Chereads / Project: Spectre / Chapter 2 - Chapter 1: Hospital

Chapter 2 - Chapter 1: Hospital

Adrian's POV

Ilang araw lang ang nakalipas ay mabilis na naubos ang stocks ng Hexacore cube. Nakakalungkot pero hindi ako naka bili ng Hexacore cube. Ilang buwan din akong nagipon para don ngunit naubusan ako ng stocks.

Kasalukuyan ako ngayon nakatira sa may apartment ko. Ito ang naipamana ng mga magulang ko sa akin. May 3 years na rin nung namatay sila sa isang aksidente.

Ako nga pala si Adrian Stillwater. Grade ten na ako,fifteen years old at nag aaral sa Halverd Academy.

Papunta na sana ako ng kusina nang makasalubong ko si Hayley. "Oh,Adrian ito nga pala yung bayad ko pang dalawang buwan." Sabi nya sabay abot sakin ng pera.

Sya si Hayley,Kalilipat nya lang dito kahapon kaya bago pa sya. Nangungupahan sya dito sa apartment ko. Minsan palang kaming nag usap kaya pangalan palang ang alam ko tungkol sa kanya.

Dumiretso na ako sa kusina para kumain.Pagbukas ko ng ref ay maraming pagkain. Mukang naka sweldo nanaman yata si Hayley sa part time job nya.

Napagpasyahan kong kumain nalang sa labas dahil wala na pala akong pagkain. "Adrian!" Sigaw ni Hayley sa akin. "Saan ka pupunta?"

"Kakain nalang ako sa labas wala na kasi akong pagkain doon eh." Sabi ko.Lalabas na sana ako nang hilahin nya ang t-shirt ko.

"Uhm...Gabi na. Delikado na sa labas kaya share nalang muna tayo sa pagkain ko." Sabi nya habang nakayuko.Medyo nahiya sya sa sinabi nya.

"Ok lang ako. Pag di ako nakabalik sayo na yung apartment." Sagot ko.Nagulat sya sa sinabi ko at napatingin sya sakin kaya natawa ako." Joke lang yon."

Maya maya pa ay bigla nya nalang akong hinila papasok sa apartment. "Hey,hey...Oo na.Di na ako aalis." Sabi ko habang hinihila (kinakaladkad) nya ako papunta sa apartment.

"Wag mo sabihing natatakot kang mag isa?" Tanong ko. Hindi sya sumagot at tinignan nya lang ako ng masama.

Nakakatakot pala sya pag galit. "Curfew na kaya bawal ka nang lumabas." Sabi nya sakin habang inaayos ang mga pagkain.

Pagtingin ko sa orasan ko ay hindi na pala ito gumagana kaya tinignan ko ang oras sa cell phone ko. Pag tingin ko ay 11:00 PM na pala.

"Hindi ka pa nakakakain?" Tanong ko sa kanya." Hindi pa eh,Sinubukan ko pa kasi yung hexacore cube.'' Sabi nya. " Wow,buti ka pa nakabili ng ganyan. Ubos na kasi lahat ng stocks at wala na akong ibang mabilan." Sabi ko sabay kagat sa sandwich na gawa ni Hayley.

Pagkatapos naming kumain ay natulog na kami. Magkatabi lang ang kwarto namin kaya hanggat maaari ay iniiwsan kong mag ingay at hinihinaan ko ang volume ng computer ko para hindi maka istorbo.

Matatapos na sana ako sa ginagawa kong assignment nang mawalan ng kuryente. Wala na akong nagawa kundi matulog nalang.

Makakatulog na sana ako nang may kumatok sa kwarto ko. "Uhm,pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Hayley mula sa labas. "Ah sige hindi naka lock yan."

Pumasok si Hayley na may dala dalang mga unan. "Pwede bang makitulog?" Tila nahiya sya sa sinabi nya. "Natatakot ka?" Tanong ko. Tinignan ako ni Hayley sandali at yumuko na ulit sya. "Ah...eh...oo..." sagot nya.

Agad akong naglatag ng sapin sa sahig at naglagay ng bed sheet. Naglagay na rin ako ng ilang unan don at ready na. Napansin kong papunta si Hayley sa Higaan sa sahig. "Hey!Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Uhm...matutulog?" Sabi nya. Hihiga na sana sya ng pigilan ko sya. "Doon ka sa kama at dito ako sa sahig." Nagulat sya sa sinabi ko at napatulala saglit. "No thanks." Sabay ngiti. "Dito nalang ako sa sahig." Sabi nya.

Hahayaan ko nalang sana sya nang may maisip ako na dahilan. "Ok pumili ka,sa kama ka matutulog o isosoli ko yung bayad mo at pwede ka ng umalis sa apartment ko." Hindi na sya nag dalawang isip at agad na pumunta sa kama para mahiga.

Hayley's POV

Nakakainis,bakit kasi hindi ko matanggal yung takot ko sa dilim na ito. Hanggang ngayon bakas parin sa isapan ko ang nangyari sa pamilya ko.

Recognition noon sa school namin. Lahat kami ay nasa school,tuwang tuwa pa sa akin noon si papa. Pag katapos ng recognition ay kumain kami ng pamilya ko sa isang restaurant.

Lahat kami ay masasayang nagsecelebrate hanggang sa...mamatay ang mga ilaw.

Napakadilim non at nagkakagulo. Takbuhan doon,sigawan dito kaya nawalay ako sa pamilya ko. Nakakita ako ng ilang mga tao na naka kukay itim. May hawak silang mga baril kaya agad akong nagtago sa isang sulok.

