CHAPTER 44
Seer
Napasandal ako sa malaking batong nasa aking harapan. Tumulo ang luha ko ng tuluyang mawala sa paningin ko ang prinsipe.
Mabagal ang paghinga ko ngunit malakas, nakikisama sa hindi kaaya-ayang pakiramdam sa paligid.
Nilingon ko si Corinthians na ngayon ay nakapikit at patuloy na nanghihina dahil sa kanyang sugat.
Natuon kay Greyson ang paningin ko. Bagsak siya sa lupa at tila hinang-hina. Anong nangyayari sa kanya? Kanina lang ay maayos pa ang isang to.
"Why didn't you tell them Grey?" Mahinang tanong ni Nathalia.
"Tell them what?" Ani Greyson.
"Mas malaki ang injury mo kaysa sa akin. Mas masakit ang nararamdaman mo kaysa sa akin, why didn't you tell the prince? Why didn't you tell Nathalia para magamot ka niya? Why?" Mas lalong humina ang tinig ni Corinthians, tila pinipilit niya lang na magsalita sa gitna ng hirap niyang dinaranas.
"I'm fine." Ngayon ay naririnig ko na ang panghihina sa tinig ni Greyson.
"No you're not. Fray died, Fray fucking died! How dare you!"
I gasped.
Tila tumigil ang mundong ginagalawan ko sa sinabi ni Corinthians. Ang kaninang tahimik na Corinthians ay umiiyak na ngayon.
"Fray died fucker. Fray just died." Pumiyok pa si Corinthians habang sinasabi iyon. Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matapos marinig ang mga bagay na iyon.
"FRAY!" Sigaw ni Greyson habang nanghihinang nakahiga sa lupa. "Fray come back." Ang sigaw nito ay tuluyang naging isang bulong. Greyson's voice broke.
At naramdaman ko kung gaano iyon kasakit.
Mas lalo akong namangha sa mga echelons na kasama ko ngayon. Kung ako ang nasa kalagayan nila ay baka sumuko na ako sa laban.
"How about your back? You idiot, tinamaan ka ng patalim kanina. Malaki rin ang hiwa niyon, fucker why are you so stubborn?" Patuloy ang pag iyak ni Corinthians. Hindi maitatago ang inis at awang nararamdaman kay Greyson.
"Shut up Corin, alalahanin mo ang sarili mo."
"Sinalo mo ang napakaraming patalim para sa akin. You send Fray to bomb the enemies kahit buhay niya ang kapalit,.." Tuluyan nang bumagsak si Corinthians sa panghihina.
Why am I hearing these things?
"Tell me, papaanong hindi kita aalalahanin. Paano Greyson?"
Silence filled the area. Walang sumagot, pinakiramdaman ko si Greyson at Corinthians. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanila, ngunit sigurado akong pareho silang naghihirap ngayon.
And Greyson, he just lost his all time partner. He lost his eagle, he lost Fray.
"Hey." Tawag sa akin ni Corinthians. Agad akong tumayo upang alalayan siya dahil sinusubukan niyang tumayo.
"Help me stand up." aniya. Wala akong nagawa kundi ang tulungan si Corinthians na tumayo. Pagkatapos ay inalis niya ang kamay kong umaalalay sa kanya at tinungo si Greyson.
"Corinthians!" Sigaw ko ng bumagsak si Corinthians sa tabi ni Greyson.
Naiiyak na lamang ako habang pinapanuod ang dalawang magkasamang nilalabanan ang pait na kanilang nararamdaman.
"I'm sorry Greyson." Umiiyak na saad ni Corinthians at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki. Greyson hugged her, at iyon na ata ang pinakamagandang pangyayari sa buhay nila kung hindi ganito ang kanilang sitwasyon.
"Bakit hindi mo sinabi sa Prinsipe na naghihirap ka? Papaano mong naitatago ang lahat ng ito Greyson?"
"I need to be strong. Hindi ito ang oras upang ipakita ang kahinaan ko Corinthians, kung nagpalamon ako ng takot hindi kita maililigtas." Greyson cried.
Napakasakit panuorin ng isang matapang na lalaki na umiyak, ramdam mo talaga ang kaniyang paghihirap. I don't want seeing Greyson cry, I just don't. Paano pa kaya kung ang prinsipe na ang umiyak? Baka mabiyak ang puso ko. Seeing these two cry in agony makes me feel sad.
Bakit ba nangyayari sa amin ang bagay na ito?
"Sana naman sinabi mo man lang sa prinsipe o kaya kay Nathalia, baka sakaling makatulong sila. Magagamot ka ni Nathalia."
"Naalala mo ba ang mga training natin noon? Si Zavan ang binibigyan ng pinakamahirap na pagsubok at parusa. Muntik na nga siyang mapahamak dahil doon, pero ni minsan ay hindi natin siya narinigan ng sama ng loob o reklamo. Alam mo ba kung bakit?" Ani Greyson.
Natutop ko ang aking bibig, masyado ng marami ang pinagdaanan nila. Ang akala ko'y ako na ang pinaka naghihirap na tao sa mundo, ngunit ang mga tao na akala ko'y nabubuhay ng masaya ay wala palang kalayaan. Katulad ko, pinagkaitan kami ng karapatang maging masaya ng mundo.
Bakit?
"Kasi ayaw ni Zavan na makita natin siyang nanghihina. Aside from the judgements because he's a prince, natatakot siyang ipakita ang kanyang kahinaan at paghihirap sa atin dahil ayaw niyang mahirapan din tayo. Katulad ko, anong mangyayari kung kahinaan ko ang nakita mo? Pareho tayong mamamatay kung magpapasakop ako ng takot, at hindi pwede iyon. Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yo Corinthians." I felt Greyson's sincerity when he said those words.
Marahil sa panghihina ay tuluyan nang pumikit ang mga mata ni Corinthians. They deserve a happy life.
Nanatili akong nakaupo sa malaking bato habang pinapanuod ang masalimuot na pinagdaraanan ng dalawang echelons.
Hindi ko inakalang ganito sila kabagay at kagandang tingnan kung wala lang silang pinagdadaanan.
"We'll be safe." Bulong ni Greyson at hinalikan ang noo ng natutulog na si Corinthians. Sandali siyang napalingon sa akin.
"How are you, witch?"
"Beryl,."
"What?"
"My name is Beryl." Sagot ko. Nasilayan ko ang ngiti sa labi ni Greyson.
"Finally, after all we've been through nabigyan mo rin kami ng pagkakataong malaman ang iyong pangalan. You have such a beautiful name, Beryl."
Napangiti ako sa sinabi ni Greyson. Gumaan ang pakiramdam ko, masaya palang marinig mo ang pangalan mo lalo na sa mga hindi inaasahang tao.
"Thank you." I mouthed. Gusto ko na namang maluha. Lubos akong humahanga sa mga echelons ng Prinsipe, sila na ata ang pinakamatatapang na taong nakilala ko.
Despite their agony, they don't know how to give up. They keep going, at isa iyon sa pinakamagagandang aral na natutunan ko simula ng makasama ko sila. Keep going.
Yeah, I think its better if we should trust each other more.