item nyo ay umalis nalang kayo dito." Dagdag pa ng isa.
"Catastrophe."
•Forbidden Art:Catastrophe Activated•
Nang masabi yun ni Shinsen ay biglang naging kasing kulay ng dugo ang langit. Nagdilim ang paligid at naramdaman ko nanaman ang takot na naramdaman ko noon.
Nakarinig ako ng mga sigaw at mga nakakatakot na tunog. Mga tunog na hindi mo gugustuhing marininig. Biglang huminto ang mga tunof ma naririnig ko. Unti-unti nang nagliliwanag ang lahat at bumabalik na sa dati.
Hindi ko na kinaya at napaupo nalang ako sa takot. Nakita ko ang katawan ng tatlong player... Wala nang buhay. Nagkalasog lasog ang mga katawan nila at tila ba kinuhanan ng kaluluwa.