Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 46 - 43

Chapter 46 - 43

CHAPTER 43

Napahanga ako sa kakaibang pangalan ng prinsipe. Hindi lamang pala basta bastang Zavan ang kanyang pangalan, kakaiba rin ang kanyang pangalan na katulad niya.

Kaso nagtunog pambabae iyon sa akin.

"Don't you dare take anything from anyone aside from me." Mahinang pagbabanta sa akin ng prinsipe. Pasimple akong napalingon sa kanya habang nangingiti.

Nagseselos ba siya?

Itinago ko sa aking bulsa ang compass ni Zavan. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay dumating si Greyson habang kalong kalong si Corinthians.

"Where is Nathalia? Wala pa ba sila Chrysler? Kailangang magamot kaagad ang sugat ni Corinthians." Nag-aalalang ani Greyson matapos ibaba ang duguang si Corinthians.

Agad kaming lumapit sa kanila. Inalalayan ko si Corinthians upang makaupo ng maayos. Nakita ko ang hiwa sa kanyang paa at naramdaman ko kung gaano iyon kasakit.

Maaring ikamatay iyon ng isang taong walang pagsasanay. Kaya naman nakakamangha ang pinagdaanan at pagsasanay nila noon upang makayanan ang ganitong kalagayan ngayon.

Nagmula sa itaas ng kaliwang tuhod ni Corinthians ang hiwa pababa sa kanyang binti. Mahaba at malaki iyon, kasyang kasya ang kamay ko kung ipapasok ko iyon doon. At habang nakikita ko iyon ay mas lalo kong nararamdaman ang paghihirap na nararanasan ni Corinthians.

Maraming dugo ang nawawala sa kanya, pawis na pawis rin siya. Halos malito ako sa gagawin ko samantalang kalmado lamang na naghihintay ang echelons at ang Prinsipe sa pagdating ng dalawa pang echelons.

Hindi ba sila nag aalala sa sitwasyon ni Corinthians?

"Tatalian ko ang sugat mo, magiging masakit ito pero makakatulong ito sa pagpapahinto ng pagdaloy ng dugo." Saad ko. Pinanuod lamang ako ng nanghihinang si Corinthians sa aking ginagawa.

Pinunit ko ang aking damit, wala akong pakialam kung magmukha ulit akong pulubi. Doon ako galing, hindi ko na ikakahiya iyon ngunit hindi rin ako masaya roon. Nakaramdam ako ng lamig sa aking tiyan matapos kong punitin ang ibabang bahagi ng pang itaas kong damit.

"May mga tela ka pa ba?" Tanong ko. Umiling si Corinthians bilang pagtugon. Kitang kita ko ang kanyang panghihina.

"Kailangan kong punitin ang damit mo, mauubusan ka ng dugo kapag hindi natin napigilan iyan." Saad ko. Tumango lamang si Corinthians at hinayaan ako sa pagpunit sa ibabang bahagi ng kanyang damit. Parehas na kaming labas ang pusod, nagmukha tuloy kaming naka crop top.

"ARGH!" Sigaw ni Corinthians ng talian ko ang kanyang sugat. Bawat sigaw niya'y tila kinukurot ang puso ko dahil sa hirap.

"Saan mo natutunan ang bagay na iyan?" Tanong ni Chrysler.

Natigilan ako. Paano ko sasabihing ito ang ginagawa ko noon kapag nagkakasugat ako sa pagnanakaw? Hindi ito ang tamang panahon upang malaman nila ang kwento ko.

"Okay na, huwag ka munang masyadong gumalaw dahil baka mas lalong dumugo." Saad ko.

"Anong nangyari kay Corinthians?" Tanong ng prinsipe.

"She manipulated the wild animals around our area. Mukhang napasobra, I didn't know that she'll be attacked with those animals habang kinukuha ko sa loob ng kweba ang mga batong hiyas. I was attacked by paupers what the hell? Bakit mayroong tao rito maliban sa ating mg echelons? Anong pasabog mayroon si Zandrus?" Ani Greyson.

Bigla akong nanahimik. Ginamit ni Prinsipe Zandrus ang mga dukha upang guluhin ang grupo namin at mukhang nagtagumpay siya.

"He cheated." Ani Zavan.

"Fucker!" Inis na saad ni Greyson. "FRAY!" Sigaw nito. Wala parin ang tattoo niya, ibig sabihin ay hindi pa rin bumabalik si Fray, ang kanyang agila.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Chrysler at Nathalia.