Akala ko ligtas na ako ngunit may nakakkita sa akin. May pinainom sila sakin na kung ano at agad na akong nakatulog. Pagkagising ko ay maliwanag na. Nakita ko ang lahat ng mga tao... kasama ang pamilya ko... lahat.. sila... ay wala nang buhay.

Adrian's POV

Pagkagising ko ay wala na si Hayley sa kama. Tinignan ko ang orasan ko at nabigla ako sa nakita ko. Lagot ako,late na ako. Sigurado mananalo nanaman ako ng unlimited sermon from that terror teacher.

Agad akong nagbihis at kumain nalang ng tinapay habang tumatakbo. Napagpasyahan kong dumaan na sa shortcut para mas mabilis. Didiretso na sana ako sa school nang may makita ako matandang lalaki na napapaligiran ng mga nakaitim na lalaki.

Tumingin sa akin ang matanda na parang sinasabi nya na tulungan ko sya. Naglakad ako palapit sa kanila ngunit di nila ako mapansin. Bumunot ang isang lalaking nakaitim ng baril at itinutok sa ulo ng matanda.

Agad akong pumulot ng bato at inihagis sa kanila.Tinamaan sa ulo ang lalaking may hawak na baril kaya nawalan ito ng malay. Ngayon ay nakatuon na sa akin ang atensyon ng dalawa pang lalaki. Kanina mukang wala akong chance dahil tatlo pa sila. Ngunit dahil dalawa nalang sila.

Mataas na ang chance kong mapatumba sila. Agad akong sumugod at tumakbo ng pa zigzag na pattern para ma intimidate ang kalaban. Luckily,hindi ako matamaan ng isa pang lalaking may baril. Ang isa naman ay may hawak na patalim at naghihintay sa pagdating ko.

Buti pa sya marunong maghintay. Sabagay,alam nya kasi na darating yung hinihintay nya. Hindi katulad sa akin,naghihintay sa wala.

Sinubukan akong gilitan ng lalaking may patalim ngunit agad akong yumuko. Itinuon ko lahat ng pwersa ko sa mga binti ko at saka ako tumalon sabay patama ng malakas na uppercut sa ulo ng lalaki kaya agad itong nawala ng malay.

Hindi ko napansin at sinuntok na ako ng lalaki sa likuran ko. Tinamaan ako sa kaliwang braso ko. Napakalakas ng suntok nya kaya halos hindi ko na maigalaw ang kaliwa ko. Agad akong tumakbo at sinubukan syang sipain ngunit nasapo nya ang paa ko kaya agad nya akong ibinalibag sa tabi ng matanda.

"Ack!" Daing ko nang suntukin ako ng lalaki sa tyan. Kailangan kong makabawi kundi goodbye Earth na ako. Nangmamanhid at nanlalambot na ang buo kong katawan kaya halos hindi na ako makagalaw.

Hinintay ko nalang ang tiyempo. Nang susuntukin na ako ay agad kong sinaksak ang kamay ng lalaki na naging dahilan para mapaatras sya. Agad syang sumakay sa kotse nya habang hila-hila ang dalawa nya pang kasama. Hahabulin ko sana sila pero wala na akong lakas.

"Sa...la.ma.t ba..ta.." Sabi ng matanda habang hinang hina.Pareho kami ngayong nakasandal sa pader dito sa likod ng abandunadong building. "Tanggapin...m-mo i.ito..."Sabi nya saka iniabot sa akin ang isang cube. "Napakaha...hala-g-ga nya..nyan...p-para ssa aki..n" Hinang hina na sya at pinipilit nalang magsalita.

Pagkatapos non ay nawalan na sya ng malay. Tumitibok pa ang puso nya kaya buhay pa sya.Pinahirapan siguro sya ng mga taong yon. Maya-maya pa at unti unti nang dumilim ang paningin ko hanggang sa bumagsak ng ako.

Hayley's POV

Papunta ako ngayon sa hospital dahil may nagtext sa cellphone ko na nasa hospital daw si Adrian. Sana ayos lang sya.

"Kayo po ba ang girlfriend ni Mr. Stillwater?" Tanong ng nurse sa akin. "Huh?!Friend lang!" Nagulat ako sa sinabi ng nurse kaya napasigaw ako. Natahimik yung nurse at itinuro nalang ang room sa malapit. Grabe nakakahiya,lahat ng tao nakatingin sa akin.

Pagpasok ko ay gising na sya. "Kamusta na?" Tanong ko kay Adrian. "Ah medyo ok na." Sabi nya. Mahilig pala syang makipag away.

Uupo pa sano ako nang makita kong tumayo sya sa kama nya. "Ok tara na!" Sabi nya habang nakakabit pa yung dextrose sa kamay nya. "Huh?!Magpahinga ka muna." Sabi ko.

"Sir ako na po magtatanggal dyan." Sabi ng nurse. "Kanina ka pa dyan?!" Gulat na sabi ko nang makita ko sya sa may likod ko.

Umuwi na kami pagkatapos non at kanya-kanya nanaman kami ng mundo. "Alam mo ba yung bagong game?" Tanong ko sa kanya pero tinitigan lang nya ako. "Yung VRMMORPG na Fantasy's Gate sa Hexacore cube." Dugtong ko

"Ah yoon..." Sabi nya.Halata sa muka nya kung gaano sya kalungkot. "Meron kang hexacore cube?" Tanong nya. "Ah oo naman,lahat naman yata meron na non." Sabi ko.Napayuko nalang sya nang sabihin ko yon.

"Naubos na yung stocks nila kaya hindi ako nakabili." Sabi nya. "Ah ganun ba..." Sayang,sabay pa sana kaming papasok sa mundong iyon pero mukang ako nalang mag-isa.