CHAPTER 39
Aesthetic smile
"Why aren't you talking?"
Hindi ko alam kung ano ang paiiralin ko sa oras na ito. Ang dating hiyang nararamdaman ko kapag kasama ko ang Prinsipe ay tila mas lalong nadagdagan. Hindi ko inaasahan ang kanyang ginawang paghalik sa akin lalo na't tatlong beses pa, kaya naman halos hindi ko na siya pinapansin.
"I'm talking to you, why aren't you talking to me?" Ani ng Prinsipe. Nagulat ako ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko habang nakakunot ang noo.
"You've been like this since I kissed you, what's wrong?" Tanong nito. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Hindi ba siya marunong magdahan dahan ng sasabihin? Mas lalo tuloy akong nahiya dahil nagmukhang ipinaalala niya pa ang bagay na iyon.
"Nahihiya ka ba?" Tanong nitong muli. Sa halip na sagutin s'ya ay nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya. Hindi ko kayang kausapin ang prinsipe ngayon, nilalamon ako ng hiya.
Bakit ba kasi nangyari pa iyon?
"Are you gonna keep ignoring me?" Malakas nitong saad sa akin.
Pakiusap Zavan, dumadagundong ang tibok ng puso ko. Lumayo ka sa akin.
Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad. Ngunit sadyang malalaki ang hakbang niya kaysa sa akin kaya naman hindi ako tuluyang nakalayo.
"Hoy!" Ani Zavan.
Sandali akong napahinto. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong hoy? Napalingon ako sa kanya na halatang iritado dahil sa pag-iiwas ko.
"Did you just call me 'hoy' my prince?" Wala sa sariling tanong ko. Nasilayan ko ang pagkurba ng kanyang labi, tila nagustuhan ang sinabi ko.
"Did you just call me 'my prince'?" Aniya at naglakad patungo sa akin. Napaatras ako, pareho kaming nagulat ng lumikha ng ingay ang malaking dahon na natapakan ko.
"Will you please be careful?" Saad niya matapos akong makalikha ng ingay.
"Diyan ka lang, parang awa mo na." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nahihirapan na ako. Kapag hindi siya tumigil sa kanyang ginagawa ay tuluyang bibigay ang dumadagundong kong puso sa kanya.
At hindi ito maaaring mangyari.
"You won't stop me from coming to you, Beryl. No one can." Ani ng prinsipe na ikinagulat ko. Literal akong napahinto sa pag-atras at kinapos ng hininga.
Tama ba ang narinig ko?
"A-ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong. Patuloy siyang lumapit sa akin habang nagsasalita.
"Nagulat ka ba dahil tinawag kita sa pangalan mo? O nagulat ka dahil sa kahulugan ng mga sinabi ko?" Aniya habang seryosong humahakbang patungo sa kinaroroonan ko. "You have such a beautiful name, why are you hiding it? Why won't you tell it to everyone? Why are you not proud of it?" Sunod-sunod na tanong ng Prinsipe hanggang sa tuluyan itong makalapit sa akin at huminto sa aking harapan.
Napalunok ako.
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko.
"I just noticed how you reacted when the echelons mentioned the eighth stone. I noticed everytime they mention the word Beryl, you seemed ambiguous. I love how vague you are, I really can't read you."
Napaatras ako ng mapansing masyado na siyang malapit sa akin. Biglang umakyat ang kaba ko. Maliban ba sa aking pangalan, ano pa ang alam niya tungkol sa akin? Marami na kaya siyang alam? Ano kaya ang maaari niyang gawin?
Ipapatapon niya kaya ako oras na malaman niyang isang hamak na dukha at magnanakaw lamang ako?
"You're Beryl, aren't you?" Tanong nito.
Dumagundong ang tibok ng puso ko. Why does it sound so good? Bakit napakasarap nitong pakinggan habang binabanggit ng prinsipe?
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko matapos niyang hawakan ang aking kaliwang braso at pinigilan ako sa pag-atras.
"You, what are you doing?" Tanong nito. Napatitig naman ako sa kanya, pinilit kong basahin ang kanyang emosyon ngunit ang nababasa ko ay ang nalilitong Zavan. I've never seen him acted this way before, he looks confused. I never expected him to be in chaos like this.
"Pakiusap, bitawan mo ako." Mahinahon kong saad habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa aking braso. I'm restraining myself to do something that would make him feel bad and mad again.
"Why are you doing this to me? What the hell on earth are you doing to me?" Tanong niya. Mas lalo akong nalito, hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy ngunit pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.
Nakakaramdam na ako ng sakit.
"Talk to me. Hindi ko kayang iniiwasan mo ako ng ganito, dahil ba sa halik ko sa'yo?" Tanong nito. Muli akong napaiwas ng tingin
Kahit kailan talaga hindi to marunong magdahan-dahan.
"I kissed you. You don't have to ignore me just because of that."
Inulit pa talaga! Mas lalo ko tuloy na ginugustong lamunin ng lupa sa hiya!
"I can't explain what's happening to me. This is new to me, very new. What have you done to me Beryl?" Muli niyang tanong at inilapit ang mukha sa aking mukha.
Kinakapos tuloy ako ng hininga.
"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo Zavan." Lakas loob kong saad at sinubukang umatras. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi ko ipinahahalatang nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Let's talk about this later, we have some company." Pagkasabi niyon ay nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at sa isang iglap lamang ay nasa likuran niya na ako.
"What?" Hiyaw ko dahil sa pagkabigla.
Kung hindi niya ako inalis sa pwesto ko ay maaaring natuklaw o nakagat na ako ng ahas na nasa harapan namin.
"Manatili ka sa likod ko, huwag kang gagalaw. Malakas ang pakiramdam ng ahas na ito, huwag kang gagalaw." Babala ng prinsipe. Dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin ko'y hindi nga ako gumalaw.
Unti-unting lumapit ang ahas sa pwesto namin. Napasinghap ako ng mapagtanto kung gaano kalaki iyon. Kaya niyong lumunok ng isang tao dahil sa laki at haba niyon.
Anaconda.
"Z-zavan.."
"Stay back, I'll protect you." Wika niya.
Nanlambot ang puso ko at napahawak sa kanyang mga kamay ng wala sa oras.
Ngunit hindi maaari. Ako ang dapat na nagpoprotekta sa kanya, kahit na ikamatay ko pa maibalik ko lamang siya ng maayos sa mga echelons at sa kaharian.
"Anong gagawin mo?" Bulong ko.
"Hug me." Saad niya.
Bigla akong nalito. Anong sabi niya?
"A-ano?"
"Just hug me. Wag ka nang magreklamo yakapin mo na lang ako." Seryoso niyang saad kaya naman wala akong nagawa kundi ang yumakap mula sa kanyang likod. "Kahit anong mangyari huwag kang bibitaw." Dugtong niya.
I sighed, sinyales ba ito na nagkakamabutihan na kami ng prinsipe? Or I am just assuming hard that were good but were not actually fine.
After all, I end up trusting him. So I guess, we're fine.