"CORIN?!" sigaw ni Nathalia at tumakbo patungo sa amin. Walang pasabi niyang ginamot si Corinthians gamit ang kanyang mahika at mga dalang herbal.

"Sinong nagtali nito?" Tanong ni Nathalia. Inginuso ako ni Corinthians. Lumingon sa akin si Nathalia atsaka ngumiti.

"Thank you for your first aid." Aniya.

Mas lalo akong natahimik. Tila nagiging kasundo ko na ang mga echelons. Kahit sa oras na ito maramdaman ko man lamang na kabilang ako sa kanila mukhang panalo na ako.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang laban.

Nakompleto na kami. Nagkasundo sundo na rin ang bawat isa. Pakiramdam ko'y kabilang na ako sa kanila, kahit ngayon lang. Alam kong matatapos rin ang oras na ito, kaya't susulitin ko na.

Isa ako sa bumubuo ng grupo ni Zavan.

"Team. I got the chrysoprase and chrysolite. Nathalia got the amethyst and Topaz, Greyson has the Sardius and Sardonyx, plus the Agatha. Chrysler found Chalcedony, Ruby, Alabastro and Emerald. Corinthians has the Jacinth. This is almost a sure win for my throne and your ranks." Ani Zavan pagkatapos ay lumingon sa akin.

"It's okay precious, there are still stones out there." Aniya at ngumiti sa akin.

Bakas sa mukha ng mga echelons ang gulat dahil sa ibang pakikitungo sa akin ng prinsipe.

Binigyan naman ako ng nanunudyong tingin ng mga echelons dahil sa biglaang pag-iiba ng pakikitungo sa akin ni Zavan. Napayuko na lamang ako sa hiya.

Gusto kong matuwa o kiligin dahil sa sinabi ng prinsipe ngunit pinangunahan ako ng pangangamba.

Paano kung hindi ako makahanap ng batong hiyas?

"We still have few stones to search. Hindi tayo hihinto sa paghahanap." Ani Zavan.

"Magpapatuloy kami ni Nathalia sa paghahanap ngayon. Greyson, I need you to stay here upang bantayan si Corinthians at ang babaeng ito." Wika ni Chrysler, nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Hindi pwede! Kailangan ko ring makahanap, sasama ako!" Saad ko.

"No, you stay here. You can have my stones, masyado nang delikado. Greyson will protect you here." Ani Zavan.

"Hindi maaari. Hindi mo to pwedeng gawin sa akin, kailangan ko ring paghirapan ang batong makukuha ko!"

Makikipagtalo pa sana ako ngunit hindi na ako hinayaan pa ng prinsipe na magsalita.

"You stay here." Ani ng prinsipe atsaka lumapit sa akin. Napaupo ako sa tabi ni Corinthians dahil sa panghihina. Hindi maaari.

Kapag ibinigay ng prinsipe sa akin ang nahanap niyang mga bato, paano siya? Paano kung hindi na siya muling makahanap?

Kailangan kong maghanap.

"Aalis na kaagad kami ngayon. Dito lang kayo, Greyson make sure to guard them." Ani Chrysler. "Babalik kami agad bukas ng umaga. Pagkatapos ay sabay sabay na tayong maglalakbay pauwi." muli nitong saad.

Nauna nang umalis sina Nathalia at Chrysler habang ako ay nilapitan ng prinsipe.

Yumuko ako dahil ayokong kausapin ang prinsipe, tinanggalan niya ako ng karapatang ipakita sa lahat na kaya kong maghanap ng batong hiyas.

"Precious don't be mad at me. I just can't afford to see you suffering like Corinthians. Mas mabuti na ang manatili ka rito." Ani Zavan, hindi ko siya nilingon.

Nagtatampo ako sa ginawa niya.

"The compass, just press the compass if you need my help. Darating kaagad ako. Or if not, I'll always come and find you." Mahinang saad ng prinsipe atsaka tumayo.

"I'll go now." Aniya at naglakad papalayo.

Naluluha ko siyang pinagmamasdan papalayo. Hindi ako naiiyak dahil hindi niya ako pinayagang sumama, naiiyak ako dahil natatakot akong hindi na siya bumalik.

Natatakot akong hindi na kami muling magkita.

I want to have 5 minutes rest with him too.

I cannot afford to lose the prince too.

I just can't.

---

HERE'S ANOTHER UPDATE. Gusto ko nang matapos eh, char HAHA. Maraming salamat po sa pagsuporta niyo, tell me your thoughts about this chapter!

Ano na bang mangyayari? HAHAHA. -Lab Berry ♥️