CHAPTER 45
"How are you?" Tanong niya.
"I'm fine. Magpahinga ka na Greyson, maayos ako rito." Mahina kong saad. Greyson heave a deep sighed, pagkatapos ay nakita ko siyang pumikit.
I smiled, they deserve a happy life.
IT'S already midnight nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Agad akong napamulat at napabangon.
Bumalik na ba sila?
Nilingon ko sina Greyson at Corinthians. They're sleeping, hindi na ako mag aabalang gisingin sila.
Tumayo ako at sinundan ang ingay na iyon upang sana ay salubungin ang inaakalang ka grupo ko. Nang mapagtanto kong wala pa rin sila ay bumalik ako kanila Corinthians.
"Stupid, babalik ang prinsipe bukas. You just have to wait." bulong ko sa aking sarili.
Hindi pa ako nakauupo ay biglang lumakas ang ingay. Agad kong binuksan ang aking abilidad at pinakiramdaman ang bagay na iyon.
"Oh shit!" Napamura ko at ginising ang mga natutulog na echelons. We're in danger! "Guys wake up, wake up!" Pasigaw kong bulong.
Agad namang nagising ang dalawa at bumangon. Pareho nilang ininda ang sakit na kanilang nararamdaman at naghanda.
"What is it?" Tanong ni Greyson.
Kailan pa ba ako masasanay? Kung ako ay baka nahilo pa ako pagbangon ko ng biglaan ngunit sila ay bumangon na parang hindi man lamang natulog.
"May mga tao sa paligid.." pabulong kong sagot. "Hindi sila ang mga kasama natin, they're different and,.. there are many of them." Bahagya akong nanginig ng mapagtantong napapaligiran nila kami.
"Aim your weapons." Saad ko.
Tumayo si Greyson at itinago kami sa kanyang likuran.
"I'll protect you ladies, stay back."
Hinawakan ko ang kamay ni Greyson. "You don't have to do this, nanghihina ka pa." Saad ko.
"Grey.."
"I'll risk my life to make you safe, don't worry about me. Hindi lamang ito ang pinagdaanan ko, hindi ba babe?" Ang pagod at hirap sa mukha n'ya ay biglang naglaho.
"Greyson,."
"Shh, I'm alright Corinthians."
Namangha ako dahil sa ginawa ni Greyson. Papaano nila nagagawa ang mga bagay na ito?
"Guys, narito na sila. Magtago muna tayo." Suhestiyon ko.
"I can see them, wala na akong oras para magtago. Remember, this is life and death. I'll keep you safe, magtago na kayo sa malalaking bato."
Muling naluha si Corinthians sa sinabi ni Greyson. Pati ako ay nalungkot, parang binibiyak ang puso ko sa nangyayari.
"Let's go." Ani ko at binuhat si Corinthians.
"No, sasama ako kay Greyson. Magtago ka na!" Pagmamatigas ni Corinthians.
"GO! Don't mind me Corin, you guys should fucking go now!" Nag iba ang timpla ni Greyson, wala na akong nagawa kundi ang hilahin si Corinthians upang magtago sa malalaki bato.
"No! Sasama ako kay Greyson!"
"Wag matigas ang ulo! Handang magsakripisyo si Greyson, ganoon din tayo. Babalik siya, magtiwala ka sa kanya." Giit ko. Wala na akong pakialam kung echelon siya, ngunit sa oras na ito ay pantay pantay na kami.
Inihanda ko ang aking pana nang makapagtago kami ng maayos.
"Fuck!?"
There are 10 of them, samantalang kami ay tatatlo lamang at may injury pa ang dalawa. Sa nararamdamang sakit ni Greyson ay hindi niya ito kakayanin.
"Zandrus cheated!"Nanggigil na saad ni Corinthians.
Binaybay ng mga ito ang ilog na namamagitan sa amin.
"What's up? Team Zavan?" Baritonong tinig iyon ng isang lalaki.
"Zandrus, the cheater!" Sigaw pabalik ni Greyson.
"Oh c'mon Grey! I know you missed me."
"Fuck you Zandrus! Bakit pa nga ba ako magtataka, noon pa lamang ay mandaraya ka na!"
Napahawak ng mahigpit sa akin si Corinthians ng mapagtanto naming hindi lamang sila sampu kundi labing-lima! Labing-lima ang mga tauhan ni Zandrus.
"Wala ka talagang respeto sa nakatataas sayo!" Galit na sigaw ni Zandrus habang naglalakad sa mga kabatuhan sa gitna mga ng ilog.
"Mayroon, kung karespe-respeto ka!" Pagkasabi noon ni Greyson ay sinugod niya ang mga kasamahan ni Zandrus sa gitna ng tubig.
"GREY!" Sigaw ni Corinthians, hindi ito nakatiis at lumabas ito sa pinagtataguan namin pagkatapos ay sumugod ring kasama ni Greyson.
"CORINTHIANS!" sigaw ko.
"Go back! Fuck!" Galit na galit na saad ni Greyson.
"Oh, the perfect couple!" Nakangising sigaw ni Zandrus habang pinapanuod na nagtagisan ang kanyang mga tauhan at ang dalawang echelons ni Zavan.
"Wala ka pa ring ipinagbago Zandrus, kahit kailan ay wala kang karapatan sa trono!" Sigaw ni Corinthians.
Tila nahinto ang lahat. Ang mga salitang iyon ang siyang nagpabago ng timpla ni Zandrus. Nawala ang ngisi sa labi nito at tuluyang namula ang mga mata nito sa galit.
"Corinthians, stay away!" Sigaw ni Greyson.
"Sasamahan kita!"
"No! I said stay away, fuck fuck fuck fuck!"
Nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid gawa ng nagagalit na Prinsipe. Nagsitaasan ang mga tubig sa ilog pati na ang mga bato rito.
"You don't have the rights to say that bitch. Ako ang magtatagumpay, sa akin ang trono!" Pagkasigaw niyon ay bumagsak ang mga bato kasabay ng tubig sa ilog at tumilapon si Corinthians pabalik sa kinaroroonan niya. Bumangga siya sa malaking batong pinagtataguan ko.
"CORINTHIANS!" Sigaw ni Greyson. "Don't you ever treat and hurt my girl like that!" Pagkasabi nito ay nabiyak ang mga batong tinatapakan ng mga kasamahan ni Zandrus.
Napuno ng sigawan ang lugar dahil tuluyang nakasama sa agos ang mga dukhang isinama ni Zandrus.
The paupers!
Nakita ko ang pag taas ng kamay ni Zandrus, kasama nito ay ang pagtaas ng bato sa harap ni Corinthians. He's gonna crash her!
"No!" Tumakbo si Greyson papunta kay Corinthians na ngayon ay hindi makatayo dahil sa hirap.
I aimed my bow and arrow. Siniguro kong matatamaan nito ang prinsipe.
Prince Zandrus raised both of his hands. Umangat ang lupang kinaroroonan ni Corinthians.
"STOP! WAG SIYA! HAYOP KA ZANDRUS, NOT MY GIRL!" Sigaw ni Greyson at binato ng patalim si Zandrus, ngunit nakailag ito.
This time, I'm witnessing Greyson's dark side. Ayaw niyang mapahamak si Corin o sinuman sa amin, will the prince do this to me too?